XLII - Saving Ember

       Marami ang iba't ibang uri ng bagyo.

       May mga bagyong nagdadala ng malakas na pag-ulan. Minsan naman ay mayroon itong kasamang malakas na hangin. Syempre hindi rin mawawala ang malakas na pagkulog at pagkidlat.

 

   "Ha? Kilala mo siya bilang Ante Fe... pero si Aunt Celestia niyo talaga siya? Parang ang gulo." Tanging pagtango lang ang maisagot ko kay Melissa, sapagkat maging ako ay gulong gulo na rin. Pero sa tingin ko ay hindi lang ako ang nagulat, dahil maging sina kuya Yohan ay hindi tinatantanan si Aunt Celestia.

       Simula pa kanina noong nasa byahe kami ay puros tanong na ang ibinabato nila rito, pero maging isa ay wala man lang siyang sinasagot. Puros tawa at pag-iling lang ang ginagawa ni Aunt Celestia tapos ay nagpapatay malisya. Naalala ko noong dati rin, tuwing nakakausap ko siya, ganyan na ganyan din ang ginagawa niya kapag may isang tanong siyang ayaw sagutin. Minsan nga ay iniiba pa niya ang usapan.

       Hanggang sa makarating kami rito sa isang cabin, sa gitna ng kagubatan, ay walang ibang maririnig dito kung hindi ay boses nila Kuya. Maya maya rin ay sumisingit sila Axel at Shawn, hindi maiwasang magbigay ng komento nila. Hindi ko na rin nga alam kung ilang beses ng bumuntong hininga itong mga katabi ko, lalong lalo na si Cassandra na halatang naiinis na sa hindi maiwasang pagbabangayan nilang anim.

        Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari rito, sana pala sumama na lang kami nina Melissa at Cassandra kanila Vivienne at Raven. Sa kabilang sasakyan kasi sila sumakay, kasama sina Sir Saturn at si Xenon na wala pa ring malay. Kung hindi lang ako interesado sa katauhan ni Aunt Celestia hindi ako sasama kanila Kuya.

        Pagkahintong pagkahinto ng sasakyan ay agad namang nagsibabaan sila Kuya. Halos mag unahan din sila Axel at Shawn sa pagpasok sa cabin. Sumunod din ako agad sa paglabas ng sasakyan, dahil gusto ko sanang makausap si Auntie Fe, pero bago ko pa siya malapitan ay naglalakad na agad siya palayo. Hindi ko tuloy maiwasang mapabuntong hininga na lang, sapagkat mukhang kailangan mag-antay ng mga katanungan ko hanggang mamaya.

       "Parang mas lalo atang umasim yung mukha mo, Peppermint. Namiss mo ba akong kasama sa isang sasakyan?" Umiling na lang ako sa nang-aasar na tono ng pananalita ni Raven, na kinasayanan ko na rin sa pagtagal ng panahon. Sa punto ngang ito ay hindi na ako nagugulat kapag bigla na lang siyang sumusulpot sa tabi ko.

       "Ayos ka lang ba?" Imbes na sagutin siya ay itinanong ko na lang ang unang mga salitang pumasok sa isipan ko. Wala naman akong natanggap na sagot sa kanya, at para kaming binalot sandali ng katahimikan, kaya naman nilingon ko na lang siya. Naka-awang ng kaonti ang kanyang bibig, at nakataas ang isang kilay niya. Mukhang nagulat siya sa tanong ko, pero agad din naman siyang napa-iling na lang. Hindi ko tuloy maiwasang matawa ng mahina.

       "Para kang nakakita ng multo." Puna ko na agad niyang sinagot, "sa wakas, Peppermint! Sa wakas alam mo na rin na mukha kang multo!" Sinundan niya pa ito ng pekeng pagsinghap na para bang gulat na gulat siya, kaya sinamaan ko na lang siya ng tingin. Isang malakas na tawa lang naman ang pinakawalan niya, na kumuha ng atensyon ng ilang security personnel, kaya naglakad na lang ako palayo sa kinatatayuan niya. Napa-iling na lang din ako.

