[4] His Lovely Driver

CHAPTER FOUR

NAGISING siya na masakit na masakit ang katawan. Nang tingnan niya ang orasan na nasa bedside table ay may alas sais y media na. Napabalikwas siya ng bangon. Si Manang Lory ay wala na sa kabilang kama. Dali-dali siyang nagtungo ng banyo at naghilamos.

Naabutan niya itong nagluluto ng almusal sa kusina.

"Good morning, Manang," iinat-inat niyang bati at naupo sa isang silya.

Bahagya lang siya nitong nilingon.

"Good morning din, hija. Gising ka na rin sa wakas. Tulo-laway ka kanina habang natutulog, ah?"

Nahihiyang napakamot siya ng tenga.

"Sobra lang po akong napagod kahapon, Manang. Ang totoo, masakit pa rin ang katawan ko hanggang ngayon. Naninibago kasi ako."

Napatango naman ito habang nasa kawali pa rin ang atensiyon.

"Ganyan talaga, hija. Kaunting tiis lang muna," sabi naman nito.

Sumang-ayon namam siya.

"May kape riyan sa cupboard, baka gusto mong uminom," pahabol pa nito.

"Tamang-tama po," sabi niya at mabilis na tumayo. Nasa ulunan lang niya ang cupboard na nakadikit sa pader na nasa tabi ng pintuan. Binuksan niya iyon at tumingkayad. Dahil hindi naman niya makita nang buo ang loob ay nangapa na lang siya.

Saan ba dito 'yong sachet?

"Ako na."

Napaigtad siya nang marinig ang boses ni Thirdy sa tabi niya.

"S-sir."

Sa isang iglap lang ay napatitig na lang siya rito. Thirdy looked so adorable kahit na bagong-gising. And he was only wearing black boxers and white sando.

Almusal...

"There you go."

Napakurap siya nang nasa tapat na ng mukha niya ang isang sachet ng brown n' creamy na instant coffee.

"Good morning, Sir. Thank you, Sir."

"Good morning. You're welcome."

Hinila nito ang silyang nasa tabi niya at naupo. Tinimpla naman muna niya ang kape sa lababo saka bumalik sa tabi nito.

Ang sarap palang gumising kapag may nasisilayan kang gwapo, saloob niya. And speaking of gwapo, kamusta na kaya sina Camya at Takeru doon sa apartment?

Lihim siyang napahagikhik habang humihigop sa tasa. Hindi na siya magugulat kung nagbabangayan pa hanggang ngayon ang mga ito.

"Mag-almusal na kayong dalawa," ani Manang Lory nang ilapag nito sa mesa ang platong may hotdog at chicken ham.

Tumayo naman siya. "Tulungan ko na po kayo, Manang."

"Huwag na, maupo ka na lang diyan. Ipaubaya mo na lang sa akin 'to."

"Sigurado po kayo?"

"Umupo ka na." Sumenyas pa ito.

Wala na siyang choice kundi ang maupo. Hindi pa naman siya sanay na pinagsisilbihan sa bahay dahil nga mag-isa lang naman siya.

Nagpasalamat siya rito nang maglapag ito ng pinggan at kubyertos sa harap niya. Kung ganoon pala ay sanayin na niya ang sarili na palaging makakasabay kumain ang gwapo niyang boss at ang mabait na si Manang Lory.

Ngayon pa lang ay kinikilig na siya.

NAGBILANG siya hanggang lima bago id-in-ial ang numero ng Tita niya. Habang nagri-ring pa ay pinatik-patik niya ng kanyang daliri ang mesa. Kinakabahan siya dahil iyon ang unang beses na maghahabi siya ng kasinungalingan dito.

Nang sa wakas ay may sumagot na mula sa kabilang linya ay mariin siyang napapikit.

Kaya ko 'to...

"Radelyn, kamusta na?" excited na bungad ng kanyang Tita.

"Ehehe. Hi, Tita. O-okay naman ako. Gusto ko lang pong ipaalam sa inyo na sinimulan ko na po kahapon ang bakasyon ko."

"That's good news! Saan naman 'yan?"

"Ah, eh," wala sa loob na nilingon niya ang paligid ng coffeeshop na kinaroroonan niya. Doon kasi siya dumiretso matapos niyang ihatid si Thirdy. Malapit lang kasi iyon sa building ng kompanya ng pamilya nito. "N-nasa Tagaytay po ako ngayon, Tita."

