Chapter 23: True Love
EDITED VERSION
***********
Isaac's POV
Fascinating. Dauntless. That's how I describe Althea. Walang katulad. Noon, iniisip ko na hindi totoo ang true love. My father told me it is. And Rhian came, so I believed. But then she died. Kaya mas lalo ko lang naisip na hindi totoo 'yon.
Then years after, Althea came out of nowhere. Nakalulunod na emosyon ang dumanak sa buong pagkatao ko. Parang isang malalim na dagat, I'm drowning. Pero kahit ganoon, ayaw kong umahon. Gusto kong lumangoy nang lumangoy.
Althea Genovie-Saavedra is different. She's unique in every angle. Her cold personality, her beautiful green and yellow eyes, her angelic face, her care for everyone, lahat ng 'yan minahal ko. I love her more than anything in this world.
Nakatingin ako sa malaking screen na nasa harap naming lahat. Watching Althea as she fights inside the illusion, ganoon pa rin siya. Kung paano siya nakipaglaban noon sa Arena. Damn it. I'm really in love with her.
"You two broke up already, right?" Natigilan ako dahil sa biglaang pagtanong ni Gianna na katabi ko na pala.
"So?" Hindi ko siya binabalingan ng tingin kahit pa halos malusaw na ako sa mga tingin niya. Seriously, this girl is pissing me off so much. Kung puwede lang ay sinapak ko na sa mukha 'to. She's so clingy and irritating. Napakalayo nila ni Althea.
"So, find someone suitable for you." Then, she chuckled. Sinamaan ko siya ng tingin. Is that even an option? Hindi niya ba alam ang code namin nina dad na namana pa niya kay Grandpa?
My Dad, Genesis. Taught me their code. He told me that, "When a Villanueva fell in love, they don't share. They only want one." At tama naman ang code na 'yon. Me and my dad, and also grandpa is a one-woman-man.
"Why would I want someone else besides Althea?" tanong ko. Inirapan naman niya ako at pabagsak na sumandal sa kinauupuan niya.
Bumalik ang tingin ko sa full screen t.v. nang mawalan ng malay si Althea. Hindi ko maiwasang mapamura. Nilingon ko pa ang ibang screen kung saan makikita ang ibang kagrupo ni Althea. Si Heaven lang ang kasama niya. At si Kasper ang pinakamalapit sa kanilang dalawa. Pero mali ang nilalakaran nitong daan. Imbes na palapit ay tinatahak niya ang palayong daan.
"Come on, Kasper. Althea needs you now," bulong ko sa sarili ko.
---------------
Althea's POV
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mukha ko. Pagmulat ko ay nakahiga si Heaven sa tabi ko. Tulog. Napagod din siguro siya.
Agad akong napahawak sa ulo ko nang kumirot 'yon. I sat then looked around. Nasa isang malawak pa rin kaming open field. Tinignan ko ang score ko. 150. Marami-rami na pala ang nadagdag sa points ko.
Muli kong nilingon si Heaven at tinapik siya. She opened her eyes at nang makita niya ako ay napaupo siya at mahigpit akong niyakap.
"Miss Althea, akala ko kung ano na ang nangyari sa 'yo." Napangiti ako dahil sa sinabi niya. She reminds me of Cath. She's this clingy back then, until now.
"Thanks to you, nothing happened to me." I smiled. Mayamaya ay tumayo ako at tinanaw ang tinutumbok ng open field pero wala akong makita. If we're done on the second obstacle, dapat ay nalipat na kami sa ibang lugar. Pero bakit nandito pa rin kami?
"Miss Althea." Napalingon ako kay Heaven. Naglalaho siya na mas lalong ipinagtaka ko.
"H-Heaven, anong nangyayari sa 'yo--" Natigilan ako nang naglalaho rin ako at halos mapasigaw ako nang muli nanaman akong malaglag sa isang malaking man hole. Then I opened my eyes, a falls was the first thing I saw. Para kaming nalilipat sa iba't ibang dimension.
"Tubig!" Nagtatakbo ako palapit sa falls at gamit ang kamay ko, I drank the water. Wala akong tigil sa pag-inom kahit nababasa na ang suot kong damit.
"Miss Althea..." Napalingon ako kay Heaven. Kasama ko pala siyang bumagsak mula sa hole na 'yon. Lumapit siya sa tubig at tila uhaw na uhaw na sumandok doon. At nang matapos kami ay agad kaming nag-ayos.
"We have to move, lumiliit na ang oras," sabi ko. She smiled at me and held my hand. Napansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Hindi ko alam kung sa kaba at takot ba, o sa lamig ng tubig.
