Raven Anthony Pierce

"Thank you for the happiest years of my life..."

A special chapter written in Raven Anthony Pierce's Point of View.

– – 🛡️

Two Weeks Ago

       For some people, time is their greatest enemy. There are always a lot of things to do, to explore and people to meet. Sa sobrang dami ng mga possibilities at opportunities, pati na rin ng mga bagay na nais nilang magawa at mga lugar na nais marating, hindi na na nila minsan alam ang dapat unahin. Madalas ay nagugugol pa ang kanilang oras sa mga bagay na hindi naman dapat. Tapos sa huli ay magrereklamo na kulang na kulang na sa oras.

       People often take time for granted. Ngunit hindi ko sila masisisi. Life is overwhelming enough as it is. Siguro ay hindi lang nila alam minsan kung ano ang uunahin at gagawin. Idagdag mo pa na hindi rin nila maiwasang isipin kung ano nga ba dapat ang purpose nila sa buhay. Ngunit, hindi naman ito pangkalahatan. Mayroon ding ibang tao na tila ba alam na alam na kung ano ang gagawin sa buhay nila.

       I'm one of those people.

       I can never take time for granted. I don't consider it my enemy, too. But rather a gift. It's a gift that has been given to me eleven years ago. It's a gift that comes with a guide on what should I do my life. Una pa lang ay alam ko na ang dapat kong gawin sa oras at buhay na ibinigay sa akin, kung kaya't alam kong wala akong sinasayang dito.

        At ngayon... Nararamdaman kong malapit ko ng maubos ang regalong ito. My days are numbered and I've always been aware of that. This time though, I know it's really close to an end. And if I only have a few months left to live, then I'll make sure that once I leave, my role has been fulfilled.


       "Brooding? On a fine night like this?" Nilingon ko agad ang pinanggalingan ng boses na ito, at nakita ang isang babaeng umupo sa bar stool na nasa kanan ko.

       There's an unmistakable energy of confidence that's surrounding her, making her glow even more. Hindi ko rin maiwasang mapakunot ng noo dahil may kakaibang pamilyaridad sa presensya niya, kahit na alam kong ngayon ko lang siya nakita.

       "I know I'm gorgeous, you can stop staring." Pinagtaasan ko naman siya ng isang kilay dahil sa narinig. Akala ko ay may sasabihin pa siya, pero umismid na lang siya bago ipinatong ang kanyang mukha sa kamay niyang nakasandal din sa bar counter.

        I really can't pinpoint it, but there's something familiar about her. I don't know if it's her dark brown hair with a shade of gold, or if it's her eyes, but there's really something special about her.

       Umiling na lang ako at iniwas ko na ang tingin ko sa kanya. Binalik ko na lang din sa basong hawak ko ang tingin ko.

       "If you're trying to flirt with me, give it up. I'm not interested." Walang pakundangan ko ring tugon.

        Umani naman ito ng isang tawa mula sa kanya. Hinampas niya rin ang braso ko, kaya muli ko na lang siyang nilingon.

       "Really? Ako? Flirting with you? I'm too good for that, sorry. Pero funny ka pala, 'no?" Ngiting-ngiting sagot niya pa.

       "What do you need?" I asked with an exasperated sigh.

       Wala akong ganang makipag-usap kahit kanino, at gusto ko lang mapag-isa. Pero pakiramdam ko ay hindi ako titigilan ng isang ito kaya naman tinanong ko na lang siya agad kung anong kailangan niya.

       I don't mean to be rude, and yes I may flirt with a lot of girls, but today's just different. I just don't want to talk to anyone at all.

       Sumeryoso naman bigla ang tingin niya, bago sumagot ng, "I don't need anything from you."

        Balak ko na sanang tumayo na lang at iwanan na lang siya, dahil wala talaga akong ganang makipaglaro ngayon. Pero bago ko pa magawa ay nakuha niya ng muli ang atensyon ko sa sunod na mga salitang sinabi niya.

       "Pero ikaw baka may kailangan sa'kin, Raven Pierce."

       "Paano mo ako kilala?" Hindi ko maiwasang maitanong agad, at sa pagkakataong ito ay napaupo na rin ako ng maayos. Ngayon ay kuhang-kuha na talaga niya ang atensyon ko. Umiling naman muna siya bago muling sumagot.

       "It doesn't matter now. Hindi naman 'yan ang issue dito. Mas kailangan mong isipin ngayon ay kung paano mo mahahanap si Alessandra." Napantig naman agad ang tainga ko sa narinig. Hindi ko rin maiwasang mapakunot ng noo at tapunan siya ng nagdududa at nagtatakang tingin.

        Anong alam niya tungkol kay Alessandra?

       "Who are you?" Hindi ko maiwasang gamitan siya ng nagbabantang tono, at alam ko ring nagbago bigla ang kulay ng mga mata ko, pero wala akong pakialam. Mas gumugulo sa akin ngayon ang katauhan niya, kaya naman hindi ko maiwasang gamitin ang ability ni Peppermint para subukang alamin kung kaaway ba siya o ano.

        Mas lalo ring napakunot ang aking noo nang wala akong maramdaman mula sa kanya. Umiling din siya at bumuntong-hininga.

       "Don't try to read me, Raven. You'll get nothing from doing so. My presence and energy is masked, and there's nothing you and I can do about that. Wala ka ring mapapala kung susubukan mong basahin ang Ability ko dahil protektado iyon ng isang shield energy, kaya makinig ka na lang." There's a finality in her voice, and I don't know why but I can't help it– I ended up just nodding at what she said. Para bang nagkusa na lang ang katawan ko at gusto ko na lang makinig sa kanya.

       Hindi ko man mabasa ang katauhan niya o ang presensya niya, pero masasabi ko na agad na kung sino man siya... May kakaibang lakas siyang taglay.

