Chapter 26: The Best Part of Me

EDITED VERSION

*************

Althea's POV

First love never dies. That's what people says. Same goes with me. Isaac is my first love. And he's my everything. Nothing can replace him in my life. But what makes me stop from fighting? It is because of his first love.

Rhian Serina. My half-sister. Ang babaeng nauna bago ako. There are things that I don't know about him that she does. Naalala ko pa noong nagkagulo ang lahat. They used me because I look like her.

Siya naman talaga ang nauna. And I? I was just a lost girl who happens to be the half-sister of a dead girl. Hindi ko nga naisip kung ano ang mangyayari sa akin kung sakaling hindi siya namatay. Will Isaac still choose me? Will they accept me?

'Yan ang mga katanungang bumagabag sa akin noon pa man, pero hindi ko na binigyang pansin dahil wala na si Rhian. I'm the present. And nothing else matters anymore. But then, now. She's here. Standing in front of me. In front of us.

"Gianna, what the hell are you talking about?" naguguluhang tanong ni Isaac. Halata sa mukha nito ang pagkainis. Nilingon ako nito. "Althea, ano ba ang sinasabi ng babaeng 'to?"

Umiwas ako ng tingin. I can't look at him because I might break down. Oo, Isaac. Totoo ang sinasabi niya. Buhay si Rhian. Your first love. "Aalis na muna ako. Gusto kong magpahinga."

Naglakad ako palabas doon pero hindi pa ako nakalalayo nang hilahin ni Isaac ang braso ko kaya napaharap ako sa kaniya.

"Althea, anong palabas 'yon? Ganoon na ba kadesperada si Gianna? And look at you, mukhang sinasang-ayunan mo pa siya!" naiirita nitong sabi.

Mariin ko siyang tinignan. "Nagsasabi siya ng totoo, Isaac. She's my half-sister. Rhian Serina. Your first love. Gusto mo ng patunay? Talk to her and she'll explain." Tumalikod ako pero hinila nanaman niya ako.

"Naguguluhan ako--" I cut him off.

"Hindi mo na kailangang maguluhan, Isaac. Okay? Bumalik ka na sa kaniya. Finally, she's back. And you should be happy," I said. But it backfired on me. Alam kong anumang oras ay tutulo na ang luha ko. Hindi ko kayang makita siyang maglakad paalis at puntahan si Rhian. Ang sakit-sakit kasi sa pangalawang pagkakataon, natalo nanaman ako.

Nabitawan ni Isaac ang braso ko. He held his forehead as if he's swallowing what I just said. "Damn, ang gulo. Sa sobrang gulo, gusto ko na lang hawakan ka at tumakbo paalis dito."

"You can't, because I don't want to," matigas kong sabi. "Wala na tayo, Isaac. Tapos na. Hanggang doon na lang 'yon. So, go back to her. And she'll explain everything."

"I can't go back there!" sigaw niya sa akin. Tumulo ang luha sa mga mata at mas lalo akong nasaktan. "Can't you understand that? Ayaw ko nang bumalik doon kasi mahal na mahal kita!"

"Why?" nagtataka kong tanong. "She's your first love, Isaac! Hindi kayo naghiwalay, we all thought she's dead and you grieved for her. And now that she's alive, go back to her and continue--" hindi na niya ako pinatapos pa.

"Hindi ko kaya kasi ikaw na 'yong mahal ko!" Natahimik agad ako sa sinabi niya. Mayamaya ay tumulo na lang bigla ang luha sa aking mata. "Althea, hindi ko siya kayang balikan doon, kasi wala ng dahilan para bumalik ako. Kaya nga ako nandito ngayon sa harap mo, e. Because I choose you. Over and over again, I'll still choose you."

Pinipigilan kong huwag mapahikbi kaya't kinagat ko ang aking labi. Halos dumugo na 'yon sa sobrang diin ng pagkakakagat ko. Pero napalingon ako sa likod ni Isaac. There I saw Rhian, crying while looking at me.

Napapikit ako sa frustration na nararamdaman. "Then don't choose me." Tila gumuho ang mundo ni Isaac nang marinig niya ang sinabi ko.

"W-What?" he asked. Namumugto na rin ang mata nito. He looked so hurt. Dahil sa akin.

