[8] His Lovely Driver
CHAPTER EIGHT
TO: CAMYA & Jingke
UNG 220, MGA GANG, MKHA BA QNG TOMBOY?
From: Camya
SAAN NAMAN GALING YAN???
From: Jingke
JEJEJE. JOKER K, GNG! :))
To: Camya & Jingke
D B MGNDA NMN AQ?
From: Camya
ANO NGANG MERON?
From: Jingke
XMPRE NMN, GNG. FRNDS TAU, E. JEJEJE.
To: Jingke
I KNW RYT? xoxo
To: Camya
PKISAPAK NG KUYA M PRA SAKIN. PNGKLAT NYA KY THIRDY N HND HOMBRE ANG TYPE Q. :/
From: Camya
AYON LANG.
Kasabay ng isang pagbuntong-hininga ay ang pagbagsak ng likod niya sa kama.
Itong ganda kong 'to, pagkakamalan lang na tomboy? Ang labo talaga!
At kung bakit naman kasi ganoon siya kaapektado?
Kasalanan talaga ni Kuya Carson 'to!
"Noelle?"
Napabangon siya nang marinig ang pagtawag sa kanya ni Manang Lory.
"Manang?"
"Pagod ka ba? Magpapatulong sana akong magluto."
Na-excite naman siya. "Magpapalit lang po ako!"
NAKASANDAL siya sa mesa habang pinapanood si Manang na hinahalo ang sabaw ng niluluto nitong tinola. Naamoy pa lang niya iyon pero kumakalam na agad ang sikmura niya.
"Manang?"
"Hmm?" Tinakpan na ulit nito ang kaserola.
Pinagkrus niya ang mga braso sa tapat ng kanyang dibdib.
"Mukha po ba 'kong tomboy?"
Kunot na kunot ang noo nito nang balingan siya. Sa pagkakatitig nito sa kanya ay para bang nagtanong siya kung nabubuntis ba ang lalaki.
"Ano bang klaseng tanong 'yan?"
"Wala lang."
"'Yang ganda mong 'yan, mapagkamamalan lang na tomboy?"
Napabungisngis siya. Kunwari ay nahihiyang inipit niya sa likuran ng kanyang tenga ang imaginary na hibla ng buhok. Naka-ponytail na naman kasi siya as usual.
"Hindi nga, Manang?"
"Bakit mo naman natanong 'yan? Nakakagulat naman."
Napatukod siya sa mesa. "Naisip ko lang po kasi na baka 'yon ang rason kung bakit walang nagkakamaling manligaw sa 'kin."
Napakumpas pa ito sa hangin bago pinatay ang stove.
"Akala ko naman kung ano na. Ganyan talaga ang buhay, hija. Hindi naman por que walang nanliligaw eh may problema na sa'yo. Malamang ay hindi pa lang talaga dumadating ang tamang lalaki. Huwag ka sanang mag-iisip nang ganyan. Tingnan mo nga, o. Ang ganda-ganda mong bata."
"Ehehe. Thanks, Manang."
"Kung sa ibang pagkakataon ka nga lang nakilala ni Thirdy, baka niligawan ka na n'on, eh."
Nanlaki ang mga mata niya. "Si Manang naman." Inilagay niya ang kanang palad sa gilid ng kanyang bibig. "Por que may crush lang ako kay Sir, eh."
"Bagay kaya kayong dalawa," seryosong sabi pa nito at kumuha ng malinis na bowl sa cabinet na nasa itaas lang ng lababo.
Kunwari ay umasim ang mukha niya.
"Manang, baka maniwala ako."
Humagikhik naman ito.
"Kailan ba ako nambola sa'yo?"
Napalatak siya. "'Yan ang gusto sa'yo, Manang, eh!"
Kumindat ito bilang tugon.
"Ikaw na nga rito. Ihahanda ko lang ang kanin."
"Sige po."
