IX - A Little Bit of Both
"Ariaaaaaaaa!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at natawa na ako ng malakas. Paano ba naman kasi ay ang lakas lakas ng sigaw ni Kuya Hendrix habang tumatakbo papalayo kay Aria, sa wolf na alaga ko. Hindi na rin maipinta ang kanyang mukha dahil sa kaba at mas lalo pang lumalakas ang tili niya.
"Baby A, stop your pet!" Napa-upo nalang ako sa bench dahil sa kakatawa nang dumaan sila pareho sa likuran ko. Halos hindi na magkamayaw si Kuya Hendrix sa pagtakbo, hindi niya na alam saan siya pupunta.
"Ikaw kasi Kuya, hahahaha bakit mo siya ginising!" Para palang si Kuya Yohan itong wolf namin, ayaw magpagising, nagsusungit!
Alam kong hindi magagawa ng kapatid ko na saktan o gamitan ng Ability si Aria, dahil kahit ang arte ng wolf na yan ay napalapit na rin siya kay kuya Hendrix. Kaya naman ngiting-ngiti ko nalang silang pinanood na maghabulan.
"Sunshine, stop her!" Umiling-iling ako kay Kuya nang saglit siyang lumingon sa akin. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at muli nanaman akong natawa.
"Huwag na Kuya, isipin mo nalang exercise mo yan." Sigaw ko dahil medyo nakalayo sila akin. May sinagot din ang kapatid ko pero hindi ko na narinig dahil sa distansya, at isa pa ay hindi ko na rin naintindihan iyon. Tanging ang pagtili lang niya ang rumehistro sa isipan ko.
Napasandal nalang ako sa sandalan ng upuan nang mawala na ang dalawa sa paningin ko. Paniguradong maghahabulan ang dalawang iyon hanggang sa field sa harapan, bahala sila. Kahit naman gano'n si Kuya Hendrix alam ko namang nagbibiruan lang ang dalawang iyon, at na gustong-gusto niya ring nagpapahabol kay Aria.
Humugot nalang ako ng malalim na hininga at niramdam ang lamig ng umaga. Kagabi ay sabay-sabay kaming umuwi ni Mommy at nila Kuya dito sa mansion. Si Mommy mismo ang nag-request na umuwi kami upang pare-pareho kaming magpahinga. Niyaya niya rin akong mamasyal ngayong umaga, dahil namimiss niya na raw akong ka-bonding. Syempre, pumayag ako. Hinding-hindi ko tatanggihan ang Nanay ko, isa pa ay namimiss ko na rin siya. Kailangan niya ring magpahinga mula sa mga duties niya bilang Director ng Academy.
Nakakatuwa nga dahil umaayos ata ang mga bagay bagay nitong nakaraan. Ayos na ayos na kami ni Kuya Travis at kuya Jarvis, tapos mamamasyal kami ni Mommy mamaya, at si Kuya Yohan... Himala at pinagbigyan niya akong huwag mag-training ngayong weekend. Aniya ay para raw makapagpahinga ako. Minsan nga naisip ko baka nagsisimula nanaman akong paglaruan ng tadhana. Para kasing ang bilis ng mga pangyayari, at natatakot akong may kapalit ang mga ito. Ewan ko ba.
Iniling-iling ko nalang ang ulo ko upang alisin muna ang mga takot na namumuo sa aking isipan. Nag-inhale at exhale nalang din muna ako at tumayo na, upang sundan sila Kuya Hendrix. Kakasikat palang ng araw at ang gulo na agad ng dalawang iyon. Isa pa ay nais kong ayain si Kuya na maghanda ng agahan. Naging abala rin siya nitong mga nakaraang araw, at masyado rin akong wala sa sarili dahil sa mga nangyari. Gusto ko, kahit papaano, sa araw na ito ay masaya lang kaming lahat– walang problema, walang pangamba at walang sakit. Kahit isang araw lang.
Tahimik na tahimik pa ang buong paligid. Kahit araw-araw namang tahimik talaga ang Mansion, iba pa rin ang katahimikang dala ng umaga. Lalo pa at wala ka pang makakasalubong na mga security personnel o mga staff. Bukod kasi sa mga security personnel na on-shift at nakabantay sa kani-kanilang tagong pwesto, ay kaming dalawa palang ata ni Kuya ang gising.
May daanan sa gilid ng bahay mula sa back garden papunta ng field, kaya ito nalang ang daanang tinahak ko. Baka mamaya ay makasalubong ko sila Aria. Ngunit hanggang makarating ako sa harapan ng mansion ay hindi ko natagpuan ang dalawa.
Saan nagpunta ang dalawang iyon? Sa loob ng bahay ba sila dumaan pabalik sa back garden? Hmm.
Babalik at papasok na sana ako, lalo pa't tumalikod na ako, pero bago ko pa magawa ay nakaramdam na ako ng dalawang presensya sa likuran ko. Lihim akong napangiti at biglang napalingon.
"Huli kayo!" Ang kaninang ngiti ko ay agad na naging tawa nanaman nang makita ko ang reaksyon ng kapatid ko. Halatang gulat na gulat si Kuya Hendrix dahil imbes na ako ang gugulatin niya, ay sila itong nabigla. Si Aria naman ay napa-atras at napatago sa likuran ni Kuya.
"Dapat nakisama ka man lang, Sunshine. Ginamit mo Ability mo para maramdaman kami! Ang daya!" Napa-awang nalang ang bibig ko at napa-iling nang ngumuso siya, at padabog na pumasok ng bahay. Ang wolf naman ay agad na tumakbo pabalik sa likuran. Napatampal nalang ako sa noo ko, at napabuntong hininga.
Bakit parang kasalanan ko pa?
Si Kuya Hendrix talaga..
Nang makita kong lumiko siya papunta sa direksyon ng kusina ay sumunod na rin ako. Hindi ko maalis ang ngiti sa labi ko dahil parang bata ang kapatid ko.
Naabutan ko naman siya na kukuha na sana ng cereal, para siguro mag-almusal, pero agad ko siyang pinigilan. Nagtataka lang siyang lumingon sa akin. Balak niya rin sanang mag-reklamo pero inunahan ko na siya. "Hindi ito ang kakainin mo ngayon Kuya, tutulungan mo akong maghanda ng almusal." Ngiting-ngiti kong turan. Akala ko ay aangal nanaman siya pero nagulat ako nang sumilay din ang ngiti sa labi niya, at napatango-tango siya.
