The Master Manipulator

       Ang kuwento ng Shield at Manipulator ay nagsimula noong aksidenteng naibigay ni Alessandra ang Manipulation Ability sa isang tao. Ninais niya lang na iligtas ito, pero sa ginawa niyang iyon ay naibigay niya ang kakaibang lakas na kahit sino'y hindi dapat magtaglay.

        Ang kaso, nang magising ang Manipulator, nalaman niya ang masakit na sinapit ni Alessandra at ng anak dapat nila kaya doon siya nagsimulang magbago at naging masama. Isang bagay pa na nagpalala ng kanyang galit ay nang mas kinampihan ni Alessandra ang mga taong minsang nanakit sa kanya.

        Sabi ni Lola Clarissa para mapigilan ang ginagawa ng Manipulator ay ginawa naman ni Alessandra ang Shield. Isang natatanging kakayahan na kayang tumalo sa Manipulator. At iyon nga ang nangyari, dahil sa huli ay natalo pa rin ang Manipulator at nabuo pa ang walong elements. Ang masama nga lang doon ay ang nagawa ng mga Element Holder noon kay Alessandra, imbes na pasalamatan ito ay ginamit pa nila ang kapangyarihang inaalay sa kanila laban sa kanya. Kaya naman simula noon ay wala ng naka-alam kung saan na napunta ang Powerful Being.

       Alam ko na ang nangyari noon. Alam na ng lahat ang kuwento. Pero ang tanong ngayon... bakit mayroon nanamang Manipulator at Shield?

       Bakit kailangang maulit ang nakaraan?

       Iyan ang isang katanungan sa aking isipan na kailangang masagot, bago ako tuluyang makabalik sa reyalidad. Bago ko magampanan ang kapalaran ko...

       "Alessandra!" Katulad ng aking inaasahan ay patuloy na nag-echo ang aking boses nang subukan kong tawagin ang Powerful Being. Kanina, nang idinilat ko ang mga mata ko, ay natagpuan ko na lang ang aking sariling nakahiga sa gitna nitong cavern– isang malaking espasyo sa loob ng isang kweba. Mayroon kakaibang liwanag na bumabalot sa lugar, animo'y maraming kumakalat na mahika rito. Nakita ko rin ang mga amethysts na nakasabit mula sa itaas nitong cavern kaya doon ko naisip na marahil ay dito nagmumula ang magagandang kulay sa paligid. Doon pa lang ay nagkaroon na ako ng ideya na baka ang Powerful Being ang naririto dahil sa mga nakikita ko, at mas lalo lang napatunayan ang aking hinala ng mapansin kong nakahiga pala ako sa dami ng iba't ibang kulay ng begonia.

       Para sa isang lugar na walang sinag ng araw, saan pa pwedeng manggaling ang ganito kagagandang bulaklak? Isa lang naman ang kayang makagawa ng gano'n– Si Mama Rianne, o siguro ay mas mabuti na tawagin ko na lang siyang Alessandra.

       Hindi ko pa siya nais makita at makausap muli, pero mukhang kailangan ko na rin talagang gawin iyon para masagot na ang ilang katanungan na matagal ng naglalaro sa aking isipan. Ang kaso nga lang ay mukhang ang hilig talaga niyang magtago, ano? Naririto nga ako sa lugar niya, ngunit wala naman siya rito.

       Hays.

       Umupo na lang akong muli para ikalma ko ang sarili ko. Ipinikit ko rin muna ang mga mata ko at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa aking hita nang maayos ko ang pag-indian sit ko. Ilang beses din akong humugot ng malalim na paghinga para mas maging malinaw ang isip ko. Ngunit sa bawat paghingang ginagawa ko ay paulit-ulit lang na pumapasok sa aking isipan lahat ng alaalang nawala sa akin simula noong bata pa ako hanggang sa araw na inilibing namin si Raven, at ang huling tinig ni Gabriel na narinig ko sa aking isipan.

       Nang mapagtanto ko ang nangyayari sa akin sa ilusyong kinabilangan ko, doon din nagsimulang bumalik at bumuhos ang lahat ng alaala ko.

