Chapter 18: The Way It Was Before
EDITED VERSION
***********
Althea's POV
"Bangon na!" Isang mabigat na puwersa ang tila nalaglag sa kama ko dahilan para maalarma ako at mahulog pababa sa kama.
"Damn it!" Napakahawak ako sa ulo kong tumama sa sahig. Hinipan ko ang buhok na nakaharang sa mukha ko at sinamaan ng tingin si Kasper na tumatawa habang nakahiga sa kama ko. "That's not funny, you moron!" singhal ko.
"Well, it is for me." Then he winked. This guy! Habang tumatagal mas lumalala ang kakulitan niya. Kapag hindi pa talaga siya tumigil, masasaktan ko na siya.
Umupo ako sa kama. "Anong ginagawa mo rito?" tanong ko. Umupo naman siya sa tabi ko at inayos ang magulo kong buhok. Kailangan ko na talagang lagyan ng kadena ang pinto ko.
"May training tayo ngayon, hindi ka puwedeng ma-late katulad kahapon at noong isang araw. Dalawang araw na lang, Tournament na. We don't have time to slack off." Agad akong natigilan sa sinabi niya. I've been having trouble sleeping, pati sa training nahihirapan na rin akong mag-focus. Kapag nagtuloy-tuloy pa 'to, baka maapektuhan na pati ang Tournament. I need to keep myself together.
"I'm sorry," ang tanging nasabi ko na lang. Nginitian niya ako at ginulo pa lalo ang buhok ko. I'm thankful Kasper is always here to help me.
"The pain is still there, isn't it?" tanong niya. Hindi ako nakasagot. Wala akong gustong isagot. Kasi paano ko sasabihing ayaw ko na nang ganito? "Tignan mo nga 'yang mata mo, magang-maga. Isang linggo ka ng ganiyan."
Yeah, it's been one week magmula nang mangyari ang lahat. Ang paghabol sa akin ng mga espiya na 'yon, ang pagsaksak nila kay Kasper, at ang paghihiwalay namin ni Isaac. Sino nga bang mag-aakalang hahantong ang lahat sa ganito?
"Mag-ayos ka na. Then let's meet on the dining hall. Dalian mo, a!" utos niya sa akin at lumabas na sa dorm ko.
Pinagmasdan ko lang siyang umalis habang nakaupo sa kama. Kasper explained to me everything. Kung paano niya nalaman kung nasaan ako nang araw na 'yon. He followed me. Nagpapasalamat ako dahil ginawa niya 'yon. Pero siya naman ang napunta sa bingit ng kamatayan.
Apat na araw na na-confine si Kasper, habang ako naman ay sa dorm na lang nagpagaling. While Isaac? Wala na akong balita sa kaniya sa loob ng isang linggo na nagdaan. No texts. No calls. No presence of him. He didn't even bother to talk to me in person. I felt so disappointed. Gusto ko lang naman ang makitang mag-effort din siya. But I guess that will never gonna happen.
Naligo ako at kaagad na nagbihis. Bukas na ang last training namin at sa susunod na araw, Enchanted Ball na. Then the day after that, it's the annual Tournament. Magiging busy ang buong Academy dahil sinisimulan ng ayusin ang basement hall kung saan magaganap ang laban.
Ang grand hall naman, doon puwedeng manood ang mga estudyante. Makikita nila kung ano ang nangyayari sa loob ng Tournament.
Nilakad ko ang tahimik na hallway, wala masyadong estudyante dahil ang iba ay nasa klase, ang iba ay kumakain sa dining hall. Nang makarating ako roon ay kaagad kong natanaw si Kasper. I sat beside him. May mga pagkain na sa harap namin.
"Napakatagal mo, alam mo ba 'yon?" inis niyang sabi pero tinawanan ko lang siya at nagsimula nang kumain. Pero bigla akong natigilan nang mag-on ang radio sa buong hall. At tumugtog ang napakapamilyar na kanta.
I met you in the dark, you lit me up
You made me feel as though, I was enough. We dance the night away,
We drunk too much, I held your hair
back when you were throwing up
Then you smiled over your shoulder
For a minute I was stone cold sober
I pulled you closer to my chest
And you ask me to stay over
I said I already told you,
I think that you should get some rest
Hindi ko maiwasang magtaka. Binubuksan lang nila ang radio kapag mahalaga ang announcement. Hindi para magpatugtog ng--What the hell is going on?
"Can someone just turn that off?" naiinis kong sabi, more on sa sarili ko. Teka, bakit ba ako naiinis? It's just a freaking song!
Yeah, right. It's not just a song to me. Unang beses kong narinig na kumanta si Isaac at 'yan ang kinanta niya noon. How ironic to hear that now. Parang bumabalik pa rin ako sa araw na 'yon.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kasper. He caressed my back when he noticed I wasn't comfortable. I heaved a sigh.
"No, I'm not. Susunod na lang ako sa training room. I'm done here," I said. Tumayo ako at naglakad paalis. Nang tuluyan akong makalabas sa dining hall ay may humarang na isang lalaking estudyante sa harap ko.
"Can I help you?" nagtataka kong tanong. Nagulat ako nang inabutan niya ako ng isang rosas. Nagtataka man ay kinuha ko 'yon at tiningnan siya ulit.
"Your eyes are beautiful. In fact, you're beautiful. Not just your eyes," then he left. Napanganga ako. Did that guy actually said that? That is the exact thing Isaac said noong bago pa lang ako rito sa Alexandria Academy. Okay, what the hell is going on?
"You are beautiful. You don't have to hid your eyes and your face." Nanlaki ang mata ko at nang mahimasmasan ako ay wala na roon ang estudyanteng 'yon at napapikit ako sa frustration. Ang mga salitang 'yon. Ang sinabi sa akin ni Isaac noong unang beses niyang makita ang mata ko. Napasapo ako sa ulo ko at umiling. No, stop remembering those times. Damn it.