"Miss Althea, we will find them, r-right?" she asked. I held her trembling hands and smiled at her. I don't want to show her how nervous I am.
"We will. Now, let's move." Nilakad namin ang gubat na hindi namin alam kung saan patungo.
"Players, welcome to the third obstacle: Illusion. Good luck." Kristian's voice filled the whole forest. Napatingin ako sa oras na umaandar at pumipintig sa braso ko.
6 hrs: 45 mins: 56 sec.
150
Napabuntong hininga ako at muling naglakad. Pero hindi pa kami nakakalayo nang biglang dumilim nanaman ang kalangitan. "Miss Althea, anong nangyayari?" natatakot na tanong ni Heaven. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin. Bahagya rin na umuuga ang lupa kaya pareho naming ayaw bitawan ang isa't isa dahil baka kung ano ang mangyari.
"Heaven, huwag kang bibitaw--" Natigilan ako nang sumigaw nang malakas si Heaven at bigla siyang nawala sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko dahil bigla akong napunta sa ibang lugar. Kahit saan ako bumaling ay puro snow lang ang nakikita ko. Malamig. It's a deadly weather. Hindi lang siya basta malamig na katulad ng normal na klima. Lamig kung saan maaari kang mamatay.
In a split second, nagbitak-bitak na agad ang labi ko at nagsugat-sugat dahil sa sobrang lamig. Ang mga kamay ko, naninigas na. "Heaven!" sumigaw ako nang malakas.
"Miss Althea!" rinig ko namang sigaw ni Heaven. Nilingon ko ang pinanggagalingan ng boses niya pero wala siya roon. It was like she's here, but in a different dimension.
"Althea!" Tinig ni Kasper ang umalingawngaw sa paligid. Maya-maya pa ay sumunod na ang tinig ng mga kagrupo ko. They are everywhere, yet not visible. Tila para kaming pinaglalaruan nang maigi sa obstacle course na ito.
Naglakad ako at sinubukang hanapin sila pero wala pa rin akong matanaw. Nag-iisa lang ako. I covered my bare skin. Lamig na lamig na ako.
"Miss Althea, sobrang init na!" sigaw ni Chase sa kung saan. "Hindi ko na po kaya!"
"J-Just stay where you are, Everyone!" sigaw naman ni Kasper pabalik. Hindi ako makasigaw. Naninigas ang buong bibig ko dahil sa sobrang lamig. I can feel my body trembling in so much coldness.
"This obstacle will help you to improve your sense of hearing. Isa lang ang gusto naming patunayan ninyo sa amin. Na handa kayong pakinggan ang tinig ng isa't isa. Mayroon kayong chance upang makawala sa obstacle na 'to in just a blink of an eye. 'Yon ay ang pag-surrender ninyo ng inyong score at tanggal na kayo sa Tournament. So, you all have a choice. It's either be hurt and play, or be safe and quit. Enjoy, Players." Namatay ang nagsisilbing speaker kung saan nagsalita si Kurt.
Sinubukan ko ulit maglakad. Rinig na rinig ko ang mga tinig ng mga kagrupo ko habang nirereklamo nila ang hitsura ng lugar kung nasaan sila ngayon.
I bit my frozen lip. Trying to analyze a plan in order to make it out of here bago pa sumuko ang mga kagrupo ko.
Bumuntong hininga ako. "Kasper!" I yelled out his name. "I need you to help me on this fight."
"I will! I always will!" sigaw naman niya pabalik. Ramdam kong medyo malayo siya sa akin.
"Listen, Dauntless!" sigaw ko. Sinubukan kong idilat nang maayos ang mata ko kahit sobrang naninigas na ang talukap n'on. I tried to put out a fire on my hand pero masyadong malamig kaya namamatay 'yon.
"Remember what I've told you all in the training room? Makinig lang kayo sa boses ko. Ako lang ang pakikinggan ninyo." Nanginginig ang kamay ko habang iniisip ang plano. I don't know if this will work. Pero wala naman sigurong masama na subukan.
"Bawat isa sa atin ay may kapangyarihan na tugma sa lugar kung nasaan tayo. Nasa nagyeyelong lugar ako, at may kapangyarihan akong apoy. Ang iba sa inyo nasa mainit na lugar at may kapangyarihan na yelo o tubig." Hinahabol ko na ang hininga. "Gamitin ninyo ang kapangyarihan niyong 'yon at itaas ang inyong kamay. The illusion that used in this obstacle will turned off as fast as it could. Lalo na kapag salungat ng klima ang inyong kapangyarihan. Magca-crack ang ginamit na machine at makakalabas tayo."
Napatingin ako sa braso kong nagbibitak-bitak na at nagdudugo. "Let's do this!"
**************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top