[19] His Lovely Driver
CHAPTER NINETEEN
"ANG DAMI naman niyan!"
Hindi niya masabi kong nagrereklamo o natutuwa si Camya nang halos umapaw ang bowl nila ng kaibigan sa rice toppings na ginawa ni Takeru para sa dinner nila. Wala siya sa sarili at hindi pa mag-sink in sa kanya na nakabalik na nga siya sa sariling apartment. Hindi totoong umuwi siya kagaya ng mga sinabi niya rito. Dala lang lahat iyon ng sakit na nararamdaman niya sa loob niya.
"Okay lang 'yan. Kailangan niyong kumain nang marami para magkalaman naman kayong dalawa. Ang papayat niyo na, o," sabi naman ni Takeru.
"Ano ang gusto mong palabasin? Na naliliitan ka sa 'min?" Camya slightly arched her back and pointed her nose in the air.
Pinagkrus ni Takeru ang mga braso sa tapat ng dibdib at nakapaningkit na tiningnan si Camya.
"Hindi naman. Actually, sakto lang."
Pinitik ng kaibigan niya ang tungki ng ilong ng pobreng lalaki kaya napahiyaw ito.
"Ano na naman ang problema mo?" reklamo nito habang sapo ang ilong.
"Nakatingin ka sa dibdib ko, eh!"
Natatawang niyapos nito si Camya at hinalikan sa buhok.
"Nagalit ka naman kaagad."
"Lumayo ka nga sa 'kin," angil ni Camya at tinabig ito.
"Parang nilalambing ka lang, eh," ani Takeru at napaayos ng upo.
"Nagtampo ka naman agad." Si Camya naman ang yumapos dito at hinalikan ito sa leeg.
Pumalatak siya nang hindi na siya nakatiis.
"Alam niyo, kaunti na lang masusuka na 'ko sa inyo," sabi niya.
Napaayos naman ang mga ito.
"Sinusulit lang naman namin ang pagtira rito," ani Camya. "Alam mo na, bilang na ang mga maliligayang araw namin."
"You can stay as long as you want, guys. I love having you around, lalo na kapag hindi kayo nag-aaway."
"Paano naman ang privacy mo? Besides, babalik na ako ng Japan next week. Mami-miss ko ang pagtira rito."
"Pati si Camya?"
"Maliban kay Camya." Dinampot nito ang chopsticks at pinaghiwalay. "Ittedakimasu!"
Nang tumingin naman siya kay Camya ay tahimik na sinimulan na rin nito ang pagkain.
Kumain na rin siya. Hindi niya maiwasang makaramdam ng lungkot. It's not that ayaw niyang makasabay sa pagkain ang dalawang ito. Talaga lang na naninibago siya. Nasanay na siyang sina Manang Lory at Thirdy ang kasalo niya sa pagkain.
"Ang lambot ng beef. Ang sarap," nakangiting sabi niya kay Takeru matapos ng unang subo.
"Arigatou," masayang tugon naman nito.
NAPABANGON siya at nakita niya si Camya na abala pa rin sa harap ng laptop nito sa study table niya.
Napahinto naman ito habang nanlalaki ang mga mata.
"Naiingayan ka ba? Naku, Radee, sorry, ha?"
Ngumiti siya at umiling.
"Alam mo namang kaya kong matulog kahit sa gitna ng bar, 'di ba? Hindi lang talaga ako dinadalaw ng antok ngayon. Nakakapanibago nga, eh."
Tumagilid ito ng upo upang makaharap ito sa kanya.
"Missed mo na siya agad? Grabe, ha," tukso nito.
"Sira," pakli niya.
"So missed mo nga?"
Hindi na siya nag-deny o anupaman.
"Tama ba talaga 'yong ginawa ko?" sa halip ay tanong niya.
Ipinatong ni Camya ang dalawang braso sa backrest ng silya at humilig doon.
"Tingin mo, tama ba 'yong hindi ka naging honest sa kanya?"
"Well, if not telling the truth is the same as lying..." She sighed. "Masisisi mo ba 'ko kung magdamdam ako?"
"Hindi. Normal lang na 'yan ang maramdaman mo. Na-in love ka na ro'n sa tao, eh."
"Ayaw na niya 'kong magtrabaho para sa kanya. Hindi ba pareho lang din 'yon na ayaw na niya 'ko sa buhay niya?"
"Minsan. But I don't think sa lahat ng pagkakataon."
