VI - The Return
Anong nangyari dito?
Inilabas ko agad ang dalawang Masonic Short Dagger ko at hinigpitan ang hawak dito, para lang makasigurado, nang makita ang nakakalat na katawan sa daanan, lahat sila ay wala ng malay... lahat sila ay patay na.
Sinundan lang namin ni kuya Jarvis ang naramdaman kong presensya ni Arianne... at dito kami nito dinala. Mula sa main road na dinadaanan namin kanina ay lumiko kami sa isang maliit na daanan, lubak lubak iyon pero pinagpatuloy lang namin ang pagtahak nito at ito ang naabutan namin. Ni hindi pa ito ang dulo ng daan pero kinailangan naming tumigil dahil sa nakikita namin.
"Baby A, are you sure you feel Arianne's presence here?" Rinig kong tanong ni Kuya Jarvis, at kahit hindi ko siya lingunin ay alam kong nakakunot ang noo niya. Tumango lang ako sa kanya habang isa-isang pinagmamasdan ang mga... patay... sa harapan namin.
Wala silang tama o kahit anong sugat, pero sigurado akong... wala na silang buhay.
Hindi ko maintindihan.
Wala na akong maramdamang panganib sa paligid, pero ramdam na ramdam ko pa rin ang presensya ni Arianne rito. Posible bang galing siya dito? Pero anong ginagawa niya sa lugar na ito? Puros... puno lang ang andito. At ang mga taong ito, sino sila at bakit sila nakabulagta ng ganito rito?
"They look like they just died." Inalis ko na ang tingin ko sa mga katawan at bumaling nalang kay kuya Jarvis. Naka-squat siya habang tinitingnang mabuti ang isang bangkay sa may paanan niya, animo'y sinusuri kung paano ito namatay.
Lumapit naman ako sa kanya at itinago na muli ang daggers na hawak ko. Ginaya ko rin ang posisyon niya upang matitigan kong mabuti ang patay na lalaki. Agad namang napakunot ang noo ko nang mapansin ang litid ng ugat sa leeg niya, na parang anumang oras ay mapuputol na, lalo pa't parang kitang-kita na rin ito.
"Normal ba 'to, Kuya?" Katulad ng inaasahan ko ay kumunot din ang noo ng kapatid ko nang makita niya ang itinuro ko. Umiling din siya agad.
"I've never seen anything like this. Could this be the reason why they're dead? Is this poisoning?" Bakas na bakas ang pagtataka sa sunod-sunod na tanong ni Kuya at hindi ko siya masisisi. Napatingin naman ako sa mukha ng lalaki at wala namang kahit anong bakas ng poisoning na nangyari sa kanya, o sa kanila.
Ewan ko kung anong pumasok sa isipan ko at bigla kong pinagana ang Ability ko. Naramdaman ko rin agad ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko nang inilapit ko ang kamay ko sa leeg ng lalaki. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa ko, o kung bakit ko ito ginagawa. Basta parang may nag-uudyok lang sa aking gawin ito.
Agad naman akong napasinghap. Nailayo ko rin ang kamay ko at napa-atras ako, kaso ay mali ang naging hakbang ko kaya tuluyan akong napa-upo sa lupa. Hindi ko rin sinasadyang mahawakan ang isa pang walang malay na katawan sa likod ko.
"AAAAAAAH!" Pakiramdam ko ay nalulunod ako bigla at nauubusan ng hangin sa katawan dahil sa iba't iba at malalakas na pwersang nararamdaman ko.
Sumakit din bigla ang ulo ko at sinabayan ito ng isang nakakabinging matulis na ingay. Napapikit nalang ako at napatakip sa aking tainga. Sunod-sunod din ang naging pagsinghap ko dahil sa paghahabol ko ng aking hininga.
"Baby A, what's happening?" Alam kong may sinasabi si kuya Jarvis pero parang hindi ko siya marinig. Ang alam ko lang ay ramdam na ramdam ko ang dalawang kamay niya sa aking magkabilang braso, at pilit akong pinagsasalita. Napapa-iling lang ako dahil sa sakit ng ulo ko.
"Alexandria!" Agad naman akong napadilat nang tila biglang binasag ni kuya Jarvis ang kakaibang tunog na naririnig ko. Sumalubong sa akin ang kanyang nag-aalalang mukha at hinila niya rin ako agad sa isang mahigpit ng yakap.
"What happened to you? You scared me." Bulong niya habang tinatapik-tapik ang likod ko, pinapakalma ako.
Humugot naman muna ako ng ilang malalim na hininga, pilit ding nililinaw sa aking isipan kung ano nga ba ang nangyari. Ang alam ko lang ay sinubukan ko lang silang pakiramdam, pero nabigla ako sa kakaibang lakas na nagmula sa kanila. Masyadong madami at sabay sabay, nakakapanghina. Sa sobrang linaw, ramdam na ramdam ko rin ang panghihina nila bago sila mamatay.
