Chapter 8: The News

EDITED VERSION

************

Althea's POV

Ngayong araw ay muling nagsimula ang training namin. Pati kami ay napasabak din ni Kasper dahil kinailangan naming labanan ang aming mga estudyante sa paraan na hindi kami magkakasakitan. This is what we prefer.

Alas siyete na ng gabi nang matapos ang training namin at pinauna na namin ang mga estudyante para makapagpahinga na sila kaagad. Nakakapagod ang mga training kaya kailangang ipahinga nila ang kanilang kapangyarihan kun'di ay manghihina ang katawan nila dahil sa overuse of power.

Pabagsak akong umupo sa sahig at tagaktag na ang pawis ko. Si Kasper naman ay umiinom ng tubig at nagpupunas ng pawis hindi kalayuan sa akin. Mayamaya ay naglakad siya palapit sa akin.

"Hey, Althea." Tumingala ako para makita ko ang mukha niya. "Here's a towel. Pawis ka na." Itinuro niya ang noo kong puno na nga ng pawis.

Akmang kukunin ko 'yon nang may humila n'on palayo sa akin. "Not so fast," singhal ni Isaac. Sinamaan niya ng tingin si Kasper at ibinalik ang bimpo.

Kasper chuckled. "I promised to take care of her, man. I'm just fullfilling it."

"Save it. Nandito pa ako." Isaac put his hand on my waist. Being a possesive boyfriend as always. Mayamaya pa'y siya na ang nagpunas ng pawis ko gamit ang sarili niyang bimpo. Napailing na lang ako at hinayaan na siyang gawin 'yon.

"Tapos naman na tayo sa training, 'di ba?" asked Kasper.

"Yeah. Magpahinga ka na. Thanks for today." Uminom ako ng tubig habang si Isaac naman ay inaayos ang damit kong bahagyang nalukot dahil sa training. He's really taking care of me like I'm a child who needs to be taken care of.

"Tara, Kasper. Tayo naman--" natigilan si Isaac nang maibuga ko sa kaniya ang iniinom kong tubig.

"Isaac!" sigaw ko ng pangalan niya sa inis. Tinawanan naman kami ni Kasper dahil basang-basa na si Isaac at nagkalat na ang tubig sa sahig.

"Siraulo!" Isaac yelled at Kasper na tawang-tawa pa rin sa nangyari. Kinuha niya ang bote sa akin at ibinuhos 'yon kay Kasper. Nanlaki ang mata ko pati na rin si Kasper na gulat na gulat aa ginawa ni Isaaac.

Imbis na mainis ay bigla na lang akong natawa. Ngayon para na silang mga basang-sisiw. They looked so adorable. Pareho silang basa. Panay ang tawa ko habang pareho silang tinatawanan. I could use to this.

"Whatever. Huhubarin ko na lang." Hinubad ni Kasper ang damit niya at biglang tinakpan ni Isaac ang mata ko.

"The hell, Man! Stop exposing your body in front of my wife!" Hihdi ko maiwasang mapangiti. His wife. It sounded so beautiful, lalo na at sa kaniya nanggaling. Tinanggal ko ang kamay niya nang ilang minuto na ang lumipas.

"Hey, Isaac!" sigaw ng isang babaeng may matinis na boses. Sabay-sabay kaming napalingon sa pinanggalingan n'on. Why is Gianna here? Sinusundan ba niya si Isaac? Naglakad siya papasok ng training room at lumapit siya sa amin.

"What are you doing here, Gianna?" nagtatakang tanong ni Isaac. Napairap ako at ikinuyom ko ang kamay ko sa inis. I knew it. She's really following Isaac. Lalo na kung paano niya tingnan si Isaac ngayon.

"Hinahanap kasi kita," maarte nitong sabi. She knows I'm Isaac's fiancé, pero umaarte siya na parang wala siyang pakialam. "Ito may bimpo ako. Magpunas ka." She fished something on her pocket. At inabot niya ang kaniyang bimpo kay Isaac.

