[3] His Lovely Driver

CHAPTER THREE

IYON NA nga iyon. Wala nang masyadong tsetse-buretse o anupaman. Tanggap na agad siya bilang driver.

Sus! Ganda lang pala ang puhunan, eh!

Luckily, nakakapag-drive naman siya nang maayos kahit na distracting ang kakisigan ng bago niyang boss sa backseat. Medyo nanghinayang lang siya nang hindi ito naupo sa tabi niya pero naalala niyang driver nga pala siya nito.

Hindi bale na. Ang importante, araw-araw ko naman siyang makakasama!

In her mind, she was giggling like a fan girl.

"Malayo ba ang tirahan mo mula rito, Noelle?" tanong ni Thirdy ilang sandali pa.

Bahagya niya itong sinulyapan sa rearview mirror. "Malapit lang, Sir. Isang sakay lang."

"Bakit ito ang napili mong trabaho? Bakit hindi ka pumasok sa mga kompanya?"

"Bakit, Sir? Magagaan na trabaho lang ba ang kayang gawin ng mga babae?"

Kung alam mo lang, Sir, do'n na 'ko nanggaling. Kaya nga nagsawa na 'ko, eh.

"Hindi naman sa gano'n." Nahagip ng tingin niya ang pagkamot nito sa kilay. "Siguro I just find it amazing."

Napakagat siya sa ibabang labi. So you find me amazing, huh?

"Bakit nga ba ito ang napili mong trabaho?" tanong ulit ng lalaki.

Sawa na kasi ako sa nakasanayan ko.

Tumikhim siya. "Why not, Sir? Kung hindi ko pinili nito e di wala sanang nagda-drive para sa inyo ngayon. 'Di ba?"

"Yeah, right."

Kulang na lang ay tumili siya nang mahimigan niya ang ngiti nito.

Ginanahan tuloy siyang magpasikat. "Marangal na trabaho naman po ang pagiging driver, eh. Statistics na nga mismo ang nagsasabi na mas safe na driver ang mga babae kaysa sa mga lalaki."

"I'm starting to like you already."

Nanlaki ang mga matang tiningnan niya ito sa salamin. What he said made her heart skipped a beat! Only, sa labas ng bintana naman ito nakatingin. Hindi tuloy niya masabi kung sincere ito. Sayang.

"T-thank you, Sir," kiming sabi niya.

Actually, kanina pa nga kita like, eh.

HANGGANG sa maka-park na ang kotse sa malapad na parking lot ay hindi pa rin siya makapaniwala. Noon lang nag-sink in sa kanya na ang bagong boss niya ay ang isa sa apat na tagapagmana ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Asya na si Alejandro Montreal and Thirdy was even named after him!

"Nagkakaintindihan na ba tayo, Noelle?" tanong sa kanya ni Thirdy nang makababa na sila pareho ng kotse.

"Yes, Sir."

"You can use your free time to pack your things. Dapat pagbalik mo rito, nailipat mo na ang mga gamit mo sa condo."

Tumango-tango siya. Habang sa daan kanina ay napag-usapan din nila ang mga kondisyon nito. Gusto ni Thirdy na madali lang siyang tawagin anytime na kailangan nito ng driver kaya makabubuti kung mag-stay in na lang daw siya. Tutal naman ay parang bahay sa laki ang unit nito, pwede siyang mag-share ng kwarto kay Manang Lory.

Tumango-tango siya. "Copy, Sir!"

"Good. I'll go ahead."

"Bye, Sir! Have a nice day!"

Ngumiti si Thirdy nang tipid at tumango. "Ikaw rin."

Pinanood niya itong maglakad palayo. Hindi lang niya ito basta maipapag-drive araw-araw, makakasama pa niya ito sa isang bubong!

Napahawak siya sa kanyang dibdib. She can't believe it! Mukhang tama lang ang desisyong ginawa niya.

"ANO na naman ang pumasok sa utak mo at pinabalik mo 'ko rito?" tanong ni Camya habang pinapanood siya nitong maglabas ng mga damit mula sa kanyang closet at ipasok iyon sa isang malaking bag.

