XIX - The Joker & The Ace

       Ang mga taong nasa isang labanan ay maihahalintulad sa mga baraha. Lahat ay may kanya-kanyang tungkulin. Bawat isa ay may responsibilidad na dapat gampanan.

       At ang mga taong naglalaro ng baraha ay mayroon ding sari-sariling istilo. Kung minsan kasi ay hindi maganda ang mga barahang napupunta sa isang tao, ngunit hindi naman ibig sabihin no'n na susuko nalang ng basta basta. Minsan, kailangan lang maging mautak at maingat sa paggawa ng galaw. Sa tuwing sinuswerte naman, hindi ibig sabihin no'n ay dapat ka ng magpabaya.

        Bakit? Simple lang... Maraming hatid na sorpresa ang buhay, katulad ng kung paanong maraming pu-pwedeng mangyari sa tuwing naglalaro ka ng baraha.

       Minsan ay minamalas, minsan ay tabla lang... at kung minsan, sadyang may mga taong pinagpala: bukod sa magaling maglaro, magaganda pa ang cards na hawak.

        Ngayon, hindi ko maiwasang mapaisip.

        Alin kaya kami sa mga taong iyon?

       Hindi ko alam. Hindi ko pwedeng sabihin na alam ko, sapagkat wala kaming ideya kung anong klase ng baraha mayroon ang kaaway. Ngunit ganoon naman talaga, hindi ba? Hindi mo pu-pwedeng silipin o tingnan kung anong hawak ng kalaban mo. Dahil kapag ginawa mo iyon... pandadaya na ang tawag doon.

       At anong nangyayari sa mga taong nandadaya? Hindi sila nananalo.

       Isang buntong hininga ang pinakawalan ko. Mga mata ko'y nanatili sa pool sa ibaba. Andito kasi ako sa ikalawang palapag ng Montreal Manor, sa parang veranda kung saan konektado ang dalawang hagdanan sa harapan ng bahay.

       Lumabas ako rito sandali dahil may pinag-uusapan pa sila Tito Jace at Xenon. Si Dana naman ay kumakain pa kaya hinayaan ko lang muna. Hindi ko kasi siya pwedeng pilitin agad... Para siyang isang pinagtagpi-tagping basag na baso ngayon– kailangang ingatan at hawakan ng mabuti para hindi tuluyang masira.

       Napayakap naman ako sa sarili ko nang umihip bigla ang malakas na hangin. Dala nito ay lamig... lamig na nakakagaan ng pakiramdam ko.

       Ipinikit ko na lang din ang mga mata ko para mas ma-relax ang isipan ko. Ang kaso, hindi iyon ang nangyari. Para kasing movie na basta nalang nag-play ang isang alala sa utak ko.

       Ang naging usapan namin ni Daddy tatlong buwan na ang nakakaraan. Iyong araw na nanggaling kami kanila Arianne para makipag-bonding kay Anthony... bago mag-Hillwood Day.

       "Dad, ipinatawag niyo raw po ako?" Agad kong tanong nang makapasok na ako sa study ni Daddy. Mula sa screen ng laptop ay inangat niya ang tingin niya sa akin. Isang ngiti rin ang ibinigay niya, bago ako sinenyasang maupo sa sofa na agad ko namang ginawa.

       "I was expecting you to come late since you just arrived. How was your day? Did you and your brothers have fun?" Mababakas ang kyuryusidad sa tanong niya, pati na rin ang saya sa mga mata niya. Alam ko naman kasing gusto niya rin talagang magkaroon kami ng masaya at relaxing na araw.

       "Opo. Sa totoo nga po n'yan nakasama rin namin si Cassandra ngayon." Ngiting-ngiti kong sagot na nagpangiti rin kay Dad.

       "That's good to know. I hope she's feeling better." Ani Dad.

       Tumango na lamang ako at inalala ang nangyari kanina. Nagulat talaga kaming lahat kanina nang bumalik si Tita Aleece na kasama si Cass. Hindi ko alam kung paano siya napilit ni Tita na sumama, pero kahit ano pa ang rason ay nagpapasalamat ako. Sobrang namiss namin si Cassandra kaya tuwang-tuwa talaga kaming nakasama namin siya. Lalo pa at kitang-kita ko ring nag-enjoy siya sa pakikipaglaro kay Anthony.

