XL - For My Son
May mga taong hindi mo naman kaano-ano pero hindi mo akalaing iba pala ang magiging parte sa buhay mo. Mga taong hindi mo kadugo, pero handa palang tumulong sa'yo ano man ang mangyari.
Sila iyong mga taong hindi man nakikita ng iba ang halaga, nagdadala naman ng kamangha-manghang katotohanan. Iyong mga taong kapag kinilala mo saka mo lang mapagtatantong marami na pala ang nagawa para makatulong sa iba, para sumuporta sa nakararami at tama.
Mga taong handa ring gawin ang lahat para sa mga mahal nila sa buhay...
"We're here!" Tila nabalik ako sa huwisyo nang marinig ko ang anunsyo ni Kuya Yohan. Kasabay din nito ang paghinto ng sasakyan.
Sabay sabay na lang kaming bumaba at pinagmasdan ang paligid. Sa tingin ko ay nasa isa rin kaming lugar na medyo malayo sa kabihasnan o mismong syudad ng Oakwood. Kaonti lang kasi ang mga nadaanan naming bahay dito at halos madami pang mga puno puno rin. Sa harapan namin ay ang dalawang palapag na Traveller's Inn. Mayroon itong neon na sign na nakalagay sa harapan, tapos ay iisang sasakyan lang sa gilid. Kitang-kita rin ang napakatahimik na lobby nito sa may front door, at bukod doon ay wala ng ibang kamangha mangha rito.
"What could Arianne be possibly doing here?" Bulong sa akin ni Cassandra habang lumilinga-linga sa paligid. Ang sabi kasi sa amin ng security personnel ni Tito Jace ay dito nila namataan si Arianne. May mga naiwan na ritong security personnel si Tito Jace para bantayan sandali si Arianne habang papunta kami, at siguraduhing hindi sila aalis, siguro ay nasa loob pa sila o nakatago sa paligid. Baka kasi kapag nalaman niyang andito kami, o pupunta kami rito ay bigla siyang umalis.
"Let's wait here. I already ordered one of my men to get Arianne, since barging in would send a different meaning to the staff of this Inn." Napalingon kami pare-pareho kay Tito Jace nang lumapit siya. Diretso ang tingin niya sa Traveller's Inn na nasa harapan namin at may kakaibang aura ng otoridad na bumabalot sa kanya, kaya tumango na lang kami.
Habang inaantay makalabas si Arianne ay kanya kanya namang suri ng paligid ang ginagawa nila Kuya. Pansin ko ring naka-Ability Mode si Melissa, para siguro mas madali niyang makita ang madilim na paligid. Si Cassandra naman ay pinaglalaruan lang ang Kali Sticks niya, samantalang wala namang imik pareho si Vivienne at Kuya Jarvis. Napagdesisyunan kong lapitan na lang si kuya Jarvis dahil ang kalangitan sa itaas namin ay patuloy pa rin sa pagkulog at pagkidlat. Hindi ko alam kung hindi lang talaga niya mapigilan ang nararamdaman niya, o sadyang nagpapadala rin siya ng mensahe kay Arianne... na andito kami at inaantay siya... na andito kami at handang tulungan siya sa kung ano man ang nangyayari sa kanya.
"Kuya..." Tawag ko sa kapatid ko nang makalapit ako sa tabi niya. Hindi niya ako nilingon, pero pansin ko ang pagkalma ng katawan niya lalo pa't bumuntong hininga siya bago sumandal sa sasakyang nakaparada sa likuran namin.
"Alam ko marami kang iniisip, mga tanong at posibilad kung bakit andito si Arianne. Pero konti na lang, makikita na natin siya, at masasagot na lahat ng mga tanong na 'yan." Alam kong wala siyang balak magsalita kaya ako na lang ang nagbukas ng usaping ito. Isang tango naman ang ibinigay niya sa akin, kaya naman niyakap ko na lang ang bewang niya. Naramdaman ko na lang ding isinandal niya ang ulo niya sa ulo ko, at kasabay nito ay ang unti-unting pagkalma ng kalangitan.