"Huwag mo na akong piliin. Dahil ako? Sawang-sawa na akong piliin ka. I'm sick of being taken for granted by you. I won't let you do that to me again. Ayaw na ng puso kong mahalin ka dahil pagod na ako." I lied. Nagsisinungaling nanaman ako kahit alam ko sa sarili kong gusto kong ako ang piliin niya. Then I walked away. Naglakad ako hanggang sa namalayan ko na lang na nasa loob na pala ako ng dorm ko.

Napapikit ako at napasandal sa pader. Inalala ko ang pinag-usapan namin ni Rhian.

Flashback...

"Gianna? Where am I?!" nagtataka kong tanong sa kaniya. Nanghihina ang katawan ko sa pagod kaya hindi ako makakilos.

"Alam mo, Althea. I'm very disappointed on Isaac. Ilang buwan na ang nagdaan pero hindi pa rin niya ako nakikilala," she said. "I changed my look, Yes! Pero ako pa rin naman ito! His first love!"

Hindi ko alam kung paniniwalaan ko ang mga salitang lumalabas sa kaniyang bibig ngayon. "Hindi ko alam ang sinasabi mo, baliw ka na," naiinis kong sabi.

She sat beside me. Ibang-iba ang kaniyang hitsura ngayon. She looked frustrated and scared. "Althea, it's me. Rhian Serina-Saavedra. Your sister." Pagtapos ay tumalikod siya at hinubad ang suot niyang damit, revealing her back. Halos manlumo ako sa nakita. Isang mahabang kalmot na malalim. Peklat na lang 'yon pero bakas pa rin doon kung gaano ito kalalim. Kaya napaiwas ako ng tingin.

"Natamo ko 'yan noong 22nd Tournament. Nang makapasok ang mga halimaw sa loob ng Arena. Hunter tried so hard to save me but he failed. I lost a lot of blood in my body. I thought I was gonna die." Natawa siya pero tila naiiyak na. Humarap siya sa akin. "I-I ran. Tumakbo ako nang tumakbo kahit hindi ko alam kung saan na ako tutungo. Hanggang sa namalayan ko na lang na nakalabas na ako sa Arena. They did a wiped out inside that Arena para mapatay ang mga halimaw na 'yon, akala nila nasunog ang katawan ko..."

"... Pero hindi. Sinubukan kong bumalik sa Alexandria Academy, but it was too far. The only way I know is in the normal world. Kaya nang makarating ako roon, duguan ako at halos mawalan na ng buhay. Pero may mabuting tao na kumupkop sa akin. Si Miss Jeniva Suarez. She took care of me, feed me, and gave me everything I need without asking anything in return."

Tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. Hindi ko alam pero pati ang akin ay wala na ring patid sa pagtulo. "My plan is to come back when I'm ready, Althea. It took me years, para mahilom ang lahat ng sakit. Miss Jeniva fixed me. Hindi na ako makilala noon. Puro sugat ang mukha ko, so she helped me replace my look. And look at me now, I'm Gianna..."

"... Handang-handa na akong bumalik noon sa Magic World. Kasi alam kong maraming naghihintay sa akin." She wiped away her tears pero wala pa rin siyang patid sa pag-iyak. I felt the urge to hug her pero hindi ko magawa. "I told Miss Jeniva that I needed to leave, she told me na kapag bumalik ako, baka wala na akong balikan. But I told her..."

"... Isaac is there, hihintayin niya ako. Alam kong mahal niya ako at sigurado akong naiinip na siya." She laughed, bitterly. "But you know, I guess everything has an end."

Nilingon niya ako at agad na kumirot ang puso ko. Tila nawala ang masamang imahe ni Gianna. It was Rhian in front of me. "Pagbalik ko, nandiyan ka na. And Isaac..."

Hindi na nakayanan pa ni Rhian at tuluyan na siyang napahagulgol. "Isaac was so happy. So geniunely happy with you. And I was so afraid to enter the picture and ruin his happiness. Masaya siya sa iyo, Althea. Kaya kahit sobrang sakit, kahit gustong-gusto kong sabihin na buhay pa ako, I can't. Because I love him and I'm willing to let him go just for him to be happy."

Walang lumabas na kahit anumang salita sa aking bibig. Tanging hagulgol lang ang nagawa ko. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin at niyakap ako. "Althea, I love him. I love him so much more than anything in this world. But I know to myself, na hindi na ako ang mahal niya. Kahit anong gawin ko, hindi na siya babalik sa akin. Kaya, please..."

"... Bumalik ka na sa kaniya," she pleaded. Tila dinudurog ang puso ko. I was the one who entered the picture, not her. Ako ang may kasalanan kung bakit nakalimutan na siya ni Isaac. Nasasaktan siya habang ang saya ko.