Matapos niyang i-zipper ang bag na ipinatong niya sa ibabaw ng kama ay pinagpag niya ang mga kamay. Hinarap niya si Camya at ibinitin sa ere ang susi ng kanyang apartment.

"Iiwan ko muna ang apartment ko sa'yo nang pansamantala."

"Ano?" gulat na anito.

"I found what I wanted to do, unexpectedly. Mapagkakatiwalaan ba kita, Camya?"

Ang totoo ay si Camya lang ang tanging pumasok sa isip niya na pag-iwanan ng apartment. Para kasing NPA ang isang ito. Madalas ay nakikigulo ito sa bahay nina Jingke dahil ayaw na ayaw nitong umuuwi sa bahay ng kanyang lolo at mga kapatid.

Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanya at sa susi.

"S-sigurado ka ba?"

Kinuha niya ang kamay nito at inilagay doon ang susi.

"Um-oo ka na, Camya, please? Wala na akong panahon na maghanap ng pag-iiwanan nitong apartment. Kung dito pa 'ko magsi-stay, baka isipin ni Tita na hindi naman talaga ako nagbabakasyon."

"Eh hindi naman talaga, 'di ba?"

"Camya naman!"

Camya rolled her eyeballs. "Eh ano pa nga ba? Ako na nga 'tong inaalok ng libreng pagtira, aarte pa ba 'ko?"

Napahagikhik siya at niyakap ito.

"Thank you!"

"Basta, Radee, hindi ako sasabit dito, ha?"

"Hinding-hindi. Promise!"

"Naniniwala ako sa'yo," sabi nito matapos niyang kumalas dito. "Ilibre mo nga muna ako ng lunch, gutom na gutom na 'ko."

Umingos siya. "Eh kung mag-asawa ka na kaya nang may sumusustento na sa'yo?"

Umingos din ito. "Magsisipag na lang akong magsulat."

"GUSTO mo ba ng tulong diyan, hija?" tanong sa kanya ni Manang Lory matapos niyang ilapag sa sahig ang bitbit niyang bag. Wala pa mang isang araw ay ilang beses na siyang nagpabalik-balik at nakakapagod pala. Hindi niya nararamdaman ang ganoong pagod noong nasa restaurant pa siya pero nakakamanghang masaya pa rin ang kanyang pakiramdam.

"Kaya ko na po 'to, Manang. Salamat po," nakangiting sabi niya.

"Nakakain ka na ba ng pananghalian mo? Nagluto ako."

"Kumain na po ako sa apartment kanina pero okay lang po bang kumain ulit?" kiming sabi niya habang painosenteng nakangiti.

Ngumiti naman ito.

"Halika. Mamaya mo na iyan balikan!"

Uunat-unat siya ng braso nang sumunod dito. Sa totoo lang ay natunaw talaga ang kinain niya dahil sa bigat ng kanyang mga gamit.

"WELCOME to the company, pinsan!"

Ibinuka ni Ziggy ang mga kamay upang bigyan sana siya ng yakap pero umatras siya. Napakamot na lang ang pinsan niya sa batok nito.

"Saan ka nangagaling?" tanong niya sa halip at naupo.

Nang i-welcome siya kanina ng mga executives ay wala si Ziggy. Ang akala nga niya ay hindi na ito papasok.

Humalukipkip ito at nagkibit-balikat.

"Kay Ether."

"Sino'ng Ether?"

"She's my girlfriend. But she broke up with me."

"Gusto mong bumalik siya sa'yo para ikaw ang mismong makipag-break sa kanya?"

"Hindi, ah!" malakas na tanggi nito. "Siya lang ang babaeng sineryoso ko, alam niya 'yon."

"Kung gano'n bakit siya nakipag-break sa'yo?"

"Naunahan kasi niya 'ko, eh. Dapat noong gabing nag-family reunion ipagtatapat ko na sa kanya na hindi naman talaga ako isang simpleng staff nitong opisina."

