[17] His Lovely Driver
#ThirDee lang. Haha! Ang hindi mag-hashtag, ewan ko na lang. ^___^v
CHAPTER SEVENTEEN
NAGKATINGINAN sina Camya at Jingke sabay, "Ayie!"
Kunwari ay umingos siya.
"Kaya nga ba nagdadalawang-isip akong magkwento sa inyo, eh."
Nagkita-kita silang tatlo sa apartment niya dahil nagkaroon ng libreng araw si Jingke. At ayon nga, napunta sa kanya ang usapan.
Nagkatinginan na naman ang magpinsan.
"Ano naman ang masama ro'n?" tanong ng mga ito.
"I mean, bakit kayo ganyan? Amo ko siya, driver niya ako," may pakumpas pa ng kamay na sagot niya.
"Sana naisip mo 'yan bago ka na-in love sa kanya," ani Camya.
"Pero love conquers all naman, eh," si Jingke at siniko ang pinsan. "'Di ba?"
"Ah, eh, tagilid ako sa bagay na 'yan," anito.
Mas nilakasan ni Jingke ang pagsiko rito.
"Ang sama nito!"
Nagkamot ito ng kilay. "Kung sa novel siguro, oo. Pero sa totoong buhay?" Pumalatak na lang ito.
"Hindi ba sa 'ting tatlo, ikaw ang may lovelife?"
Tumaas ang kilay ni Camya. "Financial problem, you mean? Hirap na nga akong maghanap-buhay, eh. Iisipin ko pa ba 'yang... ah, ewan."
"Camya, naman. Magpakatao ka naman kahit ngayon lang."
Nagkamot ulit ito ng kilay.
"Sorry naman."
Nagbuntong-hininga siya.
"Kung bakit naman kasi huli ko nang na-realize..."
"Hindi mo kasalanan, Radee," singit ni Takeru sabay lapag ng tray na may cheese cake, mga platito at mga kubyertos. Habang nag-uusap sila ay abala naman ito sa paghahanda ng merienda nilang b-in-ake pa ni Jingke.
"Talaga?"
"Minsan, may mga bagay tayong ginagawa dahil akala natin, alam na natin ang magiging kinalabasan. 'Yon pala, it's the other way around."
"Tissue nga riyan," ani Camya at kinalabit si Jingke.
"Hindi, seryoso ako," angil ni Takeru.
Natampal niya ang magkabilang pisngi.
"Ano'ng dapat kung gawin?"
"Pwede kang mag-resign as soon as possible," sagot ni Takeru at naglakad pabalik ng kusina.
Sinundan niya ito ng tingin.
"Resign as soon as possible?" takang ulit niya at napatingin sa mga kaibigan.
Nagkibit-balikat si Jingke. Nagkibit-balikat din si Camya na abala na sa pag-aalis ng merienda sa tray. Tumayo ito at sinundan si Takeru sa kusina bitbit iyon.
"Hihintayin mo pa bang sisantehin ka niya kapag hindi sinasadyang malaman niya ang totoo?" ani Takeru.
Magkasunod na bumalik ang mga ito. Bitbit ni Takeru ang pitsel na may iced tea at si Camya naman ay may tigda-dalawang baso sa kamay.
Napaisip naman siya. Tama si Takeru. Ayaw niyang masira ang namuong magandang samahan nila hindi lang kay Thirdy kundi maging sa mahahalagang tao sa buhay nito. Kaya bago pa nito malaman ang itinatagong sekreto niya ay uunahan na niya ito.
"Hindi ko kaya!" she blurted out habang nakabusangot.
"Ay sus!" pakli ng magpinsan.
Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain pero siya ay hindi man lang makuhang galawin ang pagkain niya.
"Paano ko ba kasi..." Pumalatak siya. "Saan ba ako kukuha ng lakas ng loob?"
"Eh kung lagyan mo kaya muna ng laman 'yang tiyan mo nang makapag-isip ka nang maayos?" mungkahi ni Camya.
Tahimik niyang dinampot ang platito at kumain. In fairness, ang galing talagang mag-bake ni Jingke.