       "What do you know?" Tanging naitanong ko na lang din. Kung mayroon siyang impormasyon tungkol kay Alessandra, tatanggapin ko iyon. Kailangan na kailangan ko iyon ngayon.

       "Well first, I know you're dying." Halos mabasag ko naman ang basong hawak ko dahil sa higpit ng pagkahawak ko rito. Hindi ko rin maiwasang mapa-awang ng bibig sa narinig. Sinmaan ko rin agad ng tingin ang babaeng kausap ko ngayon dahil sa tinuran niya. Pero ni hindi siya nagpasindak man lang.

       Tama siya... Alam ko namang tama siya, pero saan niya nakuha ang impormasyong iyon? At bakit ang dami niyang alam tungkol sa akin?

       Sasagot na sana ako pero bago ko pa magawa ay inilingan na niya ako agad. Para bang sinasabi niyang huwag muna akong sumagot. Gustong gusto kong kontrahin na iyon, at sagutin na lang siya, pero sa hindi maipaliwang na rason ay tila napipi rin ako at para bang nakalimutan ko na kung paano magsalita. Ipinatong din niya ang kaliwang kamay niya sa kanang balikat ko, bago bumuntong-hininga at nagpatuloy.

       Binitawan din niya ang isang tanong na tila gumising ng kakaibang emosyong pilit kong isinasantabi.

       "Do you want to live, Raven?"

       Gustong-gusto kong sumagot ng "oo", pero alam kong imposible...

       Dahil kung tutuusin, matagal na dapat akong patay. Nadugtungan na ang buhay ko, at hanggang doon na lang iyon.

        Eleven years ago, I died... Or at least I know I did. Or maybe just a part of me died. But even so, it still felt like death and I can still feel it up until this day.

        I was born with the gift of Light. It's not a Light Manipulation Ability, or a Healing Ability, but a different rare ability. It's the ability to produce and create protective barriers using the light energy. And I think that was the reason why the people behind the killing spree that happened years ago also tried to kill me.

       Sa pagkaka-alam ko kasi ay mga batang may elemental o rare abilities ang pinapatay noon. Hindi ko naman inakalang pati ako ay mararanasan ang pagtangkaan ang buhay. Tandang-tanda ko pa rin ang araw na iyon. Naglalaro lang kami noon ng Ate ko nang nagulat na lang kami na may dumampot na sa amin. Dinala nila kami sa isang forest park, at ginamitan agad nila ng ability ang kapatid ko kaya mabilis siyang nawalan ng malay. Sinubukan ko pang tumakas at humingi ng tulong noon, pero naabutan nila ako agad. Sinubukan ko ring manlaban pero wala na akong nagawa agad nang gamitin na nila sa akin ang mga Ability nila.

       The feeling of dying is still vivid to me, it's as if it just happened yesterday. It's as if I can still feel my life leaving my body, and every time I do, I'd suddenly hear Peppermint's voice in my head.

       "Live. Live for me."

       "Raven, you can't die. You will live, and you will be my keeper. In dark times you shall protect me and in bright days you will be my guide. When the time comes for the world to fall upon us, and all lives become endangered... come back to me. Come back to me, and give me back the power of protection."

       Siguradong sigurado ako na kung nahuli siya ng dating noon, paniguradong wala na ako ngayon. Pero hindi, dahil dumating siya kung kailan kailangan na kailangan ko ng tulong. Halos mawalan na ako ng malay noon, at hinang-hina na rin ako. Pero tandang-tanda ko pa rin ang mga salitang binitawan niya. Tandang-tanda ko pa rin ang pakiramdam ng paglipat niya sa akin ng lahat ng lakas at kapangyarihan na mayroon siya.

       Peppermint saved me that day, but in order to make sure that I will live, she had to make me her keeper– the one who holds her power. Nang inilipat sa akin ni Peppermint ang lahat ng lakas niya noong araw na iyon, doon ko pa lang napagtanto kung para saan nga ba ang Ability ko. Doon ko napagtanto na nakatadhana akong maging shield barrier hindi dahil trip lang ni Alessandra, pero dahil ako lang ang magkakaroon ng kakayahan na dalhin ang lakas at kapangyarihan na ibinigay niya kay Peppermint.

       I'm not the Shield, I'm just a Keeper.

       My role is to contain Peppermint's immense strength, so that it does not fall in the wrong hands... So it doesn't kill her, and so she won't become a slave of her own power.

       And I'm thankful for that.

       Dahil kung hindi niya ako iniligtas noong araw na iyon, hindi ko na sana makakasama ang pamilya ko. Hindi ko na mararanasan ang lumaki kasama ang Ate ko. Hindi ako mabibigyan ng pagkakataong mabuhay pa ng ilang taon.

       So when I saw Peppermint again ten months ago while I was strolling Oakwood Plaza, I knew there and then that my time is almost up. Sa naramdaman ko pa lang na inilalabas niyang enerhiya noong araw na iyon, alam ko na agad na unti-unti ng nagigising ang lakas niya. Kaonti na lang at handa na siyang dalhin ulit ang lakas na sa kanya naman talaga simula pa lang.

       Simula rin noon ay sinimulan ko ng bantayan siya ng pasimple kapag mayroon akong libreng oras. I was able to live a worry-free life for the past eleven years because of Peppermint's gift of protection, and now that I can feel my time running out, I thought it's only right that I use that to help her.

       I've been watching over her for ten months now. The only reason why I remained undetected was because of Peppermint's ability. It served as a protection so I can mask and hide my traces whenever I'm following her. Alam ko kasing kapag hindi ko ginamit iyon ay mararamdaman at malalaman agad niyang lagi akong nasa paligid lang. Pero dahil ginagamit ko pansamantala ang Ability niya, nagagawa ko itong takasan. Hindi nga naman niya mararamdaman ang signature energy na ginagamit ko, dahil sa kanya naman ito simula pa lang. I'm just hiding under her energy, and that's also the reason why her brothers never noticed me.