"At pagkatapos sasabihin mong sineryoso mo siya?"

"Gusto ko lang namang malaman no'n kung pwede niya 'kong magustuhan kahit na hindi naman ako mayaman. Alam mo 'yon? Sawa na 'kong mapaligiran ng mga social climber!"

"O ngayon? Manloloko na rin ang tingin niya sa'yo? Maghanap ka na lang ng iba, Ziggy."

"Ayoko nga!" sabi nito sabay martsa palabas ng opisina niya.

Pipigilan pa sana niya ito nang biglang mag-ring ang telepono. Dinampot niya iyon.

"Sir, na-email ko na po ang mga files na hinihingi ninyo," boses iyon ng bago niyang sekretarya na si Mylene. "At tsaka po may mga additional files pa pong kasama galing sa Lolo ninyo. Kakailanganin niyo rin daw po 'yon."

"Okay, I'll check it immediately. Thanks, Mylene."

"You're welcome po, Sir. May iba pa po ba kayong kailangan?"

Napakamot siya ng kilay. "Ah, yeah. Sabihin mo kay Ziggy na bumalik siya ng opisina ko dahil may kailangan pa 'ko sa kanya."

"Copy, Sir."

Matapos niyang ibaba ang telepono ay hinarap na agad niya ang computer at nag-log in sa kanyang email.

NAKATAMBAY na siya sa parking lot nang makatanggap siya ng tawag sa isang unregistered number.

"Hello, sino 'to?" bungad niya.

"Moshi, moshi! Takeru desu. Radee-chan imasu ka."

Nanlaki ang mga mata niya.

"Takeru-kun?"

"Soo desu ne."

"Oh, my--" impit siyang napatili. "It's been a long time! Kamusta ka na, superstar?"

She felt like giggling all of a sudden. Tinawagan siya ng pinakasikat na actor sa Japan at sa buong Asya!

She heard him chuckled. "Okay lang. Gwapo pa rin naman."

Napahagikhik na naupo siya sa unahan ng kotse.

"Hindi ako makapaniwala!"

"Kung makapagsalita ka parang hindi tayo nag-uusap, ah?"

"Well, iba naman 'yong sa e-mail kumpara sa naririnig ko mismo ang boses mo, 'no!"

Matagal na niyang kilala si Takeru. He was still a simple but talented college student back then. Ngayon ay hirap na itong ma-reach dahil sobra nang malayo ang narating nito.

Nang malaman niya mula kay Camya na may commercial si Takeru sa Japan ay nagsimula sila ni Jingke na 'i-stalk' ito. Hindi naman sila nahirapan na ma-contact ang lalaki. Nakakatuwa pa ngang hindi man lang nagbago ang pakikitungo nito kahit na nabigyan ito ng big break sa showbiz.

"Soo desu ne. Actually, hindi ka maniniwala. I'm home."

Napaigtad siya. "Hindi nga?"

He chuckled. "Sabi ko na, eh."

"Magbabakasyon ka rito?"

"Hai, soo desu. At isa pa, miss na miss na miss ko na rin si Camya. Gusto ko sana na siya ang una kong makita pagkagaling ko dito sa airport."

"Nasa airport ka na?" hindi makapaniwalang ulit niya.

"Matagal ko nang planong umuwi. Hindi ko lang pwedeng talikuran ang mga commitments ko. Alam mo na."

Napangisi siya. "Congrats sa successful movie mo, ha?"

"Thank you!"

"Alam mo ilang beses ding pinanood ni Camya 'yon."

"Talaga? Hindi na ba siya galit sa 'kin?"

"Takeru, naman! Limang taon na ang nagdaan. Kung gusto mo siyang makita, nasa apartment ko siya ngayon. Siya lang ang mag-isang nakatira ro'n kasi nakabakasyon ako. Iti-text ko sa'yo ang address kung gusto mo at kung wala ka pang matutuluyan, do'n ka na rin muna. Mag-live in kayong dalawa," sabi niya at nakakalokong tumawa.