"Kung minsan talaga pahamak ang pag-ibig na 'yan. Panggulo sa buhay."
Tiningnan niya nang masama si Camya.
"Bawal mag-joke?" anito at bumungisngis.
"Pwede bang kahit ngayon lang magpakatino ka, Camya?"
"Ayoko nga. E di lalo akong nasiraan ng bait?"
"Alam mo, gang, ang simple ng problema mo kung tutuusin," si Jingke. "Kailangan mo lang sabihin sa kanya ang totoo. Sabihin mo, 'Oy, Thirdy, alam mo bang hindi naman talaga ako simpleng driver gaya ng akala mo? Sawa na kasi ako sa buhay ko kaya ito ang naisipan ko. Ang malala pa, na-in love ako sa'yo. Kaya bago mo pa ako sisantehin, magre-resign na ako.' I thank you."
Napapalakpak si Camya. "Kailangan nagra-rhyme talaga? Galing-galing naman ng pinsan ko! Halatang nagmana sa akin."
Napalatak siya at napailing. Buti sana kung ganoon lang kadaling gawin ang sinabi ni Jingke.
"Ang sinabi ni Jingke ang pinakamadaling solusyon sa ngayon," ani Takeru.
"Mahirap pa rin, eh."
"Okay. Ipagdasal na lang natin na hindi makialam si Kuya Carson," wika ni Camya sabay subo.
Lumuwa ang mga mata niya.
HUMINGA siya nang malalim.
"Manang," tawag niya habang dahan-dahang naglalakad palapit dito.
Sandali lang na nag-angat ng tingin si Manang Lory na abala sa paglalagay ng niluto nitong atsara sa malaking garapon.
"Bakit, hija?"
Naghila siya ng upuan at umupo sa tapat nito.
"May ipagtatapat ako sa inyo."
"Ano, in love ka kay Thirdy?"
"Um, opo pero hindi 'yon, actually."
"Eh ano? Kayo na?"
"Um, wish ko po 'yon pero hindi rin 'yon, Manang."
"Ano kung gano'n?"
Pinaghugpong niya ang mga palad at sumeryoso. Magdamag niyang pinag-isipan ang bagay na iyon. Alam niyang wala nang ibang solusyon ang problema niya kundi ang magsabi ng totoo lamang.
"Ang totoo kasi niyan, Manang, hindi naman talaga ako naghahanap-buhay bilang driver. Nagpapanggap lang po ako. Akala ko kasi, wala nang exciting sa buhay ko kaya pakiramdam ko, nagsasawa na 'ko. Sorry, Manang, ha? Hindi ko gustong magsinungaling sa inyo."
Kumunot ang noo ni Manang Lory nang mahinto sa ginagawa.
"Ang dami ng sinabi mo, hija. Hindi kita maintindihan."
Huminga na naman siya nang malalim.
"Uulitin ko from the top, Manang, ha?"
"Okay, sige. Makikinig akong mabuti."
KUMATOK muna ang sekretarya bago niya narinig ang boses ni Sir AJ. Bahagya lang na binuksan ng babae ang pinto at ipinasok ang kalahati ng katawan nito.
"Radelyn is already here, Sir. You were expecting her, right?"
"Yes, Vickie. Let her in," masigla ang boses na narinig niyang tugon naman nito.
Niluwangan ng sekretarya ang pintuan at sinenyasan siyang pumasok. Nagpasalamat siya rito bago ito umalis. Hindi pala nag-iisa sa opisina nito ang ginoo dahil nakaupo sa mismong mesa nito si Ziggy.
"Good afternoon," bati niya sa dalawa.
"Ah, there's my future daughter-in-law!" pagbibiro naman ni Sir AJ.
Kunwari ay umasim ang mukha niya pero natawa rin siya.
"Sige kayo, Sir. Hindi ko ibibigay 'tong gawa ni Manang," tukoy niya sa bitbit na paperbag.
"You really are my cousin's driver," ani Ziggy at tumayo. "Gaano na katagal?"
"Mag-iisang buwan pa lang, Sir," kimi niyang sagot.
"So when is he firing you?"
Bahagyang nanlaki naman ang mga mata niya.