"Tama si Kuya Carson. Karapatan ni Thirdy ang maghanap ng mas magaling at mas efficient kaysa sa 'kin," malungkot niyang sabi.
"Naniwala ka naman do'n," pakli ni Camya. "Ano'ng malay mo kung ginu-good time ka lang n'on sa mga pinagsasasabi n'on?"
"Pero siya ang higit na malapit kay Thirdy, 'di ba?"
"Wala pa rin akong tiwala kay Kuya."
"And I don't think magandang ideya na hayaan kong lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya. Bumalik na 'yong ex niya sa buhay niya. Ano naman ang panama ko sa babaeng 'yon na parang manikang nabuhay?"
Umasim naman ang mukha ni Camya.
"Tingin mo talaga, maganda si Barbie sakaling naging tao siya? Tingin mo talaga, maniniwala ang mga tao na batang babae nga si Hello Kitty kapag naging tao siya?"
Kumunot nang husto ang noo niya.
"Paano naman sila nasali sa usapan?"
"Wala lang. May masabi lang," napakamot sa ulo na ani Camya. "Pero seryoso, wala kang rason para ma-insecure do'n sa ex ni Thirdy. Kung sino man 'yon. Teka, wala na ba siyang ibang sinabi noong araw na nag-resign ka?"
Napatingala siya sa kisame at aktong nag-iisip.
"Meron. Marami raw siyang gustong sabihin sa 'kin kaya... kung pwede raw 'wag muna akong mag-resign. In the end, sinabi na lang niyang sabihan ko siya sakaling nakabalik na 'ko galing Antique para makapag-usap kami. Kaya lang parang hindi ako ready sa mga sasabihin niya, eh."
"Wala ka man lang bang ideya kung ano ang mga bagay na 'yon na gusto niyang sabihin?"
Umiling siya. "Natatakot din naman kasi akong alamin. Baka hindi kayanin ng dibdib ko."
"Gano'n? Kahit wala pa, nag-iisip ka na ng negative?" nakataas ang kilay na ani Camya.
"Camya, kapag ang tao depressed, hindi niya maiisip or mahihirapan siyang mag-isip ng mga positive unless sa ibang tao mismo manggaling."
"What if it's the other way around?" nakapaningkit na sabi nito.
Siya naman ang nagtaas ng kilay.
"Camya, naman. Tinuturuan mo naman akong mag-assume, eh."
"Malay mo naman, mahal ka rin pala ni Thirdy."
"Ewan ko sa'yo." Natampal niya ang magkabilang pisngi. "Feeling ko lang ba 'to o lalo lang lumaki ang problema ko?"
"Malaki nga ang problema mo."
Ibinagsak niya ang likuran sa kama.
"Thirdy, bakit ba kasi na-in love pa 'ko sa 'yo?"
"Hala, nabaliw na ang isa rito," wika naman ni Camya.
She closed her eyes.
Lord, I really don't know what to do. Mahal ko si Thirdy pero hindi ko alam kung dapat kong ipagpatuloy 'to.
"WHAT ARE you doing here, looking hot as hell?" paangil na tanong ni Carson kay Mary Cris.
Silang tatlo na nasa likuran ng huli ay nagpalitan ng nakakalokong ngiti. Nasa isang maingay na bar sila nang gabing iyon upang mag-girl's night out bilang pang-asar kay Carson.
Nag-LQ yata ang dalawa kaya niyaya nila si Cris na mag-ayos at lumabas. Hindi pa rin malinaw sa kanila kung sino ang may pakana na magsuot sila ng maikling dress. Pero isa lang ang ibig sabihin niyon, na-badtrip nang husto si Carson.
Papaano ba namang hindi eh ilang lalaki na ang nagtangkang makipagkilala sa asawa nito?
"Ang pagkakaalam ko, may karapatan akong magsaya nang hindi kinukwestiyon ng kung sino," taas-noong sagot ni Cris at napameywang, emphasizing her proud curves.
Lalong tumalim ang tingin ni Carson dito.
"But I'm your husband!"
"Even if you're my husband!"
"So natutuwa ka na kung sinu-sino lang ang lumalapit sa'yo para makipagkilala? Gano'n ba?"
"Ang sinasabi ko lang, pwede ko ring gawin ang ginagawa mo!"
"Lagot na," si Camya.
"Sino'ng lagot?" tanong nila ni Jingke.