       Tingnan mo ang isang iyon, kahit kailan talaga ay palagi pa ring nakakahanap ng paraan para asarin ako.

       "'Wag kang mag-alala, maganda ka namang multo... Kahit papaano." Siniko ko agad si Raven nang makasunod siya sa akin, at iyan agad ang tinuran niya. Kaso ay wala namang epekto iyon sa kanya kasi natawa lang siya lalo.

       Natigil lang ata siya sa kakatawa nang makatungtong na kami sa may porch nitong cabin. Ito siguro yung cabin na sinabi noon nila kuya Jarvis na pagmamay-ari ni Aunt Celestia. May kulay puting rocking chair sa may gilid, at marami ring potted plants na nagsisilbing disenyo ng lugar. Mula rin dito sa kinatatayuan ko ay kitang-kita ko na nakaupo sila Kuya pati sina Axel sa loob, animo'y nagbabatuhan ng masamang tingin.

       Papasok na rin sana ako pero bago ko tuluyang magawa ay natigilan muna ako nang maramdaman ko ang paghawak ni Raven sa braso ko. Kung kanina ay hindi siya matigil sa pagtawa, ngayon naman ay sumeryoso bigla ang kanyang mukha.

       Bago ko pa magawang magtanong sa kanya, ay inunahan niya na rin akong magsalita. "Kahit anong mangyari sa loob, o kahit anong malaman natin, tandaan mo pa rin kung anong pinaka gusto mong makuha rito. Set your eyes on the goal, no matter what."

        Hindi na niya ako inantay na makasagot pagkatapos no'n dahil inunahan niya na akong pumasok sa loob. Naiwan naman akong nakakunot ang noo habang nakatingin sa likod niya. Tila naglalaro sa isipan ko ang mga salitang binitawan niya.

       "Daydreaming?" Napasinghap ako sa gulat at nabalik sa huwisyo nang may bumulong sa tainga ko. Napa-atras din ako nang paglingon ko ay nakita kong si Auntie Fe pala ito, may mapaglarong ngiti sa kanyang labi.

        Napa-iling iling na lang ako habang unti-unting umaayos ang sistema ko. Ni hindi ko napansin kung saan siya nanggaling.

        "Auntie... Ang dami ko pong gustong itanong sa'yo.." Pinutol naman agad niya ang pagsasalita ko sa agarang pag-iling niya. Inilagay din niya ang kanyang hintuturo sa labi niya, animo'y sinesenyasan akong tumahimik.

        "Later, iha. We have a lot of time to catch up once we already save your friend." Tanging turan niya bago naglakad papasok. Isang buntong hininga na lang ang pinakawalan ko, tapos sumunod na sa kanya.

        Hindi na ako makikipagtalo sa rason na iyon, dahil kaya ko namang sarilinin muna ang mga gumugulo sa isipan ko. Kung matutulungan niya kaming iligtas si Arianne, doon muna ako magpopokus.

        Kaya naman kahit mabigat ang loob ko sa lahat ng mga nangyayari, pilit ko na lang itong isinantabi at sumunod na lang papasok sa cabin.

       "When are you going to answer our questions, Aunt Celestia?" Ang naiiritang boses ni kuya Yohan ang unang sumalubong sa akin paglapit na paglapit ko sa kanila. Hindi rin niya itinatago ang iritasyon sa kanyang mukha habang nakatingin dito.

        "I believe it's us who can answer your question." Singit naman ni Shawn na agad na umani ng pag-ismid mula kay Vivienne. Dumiretso naman ako sa tabi ni Kuya Hendrix, na nasa harapan lang din ni Vivienne at Raven.

       "Yes, because we can definitely trust you." Sarkastikong sabat naman ni kuya Jarvis na umani din ng mapang-asar na tawa mula kay Axel. Nagkatinginan tuloy kami nina Melissa at Cassandra dahil sa namumuong tensyon sa kanila ng kapatid ko.

       "Arianne did trust us... She still do. Although I can't say the same for you." Walang paligoy-ligoy naman na sagot ni Axel, may mayabang na ngisi sa labi niya. Alam kong hindi iyon ikinatuwa ni kuya Jarvis lalo pa't umigting ang kanyang panga, at ang higpit ng hawak ni kuya Travis sa balikat niya.

