[5] His Lovely Driver
CHAPTER FIVE
NGAYON pa lang ay paulit-ulit na siyang humihingi ng tawad kay Camya sa isipan niya. Kung bakit kasi siya nakipag-deal sa Carson na iyon.
Parang ako pa tuloy ang naisahan!
Five years ago, okay naman talaga ang relationship nina Camya at Takeru. Na-sense pa nga nila ni Jingke na may pagkakaunawaan ang mga ito. Sino ba naman ang hindi mapapalagay ang loob kay Takeru eh sobrang bait nito, hindi pa kasama ang pagiging cute nito at sobrang talented. Ang kaso nga lang, may hindi inaasahang nangyari. Nalaman ni Camya na si Takeru ang lalaking gusto ng lolo nito na pakasalan. Sumama ang loob ni Camya kay Takeru kasi pakiramdam nito ay napagkaisahan ito. She trusted him. Umalis lang ng bansa si Takeru at nagpuntang Japan upang hanapin daw ang kapalaran nito na hindi sila nagkakalinawan ni Camya.
Sorry talaga, Camya!
Pabagsak siyang naupo sa sofa. Gusto niyang magngangawa nang mga sandaling iyon. Ang kaso nakakahiya naman kay Manang Lory na dalang-dala sa pinapanood nitong Koreanovela.
Napapisik pa siya nang basta na lang siya nitong paluin sa braso.
"Ang gwapo ng bidang lalake, 'no?" kinikilig na anito.
"Naku, Manang, mas pogi si Sir Thirdy riyan."
Napahagikhik naman ito. "Ikaw, ha!"
"Ehehe."
BUMABA lang siya ng kotse nang makita niyang papalapit na sina Thirdy at Carson sa direksiyon ng sasakyan. Seryosong nag-uusap ang mga ito. Kung negosyo lang siguro ang mga babae baka naging seryoso na rin ang kuya ng kaibigan niya.
And speaking of Carson, mas nauna siya nitong makita. Bahagyang kumunot ang noo niya nang nakangisi itong bumulong sa boss niya habang sa kanya nakatingin.
Napatingin tuloy si Thirdy sa kanya. Bahagya itong natawa sa kung ano mang sinabi ni Carson at siniko ang kaibigan. Tumawa naman ang isa at nakangising kinwayan siya bago pumasok sa isang asul na kotseng tasa tabi nito.
Lihim siyang napalatak.
"Good afternoon, Sir," bati niya kay Thirdy nang tuluyan na itong makalapit.
"Good afternoon." Bahagya lang ang ngiting ibinigay sa kanya ni Thirdy pero parang hinahaplos na ang puso niya.
'Langya. Bumalik yata ako sa pagiging highschool, ah.
Aabutin na sana niya ang pintuan nang unahan siya ni Thirdy.
"Ako na. Pumwesto ka na sa driver seat."
"Okay, Sir," sabi na lang niya at umikot sa driver seat habang napapakamot sa kilay.
"THIRDY, may lakad ka ba bukas?" tanong ni Manang Lory habang naghahapunan na silang tatlo.
"Wala, Manang. Bakit niyo naman natanong?" ani Thirdy na napaayos ng upo.
"Magpapasama ako kay Noelle na mamalengke bukas. Ipagda-drive niya ako para hindi na gumastos sa pamasahe. Okay lang ba 'yon sa'yo?"
Napatingin siya kay Thirdy. Tumango-tango naman ito habang hinihiwa ang bangus. Nabanggit na rin minsan sa kanya ni Manang na paborito nito ang eskabeche.
"Siguro sasama na rin ako," sabi pa nito.
Lihim naman siyang nagulat pero pasimple niyang itinuloy ang pagkain.
"Sigurado ka?" bakas ang pagkagulat din na tanong ni Manang Lory.
"Yeah. Wala naman akong ibang gagawin dito sa condo kaya sasama na lang siguro ako sa inyo."
Nakagat niya ang ibabang labi. Kung siya lang kasi ang masusunod ay baka napatili na siya dahil sa kilig. Sasama raw sa kanila si Thirdy at nai-excite na siya kahit wala pa man.
"Narinig mo 'yon, Noelle, ha?"
