L - Other Half

       Minsan sa buhay natin, kapag nakaranas na tayo ng sobrang pagod at sakit ay gugustuhin na lang talaga nating takasan ang mga iyon. Iyong mga klase ng pagod na hindi kayang mapawi sa pamamagitan ng pagtulog lang. Mga sakit na hindi kayang pagalingin ng kahit anong gamot...

       Ito ang mga bagay na sumakop na sa puso't isipan natin hanggang sa tuluyan na tayong lamunin nito.

       Mayroon akong nabasa dati na nagsasabing kapag dumating sa punto na napuno na tayo, ang mismong diwa at isip na natin ang tutulong sa sarili nito... Kailangang gawin iyon, sapagkat kung hindi ay baka mabaliw na tayo ng tuluyan.

       Alam ko na hindi iyon tama, at hindi isang mainam na solusyon. Ngunit kung tatanungin man ako kung naiintindihan ko ba iyon, o ang mga taong ginagawa iyon, walang kurap akong sasagot ng oo. Bakit? Sapagkat madalas, sa ayaw man natin o sa gusto, sadyang may mga masasakit na reyalidad na hindi na talaga kinakaya ng iba. At minsan, upang matakasan at mawala ang sakit na iyon... kinakailangang iwanan ang reyalidad pansamantala.

       Pansamantala...

       "Are you listening?" Mabilis na nabaling kay Xenon ang tingin ko nang tawagin niya ang atensyon ko.

        "You can't hide from who you are..."

       Nakita ko rin ang pasimple niyang pag-patay sa music player ng sasakyan niya, lalo pa at narinig ko pa iyong huling line ng lyrics ng kantang nagpe-play dito. Medyo nakaka-ilang ang mensahe, at ewan ko kung bakit, pero hindi ko na lang din ito pinagtuunan masyado ng pansin.

       "Pasensya na medyo napalayo ata yung napuntahan ng pag-iisip ko. Anong problema?" Alam ko namang napagtanto na niyang wala ako sa wisyo kanina pa, kaya hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa.

       Magkakilala na kami simula pa noong lumipat ako rito sa South mula sa Central. Siya iyong natatanging naging kaibigan ko sa Oakwood, at akala ko ay hindi ko na siya makikita muli noong napagdesisyunan ni Mama na manatili na ng permanente sa Hillwood. Kaya naman tuwang-tuwa ako nang malamang may bahay din sila sa Hillwood, at na sa Montecillo Academy din siya mag-aaral. Doon kami mas lalong naging malapit sa isa't isa, hanggang sa napagdesisyunan naming tawirin ang linyang humahati sa pagka-kaibigan at pagkaka-ibigan.

       Kaya kung mayroon man akong isang tao na hindi mapagtataguan ay siya iyon– at hindi lang sa iniisip o sa emosyon, pati na rin sa isang literal na lugar. Dahil kung kaya niyang basahin ang iniisip at nararamdaman ko base lang sa pag-obserba sa mga kinikilos ko... Nakakasiguro akong kakayanin din niyang hanapin ako, kung sakaling mawala man ako at magtago sa ibang lugar.

      ...isang bagay na sa tingin ko ay hindi ko naman gagawin.

       "It's alright, I can sense that something is bothering you." Aniya at inabot ang kamay ko upang paglaruan ang mga palad ko. Hindi rin niya inaalis ang tingin niya sa'kin, tila ba nag-aantay siyang mag kwento na lang ako, dahil alam namin pareho na hindi siya magtatanong at magpupumilit kung ayokong pag-usapan ang isang bagay.

       Napansin ko rin na nakahinto na pala ang sasakyan sa may isang overlooking cliff, at kahanga hanga ang view sa harapan kahit na sa gilid ng mga mata ko pa lang ito nakikita. Ganoon nga ata talaga kalayo ang iniisip ko at hindi ko na napansin ang lahat ng ito.

       Ngunit hindi bale, mamaya ay dyan na ako magpo-pokus. Sa ngayon ay humugot muno ako ng isang buntong hininga, para pag-isipan kung paano ko ba isasalin sa mga salita ang naglalaro ngayon sa isipan ko.

       "Hmm..." Wala namang ibinigay na komento si Xenon na para bang hinahayaan niya lang akong mag-isip muna. Sa halip din na titigan ako, isang bagay na alam niyang magpapakaba lalo sa akin, ay tinuon na lang niya ang atensyon niya sa kamay ko na pinaglalaruan pa rin niya. Hindi niya inaalis ang tingin dito na para bang ito ang pinaka-importanteng bagay para sa kanya ngayon. Napangiti tuloy ako sa aking nakikita.