"Ang layo naman niyan, hija?"

"Alam niyo naman po kung gaano ko kagustong bumalik dito, 'di ba?"

It was a half-truth. Noong huling punta kasi niya sa Tagaytay ay college graduation pa niya. Iyon ang treat sa kanya ng pinsan niyang si Amber.

"I see. It's still morning, what are you doing right now?"

"I'm having coffee, Tita." Wala sa loob na sinulyapan niya ang order niyang capuccino. "Tsaka nagbu-boywatching. Alam niyo na, dalaga."

Humagikhik ang Tita Anecita niya.

"Why don't you approach the best looking guy na tatapak diyan? Kunin mo na rin ang number!"
Nakuha ko na po ang number ni Thirdy, Tita. Charing!

Napatikhim siya upaling alisin ang naisip niyang iyon at tumawa.

"Si Tita talaga, o."

"Just kidding! Hanggang kailan ka ba riyan?"

"Um," nakagat niya ang ibabang labi at naghabi na naman ng panibagong kasinungalingan. "Mukhang nalilibang na po ako rito, Tita, eh. Baka magtagal ako ng isang buwan dito."

Tama. Iyon naman kasi talaga ang nasa original niyang plano. If she'd take a break with her job, pinakamatagal na ang isang buwan.

"Kung sigurado ka na riyan, ikaw ang bahala. Basta't mag-enjoy ka lang diyan, ha?"

Lalo tuloy siyang inuusig ng konsensiya niya. Kapakanan lagi niya ang iniisip nito.

"Y-tes, Tita. Thank you. Huwag kayong mag-alala, sinisigurado kong may matututunan akong mahalaga sa break kong 'to. I love you, Tita."

"I love you, too, hija! Masyado na yatang mahaba itong usapan natin. Mahirap na baka may makalampas na gwapo sa paningin mo. Sayang naman."

Natawa naman siya. "Tita talaga, o."

"Ingat ka riyan, ha?"

"Kayo rin po. Bye!"

Nang matapos ang tawag ay nahulog siya sa malalim na pag-iisip. Dapat lang talagang siguraduhin niyang may mapapala siya sa kalokohang pinasok niya. Dahil kung hindi ay mapupunta sa wala ang pagtatakip sa kanya ng kanyang mga kaibigan.

Humigop siya ng kape. Saktong ibinaba na niya ang tasa nang muling mag-ring ang phone niya na ipinatong lang niya sa mesa. This time it's Thirdy. Napalitan tuloy ng kilig ang pagka-guilty niya.

She took a breath before answering the phone.

"Sir."

"Noelle, I think naiwan ko ang folder sa backseat kaninang pagbaba ko. Pwede mo bang iakyat 'yon sa office ko?"

She straightened her back. "Oo naman, Sir. In ten minutes, ihahatid ko riyan ang folder."

"Thank you," pabuntong-hiningang sabi nito. She took it as a sign of relief. "Importante kasi 'yon, eh. Binabasa ko pa 'yon kanina bago ko maiwan."

Tumayo siya at wala sa loob na hinaplos ang suot niyang jeans.

"Papunta na po ako ngayon diyan, Sir."

Binigyan pa siya nito ng instructions papuntang opisina nito bago ito nagpaalam. Nagmamadali niyang tinungo ang kotseng naka-park pagkatapos. Nakita nga niya ang folder na nasa sahig na ng backseat.

WALA sa loob na nayakap niya ang clear folder nang makasakay na siya sa elevator. Nakakamangha ang lawak ng building ng mga Montreal. Modern na modern ang dating ng interior. Pwedeng makipagkompetensiya sa mga building sa ibang bansa.
Wala namang nakakapagtaka ro'n, eh. Montreal nga sila, 'di ba? Ang swerte naman ng girlfriend ni Thirdy kung gano'n. Hay... kakainggit lang.

Nakapag-daydream tuloy siya nang wala sa oras. Sana siya na lang ang girlfriend nito.

Nang sa wakas ay marating na niya ang top floor, dineretso niya ang isang pasilyo at lumiko sa kaliwa kagaya ng sinabi sa kanya ni Thirdy. Ang sinumang makasalubong niyang empleyado roon ay napapatingin sa kanya nang may pagtataka pero pilit niyang d-in-eadma ang mga ito.