Sa gitna ng pangambang nararamdaman ng bawat isa, nakakatuwa na kahit papaano ay naramdaman ko ang sandaling pagpayapa ng kalooban ni kuya Jarvis.
"What's taking them so long?" Hindi nagtagal ay narinig ko ang tanong na iyon ni Vivienne, sinabayan pa ito ng isang naiinip na buntong hininga. Napatayo tuloy ako ng maayos upang lingunin din ang front door ng Inn. Medyo may katagalan nga ang paglabas nila, marahil ay ilang minuto na rin ang nakalipas.
Hindi lang din si Vivienne ang nakapansin noon, kung hindi ay maging sina Tito Jace rin. Mabilis kasi siyang bumaling sa isang security personnel niya, at nag-utos dito. "Check on them and see if there's a problem."
Isang tango lamang ang isinagot ng security personnel na nasa harap ni Tito Jace, tapos ay tumalikod na ito at nagsimulang maglakad paalis. Ngunit nakaka-ilang hakbang pa lamang siya ay pare-pareho na kami agad na napatayo ng maayos, at natigilan nang makita ang pagbukas ng double glass door ng inn. Kasabay nito ay ang paglabas ni Arianne, at sa tabi niya ay si Aliea Samantha Kincaid.
Napakunot ang noo ko. Magkasama sila? Nasaan iyong dalawa pa nilang kaibigan?
"What is that girl doing here?" Rinig kong komento ni kuya Hendrix, at nang sundan ko ang kanyang tingin ay saka ko napansin ang matalim niyang pagtitig kay Aliea. Lalapitan ko na sana siya pero hindi ko na nagawa nang maramdaman kong may humawak sa magkabila kong kamay. Nilingon ko ito pareho upang makita sila Kuya Jarvis at Cassandra na diretso ang tingin kay Arianne, habang tila nagtatago sa likuran ko. Napa-iling iling na lang ako at hindi mapigilang mapangiti ng bahagya.
"Woah... You're all here?" Nang tuluyang makalapit sa amin ay iyon agad ang mga salitang binigkas ni Aliea. Isa-isa niya rin kaming tiningnan, kaya sinuklian ko lang din ang tinging ibinabato niya.
"We're here to get both of you." Ani Tito Jace, ang tingin niya ay palipat lipat sa dalawa. Kapansin-pansin naman ang pagyuko ni Arianne at ang paghakbang niya paatras, na para bang nagdadalawang isip siyang lumapit sa amin.
Akma namang lalapit na sana si Tito Jace nang biglang pinigilan siya ni Aliea.
"Stay back." Ang kamay niya ay nakaharang sa harapan nila, dahilan para magsalubong ang kilay ni Tito Jace.
"What do you need with us? How can we be sure that you're not going to hurt us or that we can trust you?" Tanong ni Aliea na siya ring nagpakunot ng aking noo. Tinagilid ko na lang din ang ulo ko, isang galaw upang mas masuri ko siya.
Bakit ganyan ang mga sinasabi niya? May nagtatangka na rin ba sa buhay niya? Ang alam ko kasi ay naka-alis naman sila ng Academy bago muling may sumugod doon. Kaya namin hinahanap si Arianne ay dahil natatakot ako, at iniisip namin na baka mapag-initan din siya ni Gabriel... Pero sa inaasta ngayon ni Aliea... mukhang may nangyari ng hindi maganda.
"You're escaping someone." Tila isang kumpirmasyon ang nakuha ko sa mga salitang binitawan ni kuya Travis habang nakataas ang isang kilay niya. Dahil tuloy dito ay umiwas na lang ng tingin si Aliea, kaya naman mas lalong nakumpirma ang aking hinala.
Mukha ngang hindi lang kami ang nagkaroon ng mga hindi magandang karanasan sa mga nakaraang araw... Ano pa ba ang nangyayari sa labas? At gaano ba ito kalala?
