Chapter 10: Her Heart

EDITED VERSION

*****

Althea's POV

Sabay kaming napabagsak ni Cath sa sahig. Naramdaman ko ang kirot ng mga sugat na natamo ko sa pakikipaglaban kay Cath. Hindi ko magawang iwasan ang ibang counter attact niya.

"Nice job!" Pumalakpak pa si Isaac. Tumakbo naman si Kurt kay Cath at tinulungan itong tumayo. Tinulungan naman ako ni Lydia.

"You did well, 'Thea," Ani Lydia. Kumunot ang noo ko sa tinawag niya sa akin. "I'll just call you 'Thea. Ayos ba?" dagdag pa niya.

Ngumiti lang ako nang pilit at tinalikuran silang lahat. Lumabas ako sa training room. Pero hindi pa ako nakakalayo nang maramdaman kong may mainit na kamay ang humawak nang mahigpit sa braso ko. Hinila niya ako palapit sa kaniya kaya halos ma-out of balance na ako, kaya napakapit ako sa dibdib niya. Then it hits me, halos one inch na lang ang layo ng mga mukha namin.

'Yong puso ko, parang sasabog na sa sobrang bilis ng tibok. Shit. Kaya agad akong umayos ng tayo at hinila ang braso ko sa pagkakahawak niya.

"S-Sorry." Sabi ko. Naiilang ako sa mga tingin niya sa akin. Kaya hindi ko magawang tingnan siya nang diretso sa mata. His penetrating gaze makes me uncomfortable.

"Aalis na ako," sambit ko pero hinila nanaman niya ang braso ko.

"You still have open wounds. You need to heal first. Sundan mo ako," sabi nito at tinalikuran ako. Wala naman akong nagawa kun'di bumuntong hininga at sumunod sa kaniya.

*****

"A-Aray." I flinched. Masyadong mariin ang pagdampi niya ng bulak sa sugat ko.

"This doesn't hurt," sabi niya na parang wala lang ang ginagawa niya.

"Masakit kaya!" asik ko. Ngumiti lang siya na nagpatigil sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil sobrang bilis nanaman ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako pero hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sobrang lapit namin at hindi ako sanay, o dahil kanina pa tila sasabog ang puso ko dahil sa presensya niya?

Dinala niya ako sa clinic ng Academy. May isang nurse na nagprisintang linisin ang sugat ko pero sabi ni Isaac ay siya na lang daw. Marami pa raw kasing aasikasuhin ang nurse at kaya naman daw niya. Kaya hinayaan ko na lang siya pero naiilang pa rin ako.

"Malinis na," sabi niya at itinapon ang hawak na bulak sa trash bin. Hindi ako makapaniwalang ang leader pa namin ang maglilinis ng sugat ko.

Akala ko tapos na pero kumuha siya ng malinis na benda at gumupit doon. Seryoso lang ang mukha niya habang inilalagay 'yon sa sugat ko sa braso.

"A-Ayos na, Isaac," tipid kong sabi at hinila ko ang braso ko pero hinigpitan niya ng hawak. "Aray..."

"It's not done yet, Althea. So, sit down." Tinitigan niya ako sa mata at hindi ko makayanan ang titig niya sa akin. "Just sit there and let me finish this. You choose, either you break it or I'll break you."

Napakagat ako sa aking labi. "Fine!" Wala naman akong magagawa kapag siya na ang nagsalita.

Tahimik niyang nilapatan ng band aid ang iba ko pang sugat. Masakit, pero hindi na lang ako nagsasalita dahil ayaw kong tingnan nanaman niya ako.

"Tapos na," nakangiti niyang sabi. Bumuntong hininga ako at tumayo na. Hindi namin kasama ang iba pa, dahil kumain sila at ginamot si Cath. It was a tough fight lalo pa't magaling sa pakikipaglaban si Cath samantalang ako ay bago pa lang at nangangapa ako sa kapangyarihan na mayroon ako.