"Si Kuya. Hinding-hindi mananalo kay Cris 'yan kahit ano'ng gawin niya."
Bumungisngis silang tatlo.
"At kayo naman," baling naman sa kanila ni Carson. "Kung anu-anong iniimpluwensiya niyo rito sa asawa ko. Paano na lang kung ipagpalit niya 'ko?"
"Hindi na namin kasalanan 'yon, Kuya," sagot ni Camya. "Na kay Cris naman 'yon, eh. Kahit naman siguro sinong babae, gugustuhing makahanap ng 'matinong' lalaki."
Nameywang si Carson. "Hindi ako matino, gano'n?"
Itinaas ni Camya ang dalawang kamay.
"Naku, sa'yo mismo nanggaling 'yan, Kuya."
Napabungisngis naman silang tatlo rito na lalong ikinapikon ni Carson.
"Iuuwi na kita," sabi na lang nito at hinawakan si Cris sa kamay.
Agad namang pumiksi ang isa.
"Pwede ba? Uuwi ako kung kailan ko gusto!"
"Huwag ka ngang magpabuyo sa mga 'to! Mga walang lovelife ang mga 'yan kaya nandadamay. Umuwi na tayo," mariing sabi nito.
"Sobra ka, Kuya, ha!" angal nilang tatlo.
"I'm taking my wife home now. Kayong tatlo," pinagdududuro sila nito, "bahala na kayo sa mga buhay ninyo!"
Napatili si Cris nang basta na lang itong pangkuin ni Carson. Almost everyone's eyes inside the bar are on them!
Sa huli ay hindi na tumutol si Cris. Kinawayan na lang nilang tatlo ito habang tinatangay ng nagseselos na kuya ni Camya.
"Sana girl!" pahabol ni Jingke.
"Mas maganda kung boy!" sabi naman niya.
"Sige, gawin niyo nang kambal!" si Camya.
Tatawa-tawang naupo silang muli sa counter.
"Nakakainggit si Kuya Carson, na-in love na rin nang totoo sa wakas," wika ni Camya maya-maya pa.
"Oo nga, eh," sang-ayon naman nila ni Jingke.
Mapait siyang ngumiti at hinawakan ang bote ng beer niya. It's already been two weeks since she last saw Thirdy at sa totoo lang ay nami-miss na niya ito.
Kamusta na kaya ito? Malamang ay nagkabalikan na ito at si Shantal. Ang sabi kasi sa kanya ni Carson ay madalas nitong makita ang dalawa na lumalabas.
Malungkot siyang nagbuntong-hininga.
"Nawala lang sina Kuya at Cris, naging tahimik na," ani Jingke.
"Ano nga pala ang plano natin sa Sunday?" pag-iiba ni Camya.
May reunion kasi ang kanya-kanyang batch nila sa St. Nicholas University sa Linggo.
"Sabay na lang tayong tatlo tutal magku-commute na lang naman tayo," sagot niya.
Noong isang linggo lang kasi, ibinigay niya ang sariling kotse kay Kuya Sixto bilang pamalit sa sirang ambucab ng mga ito sa barangay. Ang bagay iyon ang isa sa mga ginawa niyang talaga namang nagbigay ng totoong kasiyahan sa puso niya lalo na nang pinasalamatan siya ng mga tao roon. Pakiramdam tuloy niya ay isa siyang huwarang mamamayan ng bansang Pilipinas.
"Pwede ring sumabit na lang tayo kay Kuya Carson para tipid. May instant driver pa tayo!"
Marahan itong hinampas ni Jingke sa balikat.
"Ang galing ng idea mo, Chai!"
"Naman!"
"Eh si Takeru ba, a-attend din siya?" tanong niya.
Hindi nga sa SNU g-um-raduate si Takeru pero pride ang turing dito ng faculty and staff ng eskwelahan dahil naging estudyante pa rin ito doon.
"Aba, malay ko," malungkot na sagot ni Camya.
Last week lang bumalik ng Japan si Takeru dahil tapos na ang dapat ay isang buwan lang na bakasyon nito na na-extend. Ang kaso, wala ring nangyari. Hindi rin nagkalinawan ang dalawa. Gusto na nga niyang dagukan nang malupit si Camya.
"Think positive," sabi naman nila ni Jingke rito.
Pumalatak naman ito.
"Yogs, tigilan niyo nga ako. Wala ako sa mood pag-usapan siya."
"Hayan ka naman," aniya at siniko ito.