Kinuha niya mula rito ang sandok at binuksan ang kaserola. Lumapit naman ito sa rice cooker na nasa tabi ng lababo. Hindi niya napigilan ang matakam. Excited na tuloy siyang maghapunan.
"Magdi-dinner na ba?"
Sumikdo ang dibdib niya nang marinig ang boses ni Thirdy sa kanyang likuran. Bakit yata palala nang palala ang epekto nito sa kanya habang tumatagal?
"Malapit na. Hinahanda na lang namin ni Noelle at isi-serve na lang," sagot naman ni Manang.
Magku-concentrate na lang sana siya sa ginagawa nang maramdaman ang paghawak ni Thirdy sa mga balikat niya mula sa likuran. Nahigit niya ang paghinga kasabay nang paninigas niya saglit. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito.
"Radee? Have you forgiven me? I'm really sorry." Imbes nga lang na apologetic ay parang matatawa ang tono nito.
Napasimangot siya para takpan ang pagkailang niya.
"Parang hindi ka naman sincere sa pagsu-sorry mo, Sir."
Natawa na nga ito. Tumahip nang todo ang dibdib niya nang maramdaman ang mainit na hininga nito sa balat niya. Katulad na katulad iyon ng nangyari noong nasa isang restaurant sila sa mall na pinuntahan nila noong nakaraang weekend lang.
Gusto ba talaga niya 'kong ma-in love sa kanya? My goodness!
"I'll sue Carson for this."
"N-no need na, Sir. Sanay na rin naman ako sa isang 'yon, eh."
Dear Heart, kalma ka lang. Huwag kang tatalon sa dibdib ko. Secured na secured ang bra ko.
"Kailangan talaga ganyan ka-close?" pansin ni Manang Lory.
Awtomatikong lumayo sa kanya si Thirdy. Kanina, gusto niya itong lumayo para hindi tuluyang mag-wild ang puso niya. Ngayon namang lumayo na ito ay nakaramdam siya ng panghihinayang.
'Yong totoo, Radee. May saltik ka ba?
"Niloloko ko lang siya, Manang," he said with a chuckle.
Nagpapaloko naman ako, Manang, gusto sana niyang sabihin.
"Kayong mga bata talaga, o," sabi pa ng babae na may makahalugang ngiti sa mga labi.
Napatikhim siya bilang pag-iwas. Tinakpan niya ang kaserola at saka dinala sa mesa ang bowl.
"Okay na 'to, Manang. Kain na tayo."
Baka mamaya si Thirdy pa 'tong mahapunan ko.
"RADEE? Pwede mo bang i-check kung may nakapatong na envelope sa kama ko?"
Mula sa pagkakaupo sa sofa ay napatayo siya. Nanonood sila ng TV ni Manang nang makatanggap siya ng tawag kay Thirdy.
"Okay, Sir. Titingnan ko."
Mabilis niyang tinungo ang kwarto nito. Good thing at hindi naka-lock nang pihitin niya ang door knob. Iyon ang unang pagkakataon na napasok niya ang kwarto nito. Madalas kasi ay si Manang Lory lang since ito ang naglilinis doon. Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng silid. Namangha siya. Lalaking-lalaki ang dating ng interior niyon. Bumagay sa personality ni Thirdy. Blue and white ang motif. Blue ang kulay ng kisame at mga dingding at kulay puti naman ang mga kurtina at bedsheet. Takaw-pansin din ang kulay tsokolateng sofa set sa kanang bahagi ng silid na malapit lang sa bintana.
Sa kaliwang bahagi naman ng silid ay ang malaking closet nito na kulay tsokolate rin. At ang shower ay tinatabingan lang ng puting kurtina.
"Radee, nandiyan ba?" untag ni Thirdy.
Natauhan naman siya. "A-ah, yes, Sir! Nakita ko na."
Dali-dali niyang kinuha ang brown envelope na nakapatong sa mesa. May kakapalan iyon.
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito.
"Thank God! Kailangan ko 'yan mamaya sa meeting ko."