Base na rin sa nakikita ko, na hindi nila kasama iyong mga security personnel ni Tito Jace, tingin ko ay inakala nilang isa ang mga ito sa magtatangka ng buhay nila. Marahil ay iyon ang dahilan kung bakit ang tagal nilang nakalabas.
Hindi naman nagpatinag si Tito Jace sa nangyayari, at mahinahon na lang na sumagot. "It's okay... don't be afraid. We're here to get both of you to safety." Binigyan din niya ng isang sinserong ngiti ang dalawa.
Nagtinginan na lang sina Arianne at Aliea tapos ay pareho silang tumango. Tila nakaramdam na kahit papaano, kahit kaonti lamang, ay kaya naman nilang magtiwala sa amin at lalong lalo na kay Tito Jace.
"We're in great danger, aren't we? Whatever that's happening lately... it's not just over something small, isn't it?" Naitanong naman agad ni Aliea, na tinanguan ko naman. Ewan ko ba sa kanya at kung bakit sa akin siya nakatingin, pakiramdam ko naman tuloy ay ako ang tinatanong niya..
Pero ano nga bang nangyayari sa kanila? At paano sila napadpad dito?
Higit sa lahat, bakit tila hindi ako mapakali? Masama ang kutob ko sa mga nangyayari...
Handa na sana akong itanong ang mga ito nang maunahan na akong magsalita ni kuya Travis. Diretso ang tingin niya sa dalawa habang nakapamulsa ang kamay at nakataas ang isang kilay.
"Things are... complicated. A lot of unimaginable things are happening, the Academy has been attacked for the second time around this year... And it seems like you're going through hell, too." Hindi nakatakas sa gilid ng mga mata ko ang pagpapalitan ng tingin nila Kuya, pati nila Melissa at Raven matapos iyon sabihin ni kuya Travis. Pinabayaan ko na lang sila dahil pakiramdam ko ay pare-parehas naman kami ng iniisip...
May kakaiba.
"What are you talking about?" Kunot noo namang tanong ni Aliea, tapos ay nasundan ito agad ng isa pang katanungan.
"What happened to what? What attack are you talking about?" Gulat at gulong gulo ang reaksyon niya, kaya nagkatinginan naman kami ni Cassandra.
Hindi nila alam?
Kung ganoon, iba ang nangyayari sa kanila?
"Let's not talk about that here, we need to go." Bigla namang pumagitna si Tito Jace sa amin, kaya naman kahit may balak pa atang sumagot sila Kuya ay di na nila nagawa. Natikom na lang din ni Aliea ang bibig niya, at tumango na lang.
Isa isa na sana kaming kikilos at sasakay sa sasakyan, pero tinawag bigla ni Vivienne si Arianne. Mabilis din itong lumapit sa kapatid niya, na tila ba nagkaroon siya bigla ng lakas ng loob upang pansinin ito.
"Arianne.." Nagkatinginan na lang din kami pare-pareho nang biglang niyakap ni Vivienne si Arianne. Kitang-kita rin ang pagkabigla sa mukha ni Arianne, tapos nanlaki rin ang mga mata niya.
Parang bumagal ang ikot ng mundo naming lahat nang akala namin ay itutulak niya si Vivienne, pero imbes na iyon ang kanyang gawin ay sinuklian niya pa ang yakap nito.
"Ate..." Alam kong hindi lang ako ang natigilan sa narinig pang salitang lumabas sa bibig ni Arianne, maging sina Kuya na rin pero lalong lalo na si Vivienne. Si Aliea naman ay napatingin lang sa kanila, walang karea-reaksyon sa kanyang mukha. Napailing na lang ako, at di na lang siya pinansin.
"Where have you been?" Apat na salita pero naglalaman ng samu't saring pag-aalala at emosyon. Iyon ang tanging naisagot at naitanong ni Vivienne sa kapatid niya nang humiwalay ito sa pagkakayakap, tapos ay umiling din ito agad at nagturan. "No, actually, that doesn't matter now. As long as you're alright."