Bahagya siyang napapisik nang marinig ang pangalan niya. Nang tumingin siya sa babae ay tila ba may iba pang kahulugan ang pagkakangiti nito.
Ngumiti rin siya. "Copy, Manang."
SUMUNOD na araw ay maaga pa silang nagising. Mas mabuti na raw iyong maaga silang umalis para hindi sila maabutan ng traffic sa daan.
"Noelle, hija."
Kasalukuyan niyang pinu-ponytail ang kanyang buhok sa harap ng salamin nang pumasok sa kwarto nila si Manang Lory.
"Yes, Manang?" tanong niya habang nakatingin dito mula sa salamin.
"Handa na ang almusal. Tatawagin ko lang si Thirdy."
"Okay po," nakangiti niyang tugon.
Nang maitali na niya ang buhok ay sinipat pa niya ang sarili sa salamin.
Maganda na kaya ako sa paningin ni Sir sa lagay na 'to?, saloob niya at pagkuwa'y napahagikhik.
Nang dumulog siya sa hapag-kainan ay nakahanda na ang lahat maging ang mga pinggan at kubyertos. Naroon na si Manang pero wala pa rin si Thirdy.
"Naku, Manang, imposibleng hindi ako tumaba dahil sa mga hinahanda niyo," nakangiting sabi niya.
"Dapat lang, hija. Gusto kong maging malusog ang mga kumakain ng mga niluluto ko kaya kumain ka lang hangga't gusto mo," masiglang tugon naman ng babae.
Napahagikhik lang siya.
"O, Thirdy, bilis umupo ka na."
Awtomatikong napalingon siya sa entrance ng kusina at napasunod ang tingin niya kay Thirdy. He was wearing black poloshirt and gray shorts na pinaresan nito ng white rubber shoes. As usual, 'adorable' is the word that suits him. He looked so young and fresh!
Diretso itong umupo sa tabi niya.
"Good morning," bati nito sa kanya.
Napakurap-kurap naman siya nang matauhan. Hindi niya namalayan na napatulala na pala siya rito!
"G-good morning, Sir," nautal namang tugon niya.
'Yon na 'yon. Buo na agad ang araw ko. Ibang klase talaga!
Isa lang ang ibig sabihin niyon, gaganahan na naman siya sa pagkain!
HABANG sakay na sila ng elevator pababa ay may nakasabay silang tatlong socialite. They were talking noisily nang pumasok sa elevator pero nang makita ng mga ito si Thirdy ay natahimik bigla ang mga ito.
Ilang sandali pa ay nagbulungan naman ang mga ito.
"Sino siya? Ngayon ko lang yata siya nakita?" bulong ng babaeng naka-black miniskirt sa katabi nitong naka-pulang tubetop.
Napagitnaan kasi siya ng mga ito at ni Thirdy kaya hindi nakaligtas sa pandinig niya ang usapan ng mga ito.
"Ano ka ba, girl? Siya 'yong tinutukoy kong nakabili ng unit sa tabi ng unit ng cousin ko."
"Ang hot nga, ha," komento naman ng babaeng naka-pink dress at naghagikhikan ang mga ito.
"Ang swerte naman ng cousin mo!" sabi pa ni Miss Miniskirt.
"Ano raw 'yong name niya?" tanong naman ni Miss Pink Dress.
May ilalakas pa kaya ang mga bulungan nila?, saloob ni Radelyn.
"I forgot but I know he's filthy rich. Nasa billboard na kaya 'yan."
The two gasped as they took a glance at Thirdy. Nang sulyapan din niya si Thirdy ay diretso lang ang tingin nito na parang wala man lang narinig na kahit na ano.
Nang muling bumukas ang elevator ay lumabas na rin ang tatlo. Buong ingat siyang nagpakawala ng buntong-hininga. Lumuwag na ulit ang elevator sa wakas.
"Kinapos na ba sa tela ang Pilipinas? Aba, halos kita na ang kaluluwa ng mga batang 'yon, ah?" komento naman ni Manang Lory. Ito ang nakatayo malapit sa pintuan.
"Fashion trend po ang tawag do'n, Manang," sabi naman niya at nginitian ito.
Lalong nangunot ang noo nito. "Kung kailan naman talamak ang kaso ng rape ngayon?"