       Kahit ganyan ang ginagawa niya, alam kong naka-alerto naman siya sa ibang bagay, lalong-lalo na sa sasabihin ko. Sa katunayan ay nahihirapan akong maka-buo ng isang maayos na kaisipan ngayon, kasi pakiramdam ko masisira ng kung ano man itong gumugulo sa isipan ko ang isang masayang araw na naranasan ko.

       Kanina, nang maabutan niya kaming nagtatawanan sa labas ng shopping store, ay ipinaalam niya ako kanila Cassandra at Arianne. Gusto raw kasi niyang gamitin ang natitirang oras sa araw na ito para makasama ako. Medyo nagulat nga ako dahil hindi naman siya masyadong expressive sa feelings niya, pero siguro ganoon talaga tayo minsan– may araw na hindi natin alam kung anong gagawin sa nararamdaman natin kaya kung ano ano na lang ang ginagawa natin para mailabas ang pakiramdam na iyon. At sino ba naman ako para ipagdamot sa kanya iyon?

       Kaya naman nang naghiwa-hiwalay na kaming lima ng landas ay dinala ako ni Xenon sa isang restaurant. Unang beses kong makapunta sa restaurant na iyon, pero nakakatuwa kasi parang ang pamilyar ng lugar na iyon. O siguro welcoming lang talaga iyong atmosphere ng lugar...

       Pagkatapos ay pumunta rin kami sa pizza parlor na kaharap ng restaurant na iyon, at nag take-out siya ng isang box. Pakiramdam ko nga may kakaiba sa akin kasi noong nakabili na siya ng pizza ay nakaramdam ako ng kakaibang tuwa, kahit hindi ko naman gustong kumain pa dahil kakatapos lang namin mananghalian. Ewan ko, pero basta may kakaibang comfort iyong ginawa niya. Iyon bang parang may nararamdaman kang kakaibang saya na gawin ang isang bagay na para bang nagawa mo na ito noon.

       Nostalgic– Iyon siguro ang salitang hinahanap ko. Parang deja vu na rin, kaso imposible naman iyon dahil hindi pa naman nagawang kumain sa restaurant na iyon dati, o kaya'y bumili sa pizza parlor na iyon.

       Akala ko nga pagkatapos no'n ay babalik na kami ng Academy, pero hindi pala. Sa gulat ko ay nag-drive siya palabas ng Hillwood at papunta ng Oakwood, ngunit hindi ko naman siya tinutulan. Sa halip ay nagkwentuhan lang kami sa buong byahe. Pakiramdam ko rin kasi ay ngayon na lang namin ulit iyon nagawa? Animo'y ilang buwan na ang lumipas... Kahit na alam ko naman, at tama ang pagkaka-alala ko na kakakita lang namin sa isa't-isa noong isang araw.

       Siguro iyon ang mga emosyong nagtulak sa'kin ngayon sa hindi maipaliwanag na bagay na gumugulo sa isipan ko. Parang mayroong nagtatagong pakiramdam sa loob ko na nagigising, at pilit na kumakawala dahil sa mga nagaganap.

       Tapos ngayon, andito kami sa isang overlooking cliff at sa labas ng kotse ay nakikita ko ang signage na nagsasabing "Inazuma Tower". Ito ang unang beses kong makapunta rito, ngunit sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay may kakaibang sakit akong nararamdaman. Mayroong kapayapaan, ngunit nariyan din ang sakit.

       "It feels like home..." Kunot noo naman akong napatitig kay Xenon nang marinig ko ang sinabi niya, naguguluhan kung anong ibig sabihin niya. Nakatingin na rin siya ng diretso at seryoso sa akin.

       "Ha?" Iyon na lang ang naisagot ko.

       Nginitian niya naman ako, at inilagay niya sa likod ng aking tainga ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko, bago siya sumagot ng mga salitang nagpakawala ng pangambang nararamdaman ko.

       "Here– This moment here with you... It feels like home."

       Sasagot na sana ako pero hindi ko na nagawa sapagkat dinugtungan pa niya ang winika niya.