Sinundan na lang din ito ng isang buntong hininga mula kay Vivienne, tapos ay inabot niya na lang ang kamay ni Arianne bago niya pasadahan ng tingin ang kabuuan nito. Marahil ay sinusuri kung may sugat ba siya o kahit anong galos. Hindi naman umimik si Arianne at tinitingnan niya lang din ang Ate niya.
Sa buong oras na nagpapalitan lang ng tingin ang magkapatid, halatang hindi rin alam kung paano nila kakausapin ang isa't isa, ay nanahimik lang din kami. Animo'y wala ring balak sumira sa panandaliang katahimikang bumalot sa amin.
"I'm sorry to break this fun reunion, but can we get out of here?" Si Aliea lang talaga ang may lakas ng loob na magsalita at basagin ang katahimikan habang tumitingin sa paligid. Dahil dito ay muli niyang nakuha ang atensyon ni Tito Jace.
"We will. And don't worry Samantha, I'll take care of you. Whatever it is that's happening to the both of you, we're here to make sure you'll be fine. I'll find a way to contact your parents, too." Tanging tango na lamang ang sinagot ni Aliea bago niya ikinawit ang kanyang kamay sa braso ni Arianne. Naalala ko na minsan niyang nabanggit na magkaibigan ang mga magulang niya, at si Tito Jace.
Iyon yung araw na narinig kong may gusto pala siya kay Xenon, at katabi ko noon ang lalaking gusto niya.
Hmm.
"Let's go, then. And by the way, I think those were your men inside." Ngumuso siya sa direksyon ng Inn, kaya napalingon dito si Tito Jace, at napatango. "We thought they're enemies so we.. left them unconscious. But they're still alive."
"Go and get them, we'll leave first." Utos na lamang ni Tito Jace sa mga natitirang tauhan niyang kasama namin. Walang ano-ano naman silang sumunod at naglakad patungo sa pinanggalingan ng dalawa.
Napangiwi naman ako sa sinabi niya, napapaisip kung ano kaya ang ginawa nila sa mga security personnel na iyon. Ramdam ko namang humigpit ang hawak pareho nila kuya Jarvis at Cassandra sa kamay ko nang magsimulang lumakad sina Arianne at Aliea papunta sa sasakyan. Nilingon ko tuloy sila at napansing sinusundan nila ng tingin si Arianne na hindi man lang lumingon dito sa gawi namin.
Mukhang galit pa rin siya sa amin. Inasahan ko naman 'yon, pero mabigat pa rin sa loob.
"Let's get going." Anunsyo ni Tito Jace at isa-isa kaming binalingan ng tingin, lalo na sila Kuya Yohan, kuya Hendrix at kuya Travis, pati na rin sina Melissa at Raven nakatingin lang sa dalawa. Pare-parehong mukhang walang balak kumilos agad.
"Kuya... tara na." Tawag ko na lang sa kanila dahil halatang naguguluhan si Tito Jace sa inaasta nilang lima. Pati rin tuloy sina Vivienne at sila Aliea ay natigilan, sabay sabay ding lumingon sa mga kapatid ko.
"Is there a problem?" Nakataas ang isang kilay ni Aliea nang itanong niya iyon.
"You tell me." Walang pag-aalinlangan naman siyang sinagot ni kuya Hendrix sa isang nakakatakot na tono, kaya agad ko siyang binigyan ng isang nagtatanong na tingin.
"Hendrix, iho, is everything alright?" Hindi na rin napigilang sumabat ni Tito Jace, bakas na bakas na ang pagtataka at pag-aalala sa kanyang mukha.
"What's your problem Hendr–" Mukhang balak tanungin ni Aliea ang kapatid ko, pero hindi na niya natapos ang sasabihin niya sana nang pare-parehong nakuha ang atensyon namin ng isang malakas na pagpreno ng sasakyan. Napa-awang na lang din ang bibig ko, pati na rin siguro ang mga kasamahan ko, nang tila nagmamadaling lumabas dito si Dana.