Nang mahimasmasan na ako ay humilaway naman ako kay kuya Jarvis, at tiningnan siya ng diretso sa mata. Alam kong bakas na bakas ang takot ngayon sa mga mata ko kaya nakakunot ang kanyang noo. Muli akong bumuntong hininga bago bitawan ang mga salitang alam kong ikakagulat niya. "Kuya, ang ikinamatay nila... Alam ko na."
Hindi sumagot sa akin ang kapatid ko kaya ipinagpatuloy ko nalang din ang nais kong sabihin. "Namatay sila dahil sa pagkawala ng Abilities nila." Katulad ng inaasahan ko ay nanlaki ang mga mata ni Kuya Jarvis, halatang gulong-gulo at hindi makapaniwala. Umayos naman ako agad ng upo at lumingon sa patay na nahawakan ko kanina. Itinuro ko agad ang ugat niyang kitang-kita sa kanyang leeg, parehong-pareho ito sa patay na tinitingnan namin kanina.
"Ang mga ugat na 'yan, ayan ang patunay na namatay sila habang sapilitang kinukuha ang Spirit sa katawan nila, para makuha ang Ability nila. Pinatay sila para kuhanin ang Ability nila, Kuya." Napa-awang naman ang bibig ni kuya Jarvis sa aking isiniwalat.
"How is–" Magtatanong palang sana si Kuya pero hindi na niya naituloy nang may marinig kaming isang boses. Napalingon kami agad dito pareho.
"You're really one smart girl, aren't you?" Bumungad sa amin ang dalawang taong nakasuot ng itim na damit. Naka-upo sila pareho sa isang motor at nasa may kabilang banda sila, sa dulo ng mga walang malay na katawan. Balot na balot ang kanilang katawan. May takip din ang kanilang mukha at tanging ang mga mata lang nila ang nakikita.
Napakunot naman ang noo ko nang matitigan ko ang isa sa kanila.
"Kayo ba ang may gawa nito?" Humalakhak naman agad ang lalaking nagsalita kanina sa aking tanong. Akala ko ay sasagutin niya ako pero tanging kibit-balikat lang ang ibinigay niya bago niya agad na pinaandar ang motor niya.
Nabigla naman kami sa bilis ng pangyayari, pero agad ding umalis si Kuya Jarvis sa tabi ko upang sundan sila. Ang bilis niya ring kumilos dahil sa Enhanced Speed niya. Akala ko ay maaabutan niya sila pero nanlaki ang mga mata ko nang makitang naglabas ng isang malaking fireball ang kasama no'ng lalaking nagsalita. Ang pagkaka-upo kasi niya sa motorsiklo ay patalikod sa kasama niya, at sa amin ang tingin niya. Nakita niya siguro ang bilis ng kapatid ko at balak niyang umatake.
Napa-iling naman ako sa aking nakita. Hindi pwede.
"Kuya!"
Bago pa mahuli ang lahat, at masaktan si Kuya ay agad ko ng pinagana ang aking ability. Agad akong gumawa ng isang malakas at malaking barrier upang ibato ito sa direksyon ng dalawa.
Sabay naman ang pagtama ng barrier na ginawa ko sa pagtama ng malaking fireball, at dahil doon ay naglabas ito ng isang malakas na pwersa. Dahil ang lapit na ni Kuya sa kaaway ay agad siyang napa-upo at tumalsik naman ang dalawang naka-itim.
"Kuya Jarvis!" Kumilos na ako agad at tumakbo papalapit sa kapatid ko. Medyo natatagalan nga lang dahil pilit kong iniiwasang maapakan ang mga bangkay sa daanan. Nakita ko naman ang pagngiwi ni Kuya, marahil ay dahil sa pwersang naramdaman niya.
"Kuya, ayos ka lang?" Nang makalapit ako sa kapatid ko ay ang siya namang pagtayo din ng dalawa, pareho silang nahirapan din makatayo agad.
"I'm fine, let's get them." Inalalayan ko agad na tumayo si Kuya Jarvis. Habang ginagawa ko iyon ay nakikita ko sa gilid ng mga mata ko ang agad pag-alis na ng dalawa. Sumakay kasi sila agad sa motorsiklo at mabilis itong pinaandar.
"Kuya, 'wag!" Akma sanang kikilos na si Kuya para habulin sila pero pinigilan ko siya. Binigyan niya ako ng isang nagtatakang tingin pero tanging pag-iling lang ang ginagawa ko.
"We could've catch them, Alexandria. Siguradong sila ang may gawa nito." Alam kong dismayado siya na hinayaan ko silang maka-alis, pero sa ngayon, iyon ang tama. Bumuntong hininga naman ako bago sumagot kay kuya Jarvis. "Malaki nga ang posibilidad na sila ang may gawa nito, at kung sila man, siguradong may iba pa silang kasama."
Nang alam kong hindi na magtatangka muling umalis ang kapatid ko, para habulin ang dalawa, ay inalis ko na ang mahigpit kong hawak sa braso niya.