       "I think you worry too much about what to do to ensure my happiness, or other people's safety, but you really don't need to. Because the things you've done are more than enough to the people who loves you, and people who matters to you." Imbes na maguluhan ako sa sinabi ni Xenon, ibang bagay ang naramdaman ko– para akong isang board na tinamaan ng isang dart at dumiretso ito sa bull's eye. Gano'n ang nararamdaman ko ngayon. Parang isiniwalat ni Xenon ang isang katotohanang hindi ko alam kung matagal na bang nakatago, o pilit ko lang na tinatakasan.

       Siguro ay yung panghuli... Sapagkat ang naging sagot ko sa kanya ay nagpapakita ng senyales ng pagtakas– ito ang pagmama-ang maangan.

       "Anong ibig mong sabihin?"

      Pero kahit ganoon ay matiyaga pa rin niyang sinagot ang tanong ko. Kahit na pakiramdam ko ay alam niyang naiintindihan ko naman talaga ang tinuran niya.

      "You shoulder other people's problems, and even battles that are yet to come. And because of that, you've forgotten something important, too."

       "Ano 'yon?"

       "The hardest battle in life doesn't require spilling of bloods, and countless deaths. It only requires willingness– the willingness to fight your own mind."

       Sasagot na sana ako kay Xenon, pero mabilis niyang hinigpitan ang paghawak niya sa kamay ko. Animo'y sinasabi niyang hayaan ko lang muna siyang magsalita, kaya naman tinanguan ko na lang siya at nanatili na lang na tahimik muna.

      "Your battle isn't outside, Princess. It's inside your mind... So fight it."

       "Because even if this fake reality feels like home, I'd still want the real thing. Call me greedy, but I won't lose you, Alexandria."

       Tuluyan na akong napakunot ng noo sa narinig, kaya naman agad akong sumagot sa kanya. Napansin ko rin ang pangalang binanggit niya, at sa hindi maipaliwanag na kadahilanan ay nakaramdam ako ng kaba nang marinig ito. Lalo pa at may diin ang pagbanggit niya sa pangalang iyon.

       "Ano ang sinasabi mo, Xenon? At anong Alexandria ka dyan? Ayos ka lang ba?"

       Inabot niya lang muli ang kamay ko at hinigpitan ang hawak dito. Kung makahawak siya ay para bang ito na lang ang huling bagay na kinakapitan niya, at anumang oras ay mahuhulog na siya sa kawalan.

       "I'm saying that you can take all the time you need to win this fight. I will wait for you no matter how long... Just come home. Come home to us. Come home to me, my other half."

       Pagkasabi niya no'n, kahit hawak niya pa ang kamay ko, pakiramdam ko ay nawala na siya sa harapan ko. Pakiramdam ko ay tuluyan ng nawala ang presensya niya, at mayroong naiwang puwang sa puso ko... Isang puwang na nakakadurog ng diwa at kaluluwa. Isang puwang na tila ba sumira ng kakaibang gapos na hindi ko alam ay suot ko pala.

       Tila nagpaulit-ulit ang mga salitang iyon sa isipan ko, hanggang sa naging echo na lang ang mga ito... at tuluyang nawala. Sunod ko na lang ding nakita ang sarili ko na gumigising ulit mula sa isang mahimbing na pagtulog.

       Teka... Ulit?


- - -



       "See, I told you she's still sleeping."

       "Ano ka ba, Cassy girl, she needs to gising gising na. There are so many things to do today kaya! We need to start our day agad, bright and early!"

       "Hmm, I don't think that's it. You seem so happy today, and it's oozing from every inch of your skin. Dare I say it has something to do with a doe-eyed Montecillo who surprised you last night?"

       Para akong naalimpungatan at binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig ng yelo nang bigla akong mapatayo at magising, humahangos pa ako dahil sa napanaginipan ko.

      Hindi ko maipaliwanag kung ano iyon, ngunit kakaiba ang nararamdaman kong bigat ng dibdib ko. Para bang sobrang sakit ng dumalaw sa aking panaginip, kaso ay wala akong memorya nito.

       Halata ring nataranta at nagulat si Cass at Arianne, na kanina ay tila nagbabangayan pa, ngunit mabilis naman nila akong nilapitan.

       "OMG, A girl! Are you okay? What happened? Was that a bangungot you just had?"

       "Aria, talk to us. It's okay, you're awake."