I hugged her back. "R-Rhian, I'm sorry. Sorry I've ruined your life--" she cut me off.

"No, Althea. Wala kang kasalanan. Isaac loved you more than he loved me. And with that, I'm happy. Gusto ko lang siya maging masaya, kahit hindi na ako ang kasama niya."

Hindi ko maiwasang mapaiyak pa lalo. How did we end up like this? Me and Isaac being in love with each other, while there's Rhian, fixing herself for Isaac. Hindi ba't ako naman ata ang singit lang sa istoryang ito? Rian was the first. Sa kaniya naman talaga si Isaac.

"B-Bumalik na tayo, Rian..." Humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. "... at pagbalik natin, bumalik ka na rin kay Isaac."

Bakas ang gulat sa kaniyang mukha. "No, I came here just to tell you that I'm okay. Magpapakalayo na lang ako at hahayaan na kayo."

Umiling ako. "Ipagpatuloy niyo na ang istoryang hindi niyo pa natatapos, Rhian. Dahil ang kuwento namin ni Isaac ay tinapos ko na." I stood up and held her hand. Inakay ko siya palabas sa kuwarto na 'yon. It was her dorm in the Academy.

Hawak ko lang ang kamay niya nang mahigpit. Ito pala ang pakiramdam ng may kapatid. Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman. Masasaktan dahil nandito na ang unang minahal ni Isaac, o matutuwa dahil nahanap ko na ang kapatid ko.

End of the flashback...

Isang mahinang katok ang nagpatigil sa akin. Hindi ko binuksan ang pinto. Dahil kilala ko ang taong nasa labas ng dorm ko. Naramdaman kong sumandal ito sa pinto.

"Pagod ka na ba?" he asked. "Pagod ka na bang paulit-ulit na ipaglaban ang bagay na mayroon tayo?"

Hindi ako sumagot. Hinayaan ko lang siyang magsalita habang tumutulo ang luha sa aking mata. Mahal na mahal kita, Isaac. Pagod na pagod na ako pero 'yong puso ko, ikaw lang ang paulit-ulit na minamahal.

"Every night, I'm always thinking of you being tired. Like right now. I don't know if this is the end of us. But I can't help but to think of you. Because I love you, and I miss you so much, Love. And I'm sorry this is the way it became."

Napayuko ako sa aking tuhod. Pinakikinggan ko lang ang lahat ng sinasabi niya. "Hindi ko alam kung paano ko makakayanang pakawalan ka, Althea. Because it hurts like hell to let you go," he said.

"I-I need you to let me go, Isaac. Tama na." Hindi ko alam kung paano ko nakayanang sabihin ang mga salitang 'yon. Kasi kahit ako, ayaw kong bitawan siya.

"O-Okay, just please..." Saglit siyang huminto sa pagsasalita. "Open this door and let me see you."

I stood up and slowly open the door. Bumungad sa akin ang napakaguwapo niyang mukha. I missed him so much. His grin, his face, his touch. Everything about him.

Humakbang siya palapit sa akin. Isang hakbang na lang ang pagitan naming dalawa. "I don't wanna run away, but I can't take it I don't understand. If I'm not made for you, then why does my heart tell me that I am?" Habang kinakanta niya 'yon ay tila sinasabi rin niya sa akin ang liriko nito.

May inilabas siya sa kaniyang bulsa. Isang kuwintas, pero ang pendant nito ay ang singsing para sa aming kasal. Na sa tingin ko ay hindi na maitutuloy pa.

"Is there anyway that I can stay, in your arms?" muli niyang pagkanta. Lumapit pa siya sa akin at isinuot sa akin ang kuwintas. "Althea, I'm always half a heart without you."

Then after that, I felt his lips on mine. Tila nawalan na ako ng lakas upang itulak siya palayo. Pero siya itong naunang umatras.

"You are the best part of me. You will always be." He kissed my forehead then started to walk away. Gusto ko siyang pigilan, pero paano? Kung ang pagpigil sa kaniya ay pagpipigil din ng kasiyahan para kay Rhian?

I love Isaac. But I want my sister to be happy. Matagal niyang pinigilan ang kaniyang sarili dahil sa akin, panahon naman para ako ang magbigay sa kaniya even if it means breaking my own heart.

Isaac, I love you. And I'm letting you go.

***********

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top