"At kung sakaling mahuli mo sila, makakaya mo ba silang iharap sa Council?" Nilingon naman ako ni kuya nang marinig ang tanong ko. Salubong ang kanyang kilay, animo'y hindi makapaniwala sa narinig.
"Why not? Of course, I can." Binigyan ko naman siya ng isang malungkot na ngiti bago ko muling ibinaling ang tingin ko sa dalawa. Katulad ng inaasahan ay nakalayo na sila at wala akong ideya kung saan sila tutungo.
Nagpakawala nalang ako ng isang malalim na buntong hininga habang inaalala ang mata ng isa sa kanila... at ang pamilyar niyang presensya.
"Sa tingin ko, hindi." Muli kong nilingon ang kapatid kong ngayon ay nakanguso na parang bata. Ang kanyang malalaking mata ay punong-puno ng kyuryusidad.
Oo nga't nasaktan si Kuya, pero siya pa rin ito... siya pa rin ang kuya Jarvis na nakilala ko. Ang Kuya Jarvis ko na malambot ang puso, lalong-lalo na sa babaeng gusto niya. Hindi ko man siya gustong saktan muli, kailangan niya pa ring malaman ang katotohanan.
"Iyong kasama no'ng lalaking nagsalita.. Yung taong gusto kang gamitan ng Ability... siya iyon, Kuya. Siya si Arianne Arabella."
Ang kaninang pagtataka ay napalitan muli ng isang malungkot na mga mata. Nahanap nga namin si Arianne... Pero bakit sa ganitong sitwasyon pa?
Anong nangyari sa kanya?
~ × ~
"What are you looking for, baby A?" Natigil ako sa pagtitingin sa mga lumang librong nakalagay sa shelves para lingunin si kuya Travis. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan nitong basement library habang kumakain ng isang apple. May hawak din siyang isa pa at inalok niya ito sa akin, pero umiling lang ako.
"Kuya, sa tingin mo ba may mga libro o kahit isang libro lang, si Daddy tungkol sa mga rare Abilities?" Tanong ko at muli kong ibinalik ang atensyon ko sa mga librong nasa harapan ko. Isa-isa ko ring binabasa ang mga titles nito, umaasang may mahahanap ako.
Kanina, wala na kaming magawa ni kuya Jarvis kung hindi tawagan nalang ang Council. Kinailangan pa namin silang antaying dumating, para mas maipaliwanag ang nangyari. Nang dumating naman sila ay hindi kami agad naka-alis dahil kinailangan pa raw nila kaming tanungin ng mga bagay bagay, katulad ng kung bakit kami naroroon at kung saan kami pupunta. Sa tingin ko ay halos o lampas apat na oras kaming naabala doon.
Pagkatapos nila kaming pinakawalan, inantay din muna namin silang umalis. Hindi kasi namin binanggit ang tungkol kanila Arianne, kaya hindi rin namin sila magawang masundan agad sa daang pinuntahan nila. Baka kasi sundan kami ng Council at kung andoon nga si Arianne, ayokong ipahamak siya.
Pagka-alis nila ay tinahak agad namin ni Kuya Jarvis ang daanan, kaso nagulat lang kami at nadismaya nang makitang isa itong dead-end. Isang bangin ang dulo ng lugar, na siyang sobrang ipinagtataka ko. Kanina pa nga bumabagabag sa isipan ko kung saan napunta si Arianne. Imposible namang tumalon sila sa bangin, hindi ba?
Sa huli ay wala rin kaming nagawa ni Kuya kung hindi umuwi nalang, lalo pa at pinauwi na rin kami nila Mommy dahil nabalitaan niya agad ang nangyari. Baka raw pag-initan pa kami ng Council kaya mas makakabuti kung bumalik nalang kami sa Hillwood.
Habang nasa byahe naman kami ay hindi ko maiwasang paulit-ulit na isipin ang kasamang lalaki ni Arianne. Noong natitigan ko kasi sila ay naka-Ability Mode sila pareho, at napansin ko ang kakaibang kulay ng mga mata niya... ngayon ko lang iyon nakita. Naisip ko tuloy na baka isang Rare Ability iyon.
Pagkarating na pagkarating tuloy namin dito sa Mansion ay dumiretso ako agad dito sa library. Nagbabaka-sakali lang akong may mahahanap akong impormasyon tungkol sa nakita ko.
"Alexandria, are you listening?" Nagulat naman ako nang tapikin ako bigla ni kuya Travis sa braso, kaya napatingin ako sa kanya. Hindi ko namalayang nasa tabi ko na pala siya dahil masyado akong tutok sa mga libro sa aking harapan.
"Ano iyon, Kuya?" Bumuntong hininga naman siya sa tanong ko at napangiti nalang. "I said, you're looking at the wrong section." Agad naman akong napakunot noo at nagtaka dahil sa tinuran niya.