       Papagitna na sana ako para sawayin sila, pero bago ko pa magawa ay napatingin na kami kay Vivienne. Nangibabaw kasi ang malamig niyang boses, dahilan para mabalot kami ng katahimikan.

       "You are many things, Carson. And being a jerk is definitely one of them." Diretso lang ang tingin niya kay Axel na halatang nagulat sa sinabi niya. Hindi rin naman binigyan ni Vivienne ng pagkakataon sumagot ito, dahil bumaling na siya kay kuya Jarvis.

        "And you, Montecillo, I expect you to be more level-headed than him! Snap out of it!" Alam kong nakakatakot si Vivienne dahil madalas ay tahimik siya, seryoso, at ang dami niyang alam... Pero hindi ko lubos akalaing mas nakakatakot siya kapag naisipan niya ng sumabat. Medyo lumalakas din ang boses niya at parang palamig ito ng palamig sa bawat salitang binibitawan niya. Isa-isa niya rin kaming binalingan ng tingin, may kakaiba sa mga titig niya na para bang kapag nagtama ang mga mata niyo ay mararamdaman mo ang nararamdaman niya; ang takot na maiwang nakalutang sa malamig, madilim at malawak na karagatan habang pinapanood ang mahal niya sa buhay na malunod at mahatak sa kalaliman tapos ay wala siyang magawa.

       Ganoon ka-importante si Arianne kay Vivienne. Ganoon niya kagustong maligtas ngayon ang kapatid niya, dahil ito na lang ang pamilyang mayroon siya.

       "Wala akong pakialam kung parehas kayong nagkakandarapa sa kapatid ko, o kahit magpatayan kayo sa harapan ko. Pero gawin niyo iyon kapag nabawi ko na si Arianne, dahil kapag may nangyari sa kanya... Kapag hindi natin siya naligtas agad dahil sa pagbabangayan niyong dalawa, sa akin kayo mananagot."

       "Ooh, feisty." Si Aunt Celestia lang ang may lakas ng loob na bumasag sa tila nakakalason na katahimikan. Ngiting-ngiti pa siyang nakatingin kay Vivienne na para bang nakakita siya ng isang magandang bagay matapos ang isang mahabang araw. Napakunot naman ang noo ni Vivienne, halatang naiinis, pero hindi na siya sumagot lalo pa't lumingon na rin si Auntie kay kuya Travis.

       "I like this girl, Travis. Although I'm sure you already see what I see in her, no?" Aniya at kumindat pa kay Kuya kaya napataas na lang ang isang kilay ko.

       Mukhang hindi lang ako ang nakapansin sa pagbabago ng reaksyon ni kuya Travis. Halatang hindi siya natutuwa na napunta sa kanya bigla ang atensyon ni Aunt Celestia. Alam kong nakita rin ni Cassandra iyon pati na ang pagpapalitan ng tingin ng mga kapatid ko, kaya sumingit na siya sa usapan.

       "Can we focus now on how to save Arianne?" Kalmado pero may diin ang bawat salitang binitawan ni Cass, medyo mababakas din ang inis sa boses niya kaya nagkatinginan kami ni Melissa at nagkibit-balikat na lang.

       "And how are these two associated with you?" Tanong niya habang itinuturo sina Shawn na mukhang nagulat sa mabilis na pagbabago ng mga pangyayari.

        Nagkibit balikat naman si Aunt Celestia bago prenteng sumagot, "They came knocking outside my door one day, saying that a certain Arianne Arabella needs my help so who am I to deny them of that?" Tanging sagot niya na para bang sobrang casual lang ng ginawang paglapit nina Axel at Shawn sa kanya.

        "How did you know about Aunt Celestia, and how did you even find her? How did Arianne know about her?" Nagtataka at tila naguguluhang tanong ni kuya Hendrix sa tabi ko. Hindi ko naman inalis ang tingin ko kanila Shawn dahil pati ako ay nag-aantay ng isasagot nila. Iyon na iyon din kasi ang gusto ko sanang itanong.

