Chapter 25: The First Love
EDITED VERSION
***********
Continuation...
"Kasper, dito tayo!" Hinila ko siya at sumunod naman ang aming mga kagrupo. Hinihingal ako habang nagtatago kami sa loob ng isang cave. Iginala ko pa ang paningin ko para i-check kung kumpleto pa rin kami.
"We have to find the members of Lethal. Baka nanganganib na rin sila ngayon," I stated. Napabuntong hininga si Kasper habang tumatanaw siya sa labas. Those monsters were too furious and ready to devour us. Parang anumang pagkakataon ay papatayin nila kami.
Pero isa lang ang ipinagtataka ko, saan sila nanggaling? This is not a part of the Tournament. Malinaw sa usapan namin noon nina Kurt na walang magaganap na ganito. Something happened outside this Arena. Something strange.
I heard the growl of those monsters. "Hindi puwedeng wala tayong gawin. Kailangan na nating kumilos bago pa tayo makita ng mga 'yan," tukoy ni Kasper sa mga halimaw.
Heaven stood up. "Miss Althea, I will be the trap--"
"No!" mahinang sigaw ko. "Hindi mo 'yan gagawin, Heaven. Whatever your plan is, hindi ka magiging trap," suway ko sa kaniya. I won't let anything happen to them.
"Pero, Miss Althea..." Bumuntong hininga siya. "... Kailangan na nating kumilos. Baka kung ano na ang mangyari sa Lethal."
"We will, I promise we will help them. Pero hindi sa paraang magiging trap ka. We will find a way," mariin kong sabi. Napapikit ako. Trying to analyze a plan again.
Pero agad akong natigilan nang malakas na kinalampag ng halimaw ang kinalalagyan naming cave kaya napadausdos kaming lahat. Hanggang sa tuluyan nang nasira ang cave at napasigaw kami habang pilit na lumalayo roon.
We ran, nagpapahuli ako para masigurong walang maiiwan. Kahit bumibigay na ang katawan ko sa pagod ay hindi ko 'yon binigyang pansin.
"Look out!" Umalingawngaw ang sigaw ni Kasper at halos manlaki ang mata ko nang mapansin ko ang bumubulusok na malaking kahoy na nanggaling sa halimaw papunta sa akin.
"Shit!" Napayuko ako pero hindi ko na naramdaman ang kahoy na tumama sa akin. Kaya't iginala ko ang tingin. And there I saw Lydia and her team. They're here.
"Lydia!" Siya ang sumunog ng kahoy para hindi ako tamaan. Mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami palayo.
"We don't have enough time. Kailangan na nating makalabas," she said while running. Medyo malayo na ang iba at kami nila Kasper ang nahuhuli.
"Nangyayari nanaman ang nangyari noon," natahimik ako sa narinig ko galing kay Kasper.
"A-Anong ibig mong sabihin?" tanong ko. Wala pa ring patid ang pagtakbo namin habang hinahabol kami ng mga halimaw.
"Nangyari ito noon sa grupo nina Rhian, your sister." Biglang bumuhos ang maraming memorya sa aking isipan. Rhian, my half sister. She died inside the tournament.Tama siya, ganitong-ganito nga ang nangyari noon ayon sa kuwento ni Isaac.
"Yuko!" sigaw ni Kasper pero huli na nang makayuko ako at tumama na sa ulo ko ang kahoy na muling inihagis ng halimaw. Kaya bumulusok ako sa lupa at napapikit sa sakit.
"Althea, shit!" Naramdaman ko ang mga braso ni Kasper na binubuhat ako. "Mauna ka na Lydia!" sigaw muli nito.
"I-I feel... nothing," I whispered. I felt numb that exact moment. Wala akong maramdaman ni kaunting sakit na nanggagaling sa ulo ko. Pero ramdam ko ang pagtulo ng dugo galing dito.
"Hush, baby. I will make a way for us. Hindi ako papayag na mawala ka sa akin," said Kasper. I felt so safe. Kahit nasa gitna kami ng magulong situwasyon, naramdaman kong ligtas ako dahil kay Kasper.
"Shit, dead end!" rinig kong sigaw ni Kasper. Malalakas na ungol ang nagpagising sa akin. Sinubukan kong tumayo mula sa bisig ni Kasper pero ayaw niya akong bitawan.
"Paano na 'yan, hindi natin kayang akyatin ang mataas na pader," sabi ni Dion.
Sumugod papunta sa amin ang mga halimaw pero bago pa ito makalapit sa amin ay may apoy na lumabas sa isang bahagi ng gubat. Pumalibot sa amin ang apoy dahilan para hindi makalapit ang mga halimaw.
