Chapter 32: Destruction
EDITED VERSION
*******
Althea's POV
Lumipas ang ilang minutong nakaupo ako sa ilalim ng puno at nagpapahinga. Hanggang sa naisipan ko nang kumilos dahil lumilipas na rin ang oras. I already encountered four monsters. Ang ibang parte ng damit ko ay punit na at punong-puno ng dugo. Mabuti na lang at may tube ako sa loob. Exposed ang ilang parte ng balikat ko, mabuti na lang at hindi gaanong malamig dito. My jeans were slightly ripped on the knee part dahil sa halimaw kanina na hinila ang binti ko gamit ang mahaba nitong kuko. My bare arm was already wounded. My points keep on rising as I encounter monsters.
I already have five points. Habang nagtatagal ang tournament, mas lalo kong nararamdaman ang panghihina ng katawan ko, pero kahit isa sa teammate ko, hindi ko pa nakikita.
Natigil ako sa paglalakad nang makarinig ng kaluskos sa kaliwang bahagi ng tinatahak kong direksyon. Nagtaasan ang balahibo sa katawan ko nang makarinig ng pamilyar na ungol ng isang halimaw. Lumingon ako at hindi nga ako nagkamali. There's a monster standing and looking at me as if it wants to devour me. Oh crap.
Bagsak ang balikat ko dahil halos kakatapos ko lang pumatay ng halimaw at kumikirot pa ang sugat ko pero ito nanaman at may panibagong halimaw nanaman akong papatayin.
I ran, nagtago ako sa likod ng puno at inilabas ang ginawa kong sandata na gawa sa sanga ng puno. Matulis ang dulo nito at sapat na para makapatay ng halimaw.
Umungol nang malakas ang halimaw at napadausdos ako sa lupa nang biglang hugutin ng halimaw ang puno na tinataguan ko mula sa lupa at hinagis ito sa malayo. Kumpara sa mga na-encounter ko kanina, mas malaki ito at mas malakas. Tatakbo na sana ako nang hilahin niya ang paa ko at ramdam ko ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko. Kaya halos mapaiyak na ako sa labis na sakit. Hinihila niya ako palapit sa kaniya pero pinipilit kong abutin ang panaksak na nahulog at nabitawan ko kanina. Pero hindi ko magawang maabot.
"Shit!" I cursed at napapikit na ako sa labis na sakit. Mas lalo pa niya akong hinila at mabuti na lang na agad kong nakuha ang sandat at sinaksak siya sa kamay kaya nabitawan niya ako.
Ika-ika akong tumayo at binilisan ang pagtakbo habang iniinda niya ang sugat. Nagtago ulit ako sa isang puno hindi kalayuan sa kaniya. Hawak ko parin ang binti kong walang tigil sa pagdugo at pagkirot. My breathing became rigid as pain enveloped me. Napapikit ako sa sakit at mahigpit na napahawak sa sandata. Naririnig ko ang palapit na paghakbang ng halimaw.
Nag-isip ako ng paraan at dumako ang tingin ko sa isang sapa na nasa di kalayuan sa pinepuwestuhan ko. Pero hindi 'yon ang nagpatigil sa akin. Mayroong sanga ng puno na nasa gilid ng sapa at ang isang dulo nito ay matulis.
Kung ang ginawa kong sandata ang gagamitin ko sa pagpatay sa halimaw, hindi ako magtatagumpay dahil masyadong maliit ito para sa halimaw na triple ang laki sa akin.
Nang makaisip ako ng plano, sinilip ko ang halimaw at medyo malayo pa siya sa akin. Kaya tumayo ako at hinarap siya.
"Hey!" Napalingon siya sa akin at nagngitngit ang ngipin niyang naglalaway. "Come and get me!" Tumakbo ako papunta sa sanga at narinig kong hinahabol niya ako. Sinikap kong tumakbo kahit na nagdudugo pa rin ang sugat ko at anumang oras ay maaari akong himatayin sa sakit na lumulukob na sa binti at braso ko.
Muling umungol nang malakas ang halimaw at ramdam kong sobrang lapit na niya sa akin. Hindi na ako nagtataka. Doble ang laki sa akin ng halimaw at malalaki ang hakbang nito kaya mabilis niya akong mahahabol. Pero kailangan ko paring magawa ang plano ko.