       Peppermint also gave me another gift eleven years ago, and that's the bow and arrow that I'm currently using as my weapon. Sa kanya talaga ito simula pa lang, ito rin ang ginamit niyang weapon noong niligtas niya ako tapos ay ibinigay niya lang ito sa akin bilang karagdagang proteksyon.

       Kaya naman ito rin ang weapon na ginagamit ko lagi, lalo na kapag alam kong kailangan ko siyang protektahan. Katulad na lang noong minsan siyang tumakas ng Academy, noong kakamatay pa lang ng Mama Rianne niya. Nagsimula na siyang makatanggap ng pagbabanta sa buhay niya noon, pero ni hindi niya iyon napansin. Iyon yung mga panahong gulong-gulo siya at masyadong emosyonal.

       There were at least a dozen men after her that day, yet she didn't notice. I ended up killing all of them, and I used her Ability that time to get rid of their bodies cause I don't want to alert anyone about it. I told myself that I won't let anything bad happen to her as long as I'm still alive, and I want to keep that promise. Kaya naman sinundan ko siya noon hanggang sa Oakwood. Kinailangan ko pang magsinungaling noon sa kanya kung bakit naroon ako sa Peppermint Station, sinabi ko na hinatid ko lang ang Tita ko, kahit na wala naman sa Oakwood si tita Dana noon. I didn't even know where she was that time.

       And so, I became closer to her as days, weeks and months passed by. Isang bagay ba pinagsisisihan ko...

       Alam ko ring iniisip niya na ako ang Shield, at patuloy niyang sinisisi ang sarili niya doon. Pero hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanya na hindi ako iyon, lalo pa't kapag ibinunyag ko ang totoo ay baka mas lalo lang siyang maging mahigpit sa sarili niya. She's been too hard on herself already, and I really don't want anything to add to that.

       Kaya nga mas lalo rin akong nagsisi na napalapit siya sa amin. Hindi ako nagsisisi na nakilala ko siya, at alam ko rin na hindi nagsisisi si Ate. Nagsisisi lang akong kailangan pa akong madagdag sa mga pino-problema niya.

       Siguro, kung hindi napalapit sa amin si Peppermint, baka mas magiging madali ang lahat. Hindi siya mas mahihirapan ng ganito... Hindi niya kailangan mamroblema kung paano ililgtas ang buhay ko...

       "Raven, I asked you... Do you want to live?" Nabalik naman ako sa huwisyo nang marinig ko ulit magtanong itong babaeng nasa harapan ko. Kung kanina ay seryoso ang tingin niya, ngayon naman ay may kakaibang emosyon na rito. Hindi ko lang masabi kung ano dahil hindi ko naman siya kilala.

       "Why are you even asking that?" I can't help but show annoyance. I don't know her, I don't even have any idea who she is or where she's from. But here she is, telling me stuff she shouldn't even know and asking me things I don't even want to answer.

       I may flirt a lot of times, but I have a huge respect for women. Kaya pilit ko ring iniintindi kung bakit ba niya ako kinakausap o kung bakit niya ako nilapitan, kahit na naiinis na ako sa pagka-misteryosa niya.

       Nagulat naman ako sa sunod niyang ginawa at sinabi, kaya naman agad natahimik lang ako at tila na-frozen sa kinakaupuan ko. Hindi ko kasi inaasahang yayakapin niya ako bigla, at mas lalong hindi ko inaasahan na makaramdam ng sinseridad mula rito.

       "Because I want you to live."

       Ni hindi ko pa nga alam kung anong isasagot ko ay naramdaman ko na lang na may lumapit sa amin. Humiwalay na rin sa pagkakayakap itong babaeng kausap ko, tapos bumaling siya sa dalawang babaeng lumapit sa amin. Ang isa sa kanila ay may icy blue hair, at ang isa ay may itim na itim na buhok.

       "Mga pinsan ko nga pala. This is Alaska, and this is Venna." Nang itinuro niya iyong may icy blue hair bilang Alaska, at iyong may itim na buhok bilang Venna ay nakakunot lang ang noo ko. Gulong-gulo ako sa kung ano ang nangyayari, at kung sino-sino sila. Pero hindi ko rin maipaliwanag kung bakit hindi ako makaramdam ng pangamba sa mga presensya nila.

        "Correction, she means we– we want you to live." Turan bigla ni Venna. Wala pa rin akong maisagot kaya nagpalipat lipat lang ang tingin ko sa kanilang tatlo. Binibigyan din nila ako ng ngiti, pero hindi ko talaga magawang masuklian ito dahil sa pagtataka.

      "You did a great job, Raven. You deserve happiness." Dagdag pa ni Alaska. Sasagot din sana ako pero bago ko pa magawa ay tumalikod na sila at nagsimulang maglakad paalis.

        Bago naman silang dalawa tuluyang makalayo ng tuluyan ay binalingan ulit nila ako ng isang lingon, tapos ay lumabas na nitong resto bar. Kaya naman ibinalik ko na lang ang tingin ko dito sa babaeng kausap ko, na tila tahimik lang na pinagmamasdan ang mga galaw ko. Nang mapagtanto siguro niyang wala akong masabi, dahil pino-proseso ko pa ang nangyayari, ay tumayo na rin siya mula sa pagkaka-upo.

       "I also need to go, Raven. I'm sure my cousin Alastair is already waiting for me. But since I want to give you my help, here's what you need to do next to find Alessandra."