       Hindi ko nga masisisi kung tuwang-tuwa si Cassandra sa kapatid ni Arianne. Sino bang hindi masisiyahan sa presensya ng cute na batang iyon?

       Napangiti nalang ako at bumaling na ulit kay Dad. Nakatingin lang siya sa akin habang nakapatong ang dalawang siko niya sa kanyang magkabilang paa. Nakapatong din ang baba niya sa pinagsiklop niyang kamay, halatang may malalim na iniisip.

       Ngayong natitigan ko siya ng ganito, mas lalo kong napansin ang namumuong mga eyebags sa ilalim ng mata niya. Mahahalata mo ring talagang pagod siya nitong mga nakaraang araw. Ang dami kasi nilang inaasikaso– sa negosyo, sa Academy, sa Council at para sa Hillwood Day.

       "Dad, may problema po ba?" Nag-aalala kong tanong. Para namang nabalik siya sa realidad, at nahatak mula sa malalim na iniisip niya, sapagkat napa-iling iling siya bago tumingin sa akin.

       "Don't worry about it, anak. I called you here for a different reason." Aniya at umupo ng maayos. Sumeryoso rin ang mukha niya kaya hindi ko maiwasang mapaisip.

       Tungkol kaya ito sa naging pagpapatakas ko kay Dana?

       Magtatanong na sana ako kung ano ang nais niyang sabihin, o kung bakit niya ako pinatawag, pero hindi ko na nagawa. Napatingin nalang kasi ako kaagad sa kanya nang tumayo siya at bumalik sa desk niya, may kinukuha rito.

        Sinundan ko lang ng tingin ang bawat galaw ni Dad, kaya naman napansin ko agad na may kinuha siyang isang maliit na rectangular box. Kulay maroon ito at may kulay gold na linings sa gilid nito. Maliit lang ito at parang lalagyan lang ng isang kwintas.

        Hanggang sa makabalik siya sa pag-upo sa harap ko ay hindi ako nagsalita. Pinanood ko lang din siyang ilapag ang box sa mesa. Napapakunot na ang noo ko dahil sa pagtataka at mukhang napansin ito ni Daddy, natawa kasi siya ng mahina.

       "Ano po 'yan, Dad?" Takang-takang tanong ko. Ngumiti lang naman siya bago sumagot, "Open it."

       Binigyan ko pa si Dad ng isang nagtatanong na tingin. Naninigurado lang akong pwede ko talaga itong buksan. Tumango lang naman siya kaya ibinaling ko nalang sa box ang tingin ko, at inabot ito.

        "Cards?" Naghahalo ang pagkamangha at pagtataka sa boses ko nang naibulalas ko ang isang salita na iyon. Agad din akong tumingin kay Dad na ngayon ay walang reaksyon lang na nakamasid sa akin. Inabot niya ang kamay niya, animo'y hinihingi ang mga cards mula sa akin kaya ibinigay ko ito agad.

        Oo, cards. Baraha ang laman ng box na pinabuksan sa akin ni Daddy. Kung ano ang rason, iyon ang hindi ko alam.

       "The Game of Cards has started, anak." Aniya habang sinasalansan ang stack ng baraha. Tahimik lang naman akong nanonood sa ginagawa niya. Wala rin akong masabi lalo pa't hindi ko alam kung ano ang pinupunto niya.

       "This game is unlike the ones we've played before. This one should be played well, and our moves must be precise in order to move forward." Tugon niya. Tuluyan na rin niyang nailapag lahat ng baraha, at muli na siyang bumaling sa akin.

       "Bakit po?"

       "Our next moves will be from our own choices. Choices that will either come with a price, or bear a fruit of regret. So we must be cautious." Seryosong saad ni Daddy kaya napatango ako. Naiintindihan ko na.

       Alam ko na ang ibig sabihin ni Dad. Alam ko na kung anong tinutukoy niya.