       Naririnig ko sila pareho, pati na rin ang mga tanong nila at ang pag-aalala sa kanilang mga boses. Kaso ay hindi ko pa magawang sumagot, kaya naman niyakap ko na lang muna ang tuhod ko at ipinatong dito ang ulo ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ito ang mas pinili kong gawin, kahit na andyan sila Cass at nag-aalala sa akin... Pero sa kakaibang kadahilan, pakiramdam ko ay kailangan ko lang sandali i-block ang mga ingay na naririnig ko.

       Narinig ko namang napabuntong hininga sila Cassandra dahil marahil sa pag-aalala, at tinapik-tapik na lang nila ang likuran ko. Sunod ko na lang ding narinig ang naging palitan nila ng salita tungkol sa inaasta ko ngayon.

       "It's okay, A girl. What you had was just a masamang panaginip."

       Gusto kong tumutol sa sinasabi nila, pero parang hindi ko magawa. Para bang wala akong ibang pagpipilian kung hindi ay makinig lang.

       "Arianne's right, Aria."

       Ang weird ng nararamdaman ko ngayon. Para akong hindi mapakali sa pinag-uusapan at sinasabi ng dalawa.

       "Saka we understand if you feel awful, A girl. Bad dreams are really scary.."

       Sa bawat pagdami ng salitang binibitawan nila ay mas lalong naninikip ang dibdib ko. Mas lumalakas ang masamang kutob ko, at handa na sana akong tumayo at tumakbo palabas pero bago ko pa magawa ay sinundan na ni Cassandra ang winika ni Arianne.

       Wala akong mahanap na eksplenasyon sa nangyari, ngunit ang magsasabi ko lamang ay tila ba napilitang kumalma ang kalooban ko sa tinuran ni Cass. Tila ba sinasabi ng utak ko na tama siya, kahit na parang napipilitan na lang na sumang-ayon ang nararamdaman ko.

       "Yes, it is. Bad dreams can be really discomforting. But don't worry, bad dreams are still just dreams. You're awake now, and this is reality. And from this reality, I am telling you that we're okay... You're okay, Aria. We're all okay. We're happy, and we will wait for you at the cafeteria so we can be happier today once we're complete, okay?"

       Naramdaman ko pang niyakap nila ako pareho, bago sila tumayo at lumabas ng dorm. Ang pagbukas at pagsara ng pintuan ang huli kong narinig na ingay, bago ako muling binalot ng nakakabinging katahimikan.

       Minsan kakaiba ang kapayapaang dinadala ng katahimikan, ngunit ngayon... pakiramdam ko ay naghuhurmentado nanaman ang buong diwa ko. Para nanaman akong itinulak sa loob ng isang hurricane, at nagspa-spiral nanaman ang isipan ko.

       Mga ilang segundo na rin siguro ang lumipas, simula nang maramdaman kong nakalabas na ng dorm sila Arianne, ay hindi ko maiwasang mapakunot na ng noo sa nararamdaman. Balak ko na nga sanang tumayo para sundan sila, o gumawa ng kahit ano para matigil itong nangyayari sa utak ko, pero hindi ko na nagawa nang marinig ko muli ang boses ni Cassandra.

       Hindi ito iyong sinabi niya mismo kanina, pero sigurado akong siya ito. Medyo distant lang ang boses, animo'y malayo ang pinanggagalingan nito at naabot lang ako.

       "This is reality, and from this reality, I am telling you that we're both okay. We're happy."

       At katulad kanina ay may kakaiba sa mga salitang iyon na nagdadala ng kakaibang katahimikan sa isipan ko. Para itong pampakalma sapagkat tila nawawala iyong bigat ng pakiramdam na paulit-ulit na bumabalot sa akin... pati na rin ang kagustuhang sundan sila agad. Para rin itong isang switch na bumukas at binigyan ako ng sigla.

       Kaya naman tumayo na lang ako at inayos ang kamang hinigaan ko, bago ako nagtungo sa banyo upang ayusin din ang aking sarili.

        Hindi ko maintindihan ang aking sarili, pero tama sila Arianne. Masamang panaginip lang iyon...

       Iniling-iling ko na lang ang ulo ko upang dedmahin itong mga gumugulo sa isipan ko. Siguro ay kulang lang ako sa tulog, kaya kung ano ano na itong naiisip ko. Hay naku, Aria!