Hindi naman niya masisisi kung maging makakalimutin si Thirdy. Sobrang dami ba naman ng iniisip nito.
Kung hilingin ko kaya sa kanyang maging PA niya? Ipapaalala ko lagi sa kanya ang mga bagay na kailangan niya para hindi na niya makalimutan.
Pinigilan niyang mapahagikhik.
"Ihahatid ko na po ngayon diyan, Sir."
"Okay. Dumiretso ka na lang sa opisina ko."
Nang matapos ang tawag ay nagmamadali siyang magpaalam kay Manang Lory. Saka na lang niya sisilipin ang shower ni Thirdy.
NANG makapasok na siya sa building ay nagsimula siyang magdasal na sana ay wala ngayon sa opisina ni Thirdy si Carson. Mahirap na at baka masumbatan niya ito. E di nabunyag pa ang sekreto niya.
Habang sakay ng elevator kasama ang ibang mga empleyado ay wala sa loob na napaypay niya sa sarili ang envelope kahit na malamig naman doon. Grabe kasi makakilatis ang klase ng tingin ng mga kasabay niya sa kanya. Daig pa niya ang nasa hot seat.
Ano kaya ang problema ng mga 'to?
"Nakita ko na siya dati na nagpunta rito. Baka sa opisina na naman ni Sir Thidy ang punta," narinig niyang bulong ng isa sa tatlong babaeng naka-itim na blazer at skirt.
"Talaga? Tingin mo siya na ang bagong girlfriend ni Sir?" tanong naman ng babaeng medyo chubby.
"Ewan. Mukhang may itsura naman."
Pinigil niyang magtaas ng kilay.
Ako, may itsura lang?
"She's too plain for his taste, 'di kaya?" sabat naman ng pangatlong babae na may maikling haircut.
Naalala niya si Demi Moore dito. Iyon nga lang, maganda si Demi.
"Nakita mo naman 'yong ex ni Sir. Victoria's Secret model," patuloy pa nito.
Victoria's Secret model?, ulit naman niya sa sarili. Bongga nga.
Nang sa wakas ay mapag-isa na siya sa elevator ay napabuga siya ng hangin at napasandal sa dingding niyon.
"Pang-model din naman ang beauty ko, ah?" Tiningnan pa niya ang mga braso. "Maputi rin naman ako. Kulang nga lang ako sa bihis."
Nang bumukas ang elevator sa floor ng opisina ni Thirdy ay napabuga na naman siya ng hangin bago humakbang palabas.
"Grabe naman 'yong mga 'yon."
Nang marating na niya ang pintuan ng opisina nito ay agad siyang kumatok.
"Come in." Boses iyon ni Thirdy. His tone is unusually serious.
Tumuloy naman siya at nadatnan niyang hindi ito nag-iisa. May isang ginoo na nakatayo sa gitna ng opisina nito. Sa tantiya ay nasa early to midfifties ang edad nito pero simpatiko at matikas pa rin. Base rin sa tantiya niya ay may mataas na posisyon ang ginoo sa kompanyang iyon.
Napatingin siya kay Thirdy na nakaupo naman sa swivel chair nito. Seryosong-seryoso ang mukha nito. Malayo ito sa lalaking pinagtatawanan siya sa coffee shop noong isang araw.
Pagkatapos ay bumalik ang tingin niya sa mukha ng ginoo. Napakurap-kurap siya. Malaki ang pagkakahawig ng dalawa!
"Hindi ka nagkakamali. Ako nga ang Dad niya," nakangiting sabi naman ng ginoo.
"G-good morning po, Mr. Montreal," nautal na bati niya at bahagyang nag-bow rito.
"Akin na 'yan, Radee. Maraming salamat." Seryoso pa rin ang tono nito.
"Y-yes, Sir." Lumapit siya rito at iniabot dito ang envelope. "Aalis na po ako."
Tinanguan lang siya nito. Nagtatalo kaya ang mga ito? Lihim siyang napailing. Ano ba ang pakialam niya?