Bago pa ako makasagot ay nawala na agad siya sa harapan ko, kaya napa-iling nalang ako. Mas mabilis pa siya kay Kuya Jarvis kung makatakbo, nabanggit lang ang pagkain.
Mabuti nalang pala talaga at naituro sa'kin ni Mommy kung ano-ano ang mga paborito nila Kuya, maging ang paborito niyang almusal. Iyon kasi ang balak ko na ihain.
"So what are you going to prepare, Sunshine?" Bungad na tanong ni Kuya Hendrix pagpasok na pagpasok ko ng kusina. Nakasandal pa siya sa may kitchen counter habang kumakain ng ilang piraso ng ubas.
Sumilay naman ang ngiti sa labi ko habang inaalala ang mga gusto nila. "Blueberry Pancake para kay kuya Jarvis dahil masyado siyang mahilig sa gano'n. Tapos kanila Mommy, kuya Travis at kuya Yohan naman ay Bacon, Ham and Egg Hash." Pare-pareho kasi silang mahilig sa meat.
Kitang-kita ko namang napa-awang ang bibig ni kuya Hendrix, halata ang pagkamangha sa kanyang mga mata. "You did your research, huh? Sa akin ano?" Hindi ko maiwasang mapangiti kasi nakakatuwa talaga ang kanyang reaksyon. Para siyang batang nasasabik makuha ang isang pasalubong.
"Sa'yo Kuya, dahil burger ang favorite mo, Breakfast Burger!" Healthy naman iyon, lalo pa at susundin ko ang recipe ni Mommy. Nalaman ko kasing iyon din ang paboritong almusal ni kuya Hendrix.
At mukhang tama ako dahil ngiting-ngiti na siya ngayon. Kahit nga hindi ako magsabi ay nauna na siyang kumilos at kumuha ng mga kakailanganin. Napa-iling nalang tuloy ako at kumuha na rin ng apron para makapagsimula na kami.
"Kuya, sa tingin mo ba magugustuhan nila ang almusal na gagawin natin?" Tanong ko habang inaayos ang pagkakatali ng apron sa aking likuran. Pansin ko namang natigilan si Kuya Hendrix sa pagkuha ng ingredients, at bahagya siyang napalingon sa akin– nakatalikod kasi siya kanina at nakaharap sa mga hanging cabinet dito. Isang sinserong ngiti ang sumilay sa kanyang labi, bago tumango at sumagot, "They will love it."
Napangiti nalang din ako at napabuntong hininga. Sana nga.
~ × ~
"Wow! Mom, did you prepare these food?" Napatingin ako kay Kuya Travis na kakapasok lang ng dining room. Halatang kakagising lang niya, lalo pa at nakapantulog pa siya. Andito na silang lahat, at siya nalang ang inaantay namin. Saktong-sakto nga dahil kakatapos lang namin ni kuya Hendrix.
Kita ko naman sa gilid ng mga mata kong umiling si Mommy. "I wish I can take credits, but no. Alexandria and Hendrix prepared breakfast." Aniya ng nakangiti. Dahil dito ay nabaling din sa akin ang tingin ni Kuya Travis. Nagmadali rin siyang umupo sa tabi ko upang yakapin ako at guluhin ang buhok ko, hindi ko tuloy maiwasang matawa ng mahina.
"Baby A, good job." Papuri niya kaya napa-iling nalang ako.
"Is this yummy?" Tila nang-aasar na tanong ni Kuya Jarvis kaya nagkibit-balikat nalang ako. Pinanood ko nalang din silang magsimula ng kumain.
Ewan ko ba pero hindi ko maalis ang tingin ko sa mga mukha nila. Gusto ko kasing makita ang reaksyon ng mga kapatid ko at ni Mommy.
Unang kumain si Kuya Yohan, at nang makita kong wala namang nagbago sa reaksyon niya ay nagsimula na akong kabahan. Hindi kaya masarap? Hindi kaya niya nagustuhan?
Tapos si Kuya Travis, gano'n din. Wala rin siyang imik at tuloy-tuloy lang sa pagkain. Maging si Kuya Jarvis hindi nagsasalita. Si Kuya Hendrix naman, inaasahan ko na talagang hindi siya kikibo. Kanina pa kasi siya nagsasabi na gutom na talaga siya.
Iisipin ko na sanang isang malaking palpak iyong mga hinanda namin ni Kuya Hendrix, pero nahagip ng mga mata ko ang isang ngiti sa labi ni Mommy. Hindi rin siya nagsasalita at naka-pokus lang siya sa pagkain, pero kahit ganoon ay kitang-kita ko sa kanyang mga mata na nagustuhan niya ito.
Nagpakawala nalang ako ng isang buntong hininga, at kumain nalang din ng pancake. Kukuhanin ko na bilang approval yung ngiti ni Mommy, siya naman ang magaling magluto rito.
Sa loob ng ilang minuto ay nanatili lang na tahimik. Pare-pareho kasi kaming abala sa pagkain. Akala ko nga ay matatagalan pa bago sila matapos, pero nagulat ako nang binasag ni kuya Yohan ang katahimikan.
"It's okay." Napataas naman ang isang kilay ko nang mapansin kong naubos niya ang pagkaing hinanda ko. Nagkatinginan din kami ni Mommy at pasimple nalang na napangiti.
"Anong 'okay' lang? Naubos mo nga, tapos 'okay' lang?" Binalik ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko habang pinapakinggan ang sagot ni Kuya Hendrix.
Umismid naman si kuya Yohan sa kanya. "If I know, you're just fishing for compliment, Hendrix."
Dahil sa sagot ni kuya Yohan ay pare-pareho namang natawa sila Kuya Travis at Kuya Jarvis, maging si Mommy. Suminghap din kasi si kuya Hendrix, na para bang sinasabi niyang hindi siya makapaniwala sa tinuran ni kuya Yohan.
At bago pa makasagot si kuya Hendrix, inunahan na agad siya ni kuya Jarvis. "Are you sure you helped Alexandria, Kuya? Anong tinulong mo? Mag-abot ng gamit?" Dahil sa tinuran ni kuya ay napahagalpak na ng tawa sila kuya Travis. Parang bata namang napanguso si kuya Hendrix nang lumingon siya sa akin, animo'y nagpapatulong.