      "Ano 'yon?" Sa wakas ay tila nahanap ko ring muli ang sarili kong boses. Aaminin kong sobrang naguguluhan pa rin ako sa nangyari ngayon ngayon lang, pero hindi ko pa rin naman papalampasin kung ano man itong sasabihin niya.

      "Find and get Celestia." Aniya at ngumiti, tapos ay tumalikod na. Napakunot pa ang aking noo at napa-awang pa ang bibig ko sa pagtataka at pag-iisip kung paano niya alam ang pangalang iyon... Pero bago pa siya tuluyang makalayo ay nagawa ko pang pakawalan ang isa pang tanong na kanina pa gumugulo sa isipan ko.

      "Can I at least get your name?"

      Natuwa naman ako nang agad din niya itong sinagot bago siya makalabas.

      "Primrose. My name is Primrose."

– – 🛡️ – –

Yesterday Night


      I've been thinking about that day. Iyong araw na nakausap ko si Primrose. Hanggang ngayon ay isang misteryo pa rin sa akin ang katauhan niya, at ang katauhan ng dalawa niyang kasama. Hindi ko pa rin alam kung bakit ang dami nilang alam, o kung bakit ganoon sila umasta no'n, pero kahit ganoon ay may nahanap talaga akong kakaibang galak sa kanila.

       I don't know how to say it, but it felt like I met the people I was never meant to meet... And yet, it made me feel a different sense of familiarity, of joy. For a second there, it felt like home, like some kind of once in a lifetime chance at comfort.

        That kind of feeling is something I only felt with my sister, with my parents and with my saviour...

       "Hoy! Saan mo ba kami dadalhin ha? Saka hindi ba tayo mahuhuli dito?"

       "Oo nga, Raven. Baka mapagalitan tayo nila Kuya kapag lumayo pa tayo."

      ...and I guess I've been longing for that feeling again.

       Isa iyon sa mga rason kung bakit niyaya kong tumakas sandali sila ate Melissa at Peppermint. At ang isa pang rason ay may kutob lang akong kailangan kong gawin ito. I need this stolen time with the both of them.

       "Hindi yan, promise. Hindi ko naman kayo papabayaan 'no, saka babalik tayo agad bago pa nila malaman na tumakas tayo." Binigyan ko na lang sila pareho ng isang mapaglarong ngiti, at hindi rin tumakas sa paningin ko ang pagpapalitan nilang dalawa ng nagtatakang tingin. Kumunot din ang noo nila pareho, kaya natawa na lang ako.

        "Sige na Peppermint, Ate, parang masasakal na ako sa cabin na 'yon e. Saka hindi nakakabuti sa kagwapuhan ko na para kayong pinagsakluban ng langit at lupa kakaisip ng mangyayari bukas." Inirapan naman agad ako ni ate Melissa sa narinig niya, pero tumango na lang din siya. Isang buntong-hininga naman ang pinakawalan ni Peppermint bago sumagot din.

       "Okay, sige. Pero kapag ako napagalitan nila Kuya, ikaw talaga isusumbong ko." Ngumuso pa siya kaya tumawa na lang ako. Lumapit na lang din ako sa likod nilang dalawa at inakbayan sila pareho, kaya parang napapagitnaan nila ako.

        "Sige na gawin mo na akong panangga sa galit ng mga Kuya mo, pero saka mo na lang 'yon isipin kapag nangyari na. Ang rule ngayon na kasama niyo ako, titigil muna tayo sa kakaisip ng mga problema, pwede ba 'yon?" Tumango naman silang dalawa kaya iginaya ko na lang sila sa direksyong pupuntahan namin, at nagsimula na lang kaming maglakad.

        Matapos nang mga nalaman nila kanina tungkol kay Celestia, at kay Arianne, pati na rin sa biglaang pagsama at pagtulong nina Axel at Shawn, sa tingin ko ay tama lang na huminga sila sandali. Lalo pa at bukas ay haharap nanaman kami sa isang laban para mailigtas si Arianne. Kaso ay pinagbawalan kaming umalis at baka makaharap namin ang kaaway, o kahit tauhan ng kaaway, pero wala na rin naman silang magagawa dahil nakalayo na kami sa cabin. Natakasan na rin namin ang mga security personnel na nagpapatrol sa paligid. Isa pa, hindi ko naman aayain ang kapatid ko at itong si Peppermint, kung alam kong hindi ko sila mapo-protektahan.

        "Ice cream parlor!" Bago pa ako makasagot ay agad nang nakawala sa pagkaka-akbay ko si Ate Melissa, at tumakbo na agad papunta sa establisyementong nakita niya sa kabilang parte ng daan. Halatang nagulat din si Peppermint sa ginawa ng kapatid ko, dahil pinanlakihan niya pa ako ng mata bago mabilis na sumunod dito.

       "Hoy Melissa, sandali!" Napa-iling na lang ako sa ginawa ng dalawa at sumunod.

       Wala rin namang dumadaan na sasakyan kaya hindi naman ako nangangamba. Isa pa ay napuntahan ko na kanina ang lugar na ito, kaya sigurado akong ligtas kami rito. Paglabas kasi ng kagubatan kung nasaan ang cabin ni Celestia ay mayroong highway, at nasa kabilang parte ng daan ay ang ice cream parlor na pupuntahan namin.

       Sigurado rin akong walang ibang mga customer o tao dyan ngayon dahil nang dumaan ako kanina ay pinakiusapan ko na ang may-ari na ireserba ang lugar para sa amin. Ginamit ko rin sa kanya ang ability ni Peppermint para masigurong hindi niya kami ilalagay sa kapahamakan.

        As Peppermint's Keeper, it allows me access to a little portion of her power. Lahat ng lakas na ipinapakita ko, lahat naman iyon galing sa Ability niya. Lalo pa't iyon na lang ang bumubuhay sa akin ngayon.