       Mabilis na lang akong kumilos upang makalabas na ako agad ng dorm, at mapuntahan na sila Cass sa cafeteria. At hindi naman ako nabigo, dahil matapos lang ang ilang minuto ay tinatahak ko na ang maingay na hallway ng dorm hanggang sa makalabas ako sa open field. Marami na rin ang mga estudyanteng naglalakad papunta sa main building kung nasaan ang cafeteria, marahil ay mag-aalmusal na rin sila upang masimulan na nila ang araw nila.

        Madalas sa madalas ay lagi akong nagmamadali kapag naglalakad ako, dahil ayaw kong mahuli sa klase. Pero ngayon, parang gusto kong namnamin pa lalo ang simoy ng hangin– para bang ang tagal tagal na simula noong huli kong ginawa ito. Ang weird lang kasi araw-araw ko naman na ginagawa ang paglalakad galing dorm papunta sa main building.

       Ano ba naman ito? Kanina pa parang may mali sa akin. Ganoon ba ako kapuyat?

       Di bale na nga. Baka may halong gutom na ito. Kaya naman kahit gusto ko po sanang tagalan ang paglalakad, ito at binibilisan ko na lang ang bawat paghakbang ko papunta sa main building.

       Masama na nga ang gising ko, tapos sasabayan pa ng gutom? Aba, talagang magspa-spiral itong isipan ko. Marahil ay iyon talaga ang nangyayari sa akin. Masyado ko lang din atang binibigyang pansin ang ibang mga bagay na dapat ay wala namang kahulugan.

       Hays. Makapagpatuloy na nga lang sa paglalakad.

       Habang papalapit naman ako ng papalapit sa may main building ay mas lalo ko namang napapansin ang anim na pigurang nakatayo sa harapan ng main building. Pare-pareho silang nakangiti, at tila nag-uusap.

        Montecillo Family...

        Sa kakaibang kadahilanan ay natigil ako sa paglalakad, at naestatwa sa kinatatayuan ko. Hindi ko rin magawang alisin sa kanila ang tingin ko. Para bang sa isang iglap lang ay nagbago ang takbo ng isip ko, at kung kanina ay mas gusto nitong magpunta na lang sa cafeteria, ngayon ay wala na itong ibang nais kung hindi titigan na lang ang anim.

       Nakakaramdam ako ng kakaibang galak.

       Alam kong ang panget tingnan ng ginagawa kong pagtitig sa kanila. Kaso ay hindi ko magawang tumigil. Sa aking isipan ay sila ngayon ang pinaka-importanteng bagay na dapat kong pagtuunan ng aking buong pansin.

       Kaya naman iyon nga ang aking ginawa.

       Una kong tiningnan si Sir Nick Montecillo– ang leader ng Hillwood, isang Council member, at ang siya ring may-ari nitong Academy. Makikita ang otoridad sa bawat galaw niya, pati na rin sa mismong presensya niya. Pero kahit ganoon, nakakalambot ng puso ang kakaibang pagmamahal, pag-aalaga at kahinahunan na nakikita sa mga mata niya sa tuwing nakatingin siya sa mga anak niya, lalong lalo na sa kanyang asawa.

        "Our family is the most important thing to me, and I'm willing to lose it all if it means keeping all six of you happy and safe, anak. Nothing in this world can beat the feeling of your love. I'd give my whole life in any war we'll face, and I know I will always win as long as I know that the six of you are complete. Daddy will do everything, all I ask in return is your consciousness, please."

        Huh...?

        Napakurap ako sandali nang akala ko ay narinig ko ang boses ni Sir Nick sa isipan ko. Napakabilis lang nitong nawala. Parang hangin na dumaan lang kaya hindi ko na lang din ito masyadong pinansin, at bumaling na lang ako sa pinaka magandang babaeng nakita ko.

        Magagalit siguro sa akin si Mama Rianne kapag narinig niyang sinabi ko iyon, pero iyon ang totoong nararamdaman ko. Isa pa, kung makikita rin niya si Mrs. Scarlett Montecillo, alam kong maiintindihan niya ako.

       Paano ba naman kasi ay hindi lang siya maganda, alam din ng lahat kung gaano siya kabait. Siya ang kasalukuyang School Director at tuwing naglalakad-lakad siya sa buong Academy ay hindi niya nakakalimutang batiin, kamustahin at ngitian ang lahat ng nakakasalubong niya. May kakaibang welcoming aura na bumabalot sa kanya. Iyon bang parang nanaisin mo na lang na makulong sa mahigpit niyang yakap matapos ang isang napakahabang araw.