Pigil na pigil ko naman ang sarili ko para hindi ako matawa. Tumikhim nalang din ako bago ko sinagot ang pang-aasar ni Kuya Jarvis. "Ang yabang mo naman Kuya, pare-pareho naman kayong hindi marunong magluto."
Dahil sa sinabi ko ay sabay-sabay namang napatingin sa akin sila Kuya, at pare-parehong kumontra.
"H-hoy!"
"Hoy, Alexandria!"
Hindi ko naman binigyang pansin ang matatalim nilang titig. Sa halip ay ngumiti nalang ako ng malapad– isang mapang-asar na ngiti.
"Ipinagyabang niyo pa sa'min na magluluto kayo, ang ending puros pinrito lang din naman. Pati yung bawang sa fried rice, sunog." Dahil sa sinabi ko ay tuluyan ng natawa si Mommy, at maging si Kuya Hendrix. Sila Kuya Jarvis naman ngayon ang nakanguso at parang batang nagmamaktol.
"You did... What?" Tawang-tawang tanong ni Mommy. Hindi nga pala niya alam ang pangyayaring iyon. Maganda siguro kung ikwento ko, makabawi man lang ako sa mga kapatid kong 'to.
"Mommy, dati po kasi nag-presenta sila magluto. Ang yabang yabang pa nila, akala namin kung ano iyong lulutuin nila. Tapos fried egg, hotdog at bacon lang pala. Ang ka-partner pa fried rice, kaso nasunog ni Kuya Jarvis yung bawang kaya ang pait." Ramdam na ramdam ko ang matatalim na tingin nila Kuya, pero wala akong pakialam. Nakakatuwa silang asarin.
"I can't believe it!" At mas nakakatuwa dahil ang lakas lakas ng tawa ni Mommy. Ang sarap nito sa tainga, lalo pa't ngayon ko nalang ulit siya narinig tumawa ng ganyan.
"You didn't have to bring it back, baby A." Ani Kuya Travis.
"Sunshine naman, nagpapatulong lang ako sayo. Bakit mo naman kami pinahiya kay Mommy?"
"Tsk, so mean Alexandria, so mean."
"Aksidenta lang 'yon, baby A. Hindi ko sinadyang masunog yung garlic!"
Natawa nalang ako sa sunod-sunod na pagtutol ng mga kapatid ko. Binelatan ko nalang din sila at pinagpatuloy na ang pagkain ko, na para bang walang nangyari.
Hindi ko talaga makalimutan ang pangyayaring iyon, at kung paano nag-alburuto si Kuya Jarvis nang sinita ni Arianne ang sunog na bawang. Hanggang ngayon, sa tuwing iniisip ko iyon, palagi pa rin akong natatawa.
Nagsimula na rin silang magpaliwanag kay Mommy, pero puros tawa lang ang sinasagot niya. Ang kaninang katahimikan ay napalitan na ngayon ng mga pagtutol, at tawanan.
Napa-iling nalang ako, at napangiti habang pinapanood sila.
Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng kakaibang saya nang may mapagtanto ako...
Ito– itong nasa harapan ko lang pala ang kailangan ko. Ang mga tawa lang pala nila ang hinahanap ko.
Ang mga ganitong pangyayari ang nagpapa-lakas ng loob ko. Sa ganitong bagay ako kumukuha ng lakas at pag-asa. Maaari ngang masyadong maraming kaguluhan, masyadong maraming sakit at pagbabago... pero may mga ganitong kasiyahan din.
Ninais kong maging masaya lang kami ngayong araw, sa kadahilanang kailangan ko pala ito. Kailangan kong marinig muli ang tawa nila upang mas lumakas ang loob ko.
At ngayon, alam ko na. Alam kong kaya ko na.
Kung ano man ang mga bagay na posibleng mangyari mamaya, bukas o sa mga susunod na araw, handa na ako. Gaano man kasakit ang kapalarang nag-aantay sa amin, kakayanin ko na. Maramdaman ko man ulit ang paninisi ng iba, matitiis ko na.
Sapagkat ngayon alam ko na. Sa dulo ng lahat ng kaguluhan, at gyerang ito, andito sila. Sa huli, may mga ganitong araw na nag-aantay sa akin– sa amin.
Nakalimot lang ako saglit, pero klaro na ito ngayon sa isipan ko.
Lumalaban ako sa tadhana, hindi para sa akin– para sa pamilya ko, para sa mga taong mahal ko at mahalaga sa akin. Kung kailangan kong lumusot sa butas ng karayom, masiguro ko lang na mapo-protektahan ko sila? Gagawin ko. Lahat, kakayanin ko.
Because when it comes to the people I love, I will fight with the fangs of a wolf, the claws of a dragon and the heart of a warrior. And no one, or nothing will, stop me from protecting them...
~ × ~
"We'll stop by Enchanteur first, anak." Agad akong napalingon kay Mommy nang marinig ko ang sinabi niya. Nasa kalsada palabas ng mansion pa rin ang tingin niya. Papunta na kasi kami ng Town Center dahil mamamasyal daw kami ni Mommy, at siya ang nagmamaneho.
"Kay Tita Zee? Mag-aano po tayo do'n?" Hindi naman sa tumututol ako, nagtataka lang. Pero kung tutuusin, mabuti na rin iyon dahil gusto ko rin siyang maka-usap.
"Remember when I told you that your Father's commitment at the Council Central will finally be over in two weeks?" Tumango-tango naman ako sa tanong niya.
Nasabi nga sa'min ni Mommy kagabi na matatapos na raw ang 'punishment' ni Daddy. Dalawang linggo nalang at makaka-uwi na siya ng Hillwood, at makakabalik sa mga duties niya sa Council dito. Sa panahon na iyon ay makakasama na namin siya ulit, mabubuo na kami at sana ay bumalik na sa normal ang lahat. Sa sobrang tuwa ko nga kagabi, hindi ako nakatulog agad.
"The Montclair's will throw a small gathering to celebrate their anniversary, and they've invited us. It will be on the next day of your Father's release, so we will attend." Montclair?