"What is she doing here?" Pabulong na tanong ni Cassandra pero rinig na rinig ko naman ito, dahil na rin sa katabi ko lang siya. Iyon din ang katanungang nasa isip ko ngayon, katanungang mabilis namang nasagot nang biglang lumapit si Dana kay Arianne at sinakal ito.
Pare-pareho kaming napasinghap at wala pang isang iglap ay nasa tabi na agad ni Dana si Sir Saturn na nakamasid lang mula sa gilid kanina. Pati rin si Kuya Damon ay lumapit sa amin at pinigilan si kuya Jarvis na halatang susugod na anumang oras.
"What are you doing?!" Sabay na sigaw pa nina Vivienne at Aliea, na hindi naman pinansin ni Dana. Matalim ang tinging ibinabato niya kay Arianne at halatang wala siyang balak magpa-awat kahit kanino.
"Let go of my sister!" Alam kong sobrang galit na si Vivienne pero nagulat ako nang nilapitan siya ni kuya Travis at pinigilan. Patuloy ang pagpupumiglas na ginawa ni Vivienne pero nagawa pa rin siyang buhatin ni kuya Travis palayo kay Dana at Arianne.
Nanlaki na lang din ang mata ko nang mapansing hawak na pareho nina Raven at kuya Hendrix si Aliea sa magkabilang braso niya, para siguro pigilan ito sa pagsugod din kay Dana. Anong nangyayari?
"Dana... Ano 'to?" Imbes na sagutin ako ni Dana ay nilingon niya si Tito Jace at binigyan ng isang kakaibang tingin. Kumunot ang noo ni Tito sandali, pero dahan dahan niya ring tinanguan si Dana. Mukhang isang pagkaka-intindihan iyon sa dalawa, dahil ang sunod na ginawa ni Dana ay nagpa-awang na lang talaga ng bibig ko.
Gamit isang kamay niya ay hinablot niya ang isang dagger sa knife belt ni sir Saturn, at walang pag-aalinlangang isinaksak ito sa braso ni Arianne. Pero hindi iyon ang dahilan kung bakit nagulat, hindi lang ako, kung hindi ay pati kaming lahat.
"She's not your friend." Ani Dana habang sa harap naming lahat ay kitang kita namin ang pagbabago ng itsura ni Arianne. Nang tuluyan siyang mapaluhod dahil sa kawalan ng hangin sa katawan ay si Tita Zee na ang nasa harap namin.
"What..." Tanging nasambit ni kuya Jarvis, ang kaninang pagpupumilit niyang makalapit kay Arianne ay napilitan ng pinaghalong pagkadismaya, gulat at takot.
"Tita Zee...?" Maging si Cass ay napabitaw sa akin, sapagkat napatakip siya sa bibig niya. Hindi nga pala niya alam pa na isang shapeshifter si Tita Zee. Ni hindi nga niya alam na minsan na ring nagpanggap ang babaeng iyan bilang Cassandra.
"What... Where... Where's my sister?" Iba naman ang takot na naramdaman ko nang marinig namin ang biglang walang emosyong tanong ni Vivienne. Kung kanina rin ay nagpupumiglas siya, ngayon ay diretso na ang tayo niya at ang sama ng kanyang tingin kanila Aliea. Si kuya Travis na lang ata ang nakakapigil sa kanyang sumugod sa dalawa, dahil napansin kong naka-Ability mode ang mata ni Kuya.
Isa pa 'tong si Aliea... Kailan pa siya naging kakampi nila Gabriel? Huwag niyang sabihin sa aking tinraydor niya si Arianne? May ginawa ba siya sa kaibigan ko?
"What did you do to her?" Mukhang nahimasmasan na rin sa gulat si kuya Jarvis dahil kasabay ng pagtatanong niyang iyan, ay ang siya ring muling pagkulog at pagkidlat. Sa pagkakataong ito, mas malakas na ang pag-aalburuto ng kalangitan kumpara kanina.