       "Hoy Raven, bilis! Wala kaming pambayad ang dami dami gusto orderin ni Alexandria! Grabe!" Papasok pa lang ako ng ice cream parlor ay isinigaw na agad iyon ng kapatid ko. Hinampas naman agad siya ni Peppermint sa braso, tapos ay parang batang tumutol.

       "Hoy, hindi naman. Ikaw nga yung order ng order ng iba't ibang flavors." Kitang-kita ko namang pinandilatan siya ng kapatid ko, tapos ay bumulong dito pero narinig ko pa rin naman.

        "Sshh sige na kunwari na lang ikaw may gusto, baka di niya bilhin kapag sinabi kong sa'kin. Tapos mamaya sabihin ko na lang tutulungan kita ubusin kaya ako yung kumakain." Natawa na lang ako at napa-iling sa pinaggagawa ng dalawa. Hindi ko na lang din ipinahalatang narinig ko ang sinabi ng Ate ko nang makalapit ako sa kanila.

        "Kukunin po namin lahat ng gusto nilang dalawa." Bumaling na lang ako sa may-ari na nag-aantay sa order nila, at parang gulong-gulo na nakatingin kay Ate at Peppermint. Hindi rin niya naitago ang pagkagulat nang tumili bigla ang kapatid ko, at humingi na lang ng paumanhin si Peppermint.

        Tapos ay sa akin din siya tumingin pagkatapos, para bang tinatanong niya kung sigurado ba ako sa sinabi ko. Kaya naman tumango na lang ako at umupo sa harapan ng dalawa. Dito kasi sila dumiretso sa parang booth dahil mala-resto diner ang itsura ng lugar, kung saan may iba't ibang pulang upuan sa kada booth. Katulad din ng inaasahan ay walang katao-tao rito bukod sa aming apat.

        "Siguraduhin niyong uubusin niyo yung mga inorder niyo, sayang ng pera ko ha! Panggastos ko pa naman sana iyon sa date ko kapag tapos na ang lahat ng 'to." Umismid naman agad ang kapatid ko sa sinabi ko, tapos ay humarap siya kay Peppermint at nagsalita na para bang wala ako rito.

       "May narinig ka ba, Alexandria? Para kasing may nakaka-iritang bumubulong bulong kung saan."

       "Wow Ate, gaganyanin mo ako pagkatapos kong bayaran lahat ng pinabili niyo."

       "Ano daw 'yon? Narinig mo ba yung sabi niya, Alexandria? Panget daw siya? Saka ano? Hindi na siya lalandi ulit? Hmm. Hindi ako naniniwala. Wag na lang natin pansinin, baka lubayan din tayo kapag napagod."

       "Nasaan na kaya yung may-ari. Sandali ha, hanapin ko lang. Sabihin ko cancel na yung order."

        Akmang tatayo na sana ako para takutin ang Ate ko, pero bago ko pa magawa ay lumingon na agad siya sa akin. Humawak din siya sa braso ko para siguro pigilan ako.

       "Hoy ikaw naman, hindi ka mabiro, hehe."

       "HAHAHA!" Napalingon naman kami pareho kay Peppermint nang natawa na lang siya bigla. Tapos ay napansin niya atang nagulat kami sa tawa niya, kaya naman agad siyang napatakip ng bibig at napa-iling.

       "Hala, sorry. Ang cute niyo kasing dalawa." Aniya kaya napangiti na lang ako.

       "Talaga? Tingin mo cute kami? Pwede bang si Raven na lang yung cute? Tapos ako maganda na lang? Mas matanda naman ako sa kanya e."

       Narinig ko pa ang isinagot ng kapatid ko, pero hindi ko na ito napagtuunan ng pansin masyado. Napirmi na lang ang tingin ko kay Peppermint na halatang natatawa pa rin, may kakaibang galak sa mga mata niya habang kausap ang kapatid ko. Parang panandalian nga niyang nakalimutan ang sakit ng mga nangyari nitong mga nakaraang araw at buwan, at tila ba wala siyang mabigat na responsibilidad na nakapatong sa balikat niya.

       Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kapayapaan at kasiyahan sa loob ko nang makita ang kapatid kong tuwang-tuwa rin na kausap siya.

       For the past eleven years, my sister has been living with the fact that her time with me is limited. I know she's making the most out of everything, and that even though we bicker a lot, her love for me is something I will and can never question. And in those years, all she showed me were smiles and laughter, but I know better than that. Because in those years I've always been aware of the sadness hiding behind her eyes, and the fear growing inside of her. Kaya ang makita ko siyang tumatawa ngayon na para bang walang problema at takot sa buhay ay sapat na para magbigay ng kapayapaan sa akin.

       If I'm leaving this world soon, then I won't regret anything. I'll be at peace knowing that I had this special moment with the two important girls of my life. And, I'm even more thankful that one day, there's this memory of us that they can both look back to... something to remember me by once I'm gone.

~ ~ ~

       "Peppermint, parang ang layo ng iniisip mo. Bumabyahe ka na ba papunta sa ibang mundo?" Narinig ko namang natawa siya, kaso ay hindi ko siya magawang lingunin dahil pasan pasan ko sa likod ko ang kapatid ko. Masyado kasing napadami ang pagkain niya ng ice cream, ayan at nakatulog doon sa ice cream parlor. Ayaw ko naman siyang gisingin kaya pinasan ko na lang siya at tahimik na lang kaming naglakad ni Peppermint pabalik sa cabin.

       Medyo may kalayuan pa kami sa cabin, pero hindi ko maiwasang mapansin na sobrang tahimik nitong kasama ko. Normal naman na hindi talaga siya pala-salita, pero iba ang katahimikan niya ngayon.