"Sino sila Mommy?" Isang ngiti naman ang sumilay sa labi niya bago ako sagutin. "They're my parents' friends and their deceased daughter was my close friend, too." Ah, family friend pala...
"Sa Central din po sila nakatira?" Tumango naman siya sa akin, hindi pa rin inaalis ang tingin sa harapan.
"It's a formal party, so we need to ask your Tita Zee to prepare suits and dress." Sa pagkakataong ito, ako naman ang tumango nalang kay Mommy. Tumingin nalang din ako sa labas ng bintana, dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin pa.
Ang daan palayo ng Montecillo Mansion, papunta ng Town Center, ay parang katulad ng daan pag galing sa Academy. Isang mahabang highway kung saan marami ring puno sa parehong gilid ng daanan. Inaabot din ng lampas kinse minutos bago maka-abot sa dulo, ganoon katago ang bahay.
Sa tingin ko ay nasa kalagitnaan na kami ng daanan nang biglang pumreno si Mommy, dahilan para mapalingon ako sa kanya.
Tatanungin ko palang sana siya kung anong problema, pero hindi ko na nagawa nang makaramdam ako ng panganib. Isa pa, hindi rin nakatakas sa akin ang panandaliang gulat sa mukha ni Mommy habang nakatingin siya sa harapan. Napakunot din ang noo ko nang sinundan ko ito, at bumungad sa akin ang lampas sampung kalaban sa harapan. Pare-pareho silang lalaki, at walang takip ang kanilang mga mukha.
Napa-irap ako. Tumatapang ata ang mga ito..
"Stay here, Alexandria." Aangal na sana ako, pero binigyan na ako agad ni Mommy ng isang seryosong tingin. Wala na tuloy akong magawa kundi bumuntong hininga nalang at tumango. Mabilis din siyang bumaba ng sasakyan at naglakad papunta sa harapan. Walang pangamba na makikita sa bawat hakbang niya. Para lang siyang hangin na mas lalong lumalakas sa bawat paglipas ng segundo.
Pinagana ko naman ang Enhanced Senses Ability ko nang huminto si Mommy, at sumandal sa sasakyan. Nakatalikod siya sa akin, at kalmadong nakaharap sa mga kalaban sa harapan. Saktong-sakto rin ang pag-activate ng Ability ko, kaya narinig ko ang tanong niya sa mga ito.
"What do you need?" Pero hindi siya sinagot ng mga ito. Sa halip ay mabilis na nagbago ang kulay ng kanilang mga mata. Puros mga basic abilities lang naman ito, maaaring Enhanced Speed o Enhanced Strength.
Umamba rin sila na susugod na kay Mommy kaya agad akong napahawak sa door handle. Bubuksan ko na sana ang pintuan para lumabas, pero napa-awang nalang ako ng bibig nang makita ang ginawa ni Mommy.
Walang pag-aalinlangan niyang itinaas ang kamay niyang nakakuyom, na para bang nagsasabi siyang huminto sila. At sa isang iglap lang ay sabay sabay ang mga itong natumba sa sahig, nakahawak sa kanilang mga leeg na para bang hindi sila makahinga. Naramdaman ko rin ang Ability ni Mommy dahil parang kumonti rin ang hangin sa kinauupuan ko, kaya agad kong pinagana ng tuluyan ang Ability ko upang sanggain ito at protektahan ang sarili ko.
Hindi siguro alam ni Mommy na abot dito sa loob ng sasakyan ang ginawa niya. Tinanggalan niya lang naman ng hangin ang mga kalaban.
"I'm asking nicely boys." Gusto kong matawa kasi ang inosente ng tono ni Mommy, na para bang wala siyang kinalaman sa pagkawala ng hangin sa kanilang mga katawan. Kaso hinahabol ko pa ang paghinga ko kaya napangiti na lang ako at napailing.
Nang maikalma ko na ang sarili ko ay agad ko na ring binuksan ang pintuan, at lumabas ako ng sasakyan. Hindi pa rin ibinabalik ni Mommy ang hangin sa mga katawan nila, kaya hirap na hirap pa rin silang makahinga.
Lumapit nalang ako sa kanya upang tabihan siya. Muntik pa akong mabigla nang nilingon niya ako at sumalubong sa akin ang magaganda niyang mga mata... Navy Blue...
Kung tutuusin ngayon ko lang nakita ulit si Mommy na ginamit ang Ability niya. At ngayong natitigan ko ang kanyang mga mata, masasabi kong napaka-delikado pala niya. Hawak niya ang elemento ng hangin, at kabisadong-kabisado niya ang pasikot-sikot ng kakayahan niya.
Hindi ko lubos maisip kung gaano kalakas ang pagpipigil niyang huwag tanggalan ng hangin sa katawan lahat ng kumakalaban sa kanya. Kung ako siguro iyon, matagal ko na silang pinagkaitan ng karapatang huminga.
Sasabihin ko palang sana kay Mommy na hayaan nalang sila, dahil paniguradong wala naman kaming makukuha sa mga ito, pero hindi ko na nagawa. Agad na akong napalingon sa likod upang pigilin ang isang throwing dagger na papunta sa direksyon ng Nanay ko. Nakaramdam ako agad ng inis nang nasundan pa ito ng isa na agad ko ring napigil.
Gulat ding napalingon si Mommy, at napatingin sa akin nang makita niyang hawak ko na sa kamay ko ang dalawang throwing dagger na para sana sa kanya. Hinigpitan ko naman ang hawak ko rito hanggang sa pareho itong maging abo nalang.
"You're getting stronger as time pass by." Puna niya sa akin ng nakangiti.
Pareho naman kaming napatingin sa direksyong pinanggalingan ng mga throwing daggers, at nagkatinginan kami nang mapansin ang dalawang pigurang nagtatago sa likod ng magkaibang puno. Kasamahan pa ba nila ang dalawang duwag na ito?
Masyado kaming nagtaka sa presensya ng dalawa pa, at pareho naming hindi napansing naputol ang koneksyon ni Mommy sa mga kalaban. Kaya nagulat nalang kami nang pareho kaming makatanggap ng tag-isang tadyak sa likuran, dahilan para mapasandal kami sa hood ng sasakyan. Napangiwi nalang ako.