Nagulat naman kami lalo at nainis nang sabay pang tumawa sila Aliea at Tita Zee, na para bang tuwang tuwa pa silang gulat na gulat kami. Tingin ko ay ikinagalit ito lalo ni Dana dahil hinila niya ang buhok ni Tita Zee kaya naman napahiga na ito sa lupa.
"Crazy. Bitch." Dalawang salita lang pero sapat na para maramdaman mo ang lahat ng galit na tila gustong pakawalan ni Dana sa babaeng kaharap niya ngayon. Sa baliw na ito na nagpaalipin na kay Gabriel.
Ewan ko pero masyadong magulo. Tila masyadong nakakagulat at napakabilis ng mga pangyayari. Kanina lamang akala ko ay makakasama na namin si Arianne, tapos ngayon sa harapan namin ay nakikita naming mali kami. At sa tingin ko, alam na nila Kuya na kanina pa may hindi tama rito kaya iba na iyong reaksyon nila. Siguro, kami lang nila Cassandra, Vivienne at kuya Jarvis ang talagang mabilis na napaniwala ni Tita Zee dahil sa sobrang pagkamiss at konsensya namin na baka nasasaktan pa rin namin si Arianne dahil sa simpleng presensya namin. Hindi ko na alam.
Akala ko ito na ang ikakagulo ng gabing ito, pero hindi pala nang makita kong mayroong sunod sunod na fireballs na papunta sa pwesto namin. Naalerto kaming lahat, at kahit galit ay agad na gumawa ng shield si Vivienne gamit ang nakatago niyang Water Ability. Hanggang ngayon ay namamangha pa rin ako na may itinatago pala siyang Elemental Ability.
Pero ang pagkamanghang iyon ay agad na napalitan ng pangangamba nang tila may malakas na hangin na dumaan sa paligid, at nakita na lang naming nabitawan na ni Dana si Tita Zee, at ganoon din sila Kuya Hendrix at Raven kay Aliea. Sunod na umalingawngaw ang tawa nila sa paligid, kasabay ng mga salitang lalong nagpa-inis sa aming lahat.
"Good luck on finding Arianne." Halatang nang-aasar si Aliea sa tono ng pananalita niyang iyon, pero tumakbo na lang ako agad palapit kanila Dana nang mapansing napaupo sila. Parang may kung anong pwersa ang dumaan sa mga gilid namin kanina at kinuha ang dalawa.
Kasabay ng pagkawala ng pwersang iyon, o kung ano man 'yon, ay ang siya ring pagkawala ng mga fireballs na papatama sana sa'min kanina. Sa gilid din ng mga mata ko ay napansin kong napa-atras ng kaonti si Vivienne nang itigil niya na ang paggamit sa Water Ability niya, kaya agad siyang inalalayan ni kuya Travis.
Lalapitan ko rin sana siya para tanungin kung ayos lang ba siya, pero hindi ko na nagawa nang marinig ko na ang tarantang boses ni Dana.
"Leave. You all need to leave, now!"
Isa-isa niya kaming binabalingan ng tingin, kaya naman pigil pigil na siya ni sir Saturn at sinusubukang pakalmahin. Nilapitan na rin siya ni Melissa na ngayon ay nakakunot ang noo, at halatang nag-aalala.
"Tita D, calm down. Anong nangyayari? Bakit ka pumunta rito? Alam mong delikado." Si Melissa na ang nagtanong ng mga salitang gusto ko ring ibulalas kanina pa. Lumandas naman ang kakaibang takot sa mga mata ni Dana nang mapagtanto ang sagot sa tanong ng pamangkin niya.
"When you left, I saw a vision. I knew then that whoever you're going to face isn't Arianne, and that you fell in a trap. They're coming here. Gabriel is coming here to kill all of you." Sa isang banggit lang niya ng pangalan ni Tito Stephen ay alam kong kakaibang takot at galit na ang nararamdaman niya, dahil ganoon din ako. Ang marinig lang ang kanyang pangalan ay nakakakulo na ng dugo.