       Alam na lahat na kaya niyang manipulahin at kontrolin ang elemento ng hangin... Pero sa paraan ng pagtingin niya sa kanyang pamilya, sinasabi ng mga mata niya na may sariling hangin siyang hinding hindi kokontrolin, at ayaw na ayaw niyang mawala.

       "My children are five. No one gets left behind. No one is less special, and no one is above the rest. You're all important and special to me, and I will never be able to live if I lose any of you. You're my world, the air I breathe, the ground that keeps me standing, and the only fire that keeps my heart burning. Without the five of you, I feel like I'm drowning. I can't lose you anak, I can't lose any of you, so please come back to Mommy."

       Agad na napa-awang ang bibig ko, at napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman ko ang pananakit nito. Pakiramdam ko ay binato ako ng isang energy ball dahil sa kakaibang init na nararamdaman ko sa puso ko ngayon. Alam ko rin na sa pagkakataong ito ay hindi ako pinaglalaruan ng isipan ko. Sapagkat malinaw na malinaw sa akin ang mga salitang binitawan ni Mrs. Montecillo. Rinig na rinig ko rin at patuloy na umuulit sa isipan ko ang pag-iyak niya habang sinasabi ang mga salitang iyon.

        Ang mga tanong ko na lang ngayon ay... paano at bakit?

       Isa-isa kong tinitigan ang apat na magkakapatid na Montecillo. Gusto kong malaman kung isa ba sa kanila ang may kagagawan nito, o kung may alam ba sila, pero ang tanging nakita ko lang ay magkakapatid na handang gawin ang lahat maprotektahan lamang ang isa't isa.

       Si Yohan at Hendrix na tahimik na nakikinig sa mga magulang nila. Isang kapatid na punong-puno ng kadiliman, hindi dahil ginusto niya iyon, ngunit dahil punong-puno siya ng pagsisisi sa ilang bagay na nagawa niya– mga bagay na kahit kailan ay wala naman siyang naging kontrol. Mga bagay na hindi niya ginusto at kasalanan.

       "There aren't enough apology in the world to make up for the terrible things I've done and said. But please allow me to work on even just the tiny amount of forgiveness from you, I'm more than willing to wait for it my whole life. Please give me one more chance, wake up and come home to us, baby A."

       At ang isang Kuya na nag-uumapaw sa liwanag. Wala siyang ibang hangad kung hindi magdala ng liwanag at tuwa sa buhay ng mga kapatid niya, kayang-kaya niyang ibigay lahat ng mayroon siya para sa mga ito. Gagawin niya palagi ang kahit ano, masiguro lang na walang mawawala sa kanila.

       "Kuya Hendrix misses his own ray of sunshine so much, baby A. This world has became darker without you. I never want to ask for anything from you, because all I ever want is for you to get all the good things you deserve without having the need to give something in return. But right now, please forgive me if I'm going to ask you this one thing– wake up, Sunshine. Wake up and come back to us. We can't find you there, only you can break yourself free from your own prison. I'm missing you so bad. Kuya needs his baby sister more than anything in the world."

       Anong nangyayari? Bakit naririnig ko ang mga boses nila sa isipan ko? Pinaglalaruan ba nila ako?

      Bakit ang sakit sakit ng puso ko?

      Iniwas ko na ang tingin ko kanila Yohan, at binalingan na lang sina Travis at Jarvis na nagbibiruan at pinagti-tripan ang isa't isa. Hinihiling ko na sana sila na lang iyong may pakana nitong nangyayari, pero hindi iyon ang nakita ko. Dahil mas nangibabaw ang ilang bagay sa aking isipan.

        Ang pagiging strikto at protective ni Travis. Iyong kahit hindi siya masyadong nagkokomento, alam na alam niya ang nararamdaman ng bawat isa, at palagi niyang ibinabase ang kilos niya mula roon. Sapagkat ang tanging gusto niya ay maramdaman na masaya ang mga mahal niya sa buhay, kahit na siya mismo ay wala ng malinaw na kaalaman sa sariling emosyon niya. Handang-handa siyang dalhin ang bigat ng emosyon ng iba, kung sa ganitong paraan ay magiging masaya sila.

       "You know that all I've ever wanted was to feel that you're genuinely happy... and I can feel that right now, baby A. We have no idea where you brought yourself this time, but it is clear to me that this is the happiness you've been wanting. And you know I'll give everything just for you to have this happiness, but that does not include your life. I know it's selfish of me to ask you to come back to the world where you only felt pain and fear, but I don't want you to lose yourself, baby A. Free yourself, you deserve more than this cage of yours."

