Chapter 7: The Visitors

EDITED VERSION

************

Althea's POV

Nagising ako kinabukasan dahil naramdaman ko ang halik ni Isaac sa pisngi ko. Napangiti ako at niyakap siya nang mahigpit. He asked me last night if he can sleepover on my dorm. Hinayaan ko na dahil alam ko namang kukulitin niya pa rin ako hanggang sa pumayag na ako.

"I missed cuddling with you," he whispered. Ako rin. Nami-miss ko 'to. Kagabi, iniisip ko na huwag muna kaming magpakasal, dahil gusto kong maging leader siya hangga't kaya niya. But I made up my mind. Magpapakasal kami at kukumbinsihin ko siyang huwag nang bitawan ang kaniyang posisyon. I know he'll change his mind.

"As much as I wanted to stay like this, we have to meet some visitors," sabi niya na ipinagtaka ko. Wala akong natanggap na notice kay Kurt na may bisita ngayon.

"Visitors? Sino?" nagtataka kong tanong. Mas humigpit ang yakap niya sa akin at sinimulan niyang paglaruan ang buhok ko.

"May mga dadalo kasing bisita para sa Tournament na magaganap. They went to Magical University, noong araw na nag-promise ako sa 'yong pupunta ako. Biglaan kasi silang pumunta kaya hindi na ako nakatawag sa 'yo," paliwanag niya. Hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Nagalit ako nang hindi man lang siya pinakikinggan.

Kumilos na kami kaagad dahil maaga raw ang pagpunta ng mga bisita. Bumalik na si Isaac sa dorm niya para maligo at mag-prepare na rin. Nang makaligo ako at nakapagbihis ay lumabas na kaagad ako sa dorm. And there's Isaac, waiting for me. Pero hindi siya nakangiti, naka-pout lang siya.

"Anong mayroon? Bakit ang haba nanaman niyang nguso mo?" nagtataka kong tanong. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko.

"Bumalik ka ro'n sa loob, Love." Itinuro niya ang loob ng dorm ko. What's up with this guy? Kakalabas ko lang, e.

"At bakit?" I raised my brow. Hindi ko na talaga makaya ang pagiging weird ng isang 'to.

"Look at yourself," sabi niya na kaagad ko namang sinunod. "Sobrang ganda mo! paano kapag may lalaking ma-inlove sa 'yo? paano na--" hindi ko na siya pinatapos pa at binatukan ko kaagad.

"Ikaw, napaka-OA mo! Ano naman kung ma-inlove sila sa akin? E, inlove ako sa 'yo. Anong magagawa nila?" dahil sa sinabi ko ay lumawak ang ngiti niya.

"That's my girl." Hinawakan niya ang beywang ko habang naglalakad kami at parang wala na siyang balak bitawan 'yon. Hanggang sa makarating kami sa office ni Kurt ay nakakapit pa rin siya sa akin.

Pagpasok namin ay bumungad sa amin si Kurt na nakasuot ng coat and tie, kasama niya ang dalawang babae na nakasuot ng formal attire. Ang isang babae ay mukhang nasa mid fifty's na habang ang isa naman, tantya ko ay kaedad lang namin. She's stunning and her eyes are as yellow as mine. Nagtama ang mata namin at ngumiti siya sa akin nang kakaiba.

Napansin ko rin ang dalawang lalaki na naka-suit at mukhang may edad na. Umupo kami sa swivel chair ni Isaac, kaharap namin ang dalawang babae. Si Kurt naman ay nasa tabi ni Isaac.

"Good morning, Everyone," pagbati ni Isaac bilang paggalang. Sumunod namang dumating si Dion, Kasper, at Lydia na nakasuot din ng formal attire. Umupo sila sa tabi namin at bumati rin.

"Hello, Mr. Villanueva." Napatingin ako sa babaeng kaharap ko na ngayon. Kung tingnan niya si Isaac ay parang hindi niya ako nakikita. Her voice was seductive too when she said Isaac's name. Maganda nga siya pero hindi ko gusto ang uri ng tingin niya kay Isaac ngayon.

"Hi, Gianna," tipid na sabi ni Isaac. Gusto kong tumawa dahil hindi man lang siya nilingon ni Isaac. Very good, Love. Ganiyan nga.

"So, shall we start?" tanong ni Kurt at tumango naman kaming lahat. "But first, we will introduce everyone for formalities."

Tumayo si Isaac dahil siya ang inutusan ni Kurt na ipakilala ang mga bisita sa amin. "He's Mr. Lopez, and Mr. Henares. Sila ang isa sa nagtaguyod ng Alexadria Academy noon." Itinuro niya ang dalawang lalaki. We smiled at them. Ganoon din ang ginawa nila.

"And she is Mrs. Suarez. Kasama niya ang anak niyang si Ms. Gianna. Si Mrs. Suarez ay isa sa magiging judge sa gaganapin na Tournament, at ang anak naman niya ay manonood," Isaac explained. Nginitian kami ni Gianna at nang magtagpo ang mga mata namin ay umirap siya na ipinagtaka ko. Is there something wrong her with her eyes?