       "Iniisip ko lang si Arianne... at kung paano natin siya ililigtas bukas. Natatakot akong baka hindi sapat ang lakas ko para matulungan kayong lahat bukas." Napantig naman ang aking tainga sa narinig. Alam ko kung anong tinutukoy niya, pero may nag-uudyok sa aking magtanong, kaya naman bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay nakasagot na ako agad.

       "Anong sinasabi mo?"

       Naramdamanan ko namang natigilan siya sa tanong ko, pero agad din niyang naayos ang sarili niya. Sinagot niya rin ako agad ng, "Wala naman, wag mong intindihin 'yon. Baka takot lang talaga ako sa kalagayan ngayon ni Arianne."

       Hindi ko na lang ipinahalata na alam ko ang nais niyang sabihin, kaya naman pabiro na lang akong tumawa at sumagot.

       "Wag kang mag-alala masyado. Sa kagwapuhan ko pa lang masisilaw na sila agad kaya magkakaroon tayo ng oras para umatake sa kanila. Syempre magugulat sila ng ilang minuto, e."

       Katulad ng inaasahan ko ay natawa na lang siya at umiling, kaya pakiramdam ko ay nakahinga ako ng maluwag. Mas mabuti kasi kung hindi na niya iisipin ang tungkol doon, kaya kung kailangan ko siyang patawanin lagi, gagawin ko.

        Hindi naman ako tanga para hindi malamang nagsisinungaling sa amin si Peppermint. Alam na alam kong naaalala niya na lahat. Alam ko ring gusto niyang gawin lahat para tulungan ako, at isalba ang buhay ko katulad ng hiling sa kanya ni Mommy. Alam ko ring nagpapanggap siyang walang maalala para pagaanin ang loob namin. Alam ko na iyon noong gabing nakausap ko si Primrose. Gusto kong mapag-isa no'n kasi sabi ni ate Melissa ay walang maalala si Peppermint noong nagkita sila. Um-oo lang ako noon, pero alam kong hindi iyon totoo dahil noong araw ding iyon ay naramdaman ko ang simula ng panghihina niya.

       Naaalala na niya ang pagligtas niya sa akin labing-isang taon na ang nakakaraan. Nais niyang subukang baguhin ang nakatakdang mangyari sakin dahil iniisip niyang kasalanan niya. Pero ang hindi niya alam, sa kagustuhan niyang mailigtas ako, buhay niya ang ipinapahamak niya.

       She's slowly dying.

       She is dying because of that decision of hers. On the day she decided to save me, that's also the day she unconsciously cut her connection to her Ability. She gave up her right to hold this power hiding inside of me, and that's the reason why Xenon lost consciousness, too. Dahil magkadugtong ang buhay nila, para mapanatiling buhay si Peppermint kahit na wala na siyang Ability ngayon, Xenon had to share his own life energy. Ang kawalan niya ng malay ang nagbibigay ng buhay kay Peppermint.

        Some might think I can just use Peppermint's ability inside of me to save them both, but I can't. Because this power isn't mine to wield. And sooner or later, this power will also leave my body, because my time is almost up. Hindi ko na ito magagawang panghawakan pa ng matagal dahil wala akong karapatan dito. Kapag hindi ito naibalik kay Peppermint, siguradong babawiin ito ni Alessandra at pare-pareho kaming tatlong mawawala sa mundong ito. Kaya kahit anong gawin namin, hindi ko na matatakasan ang kapalaran ko, at matagal ko na iyong tinanggap.

       So before things become worse, I'll make sure that Peppermint will hold her power again. Hahayaan ko siyang magpanggap na wala siyang maalala, kung sa ganoong paraan mas gagaan ang loob niya. Dahil kapag nalaman niya ito, alam kong mas hindi niya kakayanin. Ayaw ko ng ganoon. Ayaw kong ibigay sa kanya ang ganoong uri ng sakit bago ako mawala sa mundong ito.

       At si Xenon... Hindi alam ng lahat, pero naging malapit ko na rin siyang kaibigan. Madami na rin siyang naitulong sa akin nitong mga nakaraang buwan para masigurado ang magiging kaligtasan ng kapatid ko, ng mga magulang ko, pati na rin ni Tita Dana at Cassandra kapag nawala na ako. Hindi ko hihilingin na may mangyari sa kanyang masama.

        Isa pa, matagal ko nang pinaghandaan ang kapalaran ko. I've been preparing to die my whole life...

       "Raven, naalala mo ba dati, sabi mo sa akin hindi mo ako tatawagin sa pangalan ko hangga't hindi ko deserve 'yon. Tingin mo ba malapit na akong maging deserving?" Medyo malapit na kami sa may cabin nang marinig ko ang itinanong niya, kaya natigilan naman ako agad sa paglalakad. Dahil dito ay huminto rin siya at lumingon sa akin, kaya agad ko siyang nginitian.

      "Iniisip mo pa rin ba 'yon? Binibiro lang kita no'n. Gusto ko lang na unique yung tawag ko sa'yo para naman mairita ka lagi sa'kin." Natawa naman siya sa sinagot ko kaya napangiti na lang din ako.

       "Minsan ka lang naman nakaka-irita." Walang pagdadalawang-isip niyang sagot, kaya nagkunwari naman akong nasaktan sa sinabi niya. Umani tuloy ito ng mas malakas na tawa mula sa kanya.

      "Magkukunwari na lang akong hindi ko narinig 'yan. Pero para sa ikakatahimik mo, deserving ka naman simula pa lang. Wag mong pagdudahan ang sarili mo." Base sa pagkunot ng noo niya ay alam kong nagsisimula na siyang magtaka kung bakit ganito ang inaasta at mga sinasabi ko simula kanina pa. Alam kong nasanay siya sa pagiging palabiro ko kaya siguradong naninibago siya sa ugali ko ngayon. Ngunit ayos lang, kailangan niya rin namang malaman iyon. Sinsero ako roon.