"Bakit? Diba ito ang shelves tungkol sa Abilities?" Itinuro ko pa ang mga libro dahil lahat ito ay tungkol sa mga Ability pero umiling lang si Kuya Travis. Naglakad din agad siya palayo sa akin, papunta sa dulo pa kung nasaan ang mga librong makakapal at tila lumang luma na. Wala naman akong nagawa at sumunod nalang sa kanya.
Masyadong malaki ang basement library, at talagang punong-puno ito ng mga iba't ibang libro. Ang kumportable rin ng aura dito dahil mga torches ang nagsisilbing ilaw, pero kahit ganoon ay hindi naman mainit. Sa katunayan ay ang lamig nga dito, tapos ang dami pang mga bean bags sa carpeted na sahig, na para bang nag-aantay sila sayo dahil talagang mapapabasa ka rito ng matagal. Sa katunayan nga ay dito ako namalagi noong nakaraang tatlong buwan kapag wala akong ginagawa. Nabasa ko na ata lahat ng history books dito tungkol sa Hillwood, sa Oakwood at sa Central, pero lahat naman ng iyon ay hindi nagbanggit ng Legend. Talagang pinagtakpan ng Council ang nangyari ha? Minsan nga ang sarap nalang ibato ng libro dahil parang punong-puno ito ng mga kasinungalingan, pero hindi ko nalang ginawa dahil kahit papaano ay may ilang bagay akong nalaman at natutunan.
"If you're looking for more detailed informations about Basic Abilities and Elemental Abilities, that's the place for you. But since you're looking for Rare Abilities, this is the right section." Binuksan naman agad ni kuya Travis ang shelf na tinutukoy niya. Mayroon kasi itong glass na parang sliding door, para siguro maprotektahan ang mga libro. May kalumaan na rin kasi ang mga ito kaya nga hindi ko ito naisipang galawin man lang, dahil baka mamaya ay masira ko pa.
"Pwede ko ba itong gamitin?" Tumango-tango naman si Kuya Travis sa tanong ko kaya napangiti ako ng malapad.
"Informations about Rare Abilities are really hard to find, baby A. Kaya inihiwalay talaga iyon sa mga libro tungkol sa Abilities." Kaya pala...
"These books here... these are our ancestors' own research and record about the existing Rare Abilities. They also wrote down some Abilities that might show up in the future, based on further combinations of the Abilities we have in this world. Some might not even come true, but what's wrong in trying, right?" Napa-awang naman ang aking bibig dahil sa pagkamangha. Ang galing, talagang sila mismo ang nag-record ng mga ito.
"You can read everything you want to read, just be careful with the books." Tumango naman ako kay kuya Travis at ibinaling na ang tingin ko sa mga lumang libro sa aking harapan.
Agad kong inabot ang libro sa gitna. Hindi ko alam kung bakit ito ang pinili ko, pero pakiramdam ko lang ay marami akong malalaman dito. Kumpara sa ibang libro ay hindi ito ganoon kakapal, at hindi rin ito ganoon kaluma pa. Para bang ito ang pinaka-huling libro inilagak dito.
"That's Great Grandfather's book baby A." Narinig ko ang sinabi ni kuya Travis pero hindi ko na siya nilingon. Nakatuon lang ang atensyon ko sa hawak kong libro. Pinaglakbay ko ang mga daliri ko sa cover nito, at hindi ko maiwasang mapangiti. Isang kulay gintong M lang ang nakasulat dito, pero parang ang ganda ganda. Kulay itim ang libro at ang bango ng luma nitong amoy. Animo'y nagpapahiwatig ng marami at nakatagong kaalaman. Hindi ko maiwasang mapangiti.
"I'll leave you for now, don't forget dinner time, okay?" Inangat ko naman ang tingin ko kay Kuya nang marinig ko ang tinuran niya. "Saan ka pupunta? Hindi ka ba magbabasa rin dito?" Agad naman siyang umiling sa tanong ko.
"I'll check on Jarvis." Nawala naman ang ngiti ko sa pagbanggit niya ng pangalan ni Kuya Jarvis kaya agad niyang ginulo ang buhok ko. "Don't worry about him, he'll be fine." Bumuntong hininga nalang ako at tumango. Sana nga.
Tinapik-tapik nalang ni kuya Travis ang ulo ko bago siya tuluyang tumalikod na at naglakad paalis. Sinundan ko lang siya ng tingin at bago siya tuluyang makalabas ay may sinabi pa siya kaya napangiti nalang ako. "I hope you find what you're looking for, baby A."
Bitbit ang librong kinuha ko ay dumiretso nalang din ako sa isang malaking bean bag, malapit sa malaking gas lamp.
Pagbukas na pagbukas ko ng libro ay agad na bumungad sa akin ang mga unang Rare Abilities na nakalista– mga Rare Abilities na nakapangalan sa mga ninuno namin. Hindi ko maiwasang mamangha sa nakikita.