       Ang araw na una kong nakilala si Xenon at hindi sinasadyang makagawa ako ng bond sa kanya. Pati na rin iyong araw na nalaman ko, sa murang edad, na hindi kaibigan si Gabriel. Hanggang sa makita ko si Dana at sa isang tingin lang sa kanya ay alam ko na ang nangyari at pinagdaanan niya. Iyong araw na iniligtas ko si Raven at binigyan ng bond para manatili siyang buhay, hanggang sa dumating ang oras na kailangan niya ng tuluyang magpa-alam. Maging ang gabi ng pagkawala ko sa piling ng pamilya ko sampung taon na ang nakakalipas– Lahat iyon ay malinaw na malinaw na sa aking isipan.

      Ngayon ay alam ko na rin kung ano ang bagay na pumigil sa akin, o ang rason kung bakit hindi ko iyon sinabi agad sa mga magulang ko noon para sana natulungan nila ako... O siguro ay mas mabuting sabihin na alam ko na kung sino ang may pakana ng lahat.

       "Alessandra..."

       Mabilis akong napamulat ng mata, at napatayo nang maramdaman ko ang isang pamilyar na presensya. Nilingon ko rin agad siya para lang makita ang isang ngisi na naglalaro sa kanyang maamong mukha.

       "It feels good to have your ability back, isn't it? Especially since you were really sad when you lost your powers." May panunukso sa boses niya na para bang alam na alam niyang mangyayari naman ang lahat ng ito simula pa lang. Hindi dahil iyon ang nakatadhana, ngunit dahil sinugurado niyang masusunod ang kagustuhan niya.

       Sinimangutan ko na lang siya.

       Hindi ko akalaing minsan ay minahal ko siya ng sobra, higit pa sa buong buhay ko. Kung alam ko lamang ang lahat simula pa noon, nakaka-siguro akong hindi ako mapapalapit ng sobra sa kanya. Pero hindi, sapagkat nagawa niya akong paikutin. Nagawa niya akong paniwalain na ako ang tanging bagay na mahalaga sa kanya, katulad ng kung paanong siya lang ang rason ko para mabuhay. Lahat ng iyon ay naging posible dahil walang araw na lumipas na hindi niya sinisiguradong wala akong maaalala sa nakaraan ko.

        Nagsimula lang namang magbago ang lahat noong nakapasok na ako ng Montecillo Academy. Nagsimulang magising ang ilang alaalang matagal ng natutulog sa isipan ko noong nawala na siya sa tabi ko para manduhan ako kung alin ba ang dapat kong maalala, at ang alin ang hindi dapat.

       "Bakit mo ginawa iyon?" Gusto ko siyang sigawan, pero isang mahinahong boses na lang ang pinakawalan ko. Alam kong alam niya iyon kaya hindi na ako nagulat nang umismid siya, at dahan-dahang naglakad paikot sa kinatatayuan ko.

       "Saving you when your plan failed and you almost got killed, you mean?" Tinutukoy niya iyong gabing nahulog ako sa falls noong bata pa ako. Totoo namang niligtas nga niya ako. Andoon siya at si Dana para masigurong sila ang unang makakakuha sa akin, kaya kahit anong paghahanap ang ginawa nila Daddy ay hindi nila ako natagpuan. Itinago niya ako para hayaan akong maghilom mula sa nagawang pinsala ng dagger na isinaksak sa akin.

       "Planong ikaw naman ang nag-udyok." Tinawanan lang naman niya ang sagot ko kaya napakuyom na lang ako ng aking kamao. Kailangan kong magtimpi ng inis ko dahil hindi ko makukuha ang mga kasagutang nais ko kung mas papairalin ko ang galit na nararamdaman ko para sa kanya.

       Pero alam niya iyon... Alam niya ang lahat. At natutuwa niya sa nangyayari.

       "Dearest Alexandria, you think so badly of me." May kakaibang lambing sa boses niya nang winika niya iyon, at huminto rin siya sa paglalakad nang nasa harapan ko na siya. Ngunit ang lambing na iyon ay agad na naglaho, at napalitan ng isang nakakatakot na tingin. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng pangamba nang sambitin niya ang mga sunod na salitang naglalaman ng pagkadismaya at galit.

       "Can you blame me when you have failed me so badly? You had one job, Alexandria! You had one purpose and you messed it up!"

       Tumaas ang boses niya, at may diin ang bawat salitang pinakawalan niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapalunok at mapa-atras nang halos umapoy sa galit ang kanyang mga mata.

