Chapter 27: Letting You Go

EDITED VERSION

***********

Isaac's POV

Nakatingin lang ako sa kaniya habang patuloy siya sa pagkuwento ng mga pangyayari sa buhay niya. Nakangiti siya habang ginagalaw ang kaniyang kamay at inaaksyon ang mga kinekuwento niya.

She knew I wasn't listening. She knew my attention wasn't on her stories. But she keeps on talking.

"Tapos nahirapan kaya akong mag-adjust noon--"

"Rhian..." She stopped when she heard me. Pero ang ngiti sa kaniyang labi ay hindi mawala. Nakatingin lang siya nang diretso sa mata ko.

"Bakit, Isaac?" Tiningnan ko lang ang kabuuan ng kaniyang mukha. Walang bakas ng dating Rhian. Pero nang ikinuwento niya sa akin ang lahat, napaniwala niya ako agad. Pero bakit ngayon lang?

"Bakit hindi mo naisipang bumalik noon pa?" I asked her. Saglit siyang hindi nakasagot. Tumahimik ang paligid. Gusto niya rito sa rooftop kami mag-usap kaya pinayagan ko siya.

"Kasi nakita ko kung gaano ka na kasaya," sagot niya. Sa pagkakataong 'to, ako naman 'yong natahimik. "Hindi mo alam kung gaano ko gustong sabihin sa 'yo na buhay pa ako. But I saw your smile, it was real. Wala nang bakas ng sakit."

"So, you chose to hide instead of coming out? Rhian, hindi mo alam ang epekto sa akin ng pagkamatay mo. I was wrecked. Sinisi ko sarili ko sa--" She stopped me by holding my hand.

"Ang importante 'yong nandito pa ako, right? I'm back, Isaac. Your first love," she said that made me still. Ilang taon na ang dumaan. Ilang bagay na ang nagbago. Bumuntong-hininga ako at tinanggal ang kamay niya sa akin. Umiwas ng tingin.

Sometimes, I don't know what hurts more. Fighting for someone who doesn't want to fight back, or forcing myself to love someone whom I can't love back?

A tear fell down from her eyes then looked away. "You really love her, huh?" She chuckled. I tried to wipe away her tears pero hinawi niya ang kamay ko. "B-Baka may paraan pa para bumalik 'yong nararamdaman mo sa akin? O baka akala mo lang na hindi mo na ako mahal pero ang totoo ay hindi naman talaga nawala ang pagmamahal mo sa akin..." She was convincing herself more than she tries to convince me. Pero buo na ang pasya ko.

"I'm sorry, Rhian. But I love her," 'yon na lang ang nasabi ko habang nakatingin sa kaniya. Ngayon hindi na lang isang patak ang tumutulo kung 'di sunod-sunod na 'yon.

"C-Come. May pupuntahan tayo..." Hinila niya ako. I tried to ask her kung saan kami papunta pero patuloy pa rin siya sa pagtakbo. Napapatingin na sa amin ang mga estudyanteng nakakasalubong namin sa hallway. Ang iba, nababangga pa namin. Mas lalong kumunot ang noo ko nang papunta kami sa likod ng Academy.

"Rhian, anong ginagawa natin dito?" I asked her. Binitawan niya ang kamay ko at bahagya niya akong hinarap.

"I have something to tell you, Isaac." I was shocked on what she said. Napatingin ako sa mga kamay naming ipinagdikit niya. "Y-You made me happy and now? I will return the favor. Sinasagot na kita, Isaac."

Kung noong unang sinabi niya 'yon sa akin ay halos maghuramentado ang puso ko sa tuwa, ngayon wala na akong maramdaman kahit kaunti. Si Althea ang naaalala ko.

Inangat niya ang kamay ko at umikot siya na parang nagsasayaw kami. Tulad nang ginawa ko sa kaniya noon. "I love you, Isaac--"

Hinila ko ang kamay ko na nagpatigil sa kaniya. "Gianna--Rhian, stop this. We can't be like before! Marami nang nagbago. I can't force to love you, okay? Paano kita mamahalin kung si Althea lang 'yung gusto ng puso ko? Paano tayo babalik sa dati kung may iba na akong mahal ngayon?!"

Umiiling siya habang patuloy sa pag-iyak. "S-Sabi mo noon wala ka nang ibang mamahalin kun'di ako. S-Sabi mo kahit anong mangyari, ako lang--"

"Matuturuan ko ba 'tong puso kong huwag mahalin si Althea?! Kasi kung puwede lang, ginawa ko na! Kasi ang sakit-sakit na! Pero kahit anong sakit, siya pa rin ang gusto ko." Hindi siya nakasagot sa sinabi ko. "I'm sorry, Rian. I-I can't love you back again."

Tumalikod ako pero natigilan ako nang niyakap niya ako mula sa likod. "Puwede bang kahit kunwari lang, piliin mo naman ako. Kahit kunwari lang, Isaac. Please, stay."

Unti-unti kong kinalas ang mga kamay niyang nakakapit sa akin. "Sorry, Rhian. Hindi ko kayang gawin 'yon sa 'yo."

Naglakad ako palayo at desidido na ako. I have to tell this to Althea. I love her and I'll do everything to win her back. Kaya agad ko siyang hinanap sa loob ng Academy. I found her on her dorm. At hindi lang 'yon. She's with Kasper. They were kissing.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at agad kong inundayan ng suntok si Kasper.

-------------

Althea's POV

Biglang bumukas ang pinto ng dorm ko at naitulak ko si Kasper. We saw how furious Isaac was. Huli na nang sumugod siya at sinuntok si Kasper.

"Isaac, tama na!" Sinubukan ko siyang pigilan pero naitulak niya ako, agad akong tumayo at hinila siya.