      Mukhang napansin din ni Dad sa mga mata kong naintindihan ko na ang nais niyang ipahiwatig, kaya proud siyang ngumiti.

       "In order to play your cards well, you must first learn it all. Do you understand?" Walang pag-aalinlangan akong tumango sa tanong ng Tatay ko.

       "There are four suits in a deck of cards, anak. The Diamonds, the Hearts, the Clubs and the Spades." Panimula ni Dad habang isa-isang itinuturo ang mga barahang mayroong disenyo ng puso, diamonds, spades at iyong parang pamaypay na tinawag na clubs.

       "Each suit represents something important." Dugtong pa niya. Hindi naman ako sumagot muna.

       "The Diamonds represent material things, like money and properties. Home, family and loved ones for the Hearts and spiritual importance for the Clubs." Tinatanguan ko lang ang mga sinasabi ni Dad, at isa-isa itong iniintindi.

       Ngayon ko lang nalamang may mga meaning pala ang mga baraha. Sa totoo lang kasi akala ko ay ang Ace lang ang importante, hindi pala. Nakakabilib.

       Diamonds, Hearts at Clubs...

       Napakunot ang noo ko nang mapagtantong hindi pa nasasabi ni Dad ang ibig sabihin ng Spades. Agad kong kinuha ang baraha na may letter A at simbolong Spades, tapos ay ipinakita ito kay Daddy.

       "Ito po? Ano po ang meaning nito?" Isang ngiti naman ang agad na sumilay sa labi ni Dad bago sumagot.

       "Power." Napa-awang ang bibig ko dahil sa pagkamangha. Power? Hindi ko akalaing iyon ang ibig sabihin ng Spades! Wow...

       Natawa naman si Dad sa nakita niyang reaksyon ko. Pero agad din siyang nagsalita ulit kaya sinigurado ko talagang maiintindihan ko ito.

       "The Spades symbolizes Power, and as we all know the Ace cards represents winning. What you have in your hands is the Ace of Spades, the one who will hold the power." Dahil sa tinuran niya ay agad kong tinitigan ang barahang nakuha ko.

       Ace of Spades...

       Wow.

       "Kapag po ba nasa atin na ang lahat ng alas, mananalo na tayo Dad?" Sinserong tanong ko.

       Kung naglalaro na kasi kami ng baraha, ibig sabihin kailangang mapunta sa amin ang alas. Sa ganoong paraan lang namin masisiguro ang aming panalo, hindi ba?

       Napatingin lang ako kay Daddy, inaantay ang magiging sagot niya. Inaasahan kong tatango siya, kaya naman napakunot ang noo ko nang umiling siya.

       "Not all the time. For this–" Kinuha niya ang barahang may mukha ng Hari at ipinakita ito sa akin. "This card also symbolizes winning. The King can sometimes become an Ace, too. It all depends on how you play it."

       Wow...

       Wala akong masabi pero alam ko namang nakikita ni Daddy ang pagkamangha sa mga mata ko. Alam ko ring alam niyang lahat ng ito ay tinatandaan at iniintindi ko. Marahil iyon ay ang rason kung bakit hindi niya rin muna ako tinatanong ng kung ano-ano. Hinahaayan niya muna akong ma-absorb lahat ng nalaman ko.

       "You know... You and your brothers sometimes remind me of this card." Napatingin naman ako kay Dad nang kinuha niya ang isang baraha, at inabot ito sa akin.

       Napakunot naman ang aking noo dahil sa pagtataka. Queen kasi ang barahang ibinigay niya sa akin. Ano kaya ang ibig sabihin nito?

       "Bakit po Queen, Dad?" Takang-takang tanong ko. Sumilay naman ang isang malapad na ngiti sa labi niya, mababakas din ang kakaibang pagkabilib sa mga mata niya at sumagot...

       "Because the Queen Card means Warrior. That's what you always are." Warriors...