Ang sabi sa akin ni Daddy dati ay Earth Element Manipulation naman talaga ang madalas na Ability ng mga ninuno namin, pero hindi ko akalaing marami rin sa kanila ang may Rare Abilities.
Ni hindi ko kilala kung sino-sino ang mga ito, pero namamangha pa rin ako. At grabe, ang tyaga naman ng nagsulat nito. Lahat kasi ay sulat kamay pero sobrang detalyado.
Gideon Montecillo - Dark Energy Manipulation
(A sub-ability of Darkness Manipulation; Focuses on Manipulating Dark Energy; Pebble-colored Eyes)
Imogen Montecillo - Lightning Calling
(A sub-ability of Lightning Manipulation; Ability to Summon Lightning; Beige-colored Eyes)
Frederick Montecillo - Weather Manipulation
(A variety of Sky Manipulation; Ability to Manipulate the Weather; Paled Turquoise-colored Eyes)
Madeleine Montecillo - Illusionist
(The Ability to change the structure of the locations or the appearance of anything; Bright Pink-colored Eyes)
Rose Montecillo - Regeneration
(A sub-ability of Light Manipulation; Ability to heal oneself without the help of others; Ivory-colored Eyes)
Illusionist? Ang kakayahang gumawa ng trance o ilusyon. Kapareho ng ability ni Tita Xierra... ng Mommy ni Xenon.
Ipinagpatuloy ko nalang ang aking pagbabasa. Puros mga Montecillo lang naman ang nakalista rito, at ang iba ay katulad na ng kanila Kuya. Mayroon namang katulad ng kay Cassandra at kay Tita Nichole– Pre-cognitive at Retrocognitive Clairvoyance. Ang kakayahang makita ang hinaharap at ang nakaraan.
Ang dami dami pala ng mga Montecillo. Hindi pa kasama rito iyong mga hindi Rare ang Ability. Napapa-isip tuloy ako kung anong nangyari, at bakit sila Daddy at Tita Nichole nalang ang natira? Hindi man lang ba nagka-anak ang iba rito?
Hanggang sa likuran ng ikalawang pahina ay mga Montecillo pa ang nakalista. Iyong iba ay katulad nalang ng mga naunang Rare Ability. Kahiy ganoon pa man, nakakabilib pa rin. Sa panahon kaya ngayon, mayroon pa ring mga tao na may ganitong kakayahan? Asaan kaya sila?
Napansin ko namang hindi pa kasama sa listahan ang pangalan nila Tita Nichole, Daddy at ng mga kapatid ko. Sabagay, sabi ni kuya Travis ay great grandfather pa namin ang nagsulat nito noon. Marahil ay bata pa siya noong ginawa niya ang listahang ito.
Nang inilipat ko na sa sunod na pahina ay agad naman akong nakaramdam ng pinaghalong pagkadismaya at tuwa... Hindi ito ang record ng lahat ng Rare Abilities.
Sa halip, ito ay ang listahan ng mga posibleng Rare Abilities. Wala pang nagkakaroon ng mga Abilities na ito, at ibinase lang ito mula sa mga existing Abilities.
Ang kalahati sa akin ay nalulungkot dahil gusto ko sanang malaman kung ano ang mga existing Rare Abilities, pero hindi ko maipagkakailang nasasabik din ako. Malakas din kasi ang pakiramdam kong sobrang importante ng mga nakasulat dito.
Nagkibit-balikat nalang ako at sinimulan na ang pagbabasa. Wala naman sigurong masama kung uunahin ko itong basahin kesa sa record ng mga existing Abilities. Baka mamaya dito ko pa matagpuan ang hinahanap ko.
Agad namang napakunot ang noo ko sa unang Ability na nabasa ko.
Power Randomization
(The Ability to have any random powers at any time)
Posible kayang ito ang Ability ko? Kasi kahit hindi ko naman Ability ay nagagawa kong gamitin. Wala rin kasing nakasulat kung ano ang kulay ng mata kapag ito ang Ability kaya hindi ko makumpirma. Hays.
Iniling-iling ko nalang ang ulo ko at binasa na ang mga sunod na Abilities... na talaga namang nagpapamangha sa akin ng sobra.
Power Negation
(Ability to nullify the powers of others)
Power Bestowal
(Ability to give powers to others either permanently or temporarily)
Mentifery
(A possible sub-ability of Illusionist; Ability to turn thoughts and imaginations into reality; Reality Warping)
Invisibility Awareness
(Ability to detect and see through any invisibility)
Hindi ko alam pero malakas ang kutob kong ang ilan sa mga Ability na ito ay nagkatotoo na. Parang katulad ng Power Bestowal– ang sabi kasi ni Xenon ay nakuha niya ang ilang Abilities ko nang ibinigay ko sa kanya ang parte ng buhay ko. Ibig sabihin... nangyari ang Power Bestowal sa pagitan naming dalawa.
Nakakamangha.
Pero mas nakakabilib ang mga sunod pang Abilities. Mayroon kasing tinatawag na Mediumship at Astral Manipulation.