       Nagpalitan muna ng tingin sina Axel at Shawn, bago parehong bumuntong hininga at bumaling sa akin. Medyo nagulat ako na sa akin sila tumitig, pero hindi ko na lang ito pinansin. 

       "Alexandria, on the day you left for Central with your family, Arianne asked us to come with her. We didn't know that time that she was already planning on bringing us somewhere safe, we honestly thought it was just a quick trip out of the campus." Panimula ni Axel.

       "Thinking about it now, it was a little suspicious since she kept on acting differently, and even the mere mention of Aliea's name made her uncomfortable." Dagdag pa niya na tinanguan din ni Shawn.

       "When we got to the safe house, that's where Arianne admitted everything to us. She told us that Aliea isn't who we think she is, and that she's no ally. Arianne also revealed to us what's been happening to her since she got to Girdwood. I can't put quite a word on it, but she phrased it as "I wasn't myself". Honestly we are still confused about everything, but one thing is clear to us... Arianne is against something we– she– can't fight alone, and we fear for her life." Punong-puno ng sinserong pag-aalala at pangamba ang boses ni Axel nang sabihin niya iyon. Maaari ngang hindi kami magkaka-sundo, pero sa isang bagay ay tiyak ako... mahalaga sa kanila si Arianne, at hindi nila nanaising may mangyaring hindi maganda sa kanya.

       "If I understand it correctly, Arianne told you what she's been going through, the things she know, and her plans moving forward. And if that's the case, would you mind sharing it with us?" Kalmadong tanong ni kuya Yohan, naka-pokus din ang tingin niya kanila Shawn na animo'y inaabangan niya ng sobra ang magiging sagot nila.

       Nagpalitan naman muna ng tingin sina Axel at Shawn, siguro ay napapa-isip kung tingin ba nila ay pwede nilang sabihin sa amin ang kung ano mang nalalaman nila. Tingin ko rin ay hindi lang ako ang may kutob sa kung ano ba iyong pwede nilang sabihin. Pakiramdam ko ay naiisip din nila Kuya at nila Cassandra ang alam nila Axel, pero mas mabuti na rin iyong may kumpirmasyon kami sa mga hinala namin.

       Tumikhim naman si Shawn, para siguro basagin ang panandaliang katahimikan, bago siya nagturan. "Stephen Austria.. We have an idea that you already know who he is and what he's truly capable of. It turns out that Arianne has been under his control during the time that she was in Girdwood. There are things she did that is against her will... Her eyes were opened to a completely different world outside of the reality that we're all living in. She learned things that's way beyond her expectations, one of those is the fact that Aliea and her family is working with Stephen... and that behind the Aliea that we know is a cold-blooded murderer who follows Stephen's orders without second thoughts."

      "Arianne also said that Stephen is planning something big, but she doesn't have any idea yet what it is. According to her, when she awoken from the manipulation she is under, all she could think was pretend so she can gather more information. Pinagsisisihan niya na hindi niya kayo makausap, at na hindi niya agad nasabi ang lahat ng ito sa amin. Kailangan niyong maintindihan na hindi niya alam kung sino ang pagkakatiwalaan niya, at kailangan niyang maging mag-ingat." Habang sinasabi iyon ni Shawn ay isa-isa niya kaming tinitingnan. Para bang sinasabi niya na humihingi ng tawad si Arianne dahil kinailangan niyang magpanggap sa harapan namin.

       Hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang lungkot para sa kaibigan ko. Kung tutuusin ay sobra sobra na ang pinagdaanan niya... Tapos binitbit niya pa ang lahat ng ito sa sarili niya, iyong naisin man niyang humingi ng tulong ay hindi niya magawa– hindi ko lubos maisip gaano kahirap iyon para sa kanya.

       "Anong nangyari pagkatapos? Bakit nahiwalay sa inyo si Arianne?" Tanong naman ni kuya Hendrix kaya nabaling naman sa kanya ang tingin nila Axel. Sinagot din naman siya agad nito, "when we woke up the next morning she was already gone. I had a hunch that it's because of the fact that she warned Vivienne that something was about to happen to you on your way to Central. And I remembered Arianne saying the day before that if things take a wrong turn, we can seek Celestia Hillock's help. Suffice it to say, Arianne knows a lot of things but she can only give us enough knowledge to ensure our safety. Kung paano niya nakilala ang isang Celestia Hillock ay hindi namin alam, kung bakit naisip niyang matutulungan kami nito ay mas lalong wala kaming ideya. We can only pick up these little crumbs that Arianne left for us."