       "People might misunderstand it, but to me... my children are warriors. You're not a soldier who's only there to follow commands. You're not warriors just because you're all strong and good in fighting..." Naputol ang sinasabi niya sapagkat may kinuhang siyang isang card. Nakangiti itong inabot sa akin ni Daddy kaya naman tinitigan ko ito.
     
       Jack...

      "To me, you're all warriors because you're brave, you don't give up easily and you're always there... not just to protect each other..." Itinuro niya ang hawak kong baraha.

       "But also to help other people."

       Kung ganoon, ang Jack pala ay sumisimbolo sa mga tao. Mga taong dapat tulungan, protektahan... at mga taong handa ring tumulong pabalik. Hindi para mapanalo kami, kung hindi ay para protektahan din ang mga importante sa kanila.

       Inangat ko ang tingin ko upang salubungin ang titig ni Daddy. May kakaibang kislap sa kanyang mga mata, kaya hindi ko rin maiwasang mapangiti ng malapad.

       "The five of you are warriors with a heart of gold, and I'm always so proud of you."

       Alam ko namang mahal na mahal nila kami, pero ang marinig ang mga salitang ito mula sa kanya... Baka mas grabe pa sa iniisip ko ang pagmamahal nila sa amin. Walang makakapantay.

      Sasagot na sana ako pero hindi ko na nagawa, dahil muli niyang dinugtungan ang mga tinuran niya. "And don't even worry about disappointing us. Because it's okay to make mistakes, and it's okay to fall backwards sometimes."

       "Your Mother and I, we'll still be here, we'll still support all of you. So just go out there and do what you think is right. Go and play your cards through your own way and strategy. That's how you'll learn and grow, Alexandria. That's how you'll win."

       Si Daddy... Sinasabi niya sa aking maging maingat ako sa mga gagawin kong galaw. Pinapa-alalahan niya akong maging mautak sa bawat kilos na gagawin ko, hindi para masira ang plano niya o nila, kung hindi ay para gabayan kami.

       Kitang-kita ko na... Itong pagtuturo niya sa akin ng lahat ng 'to ngayon, lahat ito ay para gabayan ako. Gusto niyang sundin ko ang sarili kong desisyon at pakiramdam. Nagtitiwala siya sa mga gagawin ko, mga gagawin namin nila Kuya, at ano man iyon ay handang-handa siyang suportahan kami. Pero Ama pa rin siya, at hindi niya kami papabayaang sumabak sa laban ng walang alam... Kaya niya itinuturo sa akin ngayon ang lahat ng 'to. Ito ang paraan niya ng pagbibigay ng dagdag na proteksyon sa akin, dahil Tatay ko siya. Hindi ito para kunsintihin kami, o para pabayaan. Dahil ang lahat ng ito ay para sa amin– para mas matuto kami at mas lumakas.

       Dad knows our capabilities and he trust us so much. Sila ni Mommy, grabe ang tiwalang mayroon sila para sa amin.

       "Maraming salamat po, Daddy." Ang dami dami ng gusto kong sabihin sa kanya, ngunit tanging iyon lang ang lumabas sa bibig ko.

       Lumapit lang siya sa akin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko, kaya napabuntong hininga nalang ako. Napaka-swerte ko sa magulang na mayroon ako.

       Pagkatapos ay bumalik na siya sa kinauupuan niya. Kinuha rin niya ang mga barahang ipinakita niya sa akin, at hinanay ang lahat ng ito sa harapan ko. Nagpabalik-balik naman ang tingin ko sa kanya at sa mga baraha.

       "Now, anak, if you're given the chance to pick a card to win... Which of these cards will you choose?"

       Agad naman akong napaisip sa tanong ni ibinigay sakin ni Daddy. Isa-isa ko ulit tiningnan ang mga barahang itinuro niya sa akin kanina.

       Lahat sila ay may kani-kanilang importansya. Naniniwala akong hindi lang ang Ace at King ang magpapanalo sa amin sa huli... dahil kung ganoon lang ang labanan, para saan pa ang ibang mga baraha na ito?

       Kung tutuusin, para lang itong isang teamwork... Hindi mananalo ang isa kung wala ang iba. Pero alin ba dito ang dapat kong piliin?