Nang makalapit na ako sa sanga, mas binilisan ko ang takbo at pinulot ang may kabigatang sanga. Iniangat ko yun at humarap sa halimaw kasabay ng pagtalon niya sa akin ay tumusok sa dibdib niya ang sanga at tumalisik din ako sa tubig.
Umahon ako at napangiwi ako nang lukubin ng tubig ang sugat ko na dumudugo at kumikirot. Nakita ko ang halimaw na patay at nakatusok dito ang sanga sa may dibdib niya.
Umupo ako sa gilid ng sapa at uminom ng tubig. Kanina pa ako nauuhaw at buti na lang na may sapa rito. Pero wala pa ring tigil sa pagdugo ang binti ko kahit pa hinugasan ko na ito.
Naglakad ako ulit at nag-blink nanaman ang braso ko. It means, nadagdagan na ang puntos ko.
"Hey there!" Halos mapatalon ako sa gulat nang sumulpot sa harap ko si Sophia. Ang isa sa miyembro ng Magical University. Her familiar grin showed up. Sana kagrupo ko na lang ang nakita ko, kaysa siya.
"Ano'ng kailangan mo?" walang gana kong sabi habang diretso pa rin ako sa paglalakad nang paika-ika.
"Nothing. Just your points," she said with her monotone voice. Pero tumawa lang ako. Nakita ko ang pagkainis sa boses niya dahil sa pagtawa ko. "What's so funny, loser?"
Tumigil ako sa pagtawa pero hindi parin naaalis sa mukha ko ang ngisi. "Ikaw. Nakakatawa ka. And don't call me loser. Luma na yan, e. Wala bang bago? And bitch please, I have no time for your bullshits."
"Ano'ng sinabi mo?" Nakakuyom ang palad niya habang nakatingin sa akin nang masama.
"Ang alin do'n? Yung tinawag kitang bitch o yung sinabi kong wala akong oras sa 'yo?" I sarcastically said that made her angry even more. Naaalala ko sa kaniya si Mary. Wala pala talagang pinipiling lugar ang mga bully, ano? Kahit dito sa loob ng tournament, mayroon din.
"You, bitch! Tingnan na lang natin kung makalaban ka sa akin!" Naglabas siya ng yelo at inihagis sa akin na agad ko namang iniwasan.
Napamura ako sa galit. "Stop it!" Nilabas ko ang nag-iisa kong sandata at mariin ko 'yong hinawakan. "I'll deal with you later. Kapag napatay ko na ang halimaw na nasa likod mo."
Nakita ko ang pagkagulat at takot sa mukha niya. Napalingon siya sa likod niya at nakita niya ang halimaw na nakatayo sa likod niya kaya tumakbo siya sa direksiyon ko.
"Ano pa hinihintay mo? Kill that ugly monster!" maarte niyang sabi habang hawak ang laylayan ng damit ko.
"Tss. Takot ka rin pala, e." Hinawi ko ang braso niyang nakakapit sa akin. Baka mapunit pa lalo ang damit ko sa ginagawa niya. Nakasunod siya sa akin nang magtago ako sa likod ng isang punong-kahoy. Nag-isip ako ng plano dahil kung gusto kong makita ang mga teammate ko, kailangan ko munang patayin ang halimaw.
"Hey, listen. Can you be my trap?" mariin kong tanong. Nagbabaka sakali akong pumayag siya. Agad namang nagbago ang ekspreyon ng mukha niya.
"Are you insane?! Ayaw ko nga!"
"Diyan ka na nga!" Iniwan ko siya roon at sinugod ang halimaw. "Hoy!" Lumingon ito sa akin atsaka ko inihagis ang pangsaksak ko at bumulusok 'yon papunta sa kaniya. Pero nagulat ako nang nasalo niya 'yon gamit ang kamay niya. "Shit!" Tumakbo ako pero agad niyang nahawakan ang balikat ko at bumaon doon ang kuko niya dahilan para mapangiwi ako sa sakit.