Ang gandang timing!

Malutong din ang tawa nito sa kabilang linya.

"Pahingi naman ako ng address ngayon na, o. Nakitawag lang kasi ako sa isa sa mga airport police. Buti na lang kilala ako."

Napahagikhik siya. "Oo ba." Idinikta lang niya rito ang address niya and good thing ay agad naman nitong nakabisado.

"Arigatou gozaimasu! Siguro magpapahatid na lang ako ng taxi."

"Ikaw na ang bahala sa babaeng 'yon, ha? Alam kong magagalit siya kapag pinagsabi ko 'to pero namumulubi 'yon ngayon, eh. Inuna pa kasi n'on ang pride."

"Tatandaan ko, Radee. I'll do everything to make it up to her. Sana lang bigyan niya 'ko ng chance," he said sincerely.

Para namang may humaplos sa puso niya.

"Ang swerte talaga ng bruhang 'yon!" sabi niya kaya natawa na naman si Takeru. "Ingat ka, ha? Alagaan mo ang kaibigan ko. At tsaka, Takeru..."

"Nani?"

"Welcome home."

He chuckled once again. "Thank you."

KAHIT na mukhang exhausted, Thirdy still looked so adorable. Past six na nang lumabas ito ng building.

"Magandang hapon, Sir," masigla niyang bati rito sa pormal pa ring tono.

"Hi, Noelle," bati naman ng lalaki at tinanguan lang siya.

Pumasok na agad ito sa backseat nang pagbuksan niya. Nagmamadali siyang sumakay sa driver seat pagkatapos. Nang sulyapan niya sa salamin si Thirdy ay nakasandal ito sa upuan at nakapikit. He must had a tough day. Naikwento kasi sa kanya ni Manang Lory na matagal itong nanirahan sa States at hindi madali ang pinagdadaanan nitong adjustment.

Okay lang 'yan, Sir. If you need me, I'm just right here. Ho-ho!

Who'd have thought na within twenty-four hours lang ay nagka-crush na agad siya rito?

"Gusto niyo po bang ako na lang ang magdala niyan, Sir?" tukoy niya sa bitbit nitong itim na laptop case nang nasa elevator na sila.

"Hindi na. Magaan lang 'to," nakangiting sabi naman nito.

"Mukha kasing pagod na pagod kayo. Baka lang dahil sa dala niyo."

Ngumiti ulit ito. "Salamat na lang sa offer. Driver kita at hindi PA."

Ngumiti na lang din siya.

Sayang. Pogi points din 'yon.

Nang marating na nila ang unit nito ay magkasunod silang pumasok.

"Manang, handa na ba ang dinner?" tanong nito matapos ilagay sa sofa ang dala nito.

Lumabas naman ng kusina si Manang Lory.

"Magandang gabi. Dumating na pala kayo. Malapit na akong matapos, hijo. Kaunting tiis na lang," nakangiting sabi ng babae.

"Pakitawag na lang po ako. Magpapahinga lang ako sa kwarto."

Pinanood nila ito ni Manang nang tumalikod na ito.

"Mukhang stress, ano?" ani Manang Lory sa kanya.

"Oo nga po, eh. Pero okay lang. Cute pa rin naman siya, eh."

Napahagikhik ang babae kaya nahawa na rin siya.

Katatapos lang niyang magpalit ng pambahay nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone niya.

Si Camya. Tiyak na nagkita na ito at si Takeru. Ngayon pa lang ay natatawa na siya.

"Radee!"

"Yes, Camya? Kamusta naman ang gabi mo diyan nang mag-isa?" tanong niya.

"Kasi, Radee, may problema. Hindi ba kabilin-bilinan mo na huwag akong magpapapasok ng kung sinu-sino? Kasi, ano--"

"Si Takeru lang naman 'yan, eh. Walang kaso sa 'kin!" hindi napigilang mapahagikhik na sabi niya.

Nai-imagine na niya ang gulat sa mukha nito.

"Alam mo?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top