       Alin ang role na kukunin ko?

       Pinikit ko nalang ang mga mata ko, at humugot ng buntong hininga. Umaasang sa pagdilat ng mga mata ko ay alam ko na kung aling baraha ang para sa akin.

       Isang baraha naman ang bumungad sa akin pagmulat ko. Agad ko itong kinuha... at napangiti.

       Bumaling ako kay Dad na tahimik lang na nakatingin sa akin mula pa kanina, halatang inaantay ang magiging desisyon ko. Nang makita rin niya ang card na hawak ko ay napangiti siya at napatango.

       "A Joker... You want to be a Joker." Tumango-tango ako sa sinabi niya.

       "May I ask why?" Alam kong hindi ako tututulan ni Dad sa pinili ko, pero alam ko ring nagtataka siya kung ano ang rason ko sa pagpili nito. Kaya naman agad ko siyang tiningnan ng diretso sa mata, bago ko sinabi ang mga salitang nagpangiti lalo sa kanya.

       "The Joker has no significant role... Iyon ang alam ng lahat. Pero para sa'kin... pwedeng pwede itong maging kahit ano sa tamang panahon."

       Natigil ako sa pag-iisip, at tila nahatak pabalik sa realidad nang maramdaman ko ang presensyang papalapit sa akin. Agad akong dumilat at lumingon sa likuran ko.

      "Dana is getting ready." Napatango ako.

      Sa wakas, pwede na naming makausap si Dana. Hindi ko alam kung hanggang saan lang ang kaya niyang isiwalat sa amin, pero umaasa akong sapat na iyon para matulungan kami.

       Ang malaman lang nga na bumubuti na ang lagay niya ay sapat ng swerte para sa akin... ayokong abusuhin ito. Ang inaasahan ko kasi talaga ay hindi pa rin siya maayos.

       Hindi naman na sumagot si Xenon, at lumapit nalang siya sa akin. Akala ko ay tatayo lang siya sa tabi ko, kaya naman nagulat ako nang niyakap niya ako mula sa likuran.

       Ang puso ko...

        Napakagat ako agad sa ibabang parte ng labi ko dahil rinig na rinig ko nanaman ang malakas na tibok ng puso ko. At kung akala ko ay malakas na ito, may mas ilalakas pa pala nang ipinatong niya ang ulo niya sa braso ko.

       Xenon, bakit mo ginugulo ng ganito ang buong sistema ko? Hindi mo ba alam na ganito ang epekto mo sa akin hanggang ngayon?

       Nabibigla pa rin ako palagi... Pero hindi ko naman sinasabing ayaw ko. Hay naku, Alexandria.

       Magsasalita na sana ako, para tanungin siya kung may problema ba... O kung ma bumagabag ba sa kanya, pero hindi ko na nagawa. Bumulong na kasi siya agad sa akin.

       "I've been thinking about the question you asked me before..."  Napakunot ang noo ko.

      "Question? Alin doon?" Marami-rami na kasi ang mga tanong kong hindi niya naman nasagot, o sinasagot. Pare-pareho sila nila Kuya na pinapahirapan ako lagi sa paghahanap ng kasagutan sa mga katanungan ko. Hindi kaya sila talaga ang magkakapatid?

       Natawa naman siya ng mahina kaya napanguso nalang ako. Bakit siya tumatawa ng ganyan sa tainga ko? Baka tuluyan ng sumabog ang puso ko!

       "I can hear your frustrated thoughts, Princess." Agad naman na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, kaya pinalo ko agad ang dalawang kamay niyang nakayakap sa akin.

       "H-hoy ang daya mo! Huwag mong gamitin yung bond para pakinggan thoughts ko. Hindi ko pa napapractice yung ganyan, kaya hindi ko rin magawa sayo. Ang unfair!" Imbes na magsorry ay mas lalo pa siyang tumawa kaya bumuntong hininga nalang ako.

       Akala ko pa naman all is fair in love and war... Hindi pala.

        Makikita mo Xenon, makakaganti rin ako sayo.