"Kung missed ko siya noon, mas missed ko siya ngayon." Bumuntong-hininga ito at nangalumbaba. "Lagi na lang niya 'kong iniiwan. Kainis. Hindi ko man lang nasabing wala man lang akong ibang minahal kung hindi siya."
Nanatili lang silang nakatitig ni Jingke rito.
"O, ba't wala man lang kayong reaksiyon?" tanong nito habang nagpapalipat-lipat ang tingin sa kanila.
"Eh ano bang malay namin kung gagamitin mo lang 'yan sa manuscript mo?" aniya.
Umasim ang mukha nito.
"Hindi ba 'yon din naman ang nararamdaman mo kay Thirdy?"
Natigilan naman siya.
"Gusto mong basagin ko 'tong bote sa ulo mo?" angil niya bilang pagtakip sa nagwawala niyang puso.
"Huwag, Radee. Maawa ka sa bote," sabi naman ni Jingke. "Walang pambayad si Camya riyan."
"Kung hindi ko pa alam, gustong-gusto mo na siyang makita."
"Hindi ba kayo nilalamig sa mga suot ninyo?" pag-iiba niya.
"Nilalamig!" sagot ni Jingke.
Tumayo naman si Camya. "Umuwi na nga tayo. Kating-kati na talaga ako sa damit na 'to. 'Langhiya! Kay Takeru naman talaga 'to bagay, eh."
"MAY boyfriend ka na?" gulat na ulit niya sa sinabi ng kapatid.
Nasa opisina niya siya nang tawagan niya si Reina. Pinag-usapan nila ang pag-uwi niya sa kanila sa Pasko.
"Oo, Ate," nahihiya pang kompirma ni Reina. "Pero sinisiguro ko sa'yo, Ate, mabait si Xavier. Boto nga si Mama sa kanya, eh." Humagikhik pa ito.
"Xavier? Parang tunog-aso 'yong pangalan."
"Ate, naman, eh!" ingos pa ni Reina.
Tumawa siya. "Joke lang. Ikaw naman, Sis, eh. Basta mabait 'yang aso--este 'yang boyfriend mo, ha? Hindi ka lolokohin niyan?"
"Oo, Ate. Promise, sabay kaming magtatapos para may maganda kaming future balang araw."
Napasandal siya sa swivel chair niya.
"Aishu! Future balang araw ka riyan. Mag-aral ka ngang mabuti sabi!"
Humagikhik muli ang kapatid niya.
"Ikaw, Ate. Kailan mo naman ipapakilala sa amin ang boyfriend mo?"
Napawi ang mga ngiti niya. Hindi pa man humuhupa ang sakit sa dibdib niya ay hindi na naman niya maiwasang maalala si Thirdy.
"Wala pa nga, eh. Saka na lang 'yon. Hindi pa naman ako magpapakasal, eh. He-he!" pagbibiro na lang niya.
Biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya at iniluwa niyon ang assistant niyang si Aika.
"Ma'am, may nagrereklamo pong customer sa labas. Ayaw magpaareglo. Sa inyo lang daw makikipag-usap," tarantang sabi nito.
Nangunot ang noo niya. Iyon ang unang pagkakataon na may nagreklamong customer sa tagal ng pagiging manager niya sa Anee's.
"Sige, Aika, lalabas na 'ko," sabi na lang niya kay Aika. Nagpaalam na rin siya kay Reina at sumunod sa labas.
Wala sa loob na inayos-ayos niya ang suot niyang blazer habang nakasunod sa kanyang assistant. Ano kayang problemang nangyari at kailangang mataranta ni Aika nang ganoon?
"Nasa'n sila, Aika--"
Naestatwa siya sa kinatatayuan nang makita ang galit na galit na mga matang nakatutok sa kanya.
"Hindi raw niya nagustuhan ang management ng restaurant, Ma'am, eh. Hindi raw maganda ang service at ang pagkain natin. Dapat daw magsara na lang tayo."
Lahat ng sinabi ni Aika ay tumagos lang sa kanyang tenga. Mas abala siya sa paghabol sa nagkakarera niyang puso. Bakit hindi man lang niya pinaghandaan ang posibilidad na makakaharap niyang muli ito? Ayon tuloy, hindi niya alam ang sasabihin ni ang gagawin.
Ano na kaya ang iniisip nito gayong siya ang nagpakitang manager ng restaurant? Siya na dating driver nito? Ni Thirdy.
Lagot na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top