Ang Mediumship, ayon dito, ay ang kakayahang makipag-usap sa mga spirit na wala na... o nasa afterlife na. Mayroon na kayang taong may ganitong kakayahan? Ano kaya ang pakiramdam ng mayroong ganitong Ability?
Astral Manipulation naman ang tawag sa Ability na kayang magmanipula ng Astral o Spiritual Energy. Nasa ilalim ata ito ng Spirit Element.
Posible kayang ito ang kakayahan no'ng nakita ko kaninang kasama ni Arianne?
Ipinagpatuloy ko naman ang aking pagbabasa. Pakiramdam ko kasi, sa bawat paglipat ng pahina na ginagawa ko, at bawat Abilities na nababasa ko ay talagang nabubuhay ang dugo ko.
Ang mga Abilities na ito... kung sakaling mayroon na ngang ganito ang kung sinuman... Gaano sila kalakas?
Hindi ko alam kung gusto ko bang matakot o mamangha.
Sa tingin ko ay nasa kalahatian na ako ng librong hawak ko nang bigla akong mapa-ayos ng upo. Nanlaki rin ang aking mga mata sa mga Abilities na nabasa ko.
Posibleng posible nga talaga ang mga kakayahang ito. Dahil ako mismo, sa tingin ko, ay mayroon ng isa rito.
Poison Generation
(Ability to create or generate variety of poisons)
Poison Immunity
(Ability to be immune to all forms of poison)
Ang Poison Generation na Ability... at ang katumbas nitong Poison Immunity. Hindi ako pu-pwedeng magkamali. Mayroon akong Poison Immunity.
Ito... itong mga nakasulat dito. Ito ang kasagutan sa paulit-ulit kong tanong kung bakit hindi ako namatay noong natamaan ako ng poisoned-dagger ng mga kaaway. Sa loob ng tatlong buwan ay iniisip ko na baka nagha-hallucinate lang ako noong Hillwood Day at wala talaga akong narinig na boses. Ngayon, sigurado na ako... epekto lang iyon ng Poison na pumasok sa sistema ko. Maaaring hindi lang gumana agad ang Poison Immunity na Ability ko.
At itong Poison Generation... Sa tingin ko ito ang Ability niya. Ito ang Ability ng kalaban namin. Kaya siguro kung ano-anong Poison ang mayroon siya.
Hah. Poison Generation pala, ha. Tingnan ko kung uubra pa sa akin lahat ng Potion na gagawin niya.
Hindi ko na maalis ang ngisi sa aking labi nang inilipat ko na sa sunod na pahina. Ewan, pero lumakas lang ang loob ko na may laban pala talaga ako sa duwag kong kaaway.
Ang ngisi naman sa labi ko ay agad ding nawala dahil napa-awang ang bibig ko sa sunod kong nabasa. Tunay akong namamangha...
Dimensional Awareness
(Ability to detect cross-dimensional portals or barriers)
Oneiromancy
(Ability to gain insight into a question or situation by way of dreams; A technique of Dream Manipulation)
Dream Manipulation
(The power or ability to manipulate dreams)
Dimensional Awareness? Ibang dimension? Posible ba talaga ito? Posible bang mayroon talagang ibang dimensyon sa mundong ito?
At itong Oneiromancy... parang katulad ito ng nangyari sa akin. Iyong mga panahong akala ko ay ibang tao si Alexandria at paulit-ulit lang siyang nagpapakita sa panaginip ko.
Magkatulad ba sila... o isang sub-ability pa ng Oneiromancy at Dream Manipulation ang nangyari sakin?
Sa bawat paglipat ko ng pahina, mas lalo akong nakukumbinsi na lahat ng ito ay totoo o posible, lalo pa at ang ilan sa mga nabasa kong Ability ay tila nagkatotoo nga.
Napapa-isip tuloy ako kung ano ba ang Ability ng Great Grandfather ko na nagsulat nito. Ang talino at ang galing niya upang maisip ang mga ito. May kakayahan kaya siyang makita ang hinaharap kaya niya naisulat ang mga ito?
Bumuntong hininga nalang ako at nagbasa nalang. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko sa mga nababasa ko. Pakiramdam ko nga ay sasabog na ang aking isipan.
Ang mga sunod ko namang nabasa ay talagang pumukaw pa lalo ng atensyon ko. Sunod-sunod din ang naramdaman kong tila kuryenteng dumaloy sa buong sistema ko. Goosebumps, ika nga nila.
Bakit? Pakiramdam ko kasi ay may kinalaman ang mga sunod na Abilities sa Legend— sa Manipulator, sa Shield at kay Alessandra na Powerful Being.
Ilang beses ko pang ipinikit ang mga mata ko dahil sa pag-aakalang niloloko lang ako ng isipan ko. Pero hindi, dahil kahit ilang beses akong kumurap, hindi pa rin nagbabago ang mga impormasyong nakasulat sa librong hawak ko.