He waved his hand. "I'm just kidding." Tiningnan nito si Sir AJ. "But that's the best thing to do, right? Kung gusto siyang ligawan ni Thirdy, he has to fire her."
"I guess so," sang-ayon naman ni Sir AJ at nagkibit-balikat.
Napailing na lang siya. Ano naman kasi ang masasabi niya? Parang hindi naman kasi siya naniniwala na magkakainteres si Thirdy na ligawan siya. Iyon nga lang, may isang bahagi ng utak niya ang umaasa.
"Ano'ng laman niyan?" tanong pa ni Ziggy na nakatingin sa dala niya.
Iniangat naman niya iyon. "Atsara, Sir. Gusto mo rin ba nito? Ginawa 'to kanina ni Manang Lory."
"Patingin!" excited na sabi nito at lumapit sa tabi niya.
Inilabas niya ang isa sa tatlong malaking garapon ng atsara na laman ng paperbag.
"Akin na lang 'tong isa, Uncle. Ether will love this. Nagsisimula na kasi siyang maglihi, eh," ani Ziggy kay Sir AJ habang hawak na ang garapon.
"Sure, hijo. Ang tagal mo ring hindi natikman ang luto ni Lory."
"Um, Sir, gusto ko rin po sana kayong makausap," pag-iiba niya. "Hindi pa po ba kayo busy?"
Ngumiti naman ito at umiling. "No, hija. Ano ba ang gusto mong pag-usapan natin?"
"Kung gano'n pala, lalabas na 'ko--I mean, uuwi na pala," agaw ni Ziggy. "I kind of missed my Ether, you know." He chuckled. "Thanks again, Uncle. I promise to be early tomorrow. Thanks to you, too, Radelyn. Keep it up!" Pinisil pa siya nito sa balikat.
"You're welcome," tugon niya at nginitian ito.
"You take care, Ziggy," sabi naman ni Sir AJ.
Nang makalabas na ng pintuan si Ziggy ay lumapit siya rito at naupo sa visitor's chair sabay patong ng paperbag sa mesa.
Huminga siya nang malalim katulad ng ginawa niya kanina bago kausapin si Manang Lory.
"May kailangan po kayong malaman."
Napaayos ng upo ang ginoo at pinakatitigan siya.
"Tungkol ba sa inyo ni Thirdy 'yan?"
"Ah, eh," napakamot siya sa likuran ng kanyang tenga, "me... dyo. Pero tungkol po talaga 'to sa totoong rason kung bakit humantong ako sa pagiging driver niya."
Tila naguluhan ito. "What do you mean?"
Mariing naglapat ang kanyang mga labi. Nang kausapin niya si Manang Lory kanina, hindi siya nito pinagdamutan ng pang-unawa. Hindi raw naman kasi niya ito pinagdamutan ng katotohanan. Sana maunawaan din siya ni Sir AJ.
"Hija, if you're telling me you can't fight your feelings for my son anymore, I would understand," sabi pa nito. "I mean, sino ba ang nakaka-resist sa pag-ibig? What you feel is just, you know, normal."
Nakagat niya ang ibabang labi.
"Sir... believe me, hindi ko ito planong itago nang matagal. Kaya lang, eh, hirap talaga akong makahanap ng tamang pagkakataon." Nagbuntong-hininga siya. "Hindi po talaga pagiging driver ang totoo kung hanap-buhay."
Nangunot ang noo nito.
"What do you mean?"
MAGAAN na magaan ang dibdib niya nang lisanin ang opisina ni Sir AJ. Ang akala niya mahabang paliwanagan ang mangyayari pero mabuti na lang at malawak ang pang-unawa nito kagaya ni Manang Lory.
She sighed in relief habang sakay ng elevator. Si Thirdy naman ang kakausapin niya. Ang sabi sa kanya ni Sir AJ, ano man ang mangyari matapos ang pag-uusap nila ni Thirdy ay susuportahan siya nito. Napaka-blessed talaga niya.
Kaya mo 'yan, Radee! Believe in yourself.
Ang sabi sa kanya ng sekretarya nitong si Mylene, nagkape raw ito sa cafeteria kasama si Carson.
