Chapter 19: In Between
EDITED VERSION
************
Kinabukasan, dumating ako sa training room at naabutan ko silang busy sa bawat obstacle course. Hingal na hingal. Pinagpapawisan. But you can't see a bit of tiredness on their faces. Hindi ko maiwasang hangaan sila. Kahit papaano ay naging mahalaga na sa akin ang team na 'to. They remind me of our team. Me, Isaac and the others.
"Do you know why they're amazing?" asked Kasper. Nilingon ko siya at tinignan nang parang nagtatanong. "Because their leader is amazing." Then he winked.
Hindi ko maiwasang matawa. Binatukan ko siya. "Ang corny mo talaga!" sigaw ko.
He chuckled. He drank his water. Maya-maya ay bigla na siyang sumeryoso. "Althea, can I ask you something?"
"Ano 'yon?" tanong ko. Nakatingin lang siya sa team na busy sa paggawa ng obstacle.
"Can you be my date tomorrow?" he asked that made me stop. Tomorrow is the Enchanted Ball. Kaya busy ang buong Academy sa pag-prepare para sa event bukas. We're busy too because the day after tomorrow will be the annual Tournament. So, today is our last training.
"O-Oo naman," I smiled at him. Though, hindi ko alam kung pupunta ba ako. But since he asked me, sasama na ako. Besides, 'yon na siguro ang tamang panahon para bumawi ako kay Kasper. Pagkatapos nang mga nangyari sa kaniya, ito na lang ang magagawa ko.
"Great!" A genuine smile showed up on his handsome face. Itinutok namin ang aming atensyon sa aming mga estudyante. Kumpara noon, mas nag-improve pa sila lalo. And I can see that they're determined to win. I want to win too. But win or lose, atleast we fought as a team. 'Yon ang mahalaga.
Nang matapos ang first training ngayong araw ay nagtipon-tipon sila. Waiting for me to talk. I cleared my throat. "Listen, everyone! I want to see you all fight there as a team. Not for yourselves. But for this team. Gusto ko lang malaman ninyo na kahit anong mangyari, lalaban tayo nang buo! We will let them see that this is not just a tournament. This is a battle that built us! Gusto kong maalala niyo ang Tournament na 'to hindi dahil sa laban, kun'di nakabuo tayo ng pamilya."
They smiled at me. I can tell they felt what I feel. Heaven stood up. "Miss Althea," she uttered. "They chose a right leader."
Sunod namang tumayo si Chase at Jaeden. "Group hug!" Sabay nilang sigaw. Nagtatakbo sila palapit sa amin ni Kasper at mahigpit kaming niyakap. Lahat sila, naging mahalaga na sa akin.
"Ano pa'ng hinihintay niyo? Back to the training!" sigaw ni Kasper. Naghiyawan naman sila at bumalik na sa training. Tumabi naman sa akin si Kasper at inakbayan ako.
"You know, I'm always proud of you," Kasper said that made me smile.
"Mas proud ako sa 'yo, hindi ko naman 'to kaya kung wala ka, e." Ginulo niya ang buhok ko. "Tara, mag-training na rin tayo."
************
Natapos ang araw na 'yon na pagod na pagod ako dahil sumabay na rin kami ni Kasper sa pag-training. Hindi madali, pero nakaya naman namin. They are all fast learners. Matatalino silang mga estudyante at sigurado akong malayo ang mararating nila.
Nang makaalis na ang ibang estudyante ay napaupo ako sa sahig ng training room. Kasper turned off all the hologram and simulator. Then he offered me a bottled water.
"Pagod ka na. Ihahatid na kita sa dorm mo," he said. It's already nine in the evening. Pero nandito pa rin kami sa training room.
"No, I can manage," I said. Hinubad ko ang suot kong boots. At napangiwi ako nang makitang may sugat na ang paa ko. It's kind of swollen.
"Anong nangyari sa 'yo?" nag-aalalang tanong ni Kasper. Hinawakan pa niya ang paa ko at sinipat 'yon. Umiwas ako ng tingin dahil sa hiya pero parang wala lang 'yon sa kaniya. "May sugat ka. Paano ka makakalakad niyan?"
"Kaya ko pa naman--" he cut me off. Agad siyang tumayo at inayos ang sarili.
"Sandali, hintayin mo ako rito. I'll bring you slippers." Hindi na ako nakapagprotesta nang mabilis siyang lumabas ng training room.
Napabuntong hininga ako at binalot ng katahimikan ang paligid. Muling bumukas ang pinto ng training room. "Ang bilis mo naman--" Natigilan ako nang makita si Isaac. Wearing a leather jacket with a white shirt inside. Napakaguwapo niya. His hair was messy. Ngayon ko lang ulit 'yon nakita nang ganoon.
"Hey, ayos ka lang ba?" Lumapit siya sa akin at tiningnan ang paa ko. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam kung masasaktan ba ako o malulungkot. I missed him.