       Aaminin kong nakakaramdam na ako ng takot ngayon sa aking nakikita. Sapagkat kahit sabihin kong lumaki ako sa puder niya, at may karapatan akong magalit sa kanya, siya pa rin ang Powerful Being. Pero sa kabila ng lahat ng iyon ay mas nangingibaw sa akin ang kagustuhang mailabas ang lahat ng sama ng loob ko. Gustong-gusto kong ipaalam sa kanya kung gaano siya nagkamali. Dala na rin siguro ng lahat ng sakin at galit kaya pakiramdam ko ay mas malakas ang loob ko ngayon.

      Kaya naman imbes na umiwas ng tingin ay mas pinili kong titigan siya ng diretso sa kanyang mga mata, at sagutin siya.

      "At ano ang purpose na iyon? Ang ibigay ang buhay ko para talunin si Gabriel? Dahil hindi ka pa natuto sa naging pagkakamali mo noon! Hindi ka pa nadala sa pagbibigay ng mga Ability na hindi naman dapat hinahawakan ng iba, kaya umulit ka nanaman at gumawa ka nanaman ng Manipulator!" Hindi ko sinasadyang mapagtaasan siya ng boses, pero sa tingin ko'y mas galit pa ako kesa sa inaakala ko. Lalo na nang mapagtanto ko ang isang bagay noong namatay si Raven.

       "Itinago mo ako, at inutusan mo akong ipatago kay Raven noon ang Ability ko hindi dahil gusto mo siyang makaligtas. Ginawa mo iyon dahil gusto mong protektahan ako mula kay Gabriel, sapagkat kapag nalaman niya kung sino ako ay alam mong pagtatangkaan niya ang buhay ko–isang bagay na hindi pwedeng mangyari hangga't hindi pa dumadating ang tamang oras. Kasi ako... Ako ang Shield, hindi ba?"

       Sapat na ang kanyang katahimikan para makumpirma ko ang bagay na iyon. Alam niya ring alam ko na itong lahat dahil napagtagpi-tagpi ko na ang mga bagay bagay nang maibalik sa akin ng tuluyan ang alaala ko. Kaya naman kinuha ko na ang oportunidad na iyon para ilabas pa ang ilang bagay na nasa isipan ko.

       "Una mo akong nilapitan noong nagsimula akong mapalapit kay Xenon. Simula rin noon ay pinapagawa mo na sa akin ang mga bagay na hindi ko naman ginusto. Palagi mong sinasabi sa akin na kapag sumunod lang ako sa'yo ay hindi mapapahamak ang pamilya ko. Kaya ginawa ko ang lahat ng iniutos mo. Nilapitan ko si Dana at ginamit ko laban sa kanya ang pinagdaanan niya para tulungan niya ako. Iniligtas ko si Raven, at binigyan ng ilang taon pa para pangalaagan niya ang bagay na ibinigay mo sa akin. Sinaktan ko ang pamilya ko nang pinlano kong lumayo sa kanila, at mamuhay ng hindi sila naalala dahil iyon ang kagustuhan mo. Ibinigay mo sa akin ang isang Promise na magiging maayos ang lahat pagkatapos magdusa ng mga mahal ko sa buhay. Lahat iyon ginawa ko, para masiguro ang kaligtasan ng pamilya ko. Lahat ng nagawa ko, lahat ay dahil sa'yo."

       Ang aking existence ay naisulat na bago pa ako dumating sa mundong ito. Ipinangak ako para labanan si Gabriel, at kayang-kaya ko naman sanang tanggapin iyon kung hindi lang nadadamay sa lahat ng gulo at sakit ang mga taong mahalaga sa akin. Ang kaso ay hindi ganoon– hindi kayang makuntento ni Alessandra na ako lang ang ginagamit niya upang maitama niya ang pagkakamali niya. Kinailangan pa talaga niyang idamay ang mga kapatid ko, sila Cassandra, Arianne, Melissa at Vivienne para masigurong mangyayari ang kagustuhan niya.

       "It is your purpose in life, Alexandria. Have you forgotten that? Would you rather give it up now and let your family face their demise just because you don't want to accept your fate?" Nakakatawa siya. Ginagamit nanaman niya ang buhay ng pamilya ko para pasunurin ako.

       Pero natuto na ako ngayon. Hindi na ako ang parehong bata na kayang kaya niyang paikutin katulad noon.