Mayroong Ability dito na tinatawag na Brain Asphyxiation o Neurocognitive Deficit. Ito ang Ability kung saan kayang-kaya ng isang tao na i-shut down ang utak ng kanyang kaaway, at wala pang isang iglap ay mawawalan ito ng malay at buhay.
Ang Mnemokinesis naman ay ang kakayahang kontrolin at manipulahin ang isa o higit pa na memorya. Kasunod nito ang Ability na tinatawag na Psionic Inundation o Telepathic Torture– ito ang Ability na nakakasira sa utak ng isang tao na pwede nilang ikawala ng memorya, o ikamatay. Hindi ko alam pero may isang partikular na taong pumasok sa aking isipan nang mabasa ko ang dalawang ito kaya napangiwi ako. Kung hindi lang ito konektado sa Manipulation, hindi ko ito iisipin masyado.
Ang tatlong Ability kasi na mga ito ay konektado, o posibleng epekto ng isang Mental Manipulation o iyong pagmamanipula ng utak ng isang tao. At kapag isinama mo ito sa Emotion Manipulation o ang Ability na nagmamanipula ng emosyon ng isang tao... malalaman mong parte ang mga ito ng Manipulation– ang Ability mg Manipulator.
Napalunok nalang ako sa aking nabasa.
Ang laki pala ng saklaw ng isang Manipulator... kaya pala ipinadala ni Alessandra dati ang Shield.
Power Indemnity... sa tingin ko ito ang Ability ng Shield. Nakasaad kasi rito na ang taong may ganitong kakayahan ay immune o protektado sa lahat ng powers o abilities na gagamitin at makakasama sa kanya... at kasama doon ang Manipulation.
Ang Shield... hindi sa kanya umubra ang Manipulation kaya siya ang ipinadala at ibinigay ni Alessandra sa mga tao noon. Nanggaling siya sa Powerful Being kaya nang tuluyang nagbalik si Alessandra, nawala naman siya.
Nakasulat din dito ang isang salita na sa tingin ko ay nagtutukoy kay Alessandra, sa Powerful Being.
Divination
Hindi ito isang kapangyarihan o abilidad. Nakalagay dito na ang Divination ay isang phase of completion, o ang panahon ng tuluyang pagbabago ng isang tao. Sa prosesong ito ay tuluyang lumalabas ang buong kapangyarihan ng isang tao hanggang siya ay maging buo, at maging isang Powerful Entity.
Kapag nakatapos na ng Divination, doon na maipapamalas ng tao ang buong kakayahan at lakas niya. Ang dating akala niyang lakas at Abilities niya ay mas mag-iimprove pa pala.
Pero hindi ibig sabihin noon ay mahirap na siyang talunin. Dahil may Ability din dito na tinatawag na Divine Trapping, kung saan kayang-kaya ng taong may ganitong kakayahan na ikulong ang isang Poweful Entity sa isang partikular na lugar... o pwede ring panahon. Kapag tagumpay na natrap ang Powerful Being, hinding-hindi niya magagamit ang lakas niya para pakawalan ang sarili niya. Makakalaya lang siya kapag namatay na ang nagkulong sa kanya, o kapag pinalaya siya ng isa pang Divine Entity.
Si Alessandra ang Powerful Being. Siya ang Divine Entity... Napapa-isip tuloy ako na pwedeng hindi talaga siya namatay noon. Bagkus ay nakulong lamang kung saan. Maaaring sa isang lugar... o sa isang panahon– sa nakaraan, sa kasalukuyan o sa hinaharap.
Ang mga taong biniyayaan niya ng kapangyarihan, ginamit nila ang lakas nila at pinag-isa para makabuo ng isang Divine Trap. Wala silang utang na loob. Masyado silang nabulag sa kapangyarihang ipinahiram lamang sa kanila.
Nakakagalit at nakakalungkot. Bakit may mga ganoong klase ng tao?
Hays.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatingin lang sa pahina kung nasaan ang mga Abilities na konektado sa tatlong parte ng Legend. Masyado kasi akong nadala ng mga impormasyong nabasa ko kaya hindi ko magawang ilipat ito agad.
Nang mahimasmasan naman ako ay ipinagpatuloy ko nalang muli ang pagbabasa hanggang sa dulo. Katulad ng inaasahan ko, marami pa rin akong mga nabasa na talagang nagdulot sa akin ng pagkabilib. Karamihan man sa mga ito ay parang hinugot lamang o pinaghalong dalawang Ability, mamamangha ka pa rin talaga.
May ilan ding akong nabasa na nakatulong sa akin upang kumpirmahin ang ilang bagay. Mga Abilities na pumasok na isipan ko noon at inakala kong imposible... pero hindi pala. Nakakatuwa.
Pakiramdam ko tuloy ay mas lalong lumakas ang loob ko, at mas dumami ang magagandang baraha na hawak ko. Sino ang mag-aakalang marami pala akong makukuha at matututunan sa librong ito?