Ramdam ko namang aatake ulit sila, kaya bago pa kami makatanggap agad ng sipa o suntok ay sinummon ko na ang Guardian Sword ko. Iyon ang naisipang itawag ni Xenon sa weapon na ito dahil sa mga salitang naka-ukit sa blade nito.
Nang alam kong aamba na ng suntok ang isa sa mga kalaban, agad na akong humarap para unahan siya. Sinipa ko agad ang kanyang pagkalalaki dahilan para mapa-atras siya, at mapadaing sa sakit. Kinuha ko ang pagkakataong iyon upang atakihin ang kasama niya na nais manakit kay Mommy. Sinugatan ko agad siya sa kanyang tagiliran, at nang mapa-atras siya ay agad kong ipinadyak ang paa ko. Maya-maya lang ay napapalibutan na kami ng isang blue flames, at ito ang panandaliang maglalayo sa kanila sa amin.
Halata ang iritasyon sa mga mukha nila nang mapagtanto nilang hindi sila makaka-atake kaya ngumisi nalang ako at umirap. Tinugunan ko nalang din si Mommy upang tulungan siyang makatayo ng maayos.
"Nicely done." Komento niya kaya napa-iling nalang ako.
Pinagmasdan ko lang din siya nang pumikit siya, at itinaas ang kanyang kamay. Nagtaka ako kung ano ang ginagawa niya kaya tiningnan ko ito, at napansing tila may pamumuo ng hangin sa paligid ng kamay niya. Tumagal ito ng halos isang minuto. Nang idinilat niya ang kanyang kamay ay palipad ding dumating ang Arkrey, ang sword niya, na animo'y dinala ito ng hangin sa kanya kaya napasinghap nalang ako.
Wow, Mommy, wow...
Napa-awang nalang din ang bibig ko nang lumakas ang hangin sa paligid nang iwinagayway ni Mommy ang Arkrey niya. Dahil sa sobrang lakas ng hangin ay namatay ang blue flames na nakapaligid sa amin. Tapos ay ngiting-ngiti akong nilingon ni Mommy, at bakas na bakas ang kasiyahan sa mga mata niya. "Want to warm up, anak?"
Nakaramdaman naman ako ng kakaibang excitement sa tanong niya, kaya agad akong tumango. Ngayon ko lang ata makakasama si Mommy makipag-laban. Alam kong magaling siya at malakas, at iyon ang dahilan kung bakit gusto ko siyang mapanood.
Inayos ko nalang ang hawak ko sa weapon ko, pati na rin ang tayo ko. Pansin ko rin sa gilid ng mga mata kong prente lang na nakatayo si Mommy, habang hinahangin ang buhok niya.
Iisa talaga siya at ang hangin.
Handa na ring umatake ang mga kalaban, pero tila may inaantay sila. Maya-maya lang ay nasa tabi na nila iyong dalawang kasamahan nila na nagtatago kanina sa likod ng puno. Pareho silang may Enhanced Speed, pero kung ikukumpara sa mga kasamahan nila, may nakasabit na dagger holder sa katawan nila, at punong-puno ito ng mga poisoned daggers at knives.
Sila ba ang padala ngayon ni Tito Stephen upang pagtangkaan ang buhay ko?
"The thing I hate the most is being disturb, especially if it's my date with my daughter you're interrupting." Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang tinuran ni Mommy.
Hindi naman siya sinagot ng mga kaaway, at sa halip ay sabay sabay na silang sumugod. Ang dalawa naman sa kanila ay agad na binunot ang mga throwing knives na nakasabit sa bewang nila, at isa-isa itong ibinato papunta sa direksyon namin.
Kumilos agad si Mommy at ginamit niya ang sword niya. Para siyang nag-drawing ng isang malaking bilog sa hangin gamit ang dulo ng blade ng Arkrey, at sunod ko nalang na nakita ang tila paggalaw ng hangin– ang kaninang mga throwing knives na papunta sa direksyon namin ay ibinalik ng hangin sa pinanggalingan nito. Halatang nabigla ang mga kalaban, lalo pa at nadaplisan ang ilang kasamahan nila sa tira ni Mommy. May poison ang mga iyon, kaya nawalan agad sila ng malay.
Ginamit ko na rin ang pagkakataong iyon upang atakihin ang dalawang may weapon. Tinitigan ko sila, at nang magtama ang mga mata namin ay ngumiti ako.
"Kayo ang magpatayan." Pareho silang napakunot ng noo sa sinabi ko, at bago pa sila makasagot o makakilos ay nawala na sila ng parang hangin.
Agad ko ring itinurok ang sword ko sa naramdaman kong kalaban na balak umatake sakin mula sa kanan. Tumama ito sa dibdib niya, at halata ang gulat sa mga mata niya kaya napabuntong hininga nalang ako.
Tinalikuran ko nalang din siya at hinarap na si Mommy na prenteng-prenteng umiiwas sa bawat tangkang pag-atake sa kanya, na para bang pinaglalaruan lang niya ang mga ito. Isang mapaglarong ngiti rin ang binigay niya sakin nang mahagip niya ako ng tingin.
Lihim nalang din akong napangiti at hinarap na ang isang kalaban. Balak niya akong sipain sa tagiliran, kaya inunahan ko na siya. Sinalubong ko ng kamay ko ang paa niya, at nang mahawakan ko ito ay saka ko ito hinila ng malakas dahilan para mawalan siya ng balanse, at mapa-upo. Pagkatapos ay saka pumadyak ako at sa isang iglap lang ay nababalot na siya ng mga vines.
"Kung ako sa'yo, hindi na ako magpupumiglas. Dahil sa tuwing pipilitin mong kumawala, mas lalong hihigpit ang mga vines na iyan hanggang sa hindi ka na makahinga." Sinamaan naman niya ako ng tingin kaya napanguso nalang ako, bago mabilis na yumuko. Naramdaman ko kasing may aatake sa akin mula sa likuran.
At tama ako. Dahil kitang-kita ko sa gilid ng mga mata ko ang kamao niyang muntik ng tumama sa akin. Dumistansya rin ako sandali para bumwelo, at nang magawa ko iyon ay agad kong sinipa ang likuran ng legs niya para mapaluhod siya.
Ang bagal ng bawat galaw niya dahil Enhanced Strength ang Ability niya. Mabibigat ang bawat kilos niya kaya hindi niya inasahan ang naging pag-atake ko.
