Chapter 11: Walking Out
EDITED VERSION
**********
Althea's POV
"No, Chase! Mali 'yang ginagawa mo!" Kasper yelled at Chase. Nakapiring siya habang hawak ang crossbow. Kung saan-saan niya lang pinapakawalan ang arrow nang hindi man lang pinag-iisipan.
"Delton, stop playing with that axe, ano ba?!" hindi ko maiwasang sigawan sila. At wala rin silang alam gawin kun'di mag-sorry. I don't want to be like this. Ayaw ko silang sigawan, pero wala akong choice dahil hindi sila nakikinig.
"Gennie, bakit nakatayo ka lang diyan?! Do your task!" Um-oo naman siya at wala sa sariling kumuha ng crossbow.
"Miss Althea--"
"What?!" Hindi ko maiwasang masigawan din ang babaeng lumapit sa akin. Halata namang natakot siya kaya natauhan na ako bigla. "I'm sorry, pagod lang ako. Bakit?"
"Ipinapatawag po kayo ni Sir Kurt sa office niya." Nanginginig pa siya kaya hindi ko maiwasang mainis sa sarili ko. Masyado na akong dinadala ng pagod. Umalis na ang babae at napabuntong-hininga ako.
"Hey, Althea. Are you okay?" Kasper asked. Nginitian ko siya. A fake half smile.
"I'm fine. Don't worry. Ikaw na muna ang bahala rito. Kurt asked me to come." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na ako. May ilang mga estudyante akong nakakasalubong na yumuyuko sa akin pero hindi ko sila magawang ngitian. Ano bang nangyayari sa akin?
Napalinga-linga ako sa paligid. May nagmamanman sa akin. Hindi lang gabi, pati araw ay parang may nanonood sa bawat kilos ko. And it started to freak me out. Pakiramdam ko hindi ako ligtas. I tried to tell Isaac about it, pero sinabi niya na baka raw masyado lang akong pagod at napa-paranoid. But I know, I'm not! kaya hindi ko na ulit sinabi sa kaniya ang tungkol doon.
Naabutan kong bukas ang pinto ng opisina ni Kurt, papasok na sana ako pero narinig kong may nag-uusap sa loob. I don't want to listen but I heard my name.
"Kurt, hindi mo muna dapat 'to sabihin kay Althea." I heard Cath's voice. "She'll freak out!"
"Alam ko 'yon, pero karapatan din niyang malaman--"
"Ang alin?" tanong ko. Pumasok ako sa loob at halatang nagulat sila sa pagdating ko. "Ano ang dapat kong malaman?"
Hindi agad sila nakasagot at nagkatinginan sila na parang nagdadalawang-isip kung sasabihin ba sa akin. "Wala! pinapunta ka lang ni Kurt dito para sabihing goodluck sa Tournament." Cath smiled, a fake one.
"Cath!" Kurt hissed at tiningnan niya nang masama si Cath.
"Cath, may tinatago nanaman ba kayo sa akin?" tanong ko. Napabuntong-hininga naman sila at lumapit na sa akin si Cath. She hugged me so, tightly. Pagkatapos ay tinitigan ako.
"Kaya ko lang naman gustong itago sa 'yo ang lahat ay ayaw ko nang masaktan ka pa," paliwanag niya. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya para ipakitang ayos lang at naiintindihan ko.
"I've prepared myself from all the pain this world has to give, Cath. Kaya sige na, sabihin niyo na sa akin." I smiled to them.
"The investigator came earlier and gave this to us." Lumapit sa akin si Kurt at iniabot ang isang brown envelope. Binuksan ko 'yon at may ilang larawan na nandoon. Agad ko 'yong kinuha at natutop ako sa nakita.
"Is this my Dad?" tukoy ko sa lalaking nasa larawan. Hindi niya alam na kinukuhanan na pala siya ng litrato. Seryoso ang kaniyang aura at hindi mapagkakailang kamukha ko siya. Pero nagtaka ako nang puro sugat siya at malayo sa iniisip kong kalagayan niya.
"'Thea, your Dad is alive," sambit ni Kurt. Pinigilan ko ang luha na tumulo mula sa aking mata. Ngayong may ebidensyang buhay nga siya, hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Should I be glad that he's alive?
"Kung ganoon nasaan na siya?" nagtataka kong tanong. Nagkatinginan muna sila.
"Walang nakakaalam. 'Yong investigator na nagdala niyan kanina, He didn't tell Elijah's whereabouts. Mukha siyang kinakabahan kanina at wala sa sarili. Palagay ko ay nalaman ni Elijah ang tungkol sa investigation at pinagbantaan ito," said Kurt.
Imposible, sa larawan ay mukhang walang kaalam-alam si Elijah at parang wala rin siyang lakas lumaban kaya paano nangyari 'yon?