Hinawakan ko ang kamay niya at naglabas ng apoy kaya agad na nalapnos ang kamay niya. Agad niya kong nabitawan kaya bumagsak ako sa lupa. Hindi pa rin ako makatayo at nanlalabo na ang paningin ko. Narinig ko ang pagputol ng isang kahoy at gawa 'yon ng halimaw. Akmang itutusok sa akin ang sanga nang biglang nangyari ang hindi ko inaasahan.
"Althea!" sigaw ni Sophia. Itinulak niya ako at siya ang nasaksak ng sanga. Nanlaki ang mata ko nang tumagos ang sanga sa tiyan niya at lumuwa siya ng napakaraming dugo.
"No, Sophia!" Sinikap kong tumayo at hinugot ko ang sanga sa halimaw kanina na pinatay ko at sinaksak 'yon sa halimaw. Kaya namatay ito. Bahagyang yumanig ang lupa sa pagbagsak ng halimaw kasabay no'n ang katawan ni Sophia.
Pero sinalo ko siya. Patuloy pa rin sa pagtulo ang luha ko. Hindi kami magkakampi pero mas pinili niyang tulungan ako. Nanginginig ang mga kamay kong napuno nanaman ng dugo dahil sa pag-agos ng maraming dugo galing sa kaniya.
"W-Why the hell are you crying?" Garagal na ang boses nito at halatang hinang-hina na. Patuloy pa rin sa paglabas ang dugo sa bibig niya.
"Hush. Hahanap ako ng tulong--" Hindi na niya ako pinatapos pa.
"I don't need help." Mas lalong tumulo ang luha sa mga mata ko. Kahit halos mawalan na siya ng buhay, ang tigas pa rin talaga ng ulo niya. "I-I joined this tournament kasi alam kong maliit ang tyansa na makakabalik tayo. I chose this because I want my life to end here. Kung saan namatay si Rhian."
Natigilan ako. She and Rhian are friends, too. Base sa kaniyang pagsalita ay mukhang malaki ang impact nang pagkawala ni Rhian sa buhay niya. Pumikit siya at humihina na ang paghinga niya na para bang hirap na hirap na siya.
"No. don't close your eyes, Sophia! Goddamn it!" singhal ko sa kaniya. Umubo siya ng dugo at tumingala siya sa kalangitan.
"H-Hindi ko na kaya, Althea. I need to rest. But before that, c-can you do something for me?" Tumango ako bilang sagot at pinunasan ko ang luha ko. "Take care of Isaac, please? Rhian loved him so much at alam kong masaya na siya para kay Isaac. He really loves you."
Parang winawasak ang puso ko. Gusto kong magalit sa lahat ng tao, gusto kong mainis kasi si Rhian nanaman. Pero ano ba ang laban ko sa babaeng mahal ng lahat? Ano ang laban ko sa taong una nilang minahal? At kapatid ko pa rin si Rhian. Wala akong laban kahit pagbali-baliktarin man ang mundo.
Tumango ako kahit pa hindi ko sigurado. "O-Oo. Mamahalin ko siya." Siguro nga, patuloy ko pa ring mamahalin si Isaac. Gagawin ko 'yon sa malayo. Mamahalin ko siya hanggang sa mapagod na ang puso ko at kusa na lang sumuko.
Ngumiti siya nang mapait. "Be brave, Althea. Gusto kong mabuhay ka pagkatapos nitong Tournament. H-Huwag mong sayangin ang pagliligtas ko sayo.
"I will. Now, rest." Tumango siya at ipinikit niya ang mata niya. Naramdaman kong bumagsak ang kamay niya sa lupa, at nag-unahan ang mga luha ko sa pagpatak. Napahagulgol ako, ni hindi ko na maramdaman ang sakit ng mga sugat ko. She sacrificed herself for me.
"I promise, Sophia. Mabubuhay ako." Isinandal ko ang katawan niya sa puno at dahan-dahan akong tumayo.
Ika-ika akong naglakad papunta sa sapa at muli kong nilinis ang katawan kong napuno ng dugo pagkatapos ay nagsimula na ako muling maglakad kahit pa hinang-hina na ang katawan ko.
But whatever it takes, I'll live. Just like what I promised to Sophia. I'll face everything with all that I have.
********
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top