"Where did the two go?" Habang pinapagana ko ang Ability ko para igapos din siya, narinig ko ang tanong ni Mommy. Alam kong ang dalawang may weapons kanina ang tinutukoy niya kaya natawa ako ng mahina.
"Trapped." Maikling sagot ko.
"What do you mean?" Nang matapos ako sa kaaway ko ay lumingon ako para makaharap na si Mommy. Kakatapos lang din niyang makipaglaban, at hinang-hina ang dalawang kaaway sa paanan niya.
Nginitian ko naman siya bago sinagot. "Ipinasok ko sila sa trance." At doon sa trance na iyon, doon sila magpapatayan. Special ang ilusyon na iyon, ginawa ko talaga para sa kanila. Andoon ang lahat ng naipon nilang sakit at galit, at sa isa't-isa nila iyon ibubuhos. Walang katapusang away hanggang sa matira ang matibay. At kung akala nila ay makakalabas sila, pwes nagkakamali sila. Sa oras na matalo ang isa sa kanila, tuluyang magsasarado ang trance– mawawala ng parang bula kasabay ng buhay nila.
Hindi na ako sinagot ni Mommy at napatango nalang siya. Napansin ko namang gumalaw ang isang kalaban, at babalaan ko palang sana siya ay nagawa ng kumilos nito.
May ripped na parte sa suot ni Mommy na jeans, bilang disenyo, at ginamit ito ng kalaban. Mayroon siguro siyang Enhanced Strength dahil nagawa niyang palakihin ang punit nito, at ngayon ay nakikita na ang tuhod niya at ang legs. Ang laki kasi ng napunit dito.
Umismid naman si Mommy, tila hindi makapaniwala sa nangyari at agad niyang sinipa iyong lalaki. Ikinumpay din niya ang kamay niya, at sa isang iglap ay naramdaman ko nanaman ang pagkawala ng hangin sa paligid. Kusang gumana ang Ability ko upang hindi ito umepekto sa akin.
"One of the greatest rules in life is to never mess with a woman's dress. In my case, it's my jeans." Ani Mommy na umirap pa, kaya natawa nalang ako ng mahina at lumapit sa kanya.
Nang makalapit ako sa tabi niya ay pareho kaming sumandal sa sasakyan, at ikinakalma ang sarili namin. Itinago ko na rin ang sword ko at nawala na rin ang Arkrey niya. Napatingin nalang din ako sa paligid. Lima sa kalaban ay wala ng buhay, ang limang natira naman ay sugatan at ngayon ay unti-unti na ring nawawalan ng malay. Hindi na sila makahinga dahil wala ng hangin.
"Mommy–" Ako ang unang nagsalita, dahil sasabihin ko sana ang hinala ko... na ako ang habol nila dahil palagi naman itong nangyayari. Inihahanda ko na nga ang sarili ko sa magiging reaksyon niya, dahil alam kong hindi niya ito magugustuhan at mag-aalala siya. Pero hindi ko na nagawa dahil pinutol na niya ang sasabihin ko.
"Let's leave them be. They will disappear once we're gone." Aniya na ikina-kunot ng noo ko.
Mukhang napansin niya ang pagtataka sa mukha ko, kaya nilingon niya ako. "I've never told anyone, especially your brothers since I don't want all of you to worry. But these strangers– these random enemies... they appear in front of me from time to time." Napa-awang naman ang bibig ko dahil sa gulat.
Parang sirang plaka na umulit-ulit ang mga sinabi niya sa isipan ko. Itong mga 'to? Palagi? Anong ibig nitong sabihin?
"Mom... Ibig mong sabihin palaging may umaatake sayo? May nagtatangka ng buhay mo?" Walang pag-aalinlangan naman siyang tumango sa tanong ko, na ikinasinghap ko. Magtatanong pa sana ako pero tumayo nalang siya ng maayos at nagsimula ng maglakad papasok ng sasakyan.
"Let's go, Alexandria. We still have a date."
Tumayo rin naman ako agad para sumakay na rin. Binilisan ko ang kilos ko kasi nakasakay na agad siya ng sasakyan. At nang makapasok ako ay agad kong sinundan ang tanong ko. "Mommy, paano kapag nangyari ito ulit? Ipaalam po natin kanila Kuya." Hindi kakayanin ng konsensya ko kung sakaling mangyayari ulit ito sa Nanay ko at hindi niya ako kasama. Alam kong kayang-kaya niya ang sarili niya, pero kailangan pa ring mag-ingat.
"Mom, please? Hindi magugustuhan ni Daddy kapag nalaman niyang may nagtatangkang manakit sayo." At habang wala si Dad dito, obligasyon naming pangalagaan siya. Alam ko, iyon din ang gugustuhin nila Kuya kapag nalaman nila ang tungkol sa bagay na ito.
Isang buntong hininga at isang malungkot na ngiti ang pinakawalan ni Mommy nang nilingon niya ako. Pero tumango rin naman siya. "We'll tell your brothers what happened later, okay? Stop worrying. I want you to just enjoy this day, anak." Hinaplos pa niya ang buhok ko bago siya muling bumaling sa harapan, at pinaandar ang sasakyan, kaya bumuntong hininga nalang din ako.
Wala ng nagsalita sa aming dalawa kaya itinuon ko nalang ang tingin ko sa labas. Napakagat nalang din ako sa ibabang parte ng labi ko dahil sa inis.
Tanggap ko ang mga pagtatangka sa buhay ko. Pero kung sa mga kapatid ko na, o lalong lalo na kay Mommy? Hindi ko na iyon kayang palampasin.
Kailangan ko ng malaman kung ano ang plano at kailangan mo, Tito Stephen. Ang dami dami ko ng iniisip, at pinoproblema, dumadagdag ka pa.
Oras na para isa-isa ng ilabas ang aking mga baraha.
~ × ~
"Scarlett, long time no see!" Umalingawngaw ang boses ni Tita Zee sa Enchanteur paglabas na paglabas niya ng kanyang opisina. Lumapit din agad sa kanya si Mommy at nagbeso sila.
"I'm sorry Zee, I've just been busy."
"Understandable." Ngiting-ngiti niyang sagot bago bumaling sa'kin. "Alexandria, iha, you've gotten prettier." Nginitian ko rin siya at nilapitan. "Hindi naman po, pero salamat."