Hindi 'yon kinuha ni Isaac. I smirked at her. Halata namang nairita siya. "Nakikita mo 'to?" I raised the towel I'm currently holding. "May pamunas na siya. At ako, ang magpupunas sa kaniya." I wiped the water on Isaac's shirt.

"Whatever. I came here to tell Isaac that we will go back to Magical University with him." Siya naman ang nang-aasar ngayon.

"O, really?" nilingon ko si Isaac. "Ayos lang naman. Si Isaac naman 'yong tipo ng lalaking hindi na tumitingin sa mga babaeng..." I looked at her with mockery on my eyes. That's right, I want her to get pissed.

"Ano?!" sigaw nito. Tumawa si Isaac at Kasper dahil sa reaksyon niya na halatang napikon sa sinabi ko. "Anong tinatawa-tawa ninyo?!"

"Alam mo, Gianna. Halika na." Hinila ni Kasper paalis si Gianna sa training room. Sinubukan pa niyang magpaawat pero ayaw siyang pigilan ni Kasper, at nang makaalis na sila ay sinamaan ko ng tingin si Isaac.

"What? do you think I would waste my time with Gianna?" natatawa niyang tanong. "I have you already. Wala nang dahilan para maghanap ako ng iba."

Nang hindi ako magsalita ay niyakap niya ako. "Ang selosa mo rin, e." Siraulo talaga ang lalaking 'to.

*******


Natapos ang dalawang araw na pag-stay ni Isaac dito sa Alexadria Academy. And as much as I don't want him to leave, hindi nanaman kami magkikita ng mahaba-habang panahon. Tinabihan ko siya habang inaayos niya ang kaniyang bag sa kaniyang kama.

"Take care of yourself, Althea. I'm not always at your side. Hindi kita mababantayan kahit gusto ko man." He kissed my forehead. I rest my head in his shoulder. Hindi pa siya umaalis pero nami-miss ko na siya kaagad.

"You're the one who needs to take care of yourself. Sinabi mo sa akin noong isang araw na hindi ka kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan. Ayaw kong dahil sa 'kin ay mapabayaan mo ang sarili mo. Kailangan ka ng pinamumunuan mo at kailangang-kailangan kita kaya alagaan mo ang sarili mo." Niyakap ko siya nang mahigpit. Sinusulit ko lang hangga't nandito pa siya. The next days will be so hard for the both of us.

"Sumama ka na lang kasi sa akin sa Magical University." Natigilan ako sa sinabi niyang 'yon. Ilang beses na niya akong sinabihan na roon na lang ako tumira pero hindi naman nababago ang sagot ko.

"Kapag nando'n ako, I will be your distraction. At ayaw kong mangyari 'yon." Nginitian niya ako pagkatapos ay muli niyang hinalikan ang noo ko. This is one of the hobbies he has. Ang halikan ako sa noo at iparamdam sa akin kung gaano niya ako kamahal sa pamamagitan n'on.

"I picked the right woman. Ang tagal ng kasal natin, Love. Gusto ko nang maging akin ka habang-buhay." He kissed my hand at nagtama ang mga mata namin. Ilang taon na ang lumipas pero patuloy pa rin akong nahuhulog sa mga matang 'yon. Hindi ako nagsasawang pagmasdan ang nagliliwanag niyang mga berdeng mata.

"Malapit na, Isaac." Lumabas kami sa Academy at naghihintay na roon ang sasakyan na maghahatid kay Isaac. Kasama niya ang mga bisita, and Gianna is one of them. Hindi naman ako nangangamba, e. I know Isaac. We love each other enough to be contented.

"You looked so inlove with each other, Althea." Tumabi sa akin si Gianna. "Sana lang hanggang sa dulo ganiyan pa rin siya sa 'yo."

"What do you mean?" nagtataka kong tanong. I'm trying my best not to be angry dahil alam kong wala ring kuwenta kung papatulan ko pa siya. But she's really pissing me off, hard.

"Wala naman. And a piece of advice..." Lumapit siya sa akin at bumulong. "No one can resist me."

