Chapter 11: It's Nothing
EDITED VERSION
*****
Althea's POV
Isang linggo na ang lumipas simula nang mangyari 'yong sa rooftop. It shouldn't bother me, but it did. Hindi ko lubos maisip kung bakit niya 'yon ginawa at bakit hinayaan ko siyang gawin 'yon.
Ngayon din ang araw na dadalaw kami sa Magical University. Magkakasama kaming buong grupo sa isang kotse. Nag-uusap sila habang ako ay tahimik lang. Napansin naman nila ang pagiging tahimik ko lately. Gusto kong sabihin na kasalanan 'yon lahat ni Isaac. Shit.
"Althea, ang tahimik mo nanaman. May problema ka ba? You can open it up to us," sabi ni Cath.
Agad naman akong umiling. Kadalasan kapag may problema ako ay sa akin lang. Ayaw kong sinasabi sa iba dahil wala rin naman akong kaibigan. "Ayos lang ako."
Madaling araw kaming umalis sa Academy dahil kailangan daw naming pumunta nang maaga sa Magical University. Dalawang sasakyan ang nagamit namin. Ang isa, kay Mr. Scott at sa asawa niya. Kasama niya si Mr. hawkins, at Mrs. Athena.
Sila raw kasi ang taon-taong naghahawak ng Tournament. Napabuntong hininga ako. I don't know where are we going. Basta't ang alam ko lang ay tinatawag itong Magical University. Siguro ay tulad din ito ng Alexandria Academy. A school where students are well-trained.
Nakatanaw lamang ako sa labas ng sasakyan. Napakaganda ng lugar na dinaraanan namin. Payapa, puro puno.
Winawagayway ng malakas na hangin ang mga matataas na punong nadaraanan namin. Oo nga pala, semester break na sa former school ko. Kumusta na kaya ang mundong kinalakhan ko? Nagsisimula na ang season ng tag-ulan.
Unti-unting dumausdos sa salamin ng kotse ang mga patak ng ulan. It's raining. Pero 'yon ang gusto ko. Pakiramdam ko kasi kapag umuulan ay sinasabayan ng kalangitan ang nararamdaman ko.
"May naaalala ka ba kapag umuulan?" Napalingon ako kay Kristian. Siya kasi ang katabi ko. Atsaka si Lydia. Nasa harap naman namin si Kurt, Cath, at Isaac na nagkukuwentuhan tungkol sa mga makakalaban daw namin.
"Marami." Muli akong napatingin sa kalangitan. Kapag umuulan, kaunti lang ang tao sa daan. I always take that as an opportunity to go out and feel the rain.
"Lahat tayo ay may naaalala kapag umuulan." Napatigilan ako sa sinabi ni Kristian. Doon ko lang napansin na tumahimik ang iba naming kasama. Isaac is holding his phone, Kurt is sleeping as well as Cath while leaning unto him. Si Lydia naman ay nakasandal lang sa bintana ng kotse at tahimik na nakatingin sa labas.
"Anong ibig mong sabihin?" nagtataka kong tanong.
"Si Lydia, she hates rain. Kaya nga kapag umuulan, mas pinipili niyang magkulong sa dorm niya. It was rainy season when her bestfriend died, Rian. She can't get over it." Doon na ako tila natauhan. Rian is dead? Kaya ba ganoon na lang ang pagpapahalaga ni Isaac sa dorm na 'yon? Napapikit ako. Ganoon nga siguro nila kamahal si Rian.
"Kurt and Cath broke up and that was rainy season. Hadlang kasi ang lahat sa relasyon nila. They said we are too young for love. Pero may tamang edad ba sa pagmamahal?" He sligjtly chuckled. "They tend to judge what they don't understand."
Napatingin ako kay Cath at Kurt. Maybe it is really hard for them to overcome that kind of circumstance. Lalo pa't hadlang ang lahat sa kanila.
"But for me? I really love rainy season," sabi ni Kristian. Nakatingin siya kay Lydia at doon ko naunawaan ang lahat. They're in a relationship, too. Just like Cath and Kurt. "Sinagot niya ako saktong unang araw ng tag-ulan at para sa akin ay wala ng mas gaganda pa roon."
It's both amazing and terrifying love can be. It can change and destroy you at the same time. Kaya natatakot din akong magmahal. 'Yon ay kung may magmamahal sa akin. But I doubt that. Wala ng magmamahal sa akin at tanggap ko na 'yon.
Napatingin ako kay Isaac. Kristian looked at him, too. "Isaac hates rain. Dahil namatay si Rian. Ang babaeng nakapagpabago ng buhay niya. Isaac..." saglit siyang tumigil sa pagsasalita. "...loved Rian more than he loves himself."
"Nandito na tayo." Nahinto ang pag-uusap namin nang magsalita ang driver. I shook my head trying to forget what Kristian said. Hindi ako dapat maapektuhan doon.
Sumilip ako sa bintana upang makita ang hitsura ng University at doon na ako tuluyang natigilan. Magical University is castle-like school that can take yout breath away. There are bermuda grass everywhere, hanging plants along the sidewalks, and there is also a water fountain in front of the grand entrance of the school.