"I believe she got it from me." Singit ni Mommy na ikinatawa nila pareho.
"Pero hindi niya pa rin nakukuha ang confidence mo, Scarlett." Mas lalo naman silang natawa sa sinagot ni Tita Zee kaya napailing nalang ako.
Nang humupa na ang tawanan nila ay iginaya naman kami ni Tita Zee papunta sa may lounge area nila para umupo. Hindi ko rin mapigilang ilibot ang paningin ko. Kumpara noong huling punta namin dito, halos wala namang ipinagbago itong lugar. Ganoon pa rin ang pagkaka-ayos ng mga bagay bagay, at ang mga bulaklak na naka-display lang ang nagbago. Halatang fresh na fresh ito.
At katulad ng dati, mahinang classical music lang ang maririnig sa paligid. Kaya nga rinig na rinig ang ingay na nagagawa ng heels ni Mommy habang naglalakad.
"What brought the two of you here?" Rinig kong tanong ni Tita Zee kay Mommy nang maka-upo kami. Hinayaan ko nalang silang mag-usap, at nakinig nalang ako sa kanila.
"We'll attend a formal event two weeks from now, and I'm here for my sons' and Nick's suits. And of course, a dress for Alexandria and me." Bakas ang tuwa sa boses ni Mommy. Halatang nasasabik siya para sa party na ito. Marahil ay malapit talaga siya sa sinasabi niyang Montclair.
"I have what you're looking for. But wait, a formal event with Nick? Will he be able to attend? Isn't he committed to Central?" Napantig naman ang tainga ko nang marinig ko ang tanong ni Tita Zee. Ibinaling ko sa ibang bagay ang tingin ko, pero sinigurado kong mapapakinggan ko ang bawat sasabihin niya.
"Don't worry. The event will happen a day after his release, so he will make it."
"His commitment will end soon? That's nice to hear. Where will it be? Whose party is it?" Bakit parang maraming tanong ngayon si Tita Zee?
"The Montclair's in Central." Napakagat nalang ako sa labi ko upang pigilan ang sarili kong magsalita. Walang alam si Mommy sa mga paghihinala ko, at sa totoo lang, hangga't hindi ako nakakasigurong alam ko na ang lahat, hindi ko muna ipapaalam.
May mga galaw na dapat ay pinag-iisipan ng mabuti, at hindi dapat minamadali.
"Very well, follow me. I have something new and exclusive inside my office." Pansin ko naman sa gilid ng mga mata kong tumayo na si Tita Zee mula sa pagkaka-upo, at ganoon din si Mommy. Naramdaman ko rin ang tingin nila sa akin kaya nilingon ko rin sila.
"Do you want to come, anak?" Umiling ako sa tanong ni Mommy. "Kayo nalang po muna, aantayin ko nalang kayo dito." Isa pa, si Mommy naman itong maalam pagdating sa mga ganyang bagay.
"We'll be back." Aniya kaya nginitian ko nalang siya.
Naiwan akong mag-isa, bukod sa staff na nasa reception, kaya binaling ko nalang ang tingin ko sa mga damit na nakadisplay.
Ewan ko pero hindi ko maiwasang mapangiti nang naalala ko ang naging usapan namin dito ni Xenon.
"That dress will look perfect on you."
Nakakatawa dahil kilig na kilig pa ako noong ibinigay niya sa'kin yung napili niyang damit na susuotin ko para sa Welcome Party. Pero naasar din ako noong tinukso niya akong namimiss kong tingnan ang gwapo niyang mukha. Nagsimula lang naman iyon noong nahuli nila akong nakatingin sa kanya sa unang araw ng PE Class. Hanggang ngayon, nararamdaman ko pa rin ang hiya sa araw na 'yon.
Kung tutuusin, napakarami na pala ng mga nangyari. Ang dami na talagang nagbago... pero yung nararamdaman ko para sa kanya ganoon pa rin.
Nakakalungkot lang dahil noong una kong punta dito, buo at masaya kami nila Cassandra at Arianne. Pero ngayon, hiwa-hiwalay kami at hindi nag-uusap.
"Have some juice." Naputol lang ang pag-iisip ko nang marinig ko ang boses ni Tita Zee. Sinundan ito ng paglapag niya ng isang baso sa coffee table sa harapan ko, kaya nilingon ko siya.
"Thank you po." Nginitian niya naman ako at umupo siya sa tabi ko. Gustong-gusto ko ng alisin ang ngiting iyan, pero sa ngayon, kailangan ay hindi muna ako magpahalata.
"How are you, Alexandria?" Siguro kung hindi ko pa alam ang alam ko, matutuwa ata akong kinakamusta niya ako. Pero ngayon, gusto ko nalang masuka.
"Ayos naman po, buhay pa." Kahit na ilang beses ng pinagtangkaan ni Gabriel ang buhay ko.
"I'm glad to hear that you're fine." Ngumiti nalang ako sa kanya dahil iniisip ko kung paano isisingit ang tungkol kay Tito Stephen, sa paraang hindi siya makakahalata.
Alam kong may alam siya sa pinaggagawa ni Gabriel.
"Kayo po, Tita? Kamusta po kayo? Balita ko po may nanliligaw sainyo?" Kahit wala naman talaga. Susubukan ko lang kung makakakuha ako ng impormasyon.
Natawa naman siya ng mahina sa tinuran ko at agad na umiling. "Don't believe what you hear, I'm only committed to one man." Hmm?
Nagkunwari naman akong namangha sa sinabi niya, bago ako sumagot. "One man? Mayroon na po kayong boyfriend, Tita?"
Sa laking gulat ko, agad na lumungkot ang mukha niya. Bumuntong hininga rin siya at sumandal sa upuan habang nakatingin sa kisame, na para bang mayroon siyang inaalala.
"I don't have that... But the man I love, he's from my past and he's already dead." Hindi naman ako sumagot sa kanya, inaantay ko kung mayroon pang kasunod ang tinuran niya.
Nang mapagtanto kong wala na siyang balak magsalita ay saka ako nagbitaw ng katanungan. "Huwag niyo pong mamasamain Tita, pero ano po ang nangyari?"
Malungkot niya akong nilingon bago siya umiling. "Let's just say that people– everyone– have their own secrets and lies. Secrets that they want to keep to protect themselves, and lies that endangers them. That man? He was a little bit of both. A secret and a lie."