       Pare-pareho naman kaming lahat na nagkatinginan sa isa't isa. Alam namin ang tinutukoy nilang warning ni Arianne kay Vivienne, at naikuwento na rin namin ito kay Cassandra. Iyon yung araw na papunta kami sa Central at may mga umatake sa amin. Nakaligtas kami noong mga oras na iyon dahil sa tulong ni Vivienne at ng pamilya niya. Hindi na rin lingid sa kaalaman naming kay Arianne nanggaling ang babala na iyon... Pero pagkatapos noon, anong nangyari?

       Nasaan na si Arianne?

       "You're saying that what my sister did... There's a big possibility that Stephen found out about it and now she's missing... and is most probably in danger... Or..." Hindi man itinuloy ni Vivienne ang sinasabi niya, alam kong alam naman naming lahat ang tumatakbo sa isip niya.

       Mula naman sa pagkaka-upo ay biglang tumayo si Aunt Celestia at tumayo sa harapan naming lahat. Pumwesto siya sa may gitna at isa-isa kaming binalingan ng tingin.

       "I'm sure all of you are thinking that Arianne may be in danger. Well, yes she definitely is. Now, if she's already dead or not... what I can only say about that is if we don't save her on time, she will end up dying for real. And now, we can just stay here and play twenty questions all week, or we can just leave first things first tomorrow and I'll bring all of you to where Arianne is." Mula sa gilid ng mga mata ko ay kitang-kita ko ang tila biglaang pamumutla nina Melissa at Cass, at ang panandaliang takot na lumandas sa mga mata ni Vivienne. Umigting naman ang panga ni kuya Jarvis habang matalim ang tingin sa sahig na para bang gusto niyang ibuhos lahat ng galit niya rito.

       Tanging pagkunot ng noo lang din ang nagawa nila Axel at Shawn, bago sila parehong bumuntong hininga.

       Hindi ko rin maiwasang mapansin ang pagtaas ng isang kilay ni kuya Yohan at ang palitan nila ng tingin ni kuya Travis, na para bang may gustong gusto silang itanong... Pero tila ba pinipigilan lang nila ang sarili nila. Hindi ko rin maiwasang mapahawak sa braso ni kuya Hendrix kaya umani ito ng nag-aalalang tingin mula sa kanya, na hindi ko na lang pinansin.

       "Aunt Celestia..." Alam kong nakuha ko ang atensyon nilang lahat nang tawagin ko ang taong kinilala kong Auntie Fe buong buhay ko... Pero wala akong pakialam. Lalo pa at naglalaro rin sa utak ko ng paulit-ulit ang mga salitang binitawan ni Raven kanina.

       Nagtama rin ang tingin namin ni Raven, at sa simpleng tango pa lang niya ay alam ko na ang nais niyang ipahiwatig. Kaya naman humugot muna ako ng isang malalim na buntong hininga bago diretsong tiningnan sa mata ang babaeng nasa harapan naming lahat.

       "Dalhin mo kami kung nasaan si Arianne." Iyon na lang ang tanging nasabi ko na pinalitan lang niya ng isang makahulugang ngiti bago tumango, at mabilis na lumisan papunta sa tingin ko ay kwarto o opisina niya, at iniwan kaming tulala lahat.