       Napansin ko namang balak na sana niyang magsalita o sumagot muli. Malakas din ang kutob kong ku-kwestyunin niya ang sinabi ko ngayon ngayon lang, kaya bago pa niya magawa iyon ay agad ko ng iniba ang usapan.

       "Peppermint, ano pala sa tingin mo yung favorite color ng mga Kuya mo?" Halata namang nagulat siya sa tanong ko, pero mukha ring napaisip siya kaya napangiti na lang ako. Nagsimula na lang din kaming maglakad ulit pabalik sa cabin habang abala siyang isa-isahin ang mga paboritong kulay ng mga kapatid niya. Tumatango na lang din ako buong oras at lihim na napangiti nang maramdaman kong magaan pa rin ang pakiramdam niya.

       Hanggang sa tuluyang makabalik kami sa cabin, at mahatid ko siya sa kwarto niya ay hindi na niya pinuna ang mga sinabi ko, kaya naman nagpa-salamat na lang ako sa kanya. Ganoon din ang ginawa niya dahil aniya'y nag-enjoy siyang kasama kami ng Ate ko ngayon. Pagkatapos din no'n ay inihatid ko na rin ang kapatid kong tulog na tulog pa rin sa likod ko, at ibinaba ko na lang siya sa kama ng kwartong tinutuluyan namin. Nang masiguro kong mahimbing pa rin ang tulog niya ay kinuha ko na lang ang isang importanteng journal sa bag na dala ko, at lumabas na ng kwarto. Dumiretso rin ako pabalik sa kwarto ni Peppermint at natuwa naman ako nang pagkatapos ng dalawang katok ay pinagbuksan niya ako agad ng pinto.

       "Ayos ka lang ba? May problema ba?" Alalang alalang tanong niya agad kaya naman natawa na lang ako, at napa-iling. Dahil dito ay tila nakahinga siya ng maluwag at nawala ang pagkunot ng kanyang noo.

       "Bago ka matulog Peppermint, naalala mo ba yung bayad na hindi ko pa nasisingil sa'yo?" Akala ko ay makakalimutan na niya iyon, kaya naman nanlaki ang mata ko nang mabilis siyang tumango at sumagot.

       "Oo, yung isang wish mo na pinag-iisipan mo pa noong hinatid mo ako sa Oakwood Plaza."

       Iyon yung araw na sinundan ko siya para bantayan, nagsinunangaling pa ako sa kanya na hinatid ko si Tita Dana sa Peppermint Station noong nagkita kami. Inirason ko lang iyon noon para makausap at malapitan siya, dahil ang totoo ay ni hindi pa umuuwi noon samin si Tita. Hindi niya pa alam noon kung sino talaga siya, at masyado pa siyang emosyonal dahil hinahanap niya ang mga sagot sa katanungan niya tungkol sa pagkamatay ng Mama Rianne niya.

       Tandang tanda ko pa rin ang araw na iyon. Humanga ako noon sa lakas ng loob niyang hingian ako ng pabor kahit na hindi niya ako kilala pa. Nakisuyo siya saking ihatid ko siya sa dati nilang bahay, tapos ay pabalik sa Oakwood Plaza. Hindi ko alam kung sadyang matapang ba siya noon, o talagang napaka bilis lang niyang magtiwala.

       Iyon din yung araw na nakita ko si Celestia. Dahil sa Ability ni Peppermint na nasa sakin, kahit na tinawag siyang Auntie Fe noon ni Peppermint, alam ko pa rin sa loob kong hindi lang siya basta bastang kapitbahay nila. Alam kong may mas malaki siyang tungkulin, kaya noong maihatid ko si Peppermint sa Oakwood Plaza ay agad ko rin siyang binalikan noong gabing iyon. Doon ko nakumpirma na alam din niya kung sino at ano ako.

       Si Celestia... Alam kong nakikipag-tulungan siya kay Alessandra para bantayan si Peppermint simula noong bata pa ito. Pero noong mga panahong iyon ay hindi ko iyon masyadong binigyan ng pansin, dahil hindi ko naman akalaing kakailanganin pala naming mahanap si Alessandra.

      Kaya nang sabihin sa akin ni Primrose na hanapin ko si Celestia, agad kong napagtanto na baka hanggang ngayon ay may komunikasyon sila sa isa't isa. At kung wala man, kahit papaano ay may makukuha pa rin kaming impormasyon sa kanya. Hindi ko magawang pumuslit noon sa Oakwood dahil kinailangan na naming magpunta ng Central, kaya sinigurado kong makakapag-iwan ako ng address kay Arianne Arabella.

       Ako ang nag-iwan sa kanya ng address kung saan niya mahahanap si Celestia. Pero ni hindi ko naman inasahang may gagawin talaga siya sa impormasyong iyon. Akala ko ay babalewalain niya lang ito, kaya naman nagulat din ako nang bigla na lang nagpakita sa amin si Celeste kanina kasama sila Axel at Shawn.

       "Bakit, Raven? May naisip ka na bang wish?" Ang nagtatakang boses niya ang nagpabalik sa akin sa wisyo, kaya naman tumango na lang ako.

       "Bukod sa wish ko, pwede rin ba akong humingi ng pabor?" Halata ang pagkagulat sa mga mata niya dahil sa naging tanong ko, pero mabilis din naman siyang um-oo at tumango.

       Dahil dito ay inilabas ko na lang mula sa likod ko ang journal na kanina ko pa hawak, at iniabot sa kanya. Kunot noo naman niyang kinuha ito mula sa kamay ko, at binigyan ako ng nagtatanong na tingin.