       "I heard that." Tila nang-aasar niyang sabi kaya umismid nalang ako. "Sinadya ko talagang isipin iyon para marinig mo. Warning 'yon." Kunwari ay galit kong sabi, kaya naman tinawanan niya lang ako.

       "To be fair, I didn't answer some of your questions because I know that you'll find it out. And sometimes, you already have the knowledge of it, you just haven't realized it yet."

       Kunwari ay umismid pa ako, pero alam ko namang tama siya. Anong magagawa ko kung ganito ang mga taong naka paligid sakin? Gustong-gusto nilang ako ang nakaka-alam ng sagot sa sariling paraan ko. Pero sabagay, minsan nga naman talaga ay alam ko na ito, hindi ko lang napagtatanto agad.

       "Pero ano nga bang question ang tinutukoy mo?" Sagot-tanong ko sa kanya. Hindi ko pa rin kasi maalala kung alin bang tanong ang ibig niyang sabihin.

      "You asked me once what card I will play in this game of cards, and I still haven't given you my answer." Napataas naman ang kilay ko nang marinig ko ang sinabi niya.

       "Ha? Iyon ba? Pero matagal na iyon ha?" Naalala ko ngang itinanong ko iyon sa kanya noong gabing hinatid niya ako pauwi sa amin, pagkatapos ng nangyaring secret meeting kasama sila Arianne. Tinanong niya kasi ako noon kung anong role ang pinili ko, at sinagot ko siya ng joker.

       Nang tinanong ko naman siya ng sa kanya, hindi naman siya nakasagot agad. Tatlong buwan na ang nakakalipas simula noon. Huwag niyang sabihin sa aking tatlong buwang iyon na gumulo sa isipan niya?

       "Hindi mo pa nakakalimutan 'yon?" Dagdag tanong ko nang hindi pa siya nakakasagot. Tumango-tango naman siya.

      "I don't forget, Alexandria. Especially if it's your words we're talking about." Aniya kaya napangiti ako.

       Xenon, alam na alam mo talaga kung paano ako papakiligin ano?

       "May sagot ka na ba para sakin?" Tanong ko sa kanya, na tinanguan niya rin.

       Sa totoo lang naku-curious ako kung ano ang pipiliin niya. Madalas kasi talaga ay napapaisip ako, at nagtataka. Napapatanong sa sarili ko kung ano-ano nga ba ang tumatakbo sa isipan niya.

       "Ace.." Ace?

       "Bakit? At anong Ace?" Mabilis kong sagot. Nagtataka kasi ako kung alin sa apat ang tinutukoy niya. At kung anong rason niya...

       "Ace of Spades, Ace of Diamonds, Ace of Clubs and Ace of Hearts." Napakunot naman ang noo ko sa narinig ko. Gusto ko sana siyang asarin na ang dami naman ng pinili niya pero may kakaiba sa tono ng pananalita niya, kaya nakaramdam ako ng kaba.

       "Xenon, bakit? Ganoon mo ba kagustong manalo sa laban na ito?" Inaasahan kong hindi pa siya sasagot agad, pero hindi. Walang pag-aalinlangan siyang tumango kaya agad akong napalingon sa kanya.

       Hindi naman niya ako pinakawalan mula sa pagkakayakap niya, kaya nasa bewang ko pa rin ang mga kamay niya. Ang lapit lapit namin sa isa't isa. Siguro kung ibang oras ito, mababaliw na ako sa sobrang kilig.

      Sinalubong ko ang mga mata niyang punong-puno ng misteryo. Iba ang lalim nito, animo'y may dinadalang malaking problema.

      "Yes, I badly want to win, Alexandria. I want you to win this war, no matter what." Seryoso niyang tugon na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

       "Nakikita ko nga iyon sa mga mata mo... pero anong rason? Anong rason mo sa pagpili mo ng apat na Ace? Anong ibig sabihin no'n?"

      "Let's say that Gabriel, and whoever are other enemies are, has the King card. They can win this if we don't choose our moves carefully, that's why I picked the four Aces." Mahinahon niyang sagot... Pero hindi ko pa rin maintindihan.

