Chapter 6: Dauntless
EDITED VERSION
**********
Althea's POV
"Hahatiin namin kayo sa dalawang grupo, ang kabila ay pamumunuan ko, ang kabila naman ay kay Kasper." Nagsitanguan ang mga estudyante namin. Hinati namin sila sa tig-anim. Labindalawang estudyante lamang ang nakasali sa Dauntless. Habang gano'n din naman sa Lethal na pinamumunuan ni Lydia.
Napunta sa 'kin si Heaven, Delton, Chase, Jaeden, Sunny, at si Gennie. Napunta naman kay Kasper sina Antonette, Ariel, Benjie, Sebastian, Emma, at si Clark.
Ang grupo ni Kasper ay may kapangyarihang ipo-ipo at tubig, habang ang akin naman ay apoy at yelo.
"Heaven, please come forward." Naglakad naman siya gaya ng sinabi ko. Pumunta siya sa gitna ng training room. I can see that Heaven is a shy type of girl. Bago pa lamang siya rito kaya ganoon. I can see my old self to her.
"Show us what you've got." Pinindot ko ang simulator at nagkaroon ng transparent na barrier na naghaharang sa kaniya upang makalabas. Madali lang ang training ngayong araw, ipapakita lamang nila sa amin kung ano ang kaya nilang gawin kapag mayroong kalaban.
Mayamaya pa, nagpaulan na ng dagger ang simulator, but Heaven dodged and made an ice shield. Sinisipa niya ang ibang dagger papunta sa barrier kaya't nagkakaroon ito ng crack. She's doing great. Kailangan niya lang makalabas nang walang kahit anong galos.
Biglang nagbago ang mga dagger at naging pana ang mga ito. Mas marami kaysa kanina. Nang ma-corner siya, akala ko ay wala na siyang magagawa. Pero bigla siyang gumawa ng pana gamit ang kapangyarihan niyang yelo, at tinamaan nang malakas ang barrier kaya't nabasag 'yon at napadausdos siya palabas sa nabasag na barrier.
Lahat kami ay napanganga sa ginawa niya at saglit na hindi nakapagsalita. I can't believe I'm training someone as talented as her. Nagpalakpakan kami at nag-vow naman siya.
Nagsunod-sunod pa ang mga ipinakita nilang kakayahan. Si Delton ay sinalo ang isang pana at nilagyan ito ng apoy, pagtapos ay ginamit niya pang-butas sa barrier. Si Chase ay pinalamig ng husto ang loob ng barrier hanggang sa kusa ng nagcrack at nabasag. Si Jaeden ay pinatalsik ang mga daggers sa barrier, at nilagyan ito ng mga yelo, pagtapos ay ginamit niya ang kaniyang apoy. Kapag ang apoy at yelo ay nagsama, maaaring masira ang barrier because of too much pressure and heat.
Napapamangha ako sa mga ginagawa nila. Gano'n din ang grupo ni Kasper. Nang matapos ang training ay napaupo na lang si Kasper sa tabi ko.
"This kids shocked me," sabi niya na nagpatawa sa akin. Kung paano nila gamitin ang kapangyarihan nila, nakamamangha ito.
"Pero kailangan pa rin nilang matuto." Napatingin kami sa may pinto. Nandoon si Isaac. He's wearing a formal suit. His brown hair was messy, his perfect jawline emphasizes the beauty of his face. Napakaguwapo ng boyfriend ko.
"Listen, students." Naglakad siya sa harap ng mga estudyanteng nagpapahinga. "I'm Isaac Villanueva, the ruler of Magical University." Sa sinabi pa lang niya na 'yon ay nagsiyukuan na ang mga estudyante at binati siya.
"Controlling your power and being good in it doesn't define a true dauntless player." Nilibot niya ang tingin sa mga estudyanteng tahimik at nakikinig nang mabuti sa kaniya. "A true dauntless is, someone who will use their powers in right. And how they will stand for this school. Pahihirapan kayo sa mga training, pero doon mas malalaman kung karapat-dapat ba kayo maging member ng grupo na 'to. Kung kakayanin niyo ba ang training o susuko kayo at magiging mahina na lang."
