- - -
Special Chapter II
(A/N: I've always wanted to write a chapter like this– a chapter where I can change into different POVs, and one that's just... chill. Yung kung ano lang pumasok sa isip ko, gano'n. Basta, for short, pasilip ito sa buhay ng ibang characters. So that's that, hehe, I hope you like it.
By the way, this is just a short chapter.)
~ × ~
Saturn's POV
The Central is really different compared to Hillwood. Sa nagtataasan palang na building, at mga nagkalat na Council Guards ay makikita na ang pagkaka-iba.
I've always been aware of the fact that Council Central is way more strict, compared to the one in South. No one really knows why, but I think it has something to do with the fact that the war from decades and decades ago started here.
If it weren't for my boss' request, I won't even go here. Heck, ayokong iwanan ang Hillwood. Una, dahil doon ang tirahan ko. Ikalawa, andoon ang mga taong tinuturing kong pamilya: ang mga Montecillo. Napalapit na ako ng sobra sa mga alaga ko doon, kahit madalas ay masakit sila sa ulo. It's hard to guard those five stubborn kids, especially the youngest.
At ikatlo, naroon siya. Nagbalik na siya ng Hillwood. Iyon nga lang, kailangan ko munang magtiis. Even if I badly want to be there for her, I can't. She's suffering, she's lost and she's... not her own self right now. Isa pa, hindi rin makakaya ng konsenya kong tanggihan si Ma'am Scarlett. Kaya sinundan ko rito si Sir Nick, kahit ayaw niya.
The Council is planning something. It's obvious that they want my boss out. They want to take away the power that the Montecillo Family hold, but everyone knows they can't... at least not now. Hawak ng buong pamilya ang Hillwood at Oakwood dahil sa laki ng impluwensiya nila, kaya kahit nangangati na ang Council na tanggalin sa posisyon si Sir Nick, hindi nila magawa. They know it will backfire on them, so they decided to send him here instead. Here in this hell of a place. Kaya pumayag akong samahan dito si Sir Nick, ayoko siyang hayaan mag-isa sa lugar na 'to.
Ang bawal lang naman ay magkaroon siya ng contact o kahit anong komunikasyon sa pamilya niya. Pinayagan naman siyang magsama ng isang security personnel, kaya ako na ang sumama.
"Good evening, Saturn!" Like the usual, the woman assigned at the entrance of the Council's Office greeted me. Tinanguan ko lang siya katulad ng lagi kong ginagawa.
Andito lang naman ako para sunduin ang amo ko. Sir Nick is tied to this office, from 8:00 in the morning up to 8:00 in the evening. Talagang sinuguro nilang wala siyang ibang pupuntahan sa araw-araw kundi dito lang.
Tahimik lang akong naglalakad papunta sa may elevator, nang may biglang humawak sa braso ko kaya nagulat ako. Agad ko siyang nilingon at nakita kong ang babaeng Council Guard ito.
"Saturn, tapos na ang shift ko ngayon. Baka gusto mong..." She didn't even finish her words, and instead, she started batting her eyelashes. Nagsimula rin siyang tumawa ng mahina, na sinabayan pa ng pagpalo sa braso ko kaya napakunot ang noo ko.
What's wrong with this woman?
"Hihi, nahihiya ako.. Pero kung gusto mo, papayag naman ako." I don't even know what you're talking about...
Napa-atras na lang ako kasi nagsimula na rin siyang... maging weirdo? Kumakagat siya sa labi niya at gamit ang daliri niya ay pinaglalaruan niya ang dulo ng kanyang buhok. Pinapaikot niya ito tapos ilalagay sa likod ng kanyang tainga, at uulitin.
May iba ba sa nakain niya ngayon?
"Pasensya na, medyo nagmamadali ako. Inaantay ako ni–" Hindi ko na rin natapos ang sasabihin ko dahil agad niyang inilapat ang hintuturo niya sa labi ko, na siyang ikinalaki ng mata ko.
"Ssssh, hindi mo kailangang mahiya Saturn. Alam ko namang gusto mo ako." What?
I gulped at what she said, especially because she started leaning on me. Sinimulan ko ring tanggalin ang pagkakalingkis niya sa braso ko, pero ang higpit ng hawak niya.