And there's one thing I've gain on that fight. Ang abilidad na magamit ang apoy. Noong una ay nahirapan ako pero nang magamay ko na ito ay nawala ang kaba sa dibdib ko sa pakikipaglaban. Siguro nga ay malaki ang maitutulong ng training at ng Tournament na ito sa akin.

Sabay kaming naglakad ni Isaac palabas ng clinic. Walang nagsasalita sa amin. Ni hindi ko rin kayang magsimulang makipag-usap kahit kanino sa kanila. Lalo na kay Isaac.

Pero nagulat ako nang basagin niya ang katahimikan. "You act so brave, yet I know you're not."

Natigilan ako nang sabihin niya 'yon. Naiukuyom ko ang aking kamay. "Hindi ko alam ang sinasabi mo."

He slightly chuckled. "Your facade is kinda deceiving that's why I put you on the position of being a hoaxer. Pinapaniwala mo ang lahat na malakas ka at kaya mo, kahit sa totoo lang ay hindi. You're weaker than we all thought."

Hindi ko siya nakaimik nang sabihin niya 'yon. Kung makapagsalita siya ay parang kilalang-kilala niya ako.

"Althea--" I cut him off and stopped walking. Tiningnan ko siya sa kaniyang mata. It was my first time looking at him without hesitation.

"You don't know me," nang sabihin ko 'yon ay napabuntong hininga siya. May ilang estudyante ang dumaan sa pagitan namin kaya umiwas ako ng tingin. They bowed down when they saw Isaac. Ganoon siya tinitingala ng mga estudyante rito.

"Hatid na kita sa dorm mo," pag-iiba niya ng usapan. Pero agad akong umiling.

"You don't have to--" he cut me off by laughing.

"I insist. At isa pa, hindi kita ihahatid doon hindi para sa 'yo. Ihahatid kita dahil gusto kong makita ulit ang dorm na 'yon," sabi niya at tumingin sa kawalan na para bang may inaalala siya roon. Siguro nga ay ganoon niya kamahal ang babaeng tumira noon sa dorm na tinutuluyan ko ngayon.

Sabay kaming tumungo sa hallway papunta sa dorm ko. Napapaiwas ako ng tingin tuwing may mga estudyante kaming nakakasalubong. Some of them are whispering why Isaac is with me. Hindi ko na lang 'yon binigyang pansin dahil wala akong panahon sa kanila.

"G-Gusto mo bang pumasok sa loob?" tanong ko at nilingon siya nang marating na namin ang dorm ko. He smiled and shook his head.

"No, it's fine." He touched the wooden door. "Take care of this room for me, alright? Rian..."

Rian? 'Yon siguro ang pangalan ng babaeng nasa larawan at ang babaeng sinasabi nilang ex-girlfriend ni Isaac. Tumango na lang ako bilang sagot sa sinabi niya.

Ilang minuto na ang lumipas pero nakatayo pa rin siya sa harap ko. Akala ko ay nakatingin siya sa pinto pero pag-angat ko ng paningin ko ay sa akin na pala siya nakatitig. My heart skipped a beat when our eyes met.

"Papasok na ako." I was about to open the door when he held my arm. Napaigtad ako nang gawin niya 'yon.

"Mayroon ka bang kapatid?" Nagulat ako sa tanong niya at napaisip din ako. Simula nang ipanganak ako at lumaki sa orphanage ay mag-isa ako. Kaya imposibleng mayroon akong kapatid.

"Wala," tipid na sagot ko. Hindi pa rin niya binibitawan ang braso ko. Seryoso siyang nakatingin sa akin.

"Ngayon ka lang ba talaga nakapunta rito sa mundong 'to?" tanong niya. Napakagat ako sa aking labi dahil naiilang na ako sa kaniya. Tila marami siyang gustong itanong sa akin at may gusto siyang marinig na sagot.

"Ngayon ko lang narating ang mundong ito." Pero tila hindi siya naniniwala sa sagot ko.

"Are you sure--" Inalis ko ang pagkakahawak niya sa braso ko.