       At si Jarvis... Si Jarvis na gustong maging magaling sa lahat ng bagay. Kasi iniisip niya na sa ganoong paraan niya lang mapapangalagaan at mapo-protektahan ang mga mahal niya sa buhay. Ngunit ang totoo ay kahit hindi siya maging magaling sa lahat, sobra sobra pa ang nagawa at mga ginagawa niya para masiguro ang kaligtasan ng mga kapatid niya.

       "Do you remember when I found out that you were looking for Arianne? I was the worst when I said you only made things worse when you're trying to help. I know I crossed a line that time, and I know I hurted your feelings, but you never held it against me. Thinking about it now, you never held anything against any of us, and that's what makes you the kindest sister anyone could ask for... But that also means that you've kept all of it inside you. It makes me wonder if you've reached your limit, to the point that you feel like you need to hide from the reality to stop the pain. I'm sorry, baby A. I'm so sorry for the things I said. I miss you so much."

       Bakit ako lumuluha? Bakit parang dinudurog ang puso ko sa mga naririnig ko? Hindi naman para sa akin ito. Hindi ko sila kaano-ano, at ni hindi ako malapit sa kanila. Pero bakit may kung anong emosyon na pilit kumakawala sa loob ko?

        Bakit ako nasasaktan?!

       Masaya dapat ako! Masaya ako sa lugar na ito. Masaya ako dahil nakikita kong masaya silang lahat! Walang sinuman sa kanila ang mayroong pinagdadaanan, at wala sa kanila ang nasa panganib, kaya bakit ako nasasaktan ng ganito? Hindi dapat ganito, e. Hindi ito ang gusto ko.

       "Come home to us..."

       "Come home to us..."

       "Come home to us..."

       "Come home to us..."

       "Come home to us..."

       "Come home to us..."

       "Come home to me, my other half..."

         "AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH TAMA NA!" Hindi ko ninanis na mag-eskandalo, at gumawa ng kahit anong eksena ngunit sadyang hindi ko na kaya ang kakaibang sakit na nararamdaman ko. Para itong nanggagaling sa iba't ibang direksyon, mula sa ibang dimensyon at panahon.

        Tuluyan na akong napaluhod habang hawak hawak ko ang dibdib ko, at hindi ko na rin mapigilang mapahikbi. Alam ko ring nakatingin na sa akin ang mga estudyante sa paligid, pati na rin ang mga Montecillo. May pag-aalala sa kanilang mga mata pero bukod doon ay wala ng iba.

        Ang lamig. Ang lamig lamig.

       "Aria! Are you okay?" Hindi ko alam kung paanong andito na agad ngayon sa harapan ko sina Cassandra at Arianne. Sinusubukan nila akong tulungan tumayo pero sadyang wala akong lakas.

       Kasabay ng sunod-sunod na pagluha ko ay ang siya ring pag-iling ko.

      "Hindi ako okay. Matagal na akong hindi okay... at hind ko na alam kung anong gagawin." Parang isang water dam na nasira ang naging pagbuhos ng luha ko nang aminin ko ang mga salitang iyon kanila Arianne. Kitang-kita ko ang pagtataka sa kanilang mga mukha, kaya naman kahit hinang-hina ay inabot ko na lang silang dalawa upang yakapin.

        Otomatiko namang niyakap din nila ako pabalik, at tinuran ang mga salitang alam kong sasabihin nila.

       "It's okay A girl, we're happy o."

       "We're alright, Aria. We're fine, see. We're happy."

       Inaasahan ko ng iyan ang sasabihin nila. Sapagkat mayroon akong napagtanto. Ngayon ko lang nahalata...

        "Kahit hindi ko sabihin, alam niyo agad na ang kasiyahan ninyong lahat ang nais ko. Kaya kahit wala pa akong banggitin, alam niyo na agad ang nais kong marinig." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kanila, at tiningnan sila ng diretso sa kanilang mga mata.

       "The hardest battle in life doesn't require spilling of bloods, and countless deaths. It only requires willingness– the willingness to fight your own mind." Narinig ko ring muli ang mga salitang binitawan ni Xenon, kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko.