Bumaba ako mula sa bisig ni Kasper at sinubukang tumayo nang maayos. Hinanap ko kung saan nanggaling ang apoy. Then I saw a guy standing few meters away from us. His familiar face made me still. His serious expression, and everything about him. Isaac.
Halos manlambot ako nang makitang mag-isa lang siyang lumalaban sa labas ng bilog na apoy. Limang halimaw 'yon at iisa lang siya.
"Isaac!" I called out his name. I tried to ran toward him but Kasper held my arm. "Isaac needs my help, Kasper!"
"Hindi na! Dito ka lang, ako ang lalaban." Tumakbo si Kasper, ganoon din si Dion at tinulungan si Isaac. Tumulo ang mga luha sa mata ko at napayakap naman sa akin si Lydia.
Napaiyak pa ako nang makalmot ng halimaw si Isaac at nasira ang damit niya. Blood streamed down in his arms.
"Lydia, natatakot ako..." I said. Hinawakan niya ang kamay ko at tinakpan ang aking mata.
"Don't look, Althea. Isaac is okay, he will be. For you," said Lydia. Patuloy ako sa pagluha. Hanggang sa maramdaman kong unti-unti ng ibinaba ni Lydia ang kamay niya. Pagmulat ko ay mukha agad ni Isaac ang bumungad sa akin.
"Hey," He smiled at me and all my tears kept flowing. "Tapos na ang laban. Bumalik na tayo," he pressed something on the mobile he's holding, at unti-unti kaming nawalan ng malay.
Akala ko gigising ako sa basement ng Alexandria Academy. But I was wrong. I woke up on a dimly lit room. Wala 'yong mga kasama ko, wala si Isaac. Ako lang at ramdam ko ang kaba na bumabalot nanaman sa akin. Where am I?
"Althea Genovie-Saavedra," that voice. Hindi ako puwedeng magkamali. Kilala ko 'yon.
"N-Nasaan ka?" Iginala ko ang paningin ko sa paligid pero wala pa rin akong makita dahil sa dilim. Ramdam ko ang malambot na kamang kinaroroonan ko pero hindi pamilyar sa akin kung nasaan ako.
"Hey, remember me?" Her voice gave chill around my body. Kilala ko siya pero tila hindi na siya ang kaharap ko ngayon, tila ibang tao na.
"How's Isaac? As far as I can see, mukhang masaya na talaga kayo. He forgot about me already. How sad. Kasi ako hindi ko pa siya nakalilimutan." Bawat salita na lumalabas sa bibig niya ay nagbibigay ng kilabot sa akin.
"R-Rhian..." I whispered, then she laughed.
"Oh, yes. It's me." Pagkatapos ay lumabas bumukas ang ilaw at tuluyan ko na siyang nakita.
--------------
Kurt's POV
My relationship with Cath, I know it's not perfect. We had a lot to fight to, we always yell at each other every time we have an argument. Hindi kami 'yong perpektong relasyon. Wala naman sigurong ganoon, 'di ba?
It was hard for the both of us, but our love is real. Naaalala ko pa noon, nang mga panahong hindi ko magawang ipaglaban ang pagmamahalan namin. Nagagalit siya sa akin. Kasi sobra ko na siyang nasasaktan.
Flashback...
"Kurt, sabihin na natin sa kanila." Natigilan ako sa sinabi niya. Busy ako habang nagte-training nang bigla siyang pumasok dito sa Training Room.
"Tumigil ka nga sa sinasabi mo." Hindi ko siya pinansin habang inaayos ko ang gagamitin kong baril.
"Kurt..." she uttered. Napatingin ako sa kaniya. Her eyes were teary. "... Bakit mo ba ako ginaganito?"
"Ang sabi ko, umalis ka na," walang sigla kong sinabi at kinasa ang baril. Inilagay ko ang earphones sa tainga ko pero bigla niyang hinila 'yon.
"Kahapon ayos pa tayo, a! Kinausap ka lang ng Daddy ko naging ganiyan ka na bigla!" galit niyang sigaw sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil lumuluha na siya. Hindi ko kayang nakikita siyang ganito.
"Umalis ka na. Makakasama lang ako sa 'yo." Ibinagsak ko sa mesa ang baril. Nagpanggap akong galit. "Ano ba kasing kailangan pa nating ipaglaban sa bagay na alam nating matatalo naman tayo? Cath, gumising ka nga! Ayaw sa akin ng magulang mo! Can't you see the looks on their faces?! Itigil na natin 'to. Ayaw ko na."
Naglakad ako paalis pero natigilan ako nang marinig ko siyang humagulgol. Kaya napapikit ako sa pagkainis sa sarili ko. "Fuck..."
Humarap ako sa kaniya. Iyak siya nang iyak. I closed the gap between us and wiped away her tears.