       Tumatakbo ang isipan ko sa kung saan saan, at para bang naglalaro ang lahat ng detalye sa utak ko. Pakiramdam ko ay may mali, at may hindi kami nalalaman. Iba ang kutob ko sa biglaang pagsulpot ni Auntie Fe, o Aunt Celestia... Nais kong malaman kung paano niya nakilala si Arianne, o paano siya nakilala ni Arianne. Kung bakit walang pag-aalinlangan siyang tumulong kanila Axel at Shawn, kung paano niya nalaman kung nasaan kami o kung nasaan nga si Arianne. Kung anong pinaplano niya o tumatakbo sa isip niya. Kung bakit ngayon lang niya naisipang makisama sa lahat ng nangyayari, at ni wala kaming narinig mula sa kanya sa buong panahon simula nang una kaming nahiwalay kay Daddy matapos ang Hillwood Day. Gulong-gulo na ako na kahit nakasama at nakilala ko siya noong bata ako ay ni hindi ko magawang magtiwala sa kanya. Pero...

       "Do you trust her?" Mahinahong tanong sa akin ni kuya Hendrix kaya napalingon ako sa kanya. Saka ko lang napansin na isa-isa ng umalis din sila Kuya, patungo sa magkaka-ibang direksyon, at na kaming dalawa na lang ang naiwan dito. Umiling naman ako agad bilang sagot sa tanong ng kapatid ko, bago ko sinulyapan ang pinaka-huling taong naglalakad palayo sa aming dalawa.

       "Hindi... Pero sa kanya, may tiwala ako." Tanging sagot ko sa kapatid ko, pansin ko ring sinundan niya ang tingin ko at napatango na lang.

       Sakto namang lumingon muli sa amin si Raven, bago mabilis na pumasok sa unang kwartong nadaanan niya.

       "Set your eyes on the goal, no matter what." Sa kabila ng lahat ng tanong na nasa isipan ko, paulit-ulit ang mga salitang iyon sa akin.

       Ang tanging hangad ko rito ay maligtas si Arianne, at iyon ang gagawin ko. Isa pa, malakas ang kutob kong pareho kami ng iniisip ni Raven.

       Mangyayari ito, sa ayaw man namin o sa gusto.

      

~ ~ ~


       Nakatayo ako rito sa may veranda ng cabin ni Aunt Celestia habang pinagmamasdan sa ibaba ang isang taong kilala kong kayang kontrolin ang kidlat. Ang isang taong alam ko kung gaano kalambot ang puso, at batid ko rin kung gaano siya kalakas.

       Hindi rin lingid sa kaalaman naming lahat kung gaano kaimportante para sa kanya ang mga taong mahal niya, at kung ano ang kayang mga gawin niya masiguro lang ang kaligtasan ng mga ito.

        Jarvis Montecillo, the one who controls the Sky and the Lightning.

       Iyon ang pagkakakilala sa kanya ng karamihan, pero bilang kapatid niya... Bilang isang taong nakakita kung gaano siya nagpursige para mas lumakas, para mas matuto at mas maging "the best" version ng sarili niya, alam kong lubos pa roon ang kaya niyang gawin.

       He is more than that, ika nga ng iba. Tama sila.

       Kasi si Kuya Jarvis... isa siyang sword at shield. Sword na handang pumaslang kung kinakailangan. Isang sandatang alam kung ano ang kakayahan niya, at kung ano ang magagawa niya, pero kahit ganoon ay maingat pa rin siya. Dahil kahit napakalakas niya, alam niya naman kung ano ang tama at mali, kung kailan dapat at hindi dapat lumaban.

       Bukod pa roon ay isa rin siyang shield na laging andyan para pumrotekta. Kaakibat ng sword sa labanan ay ang shield na laging andyan pag kailangan mo upang masiguro ang kaligtasan mo... ganoon na ganoon siya. Kaya niyang maging taong kailangan mo hindi lang pagdating sa pag-atake, kung hindi ay pati na rin sa pagdepensa.

       Pero katulad ng ibang weapons, hindi dapat natin palaging iasa sa sword at shield ang bawat laban na haharapin natin. Kasi minsan ay umaabot din sila sa punto na nagiging delikado na sila, dahil wala na silang kontrol sa lakas nila. Minsan ay nasasagad din sila, lalo na kung ang kaligtasan na ng taong gusto nilang protektahan ang pinag-uusapan.

       ...o kung ginagamit na laban sa kanila ang taong simula pa lang ay pinagdesisyunan na nilang paglaanan ng kakayahan nila.