      "Ikaw ang Powerful Being, hindi ba? Kung gano'n, ikaw ang gumawa ng iniuutos mo at wakasan mo ang buhay ni Gabriel. Bawiin mo ang Ability na inihandog mo sa kanya para matapos na ang lahat ng ito. Ikaw ang nagkamali, kaya ikaw ang umayos nito!"

       Nagulat naman ako nang lumiwanag bigla ang mga mata ni Alessandra, at sunod ko na lang na naramdaman na nakalutang na ako sa ere. Nagsimula rin akong mahirapan huminga sapagkat may kung anong enerhiyang nakapulupot ngayon sa aking leeg at pinipigilan akong makahinga ng maayos. Alam kong kagagawan ito lahat ni Alessandra lalo pa at kitang-kita ang galit sa kanyang mga mata. Galit na nakatuon sa akin.

       "I raised you to be smart, but it seems like I failed on that part as well. You're asking me to kill someone to end all of this. Did you really think I never thought of that?! When the Manipulator first came into life hundreds of years ago, have you honestly thought that I didn't try to kill him? Because you are a fool if you did!"

       "Guardians and Divine Beings are not allowed to take back the life they already gave, Alexandria. Even if we want to, we can't do it. And that is the reason why I resorted to creating a Shield. And all of these could have ended that time if those people didn't betray me. They turned their backs on me, and I had to promise them that it's going to happen again. A promise that I know I shouldn't have said because I cannot take it back no matter what, which brings us to the present where another Manipulator was born and I have no choice but to make a Shield again!"

       Naririnig ko ang lahat ng sinasabi ni Alessandra. At kahit nahihirapan akong huminga ay malinaw na malinaw pa rin sa akin ang lahat ng sinasabi niya.

      "Kung hindi mo pwedeng bawiin ang buhay na minsan mo ng ibinigay, bakit palagi mong ginagamit ang buhay ng mga taong mahalaga sa akin para lamang mapasunod ako?" Kung ayon lang naman pala ang katotohanan, bakit kailangan niyang ipinakot sa akin ang pamilya ko? Hindi ko maintindihan ang parteng iyon.

       Umismid naman si Alessandra, isang bagay na nagpadala sa akin ng kakaibang takot, bago niya sinambit ang mga salitang nagpa-awang ng aking bibig.

       "Because you're not just a Shield, Alexandria. You are the Defender."

        "Hindi ko maintindihan..." Pag-aamin ko. Ano naman ang kaibahan ng dalawa? Ganoon din naman iyon.

       Hindi naman ako sinagot agad ni Alessandra at sa halip ay dahan-dahan na lang niya akong ibinaba. Nang maramdaman ko ring naka-apak na akong muli sa lupa ay nawala na rin ang kaninang pagkasakal na nararamdaman ko. Sinamaan ko tuloy ng tingin ang Powerful Being, pero dinedma niya lang ito.

      "Things would be different if you were just a Shield. You, being the Defender, changes everything." Aniya na talagang tuluyang pumukaw ng aking atensyon.

      "Once the Shield defeats the Manipulator, he or she will cease to exist because their purpose in life has been fulfilled. I am not that heartless to just let you die after all of that, so I made you a Defender."

       "A Shield is only immune to the Manipulator's Ability, and can only protect those who believes in her. Meanwhile the Defender, such as yourself, is a whole new Ability. You're not just a living barrier to protect everyone from the Manipulator, you're the eight Elements living in one body. You are that powerful." Ano raw?

       Hindi ako nakasagot agad sa mga ibinunyag niya sa akin. Nanatili lang akong nakatulala sa kanya, at ina-absorb ang mga nalaman ko.

       Ang Shield ay may kakayahan lamang mag-protekta, kaya noon ay binigyan siya ng mga kakampi– ang mga Elements na nilikha ng Powerful Being. Ngunit mukhang nadala si Alessandra sa nangyaring kataksilan noon, kaya ngayon ay sinigurado niyang bumagsak man ang lahat ay hindi maiiwanang mag-isa ang Shield. Ginawa niya ito– ginawa niya akong Defender upang kahit anong mangyari ay nasa likod ko ang suporta ng Eight Elements. Sapagkat hindi siya papayag na hindi matatalo ang Manipulator ng tuluyan sa pagkakataong ito.