"She's Lydia, the Leader of Lethal, kasama niya si Dion." Magkatabi ang dalawa at sabay na tumayo at tumungo bilang respeto.

"And this girl right over here," Isaac smiled at me. "My fiancé, and the Leader of Dauntless, Althea. Kasama niya si Kasper." Sabay naman kaming tumayo ni Kasper at tumungo rin.

"Wait," nagsalita si Gianna. "You're Althea Genovie-Saavedra, right?" nagtataka niyang tanong. Kumunot ang noo ko dahil mukhang wala siyang balak sabihing maganda.

"Yes, why?" Kung makatingin siya sa akin ay parang alam niya ang buong buhay ko. Seriously, I hate that her eyes resembles mine so much.

"Hey, Mom," kinalabit niya ang kaniyang ina. "She's Elijah Saavedra's long lost daughter. Anak lang naman siya ng dating pinakamasama rito sa Magic World." And then she laughed na para bang ako na ang pinakanakakatawang biro sa buong buhay niya. Kung wala lang akong respeto sa kaniya, hinila ko na talaga ang buhok niya sa inis. But I have to be professional.

"Really? And they let someone like her to be a leader?" sabi ni Mrs. Suarez. Hindi ko maiwasang magalit. Ano nanaman ba ang problema sa akin?

"Don't get me wrong, Althea. But, I think you're not suitable for that position. Alam mo na, natatakot lang kami na baka maulit ang nangyari sa last generation," Gianna sounded so caring. But I know, she's just trying to insult me.

"What are you both saying--" I stopped Isaac from talking. I know he's mad now and I don't want his image to be involve here.

"You know, Mrs. Suarez and Ms. Gianna," panimula ko. "I grew up in the normal world. Walang may kapangyarihan do'n at namumuhay sila nang normal. And if I were like my father, sasaktan ko na ang mga inosenteng tao na 'yon. Instead, they're the ones who harmed me. They bullied me. If I am like what you've said, sa tingin mo buhay pa kayo ngayon?"

Hindi sila nakapagsalita kaya tinuloy ko ang sinasabi ko, "Some people are closed-minded. Pinaniniwalaan nila ang gusto nilang paniwalaan. And I call that stupidity."

"So, you're saying that we're stupid?" matigas na tanong ni Mrs. Suarez. Halatang nagalit siya sa sinabi ko pero wala na akong pakialam.

"No, Mrs. Suarez. You're the one who considered yourself stupid. And now, gusto kong ibalik ang sinabi niyo sa akin." I looked at them both with my mocking gaze. "I think you are not suitable for that position. Dahil sa sinabi niyo sa akin kanina, you proved us that stupid people only see the wrong things on someone's life."

Binalot ng katahimikan ang buong paligid. At mayamaya pa'y natawa sila maliban sa dalawa na ngayon ay parang naputulan na ng dila at hindi na makapagsalita. "Well said, Althea," bulong ni Lydia na nasa tabi ko. While, Kasper showed me a thumbs up.

Sumunod ay parang walang nangyari, sinimulan na nila ang meeting at hindi naman na nagsalita si Mrs. Suarez. Pero si Gianna ay panay ang tingin sa akin na para bang wala talaga siyang balak magpatalo. At nang matapos ang meeting ay nagpaalam ako kay Isaac na pupunta lang sa comfort room.

Nang makarating ako ro'n ay agad akong naghilamos at tinitigan ang sarili sa salamin. So, being Elijah Saavedra's daughter is a sin? Yes, alam kong masama ang Ama ko. Pinatapon niya nga ako, e. Ang sarili niyang anak. Dahil lang babae ako at hindi ko siya matutulungan sa kaniyang mga plano. Pero hindi ibig sabihin n'on na katulad niya ako.

"Matagal na 'yon, Althea. Your father is dead and you're free now," I whispered to myself.

"I'm impressed." Halos mapatalon ako sa gulat nang may magsalita sa likod ko. Only to find out it's just Gianna. Nakalagay ang dalawa niyang braso sa dibdib niya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

Hindi ko siya pinansin at akmang lalagpasan na siya nang hinawakan niya ang braso ko. "Bitawan mo ako."

"Make me," she said. Hinila ko ang braso ko at idiniin siya sa pader. She growled and tried everything to be free from me pero mas lalo kong hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kaniya.

"Don't push me to my limits." Marahas kong siyang binitawan at naglakad na paalis. Wala akong oras para aksayahin pa sa kaniya.

But looks like she wants to start a fight with me. "Be careful, Althea. Ingatan mo ang mga bagay na mayroon ka dahil malapit na 'yang mawala."

Hindi ko na siya pinansin dahil wala naman 'yong saysay at tuluyan na akong umalis doon. And then I saw Isaac leaning on the wall while waiting for me. His handsome face made me smile. He's the only thing that completes me. I can't see my life without him. At kapag nawala pa siya, hindi ko na kakayanin.

Ang sinabi ni Gianna kanina, hinding-hindi ko 'yon hahayaang mangyari.


************

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top