"Hush, I'm sorry." Gusto kong sapakin ang sarili ko. I'm such a jerk. Pinapaiyak ko ang babaeng hindi deserve umiyak. She deserves everything that this world has to offer. Pero ano'ng magagawa ko? I'm just me.
Pero mukhang galit na siya sa akin. Marahas niyang tinanggal ang kamay ko sa mukha niya. "You're a coward. Duwag ka, Kurt. Napakaduwag mo! Lahat ng bagay na komplikado, gusto mong takasan. You're like that. When you don't want the situation, you always run away."
Natigilan ako sa sinabi niya. Akmang hahawakan ko ang mukha niya pero lumayo siya sa akin. "Cath, I'm doing this for you. Ayaw sa akin ng magulang mo. Gusto ko munang patunayan 'yong sarili ko! Fuck! Gusto kong maging deserving para sa 'yo! Para matanggap na nila ako! Kaya gusto kitang layuan kasi babalik ako kapag may maipagmamalaki na ako! Kasi Cath, I'm just me. There's nothing special in me. Pero ikaw?
"You are too good to be true. I don't deserve you. I'm not good enough for you," sabi ko. She chuckled, bitterly.
"Bakit ka ba ganiyan? Puwede bang huwag naman tayong tumakas ngayon? Puwede bang ipaglaban mo ako, habang ipinaglalaban din kita? Kurt, puwede bang harapin natin sila nang magkasama? Puwede ba 'yon?" Nagsusumamo ang boses niya. I held her hand and put it in my chest.
"Alright, we will." I smiled at her. Hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ang kaniyang noo. "Gagawin ko ang lahat, Cath. I'll do everything to deserve your hands. To deserve you. Because honestly, I don't want anyone else."
Mahigpit niya akong niyakap. "Hayaan mo akong mahalin ka, Kurt. Even if you're the most imperfect man in the world, wala na akong pakialam. Ako rin, hindi ako perpekto. But when I'm with you, everything feels flawless."
Present...
"Kurt..." Cath's grip made me still. "... Babalik naman si Althea, 'di ba?" Halatang kinakabahan siya. Katabi niya si Lydia na hindi rin mapakali. Ilang oras na nang mawala si Althea pero hindi pa rin siya magawang mahanap ng mga guards. Miski si Isaac naghahanap na rin sa buong Academy pero nakakailang balik na siya, wala pa rin ni isang bakas ni Althea.
Lahat kami ay nakatulala lang dito sa office ko habang hinihintay ang balita ng mga guards. Pinapasok na rin ang mga estudyante sa kanilang mga dorm dahil hindi pa sigurado kung ano ang puwedeng mangyari.
Bumukas ang pinto kaya agad kaming napatayo. Pumasok galing doon si Kasper. He looked frustrated and tired. Mukhang pati siya ay naghanap na rin.
"N-Nasaan si Althea?" nag-aalalang tanong ni Lydia. Napailing na lang si Kasper hudyat na wala pa rin silang nahahanap. Napamura ako sa pagkainis.
Paanong nawala si Althea nang ganoon kabilis? At kung sakali man na aalis siya, magpapaalam naman siya siguro sa amin, 'di ba?
"Kurt, natatakot ako..." Nanginginig ang mga kamay ni Cath. Kaya hinawakan ko 'yon nang mahigpit at niyakap siya.
"Makikita rin natin si Althea--" hindi ko na natapos pa ang sasabihin ko nang muling bumukas ang pinto ng office at lumitaw doon si Althea. Magulo ang buhok, may marka ng mga pasa sa braso, dumudugo ang ulo, at tila wala sa sarili.
"Althea!" sigaw ni Lydia at Cath. Tumakbo kami papalapit sa kaniya dahil mukhang anumang oras ay hihimatayin na siya.
"Saan ka galing? Anong nangyari sa 'yo? Bakit bigla kang nawala?" tinadtad namin siya ng mga tanong pero ni isa ay hindi niya sinagot.
She glanced in Isaac's direction then averted her gaze. "N-Nagpahangin lang ako sa labas ng Academy."
"Nagpahangin?! Alam mo ba na kung saan-saan ka namin hinanap tapos nagpahangin ka lang pala?!" galit na sigaw ni Kasper.
"Ang mahalaga, nandito ka na." Natigilan kami sa sinabi ni Isaac. Pero hindi man lang siya pinansin ni Althea.
"There's someone outside. Kailangan niyo siyang makita... ulit." Tinalikuran niya kami at binuksan ang pinto ng office. Then a girl entered the room. Nagtataka lahat kami.
"Hello, everyone. Miss me?" She smiled at us.
"G-Gianna?" Isaac said. Pero umiling ito.
"You might wanna change that into Rhian. Rhian Serina-Saavedra," she said that made us stop. "Hi, Isaac. How are you?"
***********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top