"Una na po ako, Mr. Montreal," sabi niya sa Dad nito.
"Sige, hija," tugon naman nito bago niya tinungo ang pintuan.
"Tell Granny I can't make it tonight," narinig pa niyang sabi nito. "Marami akong kailangang tapusin."
"I understand," tugon naman ng matandang Montreal.
Inabot na niya ang door knob at lumabas. Hindi tuloy niya maiwasang ma-curious sa tila tensiyon na namamagitan sa mag-ama.
Hindi niya mapigilan ang mapaisip habang tinutungo ang elevator.
Ano kaya kung tanungin niya si Manang Lory tungkol sa relasyon ni Thirdy sa ama nito?
Nasa ganoon siyang pag-iisip nang makita niya ang isang taong nagmamadaling lumapit sa papasarang pintuan ng elevator. Maagap naman niyang pinigilan iyon. Ang Daddy ni Thirdy pala.
"Thank you, hija," nakangiting sabi nito sa kanya.
"Walang anuman po," kimi naman ang ngiting tugon niya.
"What's your name?"
"Radelyn po."
"Kaya pala 'Radee' ang tawag ni Thirdy sa'yo. Kailangan ko pa bang magpakilala ng pangalan ko?"
Natawa naman siya. "Kahit 'yong palayaw niyo na lang po."
"When I was younger, people used to call me 'AJ'. Pero ngayong may edad na 'ko, 'Alejandro' na lang o hindi kaya 'Mr. Montreal'. Si Mom na lang ang tumatawag sa akin ng palayaw ko na 'yon."
Nakangiti siyang tumango. "Mas cool po ang Sir 'AJ'."
Natawa naman ito. "Are you Thirdy's new secretary?"
"Ah, hindi po. Driver po niya ako."
"Oh?" Tila hindi ito makapaniwala.
"Kasisimula ko pa lang po, actually. Wala pa akong isang buwan na nagtatrabaho sa kanya."
"Hindi kaya masyado kang maganda para maging driver niya? Ang akala ko nga girlfriend ka niya, eh."
Nag-init naman ang mga pisngi niya.
"Naku, Sir. 'Pag ako naniwala, ewan ko na lang sa inyo."
Natawa naman ito. "Seriously, hija, kahit sino magugulat kapag nalaman nila na mala-beauty queen ang driver ng unico hijo ko."
"Kanina maganda, ngayon naman mala-beauty queen na. Kayo, Sir, ha. I like you na!"
Naging malutong ang pagtawa ng ginoo. Talagang manang-mana si Thirdy rito.
"I think you're interesting. I'm starting to like you already."
Saglit siyang natigilan. "Alam niyo po bang pareho kayo ng sinabi ni Sir noong unang beses ko siyang ipinag-drive?"
"Really?" manghang anito. "Mukhang hindi man lang nagbago ang anak ko. Maliban na lang sa pakikitungo niya sa akin. It's been fifteen years pero mukhang hindi pa rin niya ako napapatawad."
Hindi nakaligtas sa mga mata niya ang paglamlam ng mga mata nito.
"Okay lang kayo, Sir AJ?" tanong niya.
Agad naman nitong binago ang ekspresyon ng mukha nito sa pamamagitan ng pagngiti.
"Yes, hija. Pasensiya ka na sa 'kin."
"Okay lang po 'yon."
Tumingin ito sa wristwatch nito pagkuwan.
"Malapit na nga palang mag-lunchtime. May importante ka bang lakad, Radelyn? Gusto sana kitang imbitahan mananghalian. I want to know you more. Iyon ay kung ayos lang sa'yo."
She instantly liked the idea. Sa ganoong paraan ay baka may malaman pa siyang ibang mga bagay kay Thirdy.
"Malaking karangalan po sa 'kin 'yon, Sir. Salamat po."
Kulang na lang ay humiyaw siya. Niyaya siyang mag-lunch ng daddy ni Thirdy. Akalain niya iyon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top