       Hindi ko maintindihan ang kabang nararamdaman ko...

      "The one who holds the Ace of cards wins. You're the one who holds me, my whole heart, my soul and everything that I have. I want you to use me. Use me in every way possible, in every aspects of life, you'll have all my support. I'll willingly give you all of me if it's mean ensuring your victory."

       Napasinghap ako sa sinabi niya at agad na napailing-iling. Nagsimula rin akong kumawala sa yakap niya, pero mas hinigpitan lang niya ang paghawak sa akin. Dahil dito ay sunod-sunod nalang na pagpalo sa braso niya ang ginawa ko.

       "Bitawan mo ako." Hindi ko inaasahan ang galit sa boses ko nang sabihin ko iyon, ngunit mas hindi ko inasahan ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

       "It's fine. Everything will be fine." Mukhang ayaw niyang magpatinag dahil nagawa pa niya akong ngitian. Mas humigpit din ang yakap niya sa akin, kaya ginamit ko na ang lakas ko para maitulak siya.. at makawala sa kamay niya.

       Kitang-kita ko ang sakit na lumandas sa mukha niya. Pero nasasaktan din ako. Hindi ko matanggap ang mga sinabi niya, at ang ibig sabihin ng lahat ng iyon.

       "Naririnig mo ba ang sarili mo, Xenon? Alam mo ba kung ano iyang hinihiling mo sa akin?! Gusto mong gamitin kita! Gusto mong ubusin ko ang lahat ng lakas mo para saan? Para sa akin? Gusto mong isakripisyo ang sarili mong buhay para lang sakin! Ayoko no'n Xenon! Hindi ko matatanggap iyon." Napalakas na ang boses ko dahil sa takot na nararamdaman ko. Sunod-sunod na rin ang pagtulo ng luha ko kaya napahawak na ako sa dibdib ko, at napa-upo.

       Siya nalang itong pinanghuhugutan ko ng lakas para malampasan ang lahat ng ito. Isa siya sa mga dahilan kung bakit tinitiis ko ang lahat, masiguro lang na magtatagumpay kami sa huli. Handang-handa akong tanggapin lahat ng sakit, dahil ayoko ng dumagdag pa sa mga sarili nilang problema.

       At ang marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya... Ang malamang handang-handa siyang ibigay ang buhay niya para sakin– hindi ako nasisiyahan. Ilang buhay pa ba ang dapat mawala masiguro lang ang panalo sa huli? Sino-sino pa ang kailangan masaktan para lang mabawi ang kapayapaang pilit na ipinagkakait?

      "Hindi ko kaya, Xenon. Hindi ko kayang gamitin ka para manalo, kung pagkatapos naman ng lahat ng ito... wala ka sa tabi ko." Naramdaman kong lumuhod siya sa harap ko, para makalapit sa akin at para maging magka-lebel kami, pero hindi ko siya tiningnan.

       "A-yoko... P-lease, nagmamaka-awa ako, huwag mo namang gawin sakin ito." Wala na akong pakialam kung may makakita sa aking umiiyak ng ganito. Hinding-hindi ko matatanggap nag gusto niya.

      Hinding-hindi ako papayag sa nais niyang mangyari. Hindi ko na hahayaang may mawawala pa sa mga mahal ko sa buhay dahil dito. Dahil lang sa ako si Alexandria, at puros gulo ang dala ng Abilities ko.

       "Princess..." Naramdaman ko ang muli niyang pagyakap sa akin, pero hindi ko pa rin siya magawang tingnan. Ayaw ding matigil ng pagbuhos ng luha ko.

      "I'm sorry..." Paulit-ulit na bulong niya sa akin.

      Akala ko mababago na ang desisyon niya, at hindi niya na hihilingin sa akin iyon. Akala ko magiging okay na, pero mas lalo lang akong nasaktan, natakot at naiyak sa mga sunod na salitang binitawan niya.

      "I'm the Manipulator, and I know that now. I'm the Manipulator, and it's my fate to vanish... And as much as I want to stop my ill-destined future, I can't. Because I can feel it. I can feel life slowly leaving my body."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top