Sumunod ako sa paglalakad papasok sa loob ng University. I stood there in shock. This place is too amusing. Paintings, pictures and frames are lining the wall. the floor is carpeted. And the ceiling is high with a lot of chandeliers that lights up the whole floor with its glamorous light. The walls are cream-colored, hindi ako makapaniwala sa mga nasasaksihan ko ngayon.
Pumasok kami sa isang mataas na wooden door and an office greeted us. Mayroong chandelier sa pinakagitnang ceiling, mayroon ding fireplace, there are bookshelves on the wall that makes the room more elegant.
Nilapitan kami ng isang babaeng tinatawag nilang Mrs. Zecharia. From the looks of her, she is indeed the mother of Isaac. Her eyes are forest green, too at napakaganda niya.
"Sit down, players," she said. Iginiya niya kami patungo sa isang wooden table at maraming office chairs. We sat on our designated seats.
Bumukas muli ang pinto at pumasok ang tatlong babae at tatlong lalaki. They are wearing the uniform of Magical University. You can sense sophistication on their aura. Tila seryosong-seryoso sila sa magaganap na Tournament. Napatingin ako sa isang lalaki.
His uniform is kinda unbuttoned revealing his tanned well-built chest. Hindi rin mapagkakailang guwapo siya. His natural brown hair complimented him even more.
Pero may iba akong napansin sa kaniya. He's looking intently on Isaac and he's grinning. As if he has an unfinished business with him.
"She's Sophia, the shooter of the team," pagpapakilala ni Mrs. Zecharia sa babaeng may pulang mga mata at nakabraid ang mga buhok. She's beautiful, actually they are all beautiful. "And she's Kaye, the healer." Sunod niyang itinuro ang babaeng may mahabang buhok na umaabot sa kaniyang beywang at nakasuot ng salamin, she has blue eyes.
"The two warriors will be Joshua and Elvin," itinuro niya ang dalawang lalaking seryoso lang na nakatingin sa amin. Both of them are red-eyed.
Sunod na itinuro ni Mrs. Zecharia ang babaeng tila sumusunod sa yapak ng lalaking hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Isaac. She's grinning from ear to ear. "She's the hoaxer, Amanda."
"And lastly, their leader." Itinuro niya ang lalaking hanggang ngayon ay nakatingin pa rin kay Isaac. "With the record of undefeated when it comes to training, he became the leader. He's Andrei."
They all bowed down except Andrei. It's a sign of respect yet he didn't do it. I guess he has grudges towards Isaac.
"While, they are the team from Alexandria Academy." Itinuro kami ni Mrs. Zecharia. "The healer, Cath."
"The shooter, Lydia." Itinuro niya si Lydia na agad namang ngumiti. "The two warriors, Kurt and Kristian. They have the most outstanding record on their Academy that makes them qualified for the position," paliwanag ni Mrs. Zecharia.
Sunod niyang itinuro ay ako. "She's a newbie and also the hoaxer, Althea from the normal world. Don't underestimate her for she possesses a unique eye color." Nagulat ako nang sabihin niya 'yon.
"And their leader, my son, Isaac. He beats everyone that comes on his way. And he possesses the same power as I have but has the ability to fight just like his father," proud na sabi ni Mrs. Zecharia.
We all bowed down to them. Nagulat ako nang may tumayo sa harap ko. And he's the leader. Andrei.
"Pleasure to meet you, Althea." Nagulat ako nang kinuha niya ang kamay ko at hinalikan 'yon. Agad kong hinila ang kamay ko sa inis. This man!
Natigilan silang lahat nang humarang si Isaac sa harap ko. "Stay away from my members." Tila may pagbabanta sa boses ni Isaac. Nagkatitigan silang dalawa. Andrei's red eyes are intensely looking at Isaac. Pero sa huli ay nagkibit balikat ito at naglakad palayo sa amin.
Nang matapos ang meeting. Nagpaalam ako na magpapahangin lang sa labas ng University. Kaya nandito ako sa labas at tinitignan ang patak ng mga ulan.
Sinasalo ko ang ibang patak gamit ang kamay ko. Hanggang sa naramdaman kong may nakatayo na sa likod ko. Agad ko siyang nilingon at tinitigan ko siya na tila walang emosyon.
"Didn't I tell you to fix your hair?" tanong niya sa akin pero hindi ako sumagot. Nanatili akong nakatitig sa kaniya. Nakakuyom ang kamao ko.
Napabuntong hininga ako. "You don't have any rights to control my life." Nagulat siya sa sinabi ko pero hindi ko binigyang pansin 'yon.
That's right. I can't let this growing feeling in my chest to overcome the wall I've been building ever since. Hindi ko hahayaang dahil sa kaniya ay maramdaman ko ang nakakatakot na emosyon na 'yon.
"Is this about that night?" sabi niya. "Okay, I'm sorry. I shouldn't have kiss you--" I cut him off.
"It's nothing. Huwag mo na 'yon gagawin kahit kailan, and please. Stay away from me as much as you can." Naglakad ako at nilagpasan siyang tila natauhan sa sinabi ko. I'm sorry. I just don't want to be hurt. Even if it means pushing you all away.
****
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top