Napasinghap din si Melissa at Cassandra sa narinig, at alam kong sensitibo ito kay Cass kaya muli ko na lang siyang nilapitan. Hinigpitan ko rin ang hawak ko sa kamay niya nang sumagot bigla si kuya Jarvis, may diin at galit ang bawat salitang binitawan niya.
"We can just fight him, to end this once and for all."
Agad naman siyang sinagot ni Dana, kapansin pansin ang pagtaas ng boses niya. Isang bagay na hindi ko ipinagtataka dahil alam kong iba ang epekto nito sa kanya.
"No! We can't! This is isn't the right time yet... if we face him today..."
Muli namang lumambot ang boses niya nang tumigil siya bigla sa pagsasalita. Dumapo rin sa amin, lalong lalo na sa babaeng katabi ko ang tingin niya, at mas lalong makikita ang takot sa kanyang mukha. Ewan ko pero nakaramdam din tuloy ako ng hindi maipaliwanag na kaba.
"...we'll all die, and that will be the end of it. I saw it all."
Napalunok ako.
"Kung–" Sasagot na sana ako kay Dana pero hindi ko na naituloy nang mapuno bigla ng sigawan ang paligid. Naramdaman ko rin ang paghigpit ng hawak sa akin ni Cass kaya naman nilingon ko siya.
Ganoon na lang ang gulat ko nang makitang namimilipit siya sa sakit habang nakahawak sa dibdib niya, at sumisigaw. Hindi lang siya kung hindi ay pati na rin sina Melissa, Vivienne, sila kuya Travis, kuya Yohan, kuya Jarvis at maging si kuya Hendrix.
"Anong nangyayari?" Hindi ko maiwasang mapatanong kay Dana na agad ding lumapit upang aluhin ang anak niya.
"Their fates are all connected, Alexandria. Do you remember the Promise you once shared to me?" Promise?
Kunot noo akong tumango habang inaalala iyong naalala kong "pangako" noong isang araw.
"All of you, you're in the process of getting stronger. But in order to be stronger, you need to be weakened first. You just don't realize it, but your body is going through that process right now. And since Gabriel.. he's not holding back anymore, he is finally opening his powers to the world, thus just the mere fact that he's close can already send a different frenzy in their system." Hindi ko maintindihan. Parang naiintindihan ko, pero hindi sapat. Naguguluhan ako at nag-aalala sa mga kapatid at kaibigan ko.
"Dana, wala akong maintindihan." Lumapit naman sa amin bigla si Tito Jace pati si Sir Saturn. Binuhat agad ni sir Saturn si Cassandra at sinamahan siya ni Dana sa sasakyan. Sa gilid din ng mata ko ay kitang-kita ko ang pagbuhat ni Raven sa Ate Melissa niya, samantalang binuhat din ni kuya Damon si Vivienne. Ang ilang mga security personnel na natitira rito ay inalalayan naman sila Kuya. Nilingon ko naman si Tito Jace para humingi ng paliwanag.
"Stephen is messing with them, Alexandria iha. Kailangan niyo ng umalis dito para makaligtas kayo, at maging maayos ang lagay nila." Aniya sa isang kalmadong boses kasabay ng pagbabago ng kulay ng kaniyang mga mata.
Lumakas bigla ang tibok ng puso ko nang may mapagtanto ako.
"Tito, kami? Tayo." Inilingan niya naman ako agad, at iginaya na lang papasok ng sasakyan, medyo nagmamadali sa pagkilos.
Naisakay na rin nila sila Kuya, pati sina Melissa sa sasakyan at nasa driver's seat na si kuya Damon. Kinakausap siya ni sir Saturn at nahagip din ng mata ko ang mabilis na pagyakap nila sa isa't isa. Naabutan ko rin si Dana na mahigpit ang yakap kay Cassandra, may kakaibang emosyon sa kanyang mga mata.