         Nang muli ko itong idilat ay huminto na ang oras, at ang lahat ng galaw sa kulungang kinaroroonan ko. Kulungang pinagdalhan sa akin ng sarili kong isip.

        Tinitigan kong mabuti ang naka-estatwa ngayon na sina Cassandra at Arianne. Napakagat na lang din ako sa labi ko para sana pigilan ang pagtangis, ngunit hindi ko magawa. Tuloy tuloy lang ang pagbuhos ng luha ko.

       "Alam niyo ang sasabihin, kahit paulit-ulit pa ito, dahil ginawa kayo para sumagot ng gano'n. Ginawa kayo para maging masaya." Ito ang isang realisasyon na nagdadala sa akin ng kakaibang sakit.

       Masaya kayo sa lugar na ito, dahil iyon ang nais ko. Gustuhin ko mang manatili na lang dito, hindi ko magawa. Dahil mayroong mga taong gagawin ang lahat para magising ako, at maibalik ako sa reyalidad. Hindi dahil ayaw nila akong maging masaya, kung hindi dahil alam nilang mas magiging masaya ako kung ang totoong kagalakan na ang nararamdaman ninyo.

       "Alexandria, you should know by now that wherever you go, I will always find and follow you... and bring you home."

        Naalala ko ang minsang sinabi sa akin ni Xenon. Nagawa na niyang sundan ako dati sa isang trance na pinagtaguan ko. Kaya hindi na ako magtataka kung paano niya ako natunton dito.

        "At kapag ginawa ko ito..." Dahan-dahan kong binuksan ang palad ko at itinapat ito sa dibdib ko. Dito ay ramdam na ramdam ko ang kakaibang enerhiya na dumadaloy sa dugo ko. Unti-unti ko ring nakikita ang pagiging abo nina Cass at Arianne, pati na rin sila Mommy, Daddy at sila Kuya sa di kalayuan hanggang sa tuluyan silang inilipad ng hangin, at ang lahat ng ilusyong nakikita ng mga mata ko.

       "...mawawala kayo." At naiwan na lang akong nakaluhod sa kawalan. Walang liwanag, walang kulay, kahit saan tumingin ay puros kadiliman lang.

       Napahagulhol na lang ako at napayakap na sa sarili ko.

       Minsan sa sobrang kagustuhan nating tumakas sa masakit na reyalidad ay nakakabuo tayo ng ilusyon sa ating isipan. Pero ito ay isang bagay na hindi dapat gawin sapagkat kapag dumating ang araw na mapagtanto mo ang totoo, nagiging triple ang sakit na nararamdaman mo. Sunod-sunod itong bumubuhos para ipaalala sa'yo ang mga bagay na pilit mong tinatakasan.

        Alam kong mali ako. Mali ako sa kagustuhan kong makita na masaya lang dapat ang mga mahal ko sa buhay. Dahil hindi ganoon ang buhay. Sa araw araw ay natural na kaakibat na natin ang sakit, hindi kami laruan na naka-program para maging masaya lamang. Iyon ang hinangad ko. Iyon ang dahilan kung bakit binuo ng aking isipan ang ilusyong kinabilangan ko, at iyon ang naging pagkakamali ko.

        Subalit ngayon ay alam ko na...

       Ang isipan ko ang nagdala sakin dito, pero hindi ako ang gumawa ng kulungang ito. Dahil katulad ng sinabi ni Xenon, isa itong laban na kailangan kong ipanalo.

       Minsan na kaming nawalan at natalo sa unang digmaaang inilahad ni Gabriel noon sa Montecillo Academy noong Hillwood Day. Ngayon naman ay ibinato niya ako sa laban kung saan nakaharap ko ang pinaka-mahirap na kalaban ko– ang aking sarili.

       Ngunit sa pagkakataong ito, alam ko ng panalo ako. Sapagkat kahit gustong-gusto kong manatili doon, hindi kakayanin ng konsensya kong iwanan na lang silang lahat. Sinubukan niya akong ilayo sa mga mahal ko sa buhay, para maisakatuparan niya ang kanyang plano. Inakala niyang hindi na ako makakalabas doon, at nagkamali siya.

       Mas malakas na ako ngayon. Ramdam na ramdam ko ang Ability na iginawad sa akin. At bukod pa roon ay naaalala ko na ang lahat. Kilala ko na kung sino ako, at ano ba ang kailangan kong gampanan sa mundong ito.

        "Hintayin niyo ako, pauwi na ako sa inyo."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top