Naglakad na siya paalis at sumakay na siya sa sasakyan. Napapikit ako sa frustration at pinigilan ang sarili ko. Nang maramdaman ko ang malambot na labi ni Isaac na dumampi sa labi ko ay tuluyan nang nawala ang inis ko.

"I'll be back, Love. I love you." Sunod niyang ipinagdikit ang labi namin at hindi ko maiwasang malungkot dahil babalik na siya at balik na rin kami sa dati na bihira makapag-usap.

He waved his hand then went inside the car. Pinagmasdan ko lang ang sasakyan nila hanggang sa tuluyan na silang mawala sa paningin ko. Napabuntong-hininga ako at naramdaman kong may tumabi sa akin.

"Trust Isaac, Althea." Napangiti ako nang sabihin yon ni Kasper at pagkatapos ay sabay na kaming bumalik sa loob ng Academy.

------------


Naglalakad ako papunta sa opisina ni Kurt. Ipinatawag niya kasi ako pagkaalis na pagkaalis nila Isaac. Nang makarating ako roon ay nandoon si Lydia, Kristian, at Cath na ipinagtaka ko.

"What's going on?" tanong ko kay Kurt. Itinuro niya ang upuan at agad akong umupo roon. Tinitingnan ko pa rin sila nang puno ng pagtataka "Is it important?"

Nagkatinginan silang lahat, nag-aalangan kung sasabihin ba sa akin. "Althea, naalala mo nang sinabi ko sa 'yo noon na hindi na nakita ang bangkay ng iyong ama pagkatapos ng digmaan nila ni Mr. Genesis?" Kahit naguguluhan ay tumango pa rin ako. Why is he bringing that up now?

"May nakalap kasi kaming balita..." singit ni Lydia. Mukhang maging siya ay nag-aalangan pa rin kung sasabihin ba sa akin ang nalaman nila.

"Go on. I'm okay, now." It's half a lie. Nanginginig pa rin ang kamay ko at kinakabahan ako sa puwede kong malaman.

"May nakapagsabi kasi sa amin na mataas ang tiyansang buhay pa siya." Tuluyan na akong hindi nakapagsalita. I want to say something pero ang bibig ko, parang napipi na at hindi ko rin alam kung ano'ng dapat kong maramdaman. Whether be glad that my Father is alive or not because he's evil.

"Paano nangyari 'yon?" tanong ko nang tuluyan na akong mahimasmasan sa narinig.

"Mr. Dale Sebastian-ang lolo ni Isaac na kanang kamay ng ama mo-buhay pa siya nang matapos ang digmaan. Pero nang matagpuan nila ito sa Forbidden Forest, wala na itong buhay at halatang..." Hindi maituloy ni Kurt ang sinasabi niya kaya napasapo ako sa ulo ko.

"Halatang ano?" I asked.

"Halatang kinuha ang lahat ng lakas niya. Maputla ang buo niyang katawan at walang kalakas-lakas," said Cath. What does that supposed to mean? Kinuha ng Ama ko ang kapangyarihan at buhay ng lalaking nagngangalang Dale?

"Baka naman nawalan siya ng buhay dahil sobrang mahina na rin ang katawan niya. There are so many possibilities. Baka naman hindi totoo 'yan. Imposibleng mabuhay siya." Napapikit ako sa inis dahil nakaka-frustrate na talaga ang nalalaman ko.

"Don't worry. Wala pang ebidensiya kaya't hindi pa siguradi kung buhay nga ba talaga siya. Kaya ginawan na namin ng paraan para makasigurado," ani Kristian na ipinagtaka ko.

"Anong ibig mong sabihin?" I asked.

"We hired an investigator. Para malaman kung totoo nga ba ang balitang buhay pa si Elijah," sagot niya. Saglit na binalot ng katahimikan ag buong silid.

"Anong gagawin natin kung sakaling buhay nga siya?" tanong ni Cath. They kept on arguing about what to do pero nakapagdesisyon na ako. Bigla akong tumayo at humarap sa kanila kaya't sabay-sabay silang natigilan at lumingon sa akin. Buo na ang pasya ko.

"Isa lang ang paraan," I said. "We have to get him. Dead or alive."



********

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top