       Napalunok ako sa kakaibang takot na namumuo sa puso ko. Ang bigat ng sinabi niyang ito. Pero hindi ako pwedeng huminto rito. Kailangan kong maitanong ang iba pang mga bagay sa kanya. Kaya naman kahit nahihirapan akong i-proseso ang nalaman ko ay nilakasan ko pa rin ang loob ko para makasagot ako sa kanya.

       "Kung totoo ang sinasabi mo... Hindi pa rin noon nagsasagot ang katanungan ko. Bakit kailangang madamay ng mga kaibigan at pamilya ko sa lahat ng ito?"

       Sa halip na sumagot agad ay mas pinili niyang lumapit sa akin, hanggang sa ang liit na ng pagitan namin sa isa't isa. Inabot din niya ang buhok ko at sinuklay ito gamit ang kanyang mga daliri, bago niya inilapat ang palad niya sa aking pisngi sa pinaka-mahinahong paraan. Pakiramdam ko nga ay nakita ko ang lungkot sa mga mata niya ng ilang segundo. Tila ba sumilip lamang ang mga ito bago muling nagtago.

       O pwede ring namamalikmata lamang ako dahil gusto kong umasa na sa likod ng lahat ng ito ay siya pa rin ang Mama Rianne na minsang minahal ko. Hindi ko naman akalaing mabibigo ako ng ganoon kabilis nang sabihin niya ang mga salitang wumasak sa pag-asang namuo sa aking puso...

       "In order to make you a Defender, I needed to complete the Eight Elements. And so, I had to connect their lives to you."

      Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Huwag niyang sabihin...

       "First are the Air and Earth Elements. It wasn't that hard to wake those elements since you already have them in your blood. You are a Montecillo and Scarlett's daughter, after all."

       Ang dominant Element sa lahi ng mga Montecillo ay ang Earth Element... At Air Element naman ang kinabibilangan ni Mommy.

       Hindi– hindi maaari.

      Inilingan ko si Alessandra para sana huwag na niyang ituloy ang kung ano man ang mga sasabihin niya, o para sana humiling na bawiin niya iyon at sabihin niya sa aking isang biro lamang ito. Pero hindi niya ginawa, at sa halip ay mas lalo pa siyang nagpatuloy.

      "Next are the Light, Lightning, Darkness and Spirit Element. We're lucky that your four brothers are a part of the aforementioned Elements. But you see, I had to make sure that Yohan won't lose himself seeing that Darkness is a relative of the Manipulation Ability, so I had to send Melissa in to strengthen your Darkness Element. I also needed to make sure that Gabriel and Dana's powerful daughter won't be a problem for us, so I made her complete the other half of the Spirit Element. The stronger the better."

       Lumapad ang ngiti sa kanyang mukha habang nakatingin sa kawalan. Animo'y natutuwa siyang alalahanin ang mga ginawa niya. Pakiramdam ko tuloy ay babaliktad ang sikmura ko sa lahat ng nalalaman ko ngayon.

       "At sina Arianne at Vivienne?"

       "Ah, the siblings who are a total opposite of each other."

       "Of course Arianne is the strongest candidate for the Fire Element, although I must admit that I had a hard time deciding who to gave the Water Element to. At first, I thought that Anthony is a good choice, but by the time that the war has come for you I realized that he would still be too young. So, I had to do the unthinkable and that is giving Vivienne the Gift."

       Gift?

       "The Water Element Ability is a gift to Vivienne. I don't know who gave that to her, but it wasn't a present you'd like to receive, Travis."

       "Why, Cass? What's wrong with that gift?"

       "It's a cursed gift."

       Sandali... Naalala ko ang narinig ko noong tinutulungan ako ni Vivienne sa cabin, sa gabing namatay si Raven. Base sa mga sinasabi ngayon ni Alessandra, hindi guni guni ang mga iyon.

       "Ikaw... Ikaw ang nagbigay ng Cursed Gift kay Vivienne." Ikinumpay naman niya ang kamay niya na para bang sinasabing huwag kong masyadong isipin iyon, kaya mas lalong lumaki ang galit na nararamdaman ko para sa kanya. Lalo pa nang sambitin niya ang mga sunod na salitang nagpatibay lang ng poot sa aking puso.

       "Like what I said, I had to do it. You don't need to worry, Alexandria, if my calculations are correct Vivienne still have at least ten years in her life. That is of course if you decide on another path, and ends up running away from what it is that you must do."