Alam ko naman kasing maganda talaga ako.

Tumayo siya sa harap ng isang kulay tsokolateng pinto. Nakasabit doon ang isang signage na nagsasaad na iyon na nga ang opisina ni Thirdy.

Kumatok muna siya. Ilang segundo lang ay pinagbuksan siya ng isang matangkad na babaeng naka-corporate attire.

"Yes, Ma'am, what can I do for you?" tanong nito.

"Good morning. Mr. Montreal is expecting me," magalang niyang sabi.

"Pasok ka, Ma'am," sabi naman nito.

Pinapasok lang siya nito ng opisina saka ito lumabas ng pintuan.

Hindi niya agad nakita si Thirdy sa table nito at sa halip ay si Carson ang naabutan niyang nakaupo sa sofa. Base sa pagkaka-dekwatro nito ay tila at home na at home ito.

"Radelyn?" kunot na kunot ang noong anito.
Patay!

"'Oy... Kuya Carson, ikaw pala..." awkward na sabi niya. Hindi niya inaasahan ito.

Mabubuko na ba siya?

"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong nito na napaayos ng upo. "Business partners na ba kayo ngayon ni Thirdy?"

"H-hindi."

"Dito ka na nagtatrabaho sa kompanya niya?"

"Hindi rin pero n-nag-nagtatrabaho na ako para sa kanya."

"Bilang ano? Akala ko ba ikaw ang manager ng restaurant ni Ma'am?"

Tulad ni Camya ay naging estudyante rin ng kanyang Tita si Carson.

"O-oo nga. Ano kasi, eh..."

Bigla na lang lumabas mula sa isang pintuan na malapit sa table nito si Thirdy.

"Carson, kararating mo lang ba?" tanong nito.

Napatayo naman ang isa.

"Oo. Nagbanyo ka nga raw sabi ng sekretarya mo."

Lumapit naman siya sa table nito.

"Ito na po ang folder ninyo, Sir," sabi niya sa ipit na boses. Gusto pa sana niyang mamalas ang kakisigan nito pero wrong timing. Sa lahat naman kasi ng maaabutan nang mga sandaling iyon ay si Carson pa!

"Sir?"

Napaigtad siya sa pag-uulit na iyon ni Carson.

"I already hired her as my driver. Thanks for recommending her to me."

Hinarap niya si Carson habang kagat-kagat ang ibabang labi. On the other hand, he gave her a 'what-recommendation-is-he-talking-about' look.

"Si Camya," she mouthed.

Nag-isang linya ang mga kilay nito, halatang naguguluhan.

"Si Camya," she mouthed again.

Saglit na nanlaki ang mga mata nito. Then he gave her an 'anong-kalokohan-ito' look followed by 'nasisiraan-na-ba-kayo' glare.

She just gave him a 'magpapaliwanag-ako' face.

He shook his head in disbelief.

"May problema ba?" untag naman ni Thirdy.

Nang lingunin niya ito ay nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanila ni Carson.

"Wala," sabay naman nilang sagot ng huli.

"Hindi ka magsisisi sa pag-hire sa kanya, pare," sabi pa ni Carson. "Parang kapatid ko na si Radee at napaka-efficient talaga niya sa lahat ng bagay."

Hindi niya masabi kung nagpapasakalye ba si Carson o nagiging sarcastic lang pero nagpapasalamat talaga siya na hindi siya nito nilaglag.

"Si Kuya Carson naman," she said almost breathless at alanganing ngumiti.

"So 'Radee' pala ang tawag niyo sa kanya," komento naman ni Thirdy.

"May kailangan pa po ba kayo, Sir?"

Utang na loob, kailangan kong makalayo rito!

"Wala na. Maraming salamat para rito. Pwedeng umuwi ka na muna kung wala kang balak puntahan. Bumalik ka na lang mamayang hapon."

Napahinga siya nang maluwag.

"Thank you, Sir," sabi niya. "Una na 'ko sa inyo." Muli niyang binalingan si Carson at bahagyang kinawayan. "Bye, Kuya!"

Nagmamartsa na siya papuntang pintuan nang marinig niyang magsalita si Carson.

"Teka lang, Thirdy, ihahatid ko lang siya sa labas."

Lagot ka ngayon, Radelyn!

NAPAMEYWANG si Carson habang siya naman ay nanliliit sa isang sulok ng elevator.