       Parang si Kuya Jarvis ngayon... Hindi lang siya binabalot ng galit kung hindi ay pati na rin ng sakit. Sobrang delikado niya ngayon hindi dahil wala siyang kontrol sa lakas niya, pero dahil alam na alam niya kung paano ito hahawakan.

        Alam ni Kuya kung ano ang kaya niyang gawin, at handa siyang gamitin iyon, kahit sino pa ang pumigil sa kanya. At mas nakakatakot iyon kumpara sa taong hindi kayang kontrolin ang lakas nila.

       Bakit?

       Simple lang... Ang mga ganitong oras ay iyong mga oras na maging mismo siya ay hindi niya magagawang protektahan ang sarili niya. Hindi niya kayang depensahan ang sarili niya mula sa paparating na sakit at sa magiging lakas niya dahil para sa kanya ay wala na siyang maramdaman. Hindi na magagamit ng maayos ang Sword at Shield sa isang paparating na laban...

       Dahil si Arianne, ang tanging tao na may kakayahang gamitin ang weapon na ito, ay ginagamit na ngayon para saktan siya.

        Gustong-gusto ko siyang lapitan, at aluin. Gusto ko siyang yakapin at patahanin, pero hindi ko magawa. Paano ko magagawang punasan ang kanyang luha, kung wala namang nanggagaling na pagtangis mula sa kalangitan?

       Bumuntong hininga na lang ako at napapikit, umaasang sa aking pagdilat ay babalik na ang saya sa mga mata ng kapatid ko. Sayang matagal ko ng hindi nakikita.

       Pero sa halip na iyon ang makita ko sa isipan ko, ibang mga salita ang narinig ko. Mga salitang nagpabilis ng tibok ng puso ko. Mga salitang dumagdag pa lalo sa takot ko.

       “And thou shall feel the Lightning's fears”

       Yung parteng ito sa Promise... ito ang ibig sabihin no'n.

     "His anger and pain is too strong, it was suffocating." Agad akong napadilat nang marinig ko ang boses ni kuya Travis. Tama nga ako, andito siya sa tabi ko at mukhang kakalapit niya lang. Nakahalukipkip ang dalawang kamay niya sa kanyang dibdib, habang diretsong nakatingin sa kinatatayuan ni kuya Jarvis.

       "Ngayon Kuya? Hindi na ba?" Tanong ko nang muli ko ring ibinalik ang tingin sa kapatid namin. Nakita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang kanyang pag-iling bago siya muling sumagot.

       "I temporarily blocked our connection for now, because I can't take it anymore, baby A. Jarvis's emotions are only getting stronger every passing second, and it's sending my own emotions spiraling. If we want to save Arianne, and help our brother, I need to make sure that I'll be able to get a hold of my own Abilities." Paliwanag niya na agad ko ring tinanguan.

       Bumuntong hininga na lang din ako at napakagat sa labi ko. Sabagay kahit hindi gamitan ng Ability ay kitang-kita ko na rin kung ano ang ibig sabihin ni kuya Travis. Dahil ngayon ay nasisilayan ng mga mata ko ang pinaghalong galit at sakit na naipon sa loob ng kapatid namin.

        Hindi ko maiwasang isipin kung paano umabot ang lahat sa ganito. Naghahalo-halo na ang mga katanungan at galit sa loob ko.

       Kung tama ang pagkakaintidi ko sa Promise na iyon... kone-konektado ang mga nangyayari. Dapat nasa amin ang magandang kapalaran, pero bakit puros sakit lang?

       Simula pa lang ay naka-ayos na ang lahat. Sa umpisa pa lang ay nakahanda na ang bawat litrato, ang bawat senaryo at ang bawat pangyayari. Matagal ng isinakatuparan ang laro para masiguro ang panalo ng lahat sa huli, pero anong nangyari ngayon?

       Saan nagsimulang magulo ang plano? Saan lumiko ang sasakyan ng tadhanang kinabibilangan namin?