Tatlong pahina nalang ang natitira. Umaasa na talaga akong hindi ko na matatagpuan ang hinahanap ko, pero laking gulat ko nang makita ang isang Ability sa dulo ng pahina.
Napa-ayos agad ako ng upo at nanlaki ang aking mga mata.
Larceny
(There are two types of Larceny: Residual Power Larceny and Power Larceny.
Residual Power Larceny is the Ability to take away a little of someone's Ability and use it for a small amount of time.
Power Larceny or Ability Thievery is the Ability to steal and suck all the Energy and Power out of someone rendering them unconscious and dead)
Power Larceny... Ability Thievery. Ito... Ito ang Ability no'ng lalaking kasama ni Arianne.
Napatakip nalang ako sa aking bibig at napa-iling. Hindi ako makapaniwalang mayroon talagang tao na may ganoong kakayahan.
Papaano nangyari ito?
Si Alessandra, siya ang tagabigay ng kapangyarihan sa mga tao. Pero noong nawala siya, nagkaroon na ng mga Rare Abilities, hindi ba? Itong pag-usbong ng mga Rare Abilities na ito... dahil ba ito sa pagkawala niya? Wala na ang balanse... o ito na ba ang bagong balanse?
Bakit parang masyadong nakakatakot?
Hindi ko lubos maisip kung gaano iyon kasakit sa isang tao. Naramdaman ko lang ng kaonti ang pinagdaanan no'ng mga nakita naming patay... pero hindi ko na agad kinaya.
Nabuhay at ipinanganak kaming lahat ng may kanya-kanyang kakayahan. Iyon ang naging pagkaka-iba naming lahat. Iyon ang bumubuo sa aming lahat. At ang kunin iyon sa iyo ng walang pahintulot... tapos ikakamatay mo pa... ang sakit sakit no'n. Parang tuluyang kinuha ang pagkatao mo kapag gano'n.
Napabuntong hininga nalang ako. Pinulot ko nalang din ang libro dahil nabitawan ko ito sa sobrang gulat kanina. Sumakto namang sa huling pahina ito nakabukas kaya agad ko na itong binasa.
Napangiti naman ako agad nang mapagtantong sulat kamay ito ni Daddy. Mukhang siya ang nagdadag ng mga nakasulat dito lalo pa at listahan ito ng Ability niya at Abilities ng mga kapatid ko.
Namimiss ko na si Daddy ng sobra. Sana ay makabalik na siya sa amin.
Kahit na alam ko naman na ang mga kakayahan nila ay binasa ko pa rin ang mga nakasulat. Katulad sa unang pahina ay nakasaad din dito ang kanilang kakayahan at kung ano ang kulay ng mga mata nila.
Umaasa naman akong nakalagay din dito kung ano ang Ability ko, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sa akin malinaw, kaya nang makita kong putol ang pahina ay tiningnan ko agad ang likuran nito.
Sumilay naman agad ang isang ngiti sa aking labi nang makita ang pangalan ko sa taas ng pahina.
Alexandria Montecillo
Ngunit napakunot noo naman ako agad at napanguso nang makita ang mga sunod na nakasulat dito. Napakamot din ako sa likuran ng aking ulo dahil sa pagtataka.
Yung mga nakasulat kasi... hindi ko maintindihan. Parang mga simbolo na ewan.
Paano ko kaya 'to mababasa? Isa pa, bakit ba kailangang ganito pa?
Η επιστροφή
Οι θρύλοι είναι αλήθεια ... το Ισχυρό Ον πραγματικά επιστρέφει.
Η Αλεξάνδρεια είναι το Ισχυρό Ον ...
Hays.
Isasara ko nalang sana ang libro para ibalik na ito sa shelf, pero hindi ko nagawa nang maramdaman ko ang kusang paggana ng Ability ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdaloy ng kakayahan at lakas ko sa aking kanang kamay. Hindi ko rin alam kung ano ang pumasok sa isipan ko at itinapat ko nalang ito sa pahina kung nasaan nakasulat ang mga simbolo.
Napasinghap naman ako agad at naitapon ko ang libro nang bigla itong umilaw... at tila nagkaroon ng sariling buhay ang mga letra o simbolo. Wala pang isang iglap ay tila mga particles na itong nakalutang sa ere. Lumiwanag din ito ng sobra kaya nailagay ko ang kamay ko sa harapan para hindi ako masilaw.
Nang tuluyan namang humupa ang liwanag ay dahan-dahan ko ng ibinaba ang kamay ko, upang makita ang nangyari.
Tuluyan na ring napa-awang ang aking bibig nang napalitan ng mga letra ang kaninang tila mga simbolo... at ngayon ay kayang-kaya ko na itong basahin.
Napa-iling nalang ako ng paulit-ulit sa mga nakasulat.
The Return
The legends are true... The Powerful Being really came back.
Alexandria is the Powerful Being...
Hindi ito maaari...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top