So bumalik na nga ang magaling na kapatid ng magaling niyang kaibigan mula sa bundok. Sana naman ay wala itong gawing hindi kaaya-aya.
On the other hand, may dapat siyang ipagpasalamat dito. Kung ibinuko siya nito kay Thirdy, malamang na matagal nang tapos ang kalokohan niya. That's why she has every reason to be good to him.
*Hindi naman talaga masama si Kuya Carson. Talaga lang na wala siyang ginagawang mabuti.
Hindi naman siya nahirapang makita ang dalawa. Ilang mesa lang ang layo ng kinaroroonan ng mga ito mula sa entrance ng cafeteria at nasa gilid lang ang mga ito. Nakatalikod ang mga ito sa direksiyon niya.
Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Kaunti lang ang mga tao doon at ang mga mesang katabi ng mga ito ay hindi okupado. Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito at unti-unting luminaw sa pandinig niya ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Agad? Hindi ka rin demanding, 'no?" ani Carson. "Hindi kaya madaling maghanap ng kapalit."
"Alam kong magagawan mo ng paraan, Carson. She can't be my driver anymore. I don't want her to be my driver anymore."
Natigilan siya at napaatras dahil sa malakas na pagsipa sa kanyang dibdib. Siya ang tinutukoy ni Thirdy sa sinabi nitong iyon. Pinag-uusapan ba siya ng mga ito kanina pa? Mabilis siyang nagkubli sa malaking halaman na naka-display na gawa sa plastic. Her curiousity told her na gusto niyang marinig ang pag-uusap ng mga ito. Kahit pa napaka-unethical iyon.
"Baka naman pwede mo pa siyang pagtiyagaan? Kaunting panahon na lang naman, ah? Hindi ka rin excited, 'no?" Tumawa pa nang mahina si Carson.
"I am serious, okay? I have to fire her bago pa may mangyaring pagsisihan ko."
Nanlamig ang buo niyang katawan. Why would Thirdy want to fire her? Hindi na ba ito satisfied sa trabaho niya? Ginagawa naman niya ang lahat, ah? Wala naman itong reklamo sa kanya.
Dahil lang ba iyon sa nangyaring aberya na na-flat ang gulong nito habang malakas ang ulan? Ang akala ba niya ay naintindihan nito ang nangyari?
I don't understand...
Tingin ba nito ay may mas malala pang mangyayari bukod doon na pagsisihan nito?
"You are overreacting, Thirdy," tatawa-tawa pang sabi ni Carson. "Hindi mo naman siya kailangang sisantehin, ah? Alam mo naman ang sitwasyon niya, 'di ba?"
"Just do as I say," Thirdy said with finality in his voice at humigop sa kape nito.
"Okay. Fine. Mukhang desidido ka na, eh. Sabi ko naman sa'yo, dapat matagal mo nang ginawa 'to."
Hindi niya alam kung ano ang unang mararamdaman dahil tuluyan nang namanhid ang katawan niya. Ganoon na lang iyon? Sisisantehin siya nito dahil lang sa wala na itong kumpiyansa sa kanya? Pero bakit kailangang kay Carson pa nito sabihin iyon at hindi na lang mismo sa kanya?
Akala pa naman niya ay iba ito.
Gusto niyang maiyak. Nagkamali ba siya sa nakilalang pagkatao nito? Kahit gusto pa niya itong komprontahin, wala siyang lakas ng loob. Isa pa, hindi naman talaga niya dapat marinig ang usapang iyon.
Kung gusto na niya akong sisantehin dahil lang sa wala na siyang kumpiyansa sa akin, paano pa ako magsasabi sa kanya ng totoo? E di pati tiwala niya, nawala ko na rin? Ano na lang ang iisipin niya tungkol sa akin? Pambihirang buhay naman ito...
Maingat siyang lumayo sa halaman at naglakad palabas. Sa parking lot na lang niya ito hihintayin. Tama. Kailangan niyang pag-isipan ang mga bagay-bagay lalo na ang natuklasan niya nang hindi sinasadya.
Kinapa rin niya ang sariling damdamin.
Why can't I hate him?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top