       "Yung pabor ko sayo Peppermint, pwede mo ba yang ibigay sa Ate ko pagkatapos ng laban natin bukas? Kapag nakuha na natin si Arianne at nakabalik na tayong lahat dito ng ligtas?" Kitang-kita ko na sinusubukan niyang basahin ang emosyon sa mga mata ko, pero kumpyansa akong wala siyang makukuha mula rito. Dahil matagal ko na itong pinaghandaan... Alam ko na kung paano itatago sa mata ng lahat ang nararamdaman ko.

       Bago rin siya magtanong pa ay agad na akong nagturan muli.

       "Ayaw ko lang na ako mismo yung magbibigay sa kanya kasi aasarin niya lang ako e. Sa kanya kasi 'yan, kapag ako mismo nagbalik baka sabihin niya pa ako yung nagtago. Alam mo naman iyon." I also gave her a goofy smile to counter her doubts, and it seemed effective cause she just chuckled and nodded.

       "Sige, ako na lang magbibigay sa kanya bukas. Ilalagay ko lang 'to sa bag ko, tapos pag-usapan natin yung wish m–"

       "Wait lang, Peppermint. Antayin mo na yung wish ko."

       Tatalikod na sana siya para siguro itago iyong journal ko, pero bago pa niya magawa ay pinigilan ko na siya agad. Gulong-gulo man ay tumango na lang siya, at muling humarap sa akin.

       "Pwede ba akong humiling ng isang yakap?" Gusto kong idagdag na kailangan na kailangan ko iyon ngayon. Pero pinigilan ko na lang ang sarili ko.

       Akala ko rin ay hihindi siya, o magtatanong man lang kung bakit iyon ang wish ko, pero hindi niya ginawa. Sa halip ay binigyan niya na lang ako agad ng isang mahigpit na yakap, at pakiramdam ko ay dito niya ipinapadaan ang gusto niyang sabihin... na kung ano man ang dahilan kung bakit ganito ang mga kinikilos ko ngayon, ay naiintindihan niya.

       "Salamat.." Tanging naibulong ko na lang.

~ ~ ~

       There's something so oddly satisfying about the night. This kind of silence gives us the freedom to hear our loud thoughts, too. I wonder if this is what death would feel like...

       Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka-upo rito sa dulo ng kamang hinihigaan ng Ate ko. Simula nang nag-good night ako kay Peppermint ay dumiretso na ako rito para makapag-isip isip, lalo pa at hindi naman ako makatulog.

       At kahit ilang beses kong ulit-ulitin ang lahat ng memorya sa isipan ko, masasabi at masasabi ko pa ring nasulit ko ang regalong ibinigay sa akin. Kung mayroon man akong bagay na hindi gusto sa lahat ng ito, iyon ay ang katotohanang iiwan ko ang kapatid ko, at masasaktan siya sa pagkawala ko.

      "Ate, kapag nawala na ako, gusto ko maging masaya ka pa rin ha?" Alam kong hindi niya ako naririnig, dahil mahimbing pa rin ang tulog niya. Pero gusto ko lang ilabas ang mga ito... Gusto kong sabihin ang mga bagay na ito habang tulog siya, dahil hindi ko kayang makita ang lungkot sa mata niya kung harap-harapan kong sasambitin ang mga salitang ito.

       "Alam ko palagi kitang inaasar, at kinokontra... siguro minsan naiinis ka na talaga sakin. Pero sana alam mo pa rin na wala akong ibang gugustuhin bilang kapatid bukod sayo."

       Saying these words is making me realise something... All those fears I felt all these years, it wasn't because of the fact that I'm dying or that my time is limited. It's because of the thought of her crying face when she sees my lifeless body.

       "Alam ko minsan kinokontra kita sa pagsama mo kay Yohan, pero siguro naiinggit lang ako sa kanya... Kasi siya makakasama ka pa rin hanggang kailan niya gusto. At alam ko rin na sasaya ka sa kanya, dahil ngayon pa lang nakikita ko na ang saya sa mata mo kapag nagku-kwento ka tungkol sa kanya."

       "Kapag nakasama mo na ulit sila Mom at Dad, huwag ka na masyado magpasaway ha? Pero bakit ko nga ba 'to sinasabi e kilala naman kita. Alam ko namang wala kang gagawin na ikakapahamak mo o ikakagalit nila. Sa ating dalawa, ako yung laging gumagawa at nagsisimula ng gulo..."

       Hindi man namin kasama ngayon sila Mommy ay hindi ko magawang mag-alala. Dahil malakas ang kutob ko na kung nasaan man sila ay ayos na ayos sila.

      "Lagi kang nagpapaka-ate sakin. Tingin mo ba hindi ko alam na kaya ayaw mong sumama noong nag bakasyon kami ng isang linggo ay dahil gusto mong sulitin ko ang mga araw na kasama ko sila? Alam ko 'yon, Ate. Pero sana alam mo rin na mas ayos kung nakasama ka namin."

       She's always been so selfless all these years, and I noticed all of it. Palagi niya akong inuuna palagi. In order to help me live my life to the fullest, she forgot to live hers.

      "You always made me enjoy my life more, Ate. It is because of you that I was able to grow and be happy. Thank you, Ate."

      Hindi ko maiwasang maluha habang nakatingin sa payapa niyang mukha habang natutulog. Kaonti na lang at siya naman ang magmamasid sa akin kapag nakatulog na ako ng permanente.

      "Thank you for the happiest years of my life... It is because of you that I am able to live. I will miss you so much."

       Sana kahit papaano ay naging karapat-dapat ako para matawag na kapatid mo.

– – 🛡️ – –

Present

       Before this day ends, I know I'll die.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top