       Naramdaman ko ang isang luha na kumawala sa aking mga mata. Hindi ito mula sa sakit na nararamdaman ko, o sa galit. Ito ay mula sa natitirang pagmamahal na mayroon ako para sa kanya.

       "Ang sama mo."

       Mabilis namang nawala ang ngiti sa kanyang labi nang marinig ang tinuran ko. Tumalim ding muli ang tingin niya sa akin pero wala na akong pakialam.

       "I saved you and this is how you repay me? You're one ungrateful child!"

       Umiling naman ako sa kanya para sabihing wala akong pakialam sa galit niya. Dahil kung nanggagalaiti siya ngayon sa akin, triple pa ang nararamdaman ko para sa kanya ngayon.

      "Hindi mo pwedeng bawiin ang buhay na ibinigay mo sa amin, kaya para masunod ang kagustuhan mo ay sinigurado mo na lang na sa akin nakasalalay ang mga buhay nila. Ginawa mo iyon para wala akong ibang pagpipilian kung hindi maging sunod-sunuran sa nais mo. Sabihin mo sa akin, paano mo naatim na tingnan ako sa mata ko at paulit-ulit na sabihin sa aking mahal mo ako sa loob ng sampung taon?!"

        Gusto ko na lang na isigaw sa kanya ang lahat ng galit na nadarama ko ngayon. Sa ginawa niyang iyon ay hindi niya ako binigyan ng choice. Simula pa lang ay nakatali na ako sa kanya na parang isang hunting dog.

      "It's because it's true, child. I only did all those things to ensure your win. Everything that I've done is all for you."

       Sinubukan naman niya akong hawakan, pero agad akong umiwas sa kanya.

       "Huwag mo akong hawakan, o kahit lapitan man lang. Lahat ng ginawa mo, hindi iyon pagmamahal!"

       Malinaw na sa akin ang lahat. Simula pa lang ay inakala kong si Gabriel ang may kasalanan ng lahat ng ito. Siya ang may kagagawan kung bakit ang gulo gulo ngayon ng mga buhay namin, pero nagkamali ako.

      "Ginawaran mo ako ng kakayahan at proteksyon mula sa Ability ng Manipulator, pero ikaw pala itong nagmamanipula sa akin sa simula pa lang. Hindi mo ako minahal, Alessandra. Ginamit mo ako. At alam mong patuloy mo akong magagamit dahil hindi ko kakayanin na may mangyari sa mga mahal ko sa buhay sa oras na manalo si Gabriel."

      Hindi niya ako sinagot, pero sapat na ang emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata para makumpirma ang sinabi ko. Walang kahit anong bakas ng pagmamahal dito. Isang malalim at walang katapusang kadiliman lang ang nagtatago sa mga mata niya.

       Balak ko na sanang umalis na lang at iwanan na siya ng tuluyan. Pero nakaka-ilang hakbang pa lang ako ay muli ko siyang nilingon upang itanong sa kanya ang isa pang bagay na gumugulo sa isipan ko.

       "Si Xenon... Ano ang kinalaman niya sa lahat ng ito?"

       Kung si Gabriel ang Manipulator na dapat kong talunin. Bakit isa ring Manipulator si Xenon? Anong ibig sabihin no'n?

       Ngumiti naman si Alessandra bago siya tuluyang naglaho sa harapan ko. Ngunit kahit ganoon ay sinagot pa rin niya ang tanong ko, at umalingaw-ngaw ito sa buong lugar na siyang nagpalambot ng tuhod ko.

       "You need another motivation to defeat Gabriel, and to do everything that ask you to do. So, know that there can only be one Manipulator, and if you want to save Xenon, make sure that you will win this thing. Tick tock, child. The clock is ticking. Don't be too late, or else you will lose not only Xenon, but also the Eight."

       Napaupo na lang ako sa panghihina. Kung mayroon pang salita na mas lalala sa poot, marahil ay iyon na ang nararamdaman ko ngayon.

       Alessandra, you're not the Powerful Being at all. You are the Master Manipulator who's been manipulating me all this time. You had your fun but it's over now. You might be using them against me, but I learned something new.

      ...and I will make sure that I will win this war– not for you, but for the people that really matters to me.

       Because I am not the Defender, or the puppet that you want me to be. I am Alexandria Ferrer Montecillo, a daughter, a sister, a friend and Xenon's other half who will never leave anyone behind.

       That is who I really am. That's my purpose in life, and only I gets to decide that.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top