Bago pa ako makasagot sa sinabi niya ay agad na siyang tumayo. Nginitian niya rin ako bago siya tumalikod at nagsalita. "I'll go back to your Mom. Always be careful, Alexandria." Hindi ko maiwasang mapakunot ng noo sa huling tinuran niya, kaya napabuntong hininga nalang din ako at napapikit.
Tita Zee– Zephie Austria o dapat bang Veronica Zephie Austria Castile?
Castile Family...
Iyon ang pangalan ng pamilya nakita kong kumupkop noon kay Gabriel Morte. At kasama sa pamilyang iyon si Tita Zee– Veronica Zephie A. Castile ang totoong pangalan niya. Matanda sa kanya ng dalawang taon si Gabriel, kaya hindi maitatanggi na malapit sila sa isa't isa.
Simula nang napagtanto kong kaaway si Tito Stephen, nagsimula na rin akong magduda sa katauhan ni Tita Zee. Kaso ang hirap hirap kumilos, dahil alam ko na kung si Daddy ang nasa kalagayan ko, hinding-hindi siya gagawa ng mga nakakapagtakang bagay.
At nang sinimulan ko ang pag-iimbestiga kay Gabriel, una kong naisip na baka kakampi siya ni Tito Stephen. Naalala ko kasi na ang sabi ni Tita Aleece dati, may dadaanan lang si Tito Favian noong Hillwood Day. Isa lang naman ang pwedeng daanan o puntahan niya, at iyon ay si Tito Stephen dahil sila ang nag-ayos ng event. Naguluhan at nalito lang ako nang ang pangalang Gabriel ang binanggit niya... Pero nang mabasa ko ang files ni Gabriel, doon ko na napagtagpi-tagpi ang lahat.
Posibleng may importanteng nalaman si Tito Favian noong araw na iyon, kaya siya pinatay... At kaya pati sila Anthony at Tita Aleece ay nadamay.
Walang puso.
Ang hindi ko lang talaga maintindihan ngayon, bakit kinailangan nila parehong baguhin ang pangalan nila? At bakit pinapalabas nilang magkapatid sila kahit hindi naman?
Lampas sampung taon na nilang niloloko ang mga tao sa paligid nila. Ni hindi ko lubos maisip kung paano nila nagawa iyon. Mas lalo tuloy akong napapa-isip kung ano ba ang pinaplano nilang dalawa. Ano ba ang mapapala nila sa lahat ng ito?
Ang gulo gulo na.
Idagdag mo pa si Victoria na pumapasok sa eksena. Napapagod na ako kakaisip, pero kahit papaano ay nakatulong ang nalaman ko. Dahil marami akong napagtanto sa naging pag-uusap namin ng babaeng iyon noong isang gabi.
Ang magulang ni Cassandra ay si Dana at Gabriel. Si Gabriel ay si Tito Stephen, ang siya ring Ama na kinalakihan ni Cassandra– ang asawa ni Tita Nichole.
Paano nagawang panoorin ni Gabriel o ni Tito Stephen ang paghihirap ni Cass? Lumaki ito sa puder niya, pero nang lumitaw si Dana, walang pakundangan niyang ipinaalam na ampon lang ito. Kahit na totoong anak naman pala niya ang kaibigan ko. Paano niya natiis makitang nasasaktan ng sobra si Cassandra? Akala ko ba mahal niya ito?
At higit sa lahat, hindi matanggap ni Cass na anak siya ni Dana dahil sa paniniwalang masama ang Ina niya. Paano pa kaya kapag nalaman niyang ang totoong Ama niya at si Tito Stephen ay iisa? At na ang Tatay niya ang puno't dulo hindi lang ng paghihirap niya, kundi pati na rin ng paghihirap ni Dana?
Idagdag mo pa si Victoria.
Noong una kong nakita ang weapon niya, napansin ko iyong dalawang letrang naka-ukit sa handle nito. At ang sabi niya, ang Dual Kindjals na iyon ay galing sa totoo niyang magulang– kanila G at V– kay Gabriel at Veronica.
Tapos sasabihin niya sa aking hindi niya kilala ang Ina niya? Nalaman nga niyang si Gabriel ang Tatay niya, kahit na Stephen ang ginagamit nitong pangalan. Paano pa kaya si Tita Zee?
Pakiramdam ko, sasabog na ang utak ko. Nandidiri na ako sa lahat ng kasinungaling nila Tito Stephen. Gaano ba sila kasama?
Nag-iba siya ng pangalan at pinakasalan niya si Tita Nichole, habang ipinakilala si Tita Zee bilang kapatid niya... kahit na hindi naman talaga. Ginamit nila pareho ang apelyidong Austria, dahil nalaman ko noong nag-imbestiga ako, na medyo kilala ang pangalang iyon sa Oakwood. Marami kasi ang Austria sa Oakwood at pare-parehong may kaya. Mas madali siguro para sa kanilang magtago sa apelyidong iyon.
At ito pa, pinagsamantalahan ni Gabriel si Dana habang kasal sa kanya si Tita. Pagkatapos, inalayo niya ang anak niya rito, at pinalabas na napunta sa kanila. Tapos malalaman kong may anak din siya kay Veronica? Gaano siya kababoy?! Ilang buwan lang ang agwat ng edad ni Cass at Victoria!
Nakakapanggigil.
Ang lakas din ng loob ni Tita Zee na maging mabuti kay Cassandra. Itinuturing niya itong sariling anak samantalang iyong totoo niyang anak ay hinayaan niyang magdusa, at pinabayaan niya sa ibang pamilya.
Ang sama sama nila pareho.
At sa lahat ng napagtanto kong ito, mas lalo lang akong naguluhan. Mas lalong lumabo ang mga bagay bagay.
Ako ang Powerful Being, si Xenon ang Manipulator at si Raven ang Protector. Ni hindi ko pa alam kung ano ang mangyayari sa amin, at nararamdaman ko pang nanganganib ang buhay ni Xenon. At sa lahat ng ito, kailangan pang dumadagdag ni Gabriel na hindi ko malaman kung anong kailangan.
Hays.
Mukhang kailangan ko ng balikan si Dana. Kailangan ko ng malaman ang lahat...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top