Natahimik lalo ang buong paligid dahil sa sinabi niya. Likod lamang ang nakikita ko sa kaniya dahil kaharap niya ang mga estudyante namin. Pero alam kong seryoso siya sa kaniyang sinasabi.
"He's a true leader," said Kasper. Napatingin ako sa kaniya at nakatingin siya sa akin. "While, you're an amazing woman, you're perfect for each other," mariin niyang sabi.
Nilingon ko ulit si Isaac pero natigilan ako nang marinig ko ang bulong ni Kasper. "Anong laban ko ro'n?" kaya napatingin ako sa kaniya pero nakaiwas na siya ng tingin. Hindi ko na 'yon pinuna dahil baka mali lang ako nang pagkakarinig.
"Do you wanna see a real fight?" sabi ni Kasper kaya nilingon siya ng mga estudyante namin. Kumunot naman ang noo ko dahil doon. Um-oo naman ang mga estudyante. Nilingon siya ni Isaac at tiningnan nila ang isa't isa na parang nanghahamon. Please, tell me they're not really fighting.
"Watch us, everyone." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Isaac. Is this for real? Tiningnan lang nila ang isa't isa pero nagkaintindihan na sila?
Tumayo si Kasper mula sa tabi ko. Pipigilan ko pa sana sila kaso naghihiyawan na ang mga estudyante kaya't napakamot na lang ako sa ulo ko. This is going to be one hell of a fight.
Hinubad ni Isaac ang pang-itaas niya at tumambad sa amin ang sleeveless shirt na black at ang malalaki niyang braso. Is he really doing this? Pinag-usapan na namin ang tungkol kay Kasper kanina pero parang wala siyang balak magpatalo. You gotta be kidding me.
Nakulong sila sa loob ng glass barrier. Kaya't mas lalo akong nawalan ng tiyansang maawat sila.
Nagsimulang maglabas ng apoy si Isaac sa kaniyang kamay, ganoon din si Kasper. Pinaliit nila ang pagitan ng isa't-isa. Nagsimula na silang maglaban at halos magliwanag ang loob ng barrier dahil sa liwanag na nanggagaling sa kanilang kapangyarihan. Sinipa ni Kasper si Isaac pero nakailag ito, agad niya namang sinuntok si Kasper pero nakaiwas ito at gagamitan sana siya ng apoy nang salubungin siya nito. Magkatapat ang kamay nilang naglalaban ng apoy. Kung ang mga estudyante naming nanonood ay namamangha, ako naman ay naiinis na. What's the point of doing this? Napatunayan na nilang magaling sila. Ano pa ang kailangan nilang i-prove? Damn it.
"Hey, you both should stop now!" sigaw ko pero parang wala silang naririnig. Shit. Wala nga talaga silang naririnig! Masyadong makapal ang barrier para marinig nila ang boses ko. Nagiging pisikalan na ang laban, nagkakasakitan na sila at kumukulo na ang dugo ko sa dalawang 'to.
"Hey, Clark, turn of the barrier," utos ko. Tiningnan niya muna ako bago sumunod, pero bigla siyang huminto nang makita niya ang switch ng barrier.
"Ma'am, sira na po 'yong button." Lahat kami ay napatingin sa button ng barrier, sira nga 'yon at alam ko na kung sino ang may gawa. Damn, Isaac. Ano ba 'tong iniisip mo?
Naglabas ako ng apoy sa kamay at tinapat 'yon sa barrier, hindi nila ako napapansin dahil busy sila sa pagtama sa isa't-isa. At nang mag-crack na ang barrier ay marahas ko itong sinipa dahilan para magbagsakan ito sa sahig. Ngayon ay pareho na silang natigilan dahil sa nangyari.