"Hindi, kailangan niyong sumama sa amin. Umalis na tayo rito." Hindi ko mapigilang maibulalas iyon dahil alam ko na sa sarili ko ang mangyayari, at ang gagawin nila. Tanging ngiti lang ang isinukli sa akin ni Dana nang humiwalay siya sa pagkakayakap kay Cass.
"Sometimes, there are battles that you don't need to fight because other people will fight it for you, Alexandria. And don't worry iha, this isn't defeat, think of this as a preparation for a bigger fight that's waiting ahead of you." Ani Tito habang pinipilit akong sumakay ng sasakyan. Napa-iling iling na lang ako at agad na napayakap sa kanya, unti unting namumuo ang luha sa mga mata ko.
"Tita, hindi niyo kailangan magpa-iwan dito. Tara na!" Rinig kong tawag ni Raven kay Dana, habang tinutulungan niya si Melissa na umupo ng maayos. Pero tanging pag-iyak sa sakit ang nagagawa ng Ate niya, kaya naman hindi na rin maipaliwanag ang pag-aalala sa mukha ni Raven.
"We'll hold them off for you. That should give you time to escape from here." Tanging sagot ni Dana.
Habang sinasabi niya iyon ay sumilip din panandalian ang emosyong pilit niyang itinatago. Minsan na siyang nakatakas kay Stephen. Nagawa na niyang maging maayos ulit, at ngayon niya palang sinisimulang bawiin ang kalayaan at buhay niya... pero para makaligtas kami, para maging maayos kami, handa siyang itapon ulit ang kalayaan na iyon.
"I was able to witness my son's smile because of you. Take care of him for me, and tell him that I love him so much." Bulong naman ni Tito Jace bago humiwalay sa pagkakayakap ko, at mabilis na sinarado ang pintuan.
"Take them away from here, get Xenon and escape to a different place." Rinig kong bilin pa ni Sir Saturn bago nagsimulang umandar ang sasakyan, at tumalikod silang tatlo, handa ng harapin ang paparating na laban.
"Dana!" Kahit na nahihirapan at namimilipit sa sakit ay nagawa pa ring sumigaw ni Cassandra, nakabukas pa ang bintana ng sasakyan kaya nilingon pa kami ni Dana. Isang ngiti lang ang binigay niya kasabay ng isang luhang nanggaling sa mata niya.
Sa tabi niya rin ay gumana na ang Darkness Mimicry Ability ni Tito Jace, kaya naman dumami siya bigla. Hindi ko na mabilang bigla kung ilan na ang Tito Jace na kasama nila. Habang palayo rin kami ng palayo ay kitang-kita ko ang pagsimula ng atake sa kanila.
Ang pagtama ng mga fireballs sa ilang mga clone ni Tito Jace ang huli kong nakita bago sila mawala sa paningin ko. Lulan ang sasakyan ay tanging pagtangis ang nagawa ko. Ang mga sigaw din nila ang nangibabaw sa loob. Niyakap ko na lang din si Cassandra na umiiyak na, hindi lang dahil sa sakit na nararamdaman niya kung hindi ay dahil na rin sa pangalawang pagkakataon ay mawawalay nanaman siya kay Dana.
Kitang kita ko rin ang maya mayang pagpupunas ni kuya Damon sa kanyang mata. Mga luhang pilit niyang itinatago. Alam kong iba ang pag-aalalang nararamdaman niya para sa kapatid niya, kay Sir Saturn na simula bata pa lang ako ay andyan na para protektahan kaming magkakapatid. Kung tutuusin pwede rin siyang sumama sa amin para makaligtas siya, pero mas pinili rin niyang manatili at tumulong para makatakas kami ng matiwasay.
Ang sakit sa loob dahil ngayon lang din sila ulit nagkasama ni Dana, pero malalagay nanaman sa panganib ang buhay nila. Tapos si Tito Jace...
Paano ko sasabihin kay Xenon paggising niya na hindi na muna namin makakasama ang Daddy niya...
at na wala na kaming kasiguraduhan kung makikita pa ba namin sila ulit...
Sobra na. Sobra na ang sakit na dala mo, Gabriel.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top