"Papasok na ako." Agad kong binuksan ang pinto at pumasok doon. Hindi ko na hinintay pa na makaalis siya at isinara ko na ang pinto. What's with all the questions, Isaac?

Napahawak ako sa braso ko. I can still fill the heat of his hand.

Pabagsak akong humiga sa kama at tiningnan lang magdamag ang ceiling. Bakit ba ako naapektuhan sa kaniya?

Sabi noon ng teacher ko sa science. Ang mga bagay na naaapektuhan sa isa pang bagay is somehow called attraction. Agad akong napailing. No! I'm not attracted to him!

Madaling araw nang lumabas muli ako sa dorm. Sobrang dilim ng hallway at ako na lang ang tao. Tinungo ko ang direksyon papunta sa rooftop ng Academy. Naikuwento kasi sa akin ni Cath na diretsuhin ko lang daw ang kanang daan sa dorm namin at makakakita ako ng hagdaan paakyat sa rooftop.

I've never been there. Hindi ako makatulog kaya ito ang tamang oras para pumunta roon.

Pero pagdating ko sa rooftop ay agad akong natigilan. Isaac was sitting on the edge of the rooftop. Anumang oras ay maaari siyanf mahulog doon. Pero hindi lang 'yon ang nagpagulat sa akin, umiinom siya ng alak.

Nagtatakbo ako palapit sa kaniya. "Isaac, what the hell are you doing there?!" asik ko.

"So, you're here," natatawang sabi nito. Ikinuyom ko ang aking kamao.

"Isaac, stop acting like a kid!" sigaw ko. Tumawa lang siya nang tumawa. Pero may kakaiba sa tawa niya. He's not happy.

"Just leave me alone, will you?" sabi nito at muling uminom sa alak. Napairap na lang ako dahil sa inaasal niya.

"Bumaba ka riyan," utos ko sa kaniya. He laughed. Lasing na nga siya. Agad siyang bumaba gaya ng sinabi ko. "Bakit ka ba naglalasing?"

"You wanna know why?!" Bahagyang tumaas ang boses niya.

"T-Tell me." I don't have any idea why he's drinking right now. Pero gusto kong malaman. Part of me wants to know him more at hindi ko alam kung bakit at kung para saan.

"Because I'm confused," sabi niya na nagpagulo ng isipan ko. "Simula nang dumating ka rito, sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. And I don't even know why! Tangina! Ayos na ako, e." Napahawak siya sa kaniyang ulo na para bang naguguluhan na talaga siya.

Mas naguguluhan ako! Ni isang ideya ay walang pumapasok sa isip ko kung bakit niya nasasabi ang mga bagay na 'yon. Nasasaktan siya dahil sa akin? But, why?

"Hindi ko alam ang sinasabi mo--" he cut me off.

"Yes, you don't have any idea and that sucks." Nagulat ako nang inihagis niya ang bote ng alak sa kung saan dahilan para mabasag 'yon at maglikha ng napakalas na ingay.

Nagulat ako nang lumapit siya sa akin at sobrang lapit na ng katawan namin. "Isaac..." I uttered.

I flinched when he held my chin and made me look at him. I should be panicking now pero wala akong ibang magawa kun'di tumayo lang sa harap niya.

Nanlaki ang mata ko nang mas lumapit pa siya sa akin at halos magtama na ang mga ilong namin. Napapikit ako.

Ilang minuto na ay nakaganoon pa rin kami that's why I opened my eyes at nagulat ako nang halikan niya ang noo ko. His warm lips made my heart skipped its beat. Nang mga oras na 'yon ay tila tinakasan na ako ng hininga.

"Be safe, Althea." Binitawan niya ang pagkakahawak sa baba ko at naglakad paalis sa rooftop, leaving me there.

Nakatitig pa rin ako sa puwesto kung saan siya nakatayo kanina. Napahawak ako sa dibdib ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Shit! Ayaw kumalma ng puso ko sa ginawa niyang 'yon.

****

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top