Nagkibit lang siya ng balikat. Totoo naman kasi ang sinabi nito.
"NOELLE, where's the car key?" tanong ni Thirdy nang marating na nila ang parking lot.
Wala sa loob na kinapa niya ang bulsa ng jeans niya.
"Nandito, Sir."
"Ako na lang ang magda-drive," anito sabay lahad ng kamay.
"Po?" anas niya at napatitig dito.
"Sige na, ako na. Para naman makapaghinga ka na rin sa pagda-drive."
"K-kayo po ang bahala," sabi na lang niya at ibinigay rito ang susi. Ang totoo ay lihim niyang naipagpasalamat iyon.
Bait mo talaga, Sir!
Pagkatapos ay pasimple siyang pumwesto sa tabi ng driver seat. Kanina pa nakaupo sa backseat si Manang. Ang pangit naman kung hindi pa niya tatabihan si Thirdy. Edi ito naman ang nagmukhang driver?
Gwapong-gwapong driver!
Napaayos siya ng upo nang sumakay na rin si Thirdy. Mukhang nawiwili na yata siyang katabi ito, ah.
"Dalian na natin para mapasimulan natin ang misa," ani Manang Lory.
"KUNG may bibilhin kang personal na kailangan mo, bilhin mo na ngayon para isahan na lang, ha?" sabi ni Manang Lory sa kanya habang tulak-tulak na nito ang isang cart sa loob ng department store.
Pagkatapos ng misa ay dumiretso na agad sila ng mall na bukas na mga ganoong oras. Pinauna na sila doon ni Thirdy dahil nag-park pa ito. Susunod naman daw agad ito sa kanila.
"Sige po, Manang," tugon naman niya. Ang unang bagay na agad pumasok sa isipan niya ay ang sanitary napkin.
'Lapit na nga pala ng dalaw ko.
"Saan ba dito 'yong mga pampalasa?"
"Ako na lang po ang kukuha," prisinta naman niya.
"O, sige. Kukuha lang ako ng mga gulay at prutas dito."
Diniretso niya ang hanay ng mga milk and coffee products. Kumuha siya ng isang dosenang 3-n-1 instant coffee nang madaanan niya at saka dumiretso. Nakakuha na siya ng tigi-isang bote ng suka at toyo nang makarinig siya ng dalawang boses na parang nagtatalo.
"Huwag 'yan, alam mo namang ayoko sa maanghang!" sabi ng pamilyar na boses-babae.
"Masarap kaya 'to. Ito na lang," sabi naman ng lalaki.
"Para sa'yo, oo. Eh pa'no naman ako?"
"E di bumili ka ng gusto mo."
"Sige, ipamukha mo pang wala akong pera, na dukha ako!"
"Urusai."
"Baka yarou!"
Natawa siya nang mahina saka sumilip sa kabilang bahagi ng shelf. There she saw Camya together with a cute girl in braids and striped bonnet. Mga cup noodles pala ang pinagtatalunan ng mga ito.
"Hi, guys," bati niya kaya napatingin naman ang dalawa sa kanya.
Nanlaki ang mga mata ni Camya. "Radee?"
"Ang aga niyong nag-shopping, ah."
"Konnichiwa!" bati naman ng kasama nitong nakatirintas.
Napahagikhik siya. Kung bakit ang liit ng mundo.
"Takeru-kun!"
Inilagay nito ang hintuturo sa tapat ng bibig nito. "Sshh!"
"Sorry," napahagikhik na naman niyang sabi. "Nice disguise."
Wala sa loob na hinaplos nito ang pekeng tirintas. Ang ganda ni Takeru sa suot nitong floral dress and white boots. Cosplayer lang ang dating.
"Thanks," he said with a chuckle.
"Hanggang dito ba naman nagtatalo kayong dalawa?"
"Eh siya kasi, eh!" turo naman ng mga ito sa isa't-isa.
Napalatak siya. "Ganyan ba kayo mag-reunion na dalawa?"
"Ikaw, bakit ka nandito?" tanong na lang ni Camya. "Kamusta ang bakasyon-kuno mo?"
She bit her lower lip. "Okay lang naman. So far, so good."