Naglakad ako papunta sa office ni Kurt. Gusto kong malaman kung ano na ang balita tungkol sa Ama ko. Nang makarating ako ro'n ay natigilan ako nang makarinig ng tawanan sa loob. I opened the door and I was frozen in spot. They were all sitting on swivel chairs. Masaya. Nagtatawanan. And just like the old times. Hindi lang 'yon ang napansin ko, they're wearing casual clothes which is unusual now that they've never wear clothes like that anymore.
"Anong mayroon?" tanong ko. They all looked at me. Nilapitan ako ni Kristian at inalalayang umupo sa isang swivel chair. "Seriously, why the hell are you all acting so strange?"
Kurt chuckled. "Isn't it obvious? We missed the old times. Our carefree lives. We missed the times na wala pa tayong masyadong iniintindi sa buhay."
"Consider this day as the good old times, 'Thea," said Lydia. Kahit nagtataka ay binalewala ko na lang ang pag-iisip. We spent half of the day laughing about things that we did when we were teenagers. I admit, I missed this. Minsan na lang mangyari ang mga ganitong bagay, but it's strange to think that this day is making me remember Isaac so much.
"Okay. As much as I want to talk more, kailangan ko nang bumalik sa training," sabi ko. Then I stood up. Kailangan ko nang mag-focus sa training dahil ilang araw na akong hindi nakakapag-training nang maayos.
"Sasabay na rin ako," sabi naman ni Lydia. Sabay kaming nagpaalam at umalis doon. As we walked on the hallway, Lydia stopped. "Mauna ka na, may kukunin lang ako sa dorm." Tumango lang ako at nauna na sa kaniya.
Hindi ko maiwasang magtaka nang mapansing wala man lang naglalakad ni isa sa hallway. It's lunch time, dapat ay maraming estudyante ngayon. What the hell is wrong with this school today? Lumiko ako sa isang hallway at napaatras ako nang mauntog ako sa isang bulto.
"I'm sorry--" I was shocked when I saw him. What the hell are you doing here, Isaac? Nakasuot din siya ng casual attire at magulo ang buhok niya. He looks exactly like the teenager Isaac, at hindi komapigilang titigan kung gaano kaayos ang itsura niya ngayon.
"Hey," he uttered. Hindi ko maiwasang mainis at magtaka. Maayos ang itsura niya. No puffy eyes. There's no track of frustration or anything. Bakit? Bakit parang wala lang sa kaniya ang lahat? Samantalang ako, halos hindi na matulog?
"Excuse me." Dinaanan ko lang siya. Tumulo na ang luha sa mga mata ko. This whole week that I cried myself to sleep, para akong naging tanga. No, scratch that. I'm stupid. Umiiyak ako, pero habang siya? Wala lang. Nakakatanga!
"Althea!" He yelled my name that made me stop. Hindi ko siya nilingon. Ayaw kong makita niya na umiiyak ako. Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. "Ang manhid mo pa rin, alam mo ba 'yon?"
Natigilan ako. Hindi nakapagsalita. This is so familiar. And that strike in me. Manhid? 'Yon ang sinabi niya sa akin noong sinabi niyang gusto niya akong protektahan. Manhid pa rin ba ako ngayon, Isaac? O ikaw kasi hindi ka nasasaktan samantalang ako hirap na hirap nang bumangon?
Natigilan ako nang hilahin ako ni Isaac papasok sa isang bakanteng classroom. Nakapatay ang ilaw at titig na titig lang siya sa akin.
"Remember that day? In this exact room, in this exact place, I told you I like you and I'm jealous," Isaac said. At sa isang iglap lang bumuhos na ang mga memorya namin noon. I remember, Isaac. Kahit kailan hindi ko 'yon makakalimutan.
Napatingin ako sa pader malapit sa pinto, nandoon pa rin ang marka ng kamao niya na bumutas sa pader sa sobrang selos niya. A tear fell down from my eye. Lalo na nang lumapit siya sa akin at iniharap ako sa kaniya. Hindi ako makatingin.
"Look at me, Althea Genovie," utos niya pero hindi ako lumingon dahil patuloy pa rin ako sa pagluha. "Look at me, and that's the order of the former president of Alexandria Academy. You choose, either you break it. Or I'll break you."
Unti-unti akong napalingon sa kaniya. Ngayon, nakikita ko na kung gaano siya kalungkot. His green eyes were devastated. "Gusto kong maalala mo ang lahat, kung saan tayo nagsimula, kung paano kita minahal, at kung paano mo binago ang buhay ko."
Gusto kong magsalita. Magprotesta. Magalit. Pero hindi ko kaya. Everything he says, melts my heart. Isaac, fuck you for confusing me again. I hate that I love you so much and it's killing me.
It all made sense now. Ang kanta kanina sa dining hall, ang pagbabalik nina Kurt sa nakaraan, ang lalaking nag-abot sa akin ng rose kanina, at ngayon. Pinaaalala niya sa akin ang lahat. Kung paano ako nahulog sa kaniya. Lahat ng 'yon, kahit kailan hindi ko makalilimutan. Paano ko kakalimutan ang mga bagay na bumuo sa akin? Tell me, how can I forget this guy in front of me?
"I'll never stop winning you back, Althea. Damn, magkamatayan na, pero hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin. Always. Remember. That." Then he reach for my hand and kissed it. And just like that, he disappeared.
A tear fell down from my eye. And then a smile became visible on my lips. Stop, heart. Mahirap malunod sa taong hanggang ngayon, hindi pa rin handang sagipin ka.
**************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top