"It means we're not safe anymore. Baka pagala-gala na ang mga tauhan ni Elijah rito sa loob at labas ng Academy," ani Cath. I sighed and thought about last night up until now. I feel like someone is following me. Ibig sabihin, konektado rin 'yon sa Ama ko?
"Anong pakay niya?" natigilan sila sa tanong ko. "May hindi kayo nakita sa loob ng envelope." Inilabas ko ang isang papel na may bakas ng dugo. Agad naman akong binalot ng kaba.
"Is that..." May halong pandidiri sa boses ni Kurt. "...human blood?"
Hindi ko siya sinagot at binuklat ko ang papel. May nakasulat doon gamit ang dugo.
Animal's blood. Next time, it's from someone very important to you, Althea. Join me, and no one's going to die.
Walang nakalagay na pangalan doon pero alam ko na agad kung sino 'yon. "Ano'ng nakalagay?" hinila ni Kurt ang papel at natahimik sila nang mabasa 'yon.
"I have to leave." Kinuha ko ang papel at umalis na ro'n. Lutang akong naglalakad sa hallway at parang walang pumapasok sa isip ko. Nang makarating ako sa training room ay wala pa rin ako sa sarili. My father wants me to join him. Bumalik siya para roon? For once, he never thought about being good, huh? Ni minsan ba, hindi niya naisip maging ama sa akin?
"Hey, Althea. Anong nangyari?" nagtatakang tanong ni Kasper. "You look bothered."
"No, I'm okay." Ayaw ko munang ipaalam sa iba ang nalaman namin. Pagkapasok ko sa training room ay natigilan ako. "Anong ginagawa ninyo?!"
"Sorry, Althea. Sobrang gulo nila. Hindi ko sila ma-handle," Kasper said. Nakakalat ang ibang sandata. Nakapatay din ang hologram at simulator. Ang tanging mga hawak lang nila ay mga weapon. Magkaka-partner sila at kinakalaban nila ang isa't isa.
"All of you, stop!" sigaw ko. Napalingon sila sa akin at natigilan sa lakas ng boses ko. Ngayon lang nila ako nakitang ganito. "Hindi ba't sinabi ko na sa inyo na hindi ninyo puwedeng gamitin ang mga sandatang 'yan laban sa isa't isa? You'll end up hurting each other!"
Agad naman nilang binitawan ang mga hawak nila. Naglakad sila palapit sa akin at sabay-sabay na yumuko. "Nag-practice lang po kami ng ganito kasi nahihirapan po kami sa mga obstacle," paliwanag ni Clark.
Napasapo ako sa ulo ko. Sumasakit na ang ulo ko at dumagdag pa ang pagiging pasaway nila. "Kaya nga tayo nandito, e. Para matuto kayo! It's hard, I know. Pero kaya 'yon ituturo, kasi 'yon ang lalaruin ninyo sa Tournament!"
Kasper stopped me. "Tama na 'yan, Althea--"
"No, Kasper. I want them to see the potential I saw in each one of them. Pero kung miski ang sarili nila ay hindi nila pinagkakatiwalaan, tapos na ang trabaho ko rito. Bahala na kayo."
I walked out. Lumabas ako sa Academy at pumunta sa Crystal Falls. Nang makarating ako ro'n ay sumigaw ako sa inis. My whole being was filled of frustration and anger. I'm angry knowing that my Father is alive but all he wants to do are bad things. Kahit kailan ba, hindi man kang niya naisipang may anak siya na kailangan ng isang ama?
"Sige, ilabas mo lang 'yan." Nagulat ako nang magsalita si Kasper sa likod ko. I wiped away my tears.
"Bakit mo ko sinundan?" Umupo ako sa damo na kaharap ng falls. Umupo naman siya sa tabi ko at saglit kaming hindi nagsalita. Kumuha siya ng maliliit na bato at isa-isa niyang ibinabato 'yon sa tubig.
"Sometimes, people can be someone we didn't expect them to be," nang sabihin niya 'yon ay parang isang falls ang mata ko, at nagsimula nang tumulo ang mga luha rito. I can't believe I'm crying like this again.
"Akala ko kasi may tyansa pang magbago ang ama ko," sabi ko habang patuloy na nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. "Iniisip ko na baka kapag nalaman niyang may anak siya, magagawa niyang baguhin ang sarili niya at maging mabuti para sa akin. Kaya ko naman siyang patawarin, e. Kahit ipinatapon niya ako noon. I can endure all of that. Kaya kong tanggapin 'yong sakit. Pero sa pagkakataon na 'to, sobra na..."
"...akala ko, kaya niya piniling mabuhay ay para magbago." Hindi ko maiwasang mapahagulgol. Hinila ako ni Kasper palapit sa kaniya at mahigpit akong niyakap. Sa bisig niya ako umiyak nang umiyak.
"Nandito lang ako, Althea. At hangga't kaya ko, hindi ako aalis."
*************
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top