"Kwento ka naman diyan," sabi pa nito at pasimpleng nanguha ng beef-flavored na cup noodles at inilagay ang mga iyon sa cart.
"Gusto ko sabi ng maanghang, eh," reklamo naman ni Takeru.
"Takeru, kung ayaw mo ng giyera, pagbibigyan mo si Camya," sabi naman niya.
He sighed in submission. "Pasalamat siya, mahal ko siya."
Napangisi siya. "Narinig mo 'yon, Camya?"
Pabagsak namang inihagis ni Camya sa loob ng cart ang spicy-flavored cup noodles.
"Naghahanap lang 'yan ng sakit ng katawan, 'no," pakli nito sa iritadong boses.
But when she looked at Takeru, he was looking at Camya as if she's the most wonderful thing he'd ever seen.
Pag-ibig, ikaw ba 'yan?, bulong ng malisyosa niyang utak.
"Nag-usap na ba kayo ni Kuya Carson?" tanong na lang niya.
Tumaas ang isang kilay ni Camya. "Ano naman ang pag-uusapan namin?"
"Ibig sabihin wala siyang may nabanggit sa'yo?"
Nagsalubong ang mga kilay nito. "Nabanggit na ano?"
"Um, wala naman." Nagdalawang-isip tuloy siya kung sasabihin na ngayon dito ang totoo.
"There you are."
Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Thirdy sa kanyang likuran.
Awkward.
"B-bakit kayo nandito?" nautal niyang tanong sa lalaki.
"Itinuro ka rito ni Manang. I'm just wondering if you need help."
"Sino siya, Radee? Parang namumukhaan ko siya," tanong naman ni Camya. Ang pagkairita nito ay napalitan naman ng curiousity.
"U-um, siya si Thirdy Montreal--"
"I see!" Camya snapped with wide eyes. "Ikaw ang business partner ni Kuya Carson."
"It's nice to meet his sister, finally. Hello, Camya." Kinamayan nito ang kaibigan niya. "You must be her fiancé," sabi naman nito nang si Takeru na ang kinamayan nito. "Takeru, right?"
Awkward na nagkatinginan ang dalawa.
"H-hindi ko siya fiancé. Sila lang ang may sabi n'on," pagtatama naman ni Camya. "It's nice to meet you, too. So, pa'no kayo nagkakilala nitong si Radee?"
"Noelle works for me."
"Bilang?"
"Driver ko."
Nanlalaki ang mga matang napatitig sa kanya si Camya.
"Ano raw? Driver ka niya?"
Lusutan mo 'to, Radee, lusutan mo!
"Ah, eh, kwan, oo," atubili niyang sagot. "'Di ba may ni-refer kang ganitong trabaho sa 'kin last week?"
"Pero hindi naman ika--"
Ikinumpas niya sa hangin ang kamay niyang may hawak na kape. "Oo, alam kong nagulat ka na natanggap ako pero 'di ba sabi mo ang mga babae, hindi minamaliit? 'Di ba, Camya?" Binigyan niya ito ng makahulugang tingin. "'Di ba?"
Pero si Camya ay gulong-gulo pa rin. Huwag naman sanang mabuko siya kaagad. Nagsisimula pa lang ang excitement niya sa pinasok niyang iyon.
Imbes na magtanong pa ay napakurap-kurap na lang ito na napapaisip.
"Parang na-gets ko na."
Napa-snap siya. "O, 'di ba?"
Tumango-tango pa ito. "Ayos, ah. Keep it up."
Awkward siyang ngumiti.
"Halika na, Camya?" untag naman ni Takeru.
"Ah, s-sige. Alis na kami, ha? Kompleto na kasi ang mga pinamili namin, eh. Bye, guys."
Kinawayan pa niya ang dalawa. "Ingat kayo, guys! Bye!"
Gumanti rin ng kaway si Takeru.
"Text-text tayo, ha?" sabi naman ni Camya nang hilahin na ni Takeru ang cart. "Kayo rin, ingat."
"Akin na ang mga 'yan," ani Thirdy nang makatalikod na ang dalawa.
"S-salamat, Sir."
Nang maunang maglakad si Thirdy dala ang mga kinuha niya ay napapahid siya sa kanyang noo.
Muntik na!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top