"Magsabi ka nga nang totoo, Radelyn. Gusto ba talaga akong asarin ng kapatid kong 'yon at ikaw ang pinag-apply niyang driver ni Thirdy?"

Sunod-sunod siyang umiling. "H-hindi! Choice ko naman kasi 'to. Ang totoo hindi nga alam ni Camya na ito pala ang plano ko. Humingi rin kasi siya sa 'kin ng tulong. Imbes nga lang na maghanap ng iba, ako na lang ang nagprisinta. Naka-break ako sa restaurant ngayon kasi gusto kong sumubok ng ibang mga bagay."

"Gano'n? Sawa ka na sa buhay mo?"

"Parang," nahihiya niyang sabi.

"Radee, kung ano man 'yang pinagdadaanan mo sa buhay, labas na si Thirdy ro'n. Kaya ka naman pala h-in-ire kasi akala niya ako ang nagrekomenda sa'yo!"

Kulang na lang ay pilipitin nito ang leeg niya sa tono ng pananalita nito.

"Eh wala naman akong balak patagalin ang pagiging driver kong 'to, eh. Magre-resign din ako after a month kasi ang akala ni Tita nasa Tagaytay ako at nagbabakasyon."

"Ngayon pati kay Ma'am nagsinungaling ka?"

Pinagdikit niya ang mga palad at pinaghugpong ang kanyang mga daliri.

"Please, Kuya, ibalato mo na sa 'kin 'to. Pangako, kahit anong kapalit ibibigay ko para lang hindi mo ibuking ang ginagawa ko. Parang awa mo na. Ginagawa ko lang naman 'to para mahanap ang sarili ko, eh. Sige na naman..."

Bahala na. Kung kailangan niyang lumuhod, gagawin niya. Basta't sa loob lang ng elevator na iyon. At least walang ibang makakakita maliban sa CCTV camera.

Napalatak naman si Carson.

"Pa'no kung malagay sa alanganin ang business partnership namin ni Thirdy dahil sa kalokohan niyo?"

Itinaas niya ang kanang kamay. "Sinisiguro kong hindi. Pinagbubuti ko naman ang pagiging driver niya, eh. Sige na, Kuya. Ibalato mo na sa 'kin 'to. Nagmamakaawa ako."

Nagbuntong-hininga si Carson at seryoso siyang tiningnan.

"Basta hindi ako sasabit dito, ha?"

"Hinding-hindi!" nabuhayan ng loob na sabi niya.

"'Yong sinasabi mong kapalit, pwede kong hingin sa'yo 'yon anytime, ha."

"Oo, bahala ka na!"

"Pwede akong humingi ng pabor na higit isa."

"Sobra naman 'yon!" reklamo niya.

"Madali akong kausap. Pwede kong sabihan si Thirdy na--"

"Ito naman, hindi na mabiro!" sansala niya. Tama nga si Camya, hindi nga ito madaling mapakiusapan!

"Mabuti na 'yong nagkakaintindihan tayo," nakangising anito. "Siyangapala, tulungan mo 'kong paglapitin ulit sina Camya at Takeru."

"Bakit naman 'yon pa?"

"Bakit hindi? Five years ago pa sila ipinagkasundo ni Lolo sa isa't-isa. Kapag hindi nangyari ang gusto ng matandang 'yon, pare-pareho raw kaming walang manang makukuha."

"Gano'n?" gulat anas niya.

"Saya, 'di ba?"

Napalatak siya. "Hindi naman na kailangan. Magkasama na ngayon 'yong dalawang 'yon sa iisang bubong. Si Camya ang nakatira sa apartment ko dahil stay in ako kay Sir Thirdy."

"Ha-ha! Wow!" hindi makapaniwalang anas ni Carson at ginulo-gulo ang ponytail niya. "Pinapabilib mo naman ako. Keep it up!"

"Basta 'yong usapan natin, ha?" nakanguso niyang sabi habang sapo ang nagulong buhok.

Sakto namang bumukas na ang elevator sa ground floor.

"Makakaasa ka, Radee. Bye!" ngising asong sabi nito nang makalabas na siya ng elevator. "Ang galing mo talaga! Hindi nagkamali si Thirdy sa'yo."

Napakamot siya ng kilay nang sumara na iyon.
Nakipag-deal ba 'ko sa demonyo sa elevator?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top