I don't hurt girls but her– Oh Divinity, please smack some sense into this woman, before I smack her head.
"H-hey, I really n-need to go, w-what are you doing?" I can't help but stutter because the more I push her away, the closer she leans forward, as if she's trying to kiss me.
I wasn't blind not to notice the way she smiled at me during the last few weeks, or the way she talks. But never did I thought that's she is aggressive.
Umaatras na nga ako ng umaatras, hanggang sa tumama nalang ang likod sa pader. I can't help but gulp again, too. Now I know I can't escape her.
Ayoko namang gawin ang naiisip kong solusyon, pero wala na ata akong choice. Kaya naman balak ko na sana siyang itulak ng malakas, pero bago ko pa magawa ay agad ng bumukas ang elevator sa harapan namin.
Sir Nick's eyes widened upon seeing the situation I'm in, before he grinned teasingly. I just looked at him with pleading eyes causing him to grin wider.
He then cleared his throat, before speaking. "Sheila, I'm sorry to disturb your moment. But I need Saturn with me right now." Dahil dito ay agad namang napatayo ng maayos ang babaeng Council Guard, kaya nakahinga ako ng maluwag.
Hindi na rin ako nag-aksaya ng oras, at mabilis na akong lumapit sa tabi ni Sir Nick. "Tara na po." Natawa lang siya sa akin at tumango bago nagsimulang maglakad, kaya sumunod din ako agad.
"Good night, Sheila. See you tomorrow." Binati pa niya ito, kaya napangiti ulit yung Council Guard.
"Goodbye Consul Montecillo, goodbye and goodnight Saturn. See you tomorrow!" Nagawa pa niyang kindatan ako kaya nagmadali nalang din ako sa paglalakad.
What in the Powerful Being's name has just happened? I've experienced being in danger a lot of times, but not one like that.
"Saturn, hindi mo naman sinabi sa aking may kinahuhumalingan ka pala rito." Nang makalabas kami ng Council's Office ay agad akong inasar ni Sir Nick kaya napa-iling nalang ako.
"Tigilan mo ako, Nick." Iyon lang ang sinagot ko kaya tuluyan na siyang natawa.
He prefers being called by his first name if it's just the two of us, and whenever I would forget, he'd instantly say it's an order. Alam ko namang magkaibigan kami sa labas ng trabaho, kaya pumayag nalang din ako.
"Akala ko naman siya lang gusto mo. Hindi pala." Bumuntong hininga nalang ako at sumakay ng sasakyan dahil alam kong hindi na siya titigil mang-asar.
Manang-mana sa kanya ang mga anak niya, lalong-lalo na si Alexandria. Kapag binabantayan ko ang mga iyon mula sa malayo, puros asaran din pinaggagawa.
Nang masakay siya sa passenger's seat ay tuloy pa rin ang tawa niya, kaya binato ko nalang siya ng unang bagay na nahawakan ko– isang walang laman na plastic bottle.
"Ulol. Loyal ako sa kanya, 'no. Kung hindi ka nga dumating itinulak ko na ng malakas ang babaeng 'yon." Pagpapaliwanag ko habang ini-start ang sasakyan, pero mas lumakas lang ang tawa niya.
"Let's just say I believe you, Saturn." I heaved a deep sigh and just shook my head. Kahit sa harapan na ako nakatingin ay kitang-kita ko pa ring nagpipigil siya ng tawa kaya hinayaan ko nalang.
Ikaw ang magpasensya, Saturn. Boss mo pa rin 'yan. Isipin mo nalang miss niya lang pamilya niya, kaya ikaw ang pinagdidiskitahan.
"So how did that two of you started dating?"
Habaan mo lang pasensya mo, Saturn. Baka kapag sumagot ka, iwanan ka pa n'yan dito sa Central ng mag-isa.
"And when's the wedding? Tell me I'm invited."
Forget about patience. Muli ko nalang siyang binato, pero sa pagkakataong ito isang may laman ng plastic bottle kaya mas lalo siyang tumawa.
"Gago, para kang tanga."
Napabuntong hininga na lang ako ng mas lumakas lang tawa niya.
Hay. Mas mahirap palang alagaan ang isang matandang Montecillo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top