Nakagat ko ang labi ko sa inis at lumapit sa kanilang dalawa. "Aray!" sigaw nila dahil pareho ko silang piningot palabas sa basag na barrier.
"All of you, get out. Our training is done," sabi ko sa mga estudyanteng agad naman naglabasan. Pagkatapos ay hinarap ko ang dalawang lalaking nagpakulo ng dugo ko.
"What were you both thinking?!" singhal ko. Nagkatinginan sila at nagturuan na parang mga bata.
"Kasalanan niya!" they said in chorus while pointing to each other. "Sige, kasalanan ko na," sabay nanaman nilang sabi. Napasapo ako sa ulo ko, I can't believe this.
"Will you both stop being childish?!" Pareho silang natigilan sa sigaw ko. Masyado na akong naiinis sa kanilang dalawa. "Para kayong mga aso't-pusa! Nababaliw na ba kayo?! To show it to those students that you're powerful and dominant?! Isaac, you're a leader! You should know that! Ikaw rin, Kasper!" Walang nagsasalita sa kanila at pareho pa silang nakaiwas ng tingin na para bang nakokonsensya sa ginawa nila. Dapat lang.
"Hey, I'm sorry." Lalapitan sana ako ni Isaac pero lumayo ako.
"Fix this mess. Gusto ko pagbalik ko, ayos na kayong dalawa! Stop being so immature!" Lumabas ako sa training room dahil sa inis. Pero hindi ako lumayo. Baka kasi mag-away nanaman 'yon at wala na talagang aawat kung sakali. Pero ilang minuto na ang lumilipas ay wala pa ring ingay. Kaya dahan-dahan kong binuksan ang pinto para hindi nila ako mapansin. Natigilan ako, they're both laughing now.
"Ikaw kasi, masyado kang seloso," pangungutya ni Kasper kay Isaac na inaayos 'yong switch ng barrier, habang si Kasper naman ay nililigpit ang mga bubog sa sahig.
"Who wouldn't be?" tanong ni Isaac. Kung makapagkuwentuhan sila ngayon, parang close na close na sila. It's a good thing kaysa mag-away sila.
"Sabagay. Ayusin mo na 'yan bago pa dumating ang masungit mong girlfriend." Nagtawanan nanaman sila. Aba! Pinagkakaisahan ako ng mga 'to, a.
Napangiti ako. Akala hindi sila magiging ganito. Isaac is a possessive guy, ayaw niya kapag napapalapit ako sa ibang lalaki. Kaya nagagalit siya kay Kasper. But to see them like this? Masaya ako. Kasper is a good friend, too.
Aalis na sana ako nang muli kong marinig si Isaac na magsalita.
"Can you promise me one thing, Kasper?" Hindi sumagot ang kausap niya. "Can you promise that you will take care of her?" Wait, pinapaubaya niya ba ako kay Kasper? Aba't--
"Pinagkakatiwala mo siya sa akin?" hindi makapaniwalang sabi ni Kasper.
"I trust you, man. I love Althea so much more than anything, more than my position as the ruler of Magical University. Hinihintay ko lang ang araw na ikasal kami at bibitawan ko ang posisyon ko. Pero hangga't ako pa ang leader, at malayo kami sa isa't isa, gusto kong bantayan mo siya. Dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya."
Tuluyan na akong lumayo sa training room. Naglakad ako papunta sa dorm. Nanghihina. Hindi ko alam kung matutuwa o malulungkot ako sa narinig ko. He's going to give up his position when we get married. It's a good news for me. Pero paano naman ang pinamumunuan niya? Wala silang alam tungkol doon at sigurado akong hindi maganda ang kahihinatnan ng lahat kapag nangyari 'yon.
Pabagsak akong humiga sa kama ko at tiningnan ang engagement ring namin ni Isaac. "I don't know what to do now, Isaac. Whether to stop you from giving up your position, or stop you..."
"...from marrying me just to rule Magical University."
**************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top