       "Are you ready, baby A?" Ni hindi ko kailangang tanungin si Kuya Travis kung ano ang ibig niyang sabihin. Agad na lang akong tumango sa kanya, at mabilis na pinasadahan ng tingin si Kuya Jarvis na tahimik lang na naka-upo sa ibaba. Kung iisipin mukhang siyang kalmado, pero alam kong kabaliktaran lang ang lahat. Dahil hindi na niya kailangan umimik, sapat na ang ipinapakita ng kalangitan para malaman namin kung gaano kadelikado ang mga susunod na oras.

       Tumalikod na lang ako at nagsimula ng lumakad pabalik sa loob, nakasunod kay kuya Travis. Nang nakapasok na kami ulit sa loob ng cabin ay dumiretso si kuya kanila kuya Hendrix at kuya Yohan. Isa-isa ko namang binalingan ng tingin ang mga kaibigan ko.

        Tahimik na naka-upo si Cassandra pero makikita sa mata niya ang galit. Sa tabi niya ay Melissa na sinusuri ang bow at arrow niya. Si Raven naman ay tahimik lang na naka-upo sa tabi ng Ate niya, nakasandal sa headrest ng couch at nakapikit.

       Wala ring imik si Vivienne na naka-upo sa tapat nila Cass, hawak hawak niya ang weapon niya at tinititigan ito. Kung tama ang pagkaka-alala ko, iyan ang weapon na ginamit niya noong tumulong siya sa pakikipaglaban noong Hillwood Day. Hindi ko ito kailangang titigan ng matagal para malamang gawa rin ito sa materyales na ginamit sa paggawa ng dagger ni Arianne. Siguro ay ginawa din iyan para sa kanya ni Tito Favian.

       "Ready to save Arianne?" Nabaling ang atensyon ko kay Aunt Celestia nang sumulpot siya bigla. Hindi pa rin ako makapaniwalang si Aunte Fe ay si Aunt Celestia, at na ang dami niyang alam sa mga nangyayari. Nakatatak pa rin sa isipan kong kailangan ko siyang maka-usap ng kaming dalawa lang, pero sa ngayon ay makakapag-antay ito. Saka mukhang iniiwasan niya rin ako simula pa kahapon dahil matapos naming maghiwa-hiwalay ay hindi na siya lumabas muli ng kwarto niya. Kinuha ko na iyong senyales na ayaw pa rin niya akong kausapin ng masinsinan. Pagbibigyan ko muna siya, dahil sa ngayon ay handa akong sumugal sa kung anong alam niya, at kung ano ang katungkulan niya sa gitna ng lahat ng ito, maligtas lang namin si Arianne

        Isa pa ay hindi lang siya ang iniisip ko ngayon. Pati na rin ang dalawang taong nakasunod sa kanya. Ang dalawang taong ni hindi ko inakalang makakasama o magiging katulong namin.

       "Let's go save ember." Seryosong turan ni Axel. Bago sila bumaling ni Shawn sa sunod sunod na kidlat na gawa ni kuya Jarvis sa labas.

       Pinasadahan ko na lang din ito ng tingin bago bumuntong hininga.

       Marami ang iba't ibang uri ng bagyo.

       May mga bagyong nagdadala ng malakas na pag-ulan. Minsan naman ay mayroon itong kasamang malakas na hangin. Syempre hindi rin mawawala ang malakas na pagkulog at pagkidlat.

       Ngunit alam niyo ba kung ano ang pinaka-nakakatakot na bagyo sa lahat?

       Marahil ang isasagot ng karamihan ay ang uri ng bagyo kung saan hindi lang ulan ang malakas, pati na rin ang hangin at kidlat. Animo'y pinag-isa ang lahat sa isang panahon.

       Pero ang totoo, hindi iyon. For some people fears the absence of those elements more than the storm itself.

       Mas nakakatakot ang bagyo na walang pinapakitang galit, at hindi naglalabas ng luha. Dahil ito ang bagyong naipon ng matagal, at ang pagdating nito ay hindi mo aasahan at kakayanin. Ito ang bagyong hindi nanggaling sa kung anong elemento, dahil ito ang bagyong namuo sa puso.

       Marami ang iba't ibang uri ng bagyo.

        Ngunit alam niyo ba kung ano ang pinaka-nakakatakot na bagyo sa lahat?

        It's the storm that Jarvis Montecillo will bring.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top