"A-Anong ginagawa mo rito?" nagtatakang tanong ko.
"Pinuntahan kita sa dorm mo, pero wala ka naman. So, I thought you're here. And I was right," he smiled. A weak smile.
"No, that's not what I meant. Bakit ka nandito? Iniwan mo ang trabaho mo, pero bakit?" I asked. Bumuntong-hininga naman siya at tinignan lang ako.
"Nandito kasi 'yong buhay ko," he answered. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan siya nang ganoon katagal. Nanghihina ako. "Tara, ihahatid na kita sa dorm mo."
"I-I can't walk." Itinuro ko ang paa ko. Nagulat naman ako nang tumalikod siya.
"Piggy back ride?" He offered. Hindi ako makapagsalita. For a moment, gusto kong sapakin ang sarili ko dahil naiiyak nanaman ako. Kung ganito siya, hindi ko napipigilan ang sarili kong mahalin pa siya lalo.
"You don't need to--" he cut me off.
"But I want to." Puno ng sinseridad ang boses niya. Hindi pa rin ako gumagalaw sa puwesto ko.
"Althea, here's a slipper--" Natigilan si Kasper nang makita niya si Isaac. Naka-lean pa rin kasi ito, he's still waiting for me to ride on his back.
I did my best to stand up. Pinagpagan ko ang suot kong jeans. "Kasper..."
"I guess, someone came first," sabi nito. Bakas sa boses niya ang pagkadismaya. "Mauna na ako. May maghahatid naman na sa 'yo." Kasper turned his back on us.
"Kasper!" I called out his name. Tumigil siya sa paglalakad. "Hintayin mo ako, ihahatid mo pa ako, 'di ba?" This time, Isaac was frozen in the spot. Kasi for the first time, hindi ko siya pinili.
Humarap sa amin si Kasper. "Y-You want me to..." Bago pa niya matapos ang sasabihin niya ay tumango na ako at ika-ikang naglakad palapit sa kaniya.
"Althea," I heard Isaac muttered. Ngayon naman ay siya ang nadidismaya. Hindi niya inaasahang gagawin ko 'yon. But I still did.
"Go home, Isaac. Wala na rito ang buhay mo. Please, stop this." Then I walked toward Kasper. Lumuhod siya sa harap ko at isinuot sa akin ang tsinelas.
We walked through the silent hallway. Walang nagsalita sa aming dalawa, hanggang sa makarating kami sa harap ng dorm ko.
"Maraming salamat, Kasper." Nginitian niya lang ako. Pero malungkot pa rin siya. "Hey, bakit ang lungkot mo?"
"I don't know, Althea. Hindi ko alam kung pinili mo ba ako kanina kasi gusto mo, o pinili mo ako kasi wala ka lang choice." Natigilan ako lalo dahil doon. Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko.
"Kasper, look--" hindi na niya ako pinatapos pa at tumawa siya. Isang mapait na tawa na ngayon ko lang narinig galing sa kaniya. Did I hurt him?
"Sana hinayaan mo na lang akong umalis kanina. Sana sumama ka na lang sa kaniya," sabi nito. Hinawakan ko siya sa balikat nang umiwas siya ng tingin sa akin.
"Sumama ako sa 'yo, it is because I want to!" sigaw ko sa kaniya pero muli nanaman siyang tumawa.
"Pinili mo nga ako, pero wala naman sa akin ang puso mo." And with those words, tuluyan na akong hindi nakapagsalita. "I like you, Althea. Gustong-gusto kita."
"Kasper..." Hindi ko na madugtungan pa ang sasabihin ko. Wala na. Wala na akong masabi pa. How did we end up like this? I didn't expect this to happen.
"Don't ask me why. Kasi kahit ako hindi ko masasagot 'yan. Isang araw, gumising na lang ako na gusto na kita. I want to be everything you ever want, Althea," he uttered. A tear fell down from my eye. At nagsunod-sunod na 'yon. Damn it. I should've been more careful of ny actions around him.
"Kasper, I'm sorry..." I said. Parang isang gripo na tumulo ang lahat ng luha ko. "I'm sorry, but all the love I had in me, I already gave it to Isaac. Lahat ng pagmamahal na mayroon ako, nasa kaniya. Na mismo ang pagmamahal ko sa sarili ko, wala nang natira. Sorry, kasi hindi ko na kaya pang magmahal ng iba. Kasper, wala na akong maibibigay sa 'yo..."
He smiled, a weak and sad smile. "I know. I always know." He walked toward me, he held my face with his both hands. Pinunasan niya ang luha ko. And after that, he kissed my forehead. Then he left.
Alam mo 'yung kaunting-kaunti na lang sasabog ka na, kasi sobra na. I don't even know what's worse. Being broken by someone, or breaking someone else's heart.
**************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top