"Hayop ka!" sigaw ni Isaac, hindi naman lumalaban si Kasper. Duguan siya habang patuloy pa rin sa pagsuntok si Isaac.

"Isaac, ano ba--" I was stopped when he pushed me. This time, mas malakas na. Kaya napapikit ako nang mauntog ako sa kanto ng kama ko.

"Shit! Althea!" Agad na tinulak ni Kasper si Isaac at nilapitan ako. "Fuck! Tingnan mo 'yong ginawa mo!" Akmang susugurin na ni Kasper si Isaac nang pinigilan ko siya.

"Kasper, please. Huwag." Nagsusumamo ang mata ko habang nakatingin sa kaniya. Lumambot ang ekspresiyon ng mukha niya at tinignan ang ulo ko.

"D-Dugo..." he whispered. Napalingon kami kay Isaac nang lumapit din siya sa akin.

"Althea, I'm sorry," he uttered. Sinubukan niya akong hawakan pero lumayo ako sa kaniya.

"Kasper, iwan mo muna kami." Magrereklamo pa sana siya pero wala siyang nagawa nang tumango ako sa kaniya.

"Okay, I'll be outside." Naglakad siya palabas ng dorm ko at naiwan kami ni Isaac.

"I-I'm sorry. Nawalan ako ng kontrol," he said.

Walang ni isang emosyon ang bumakas sa mukha ko. Siguro napagod na ako kakaiyak? O napagod na talaga ako sa kaniya? I don't know.

"Bakit bigla kang susugod dito at gagawin mo 'yon?!" Inis kong sigaw sa kaniya.

"Because he was kissing you! And do you know what hurts the most? Is that you're kissing him back!" Napaiwas ako ng tingin. Sinadya ko 'yong ipakita sa kaniya.

Not because me and Kasper are together. But because I want him to be angry at me and leave. I didn't want that. Hindi ko ginustong gamitin si Kasper.

"Ano pa bang dapat kong ipaliwanag sa 'yo?! Tapos na tayo, Isaac! Ano pa bang ipinaglalaban mo?!" tanong ko sa kaniya.

"No, hindi ako maniniwalang tapos na tayo. Althea, ikaw ang mahal ko! Paano ko mahahalin ang isang taong hindi na sinisigaw ng puso ko?! Sabihin mo nga, paano?!" sigaw niya sa akin.

Gusto kong umiyak pero wala ng lumalabas sa mata ko. Kaya hinarap ko siya. "Hindi mo ba naiintindihan? Ayaw ko nang mahalin ka. Kasi alam kong kapag minahal pa kita, masasaktan nanaman ako."

Hindi siya nakasagot. "I can't let you to take me for granted again. Just like how you did and broke my heart the last time."

He chuckled, bitterly. "So, you chose Kasper, huh?" Umiwas ako ng tingin. I'm sorry, Isaac. Kung kailangan ko nanamang magsinungaling.

"I chose Kasper because with him, there's no complications. He's okay and I'm okay. Kasi kapag pinili pa kita, sasaktan mo nanaman ako." My voice cracked a bit. Damn. "This is the first time that I'm going to be selfish. I don't love him, Isaac. But he's always here, and you aren't."

"Sorry, kung kailangan kitang saktan, mabuo ko lang 'yong sarili ko," sabi ko habang tumutulo ang isang butil na luha mula sa aking mata. "Alam mo bang takot na takot akong mahalin ka? Kasi baka kapag ibinuhos ko pa ang pagmamahal ko sa 'yo, wala nang matira pa sa sarili ko."

"I'm too inlove with you that it terrifies me of what I can do just to have you. At kailangan kong pigilan ang sarili ko, dahil baka hindi na ako makabangon pa." Pati siya ay umiiyak na rin. I'm hurting him. But I want him to go away.

"And you're right. I choose Kasper over you. Doon ako sa taong walang komplikasyon, sa taong maayos ang lahat." Kahit ikakasakit ko rin ang mga sinasabi ko ay hindi ko na 'yon alintana.

Nagulat ako nang inisang hakbang niya ang pagitan namin at mahigpit niya akong niyakap. Rinig na rinig ko ang hagulgol niya.

"No matter who you're with, Althea, I am still going to love you through the rise of the sun, and through the dusk of the moon," he said while crying. Kumalas siya sa pagkakayakap at tinitigan ako. "I love you, but if I'm hurting you, I'd rather stay away and broke myself than breaking you."

"Isaac..." I uttered his name. He shook his head and stared at me. I could see the pain in his eyes that I've caused.

"Wherever you are, or what you are facing, please remember that I love you, okay?" he said. Hindi ako nakasagot. Nasasaktan ako. Pero alam kong mas nasasaktan na siya. "It's okay if you stop choosing me. Pumunta ka na sa kaniya. Ayos na ako, Althea."

Natigilan ako nang hinalikan niya ang noo ko. "You saved me on my past, Althea. So, I'm leaving you, now. To save you from me."

Lumapit siya sa tainga ko. "You're leaving but I want you to remember this. Isaac Villanueva will always be your annoying President, your proud Leader, and your husband. I'm yours, Althea. Sa iyo ako noon, hanggang ngayon at sa mga susunod pang henerasyon..." he whispered.

He chuckled. "Who would love someone with full of complications? Wala. Kaya tama ka, kapag minahal mo pa ako, baka ikasira mo lang." Naramdaman kong kumakawala na ang pagkakahawak niya sa akin.

Umatras siya. Gusto ko siyang yakapin pero pinigilan ko ang sarili ko. "Pinapalaya na kita."

He then walked away. Not just in my dorm. But also in my life. And that hurts the most. Kasi wala akong ginawa para pigilan siya.


************


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top