[15] His Lovely Driver
#ThirDee tayo, guys, ha? Haha. By the way, sino na ang nakarinig sa inyo ng 'Thinking Out Loud' ni Ed Sheeran? Ang cute, 'no?
CHAPTER FIFTEEN
LAHAT ng mga apo ng mag-asawang Montreal ay may mga ka-partner nang gabing iyon. Parang ang saya-saya lang ng lahat. The night is just perfect.
At mukhang may itinatago pang talento ang Montreal Boys dahil hindi nakatanggi si Cedfrey nang pakantahin ito ni Granny Selina sa gitna ng makeshift stage.
"Hindi na 'ko magtataka kung lalong ma-in love sa akin ang asawa ko nito," sabi nito dahilan upang bumaha ang tuksuhan mula sa mga bisita.
Kunwari ay sumimangot si Chelle pero hindi rin nito napigilan ang kiligin.
"Happy wedding anniversary to the coolest grandparents ever. Kapag tumanda na kami ni Chelle, gusto kong kasing tatag ng samahan ninyo ang magiging samahan namin. We love you, Granny. We love you, Lolo."
"Amen!" sabay na hiyaw nina Raffy at Ziggy na kasama rin nila sa mahabang mesa.
Nagtawanan naman sila.
Then Cedfrey sang 'Thinking Out Loud' by Ed Sheeran. Alam niya ang kantang iyon. Minsan nang pinarinig sa kanila ni Camya ang kantang iyon dahil balak nitong gamitin sa isinusulat nitong nobela. In fairness to Thirdy's cousin, he sang like a pro. Umani ito ng malakas na palakpakan matapos itong kumanta. Niyakap nito ang grandparents nito bago tumabi kay Chelle at masuyong hinalikan ito sa buhok.
Inggit ako. Ahuhu.
"And to show us his excellent piano skills, may we request Alejandro Montreal III to offer us a song, please?" request pa ng emcee.
Halatang nagulat si Thirdy, especially when the crowd cheered for him.
"Thirdy! Thirdy!" Ziggy and Raffy chanted. "Thirdy! Thirdy!"
"Go, Thirdy!" sabi naman niya at tinapik-tapik ito sa braso.
Natatawang naiiling si Thirdy.
"I can't. I'm shy."
"Please, hijo. Don't turn us down," pang-uudyok naman ng lolo nila.
"Thirdy! Thirdy!"
"Radee, pilitin mo nga ang batang 'yan," sabi naman ni Granny Selina.
"When was the last time you played the piano?" aniya rito. "Fifteen years ago?"
"Yeah. So I don't think I can play well anymore."
Minsan pa niya itong tinapik. "Thirdy, ang talent, hindi nawawala sa tao 'yan. Sige na naman. Pagbigyan mo na sina Granny, please?" Pinaghugpong niya ang mga palad. "Please?"
He chuckled and scratched the bridge of his chiseled nose.
"Please, Thirdy?"
Pipilitin talaga niya ito kahit na ang lumuhod pa siya. Siyempre, hindi niya palalampasin ang pagkakataon na mamalas ang talento nito, ano!
"Okay, I will," pagsuko nito kaya napa-'yehey' naman siya. Bago ito tumayo ay bumulong ito sa kanyang tenga na nagpatayo sa mga balahibo niya sa katawan. "But I will be playing this song for our grandparents and for you. Only."
Habang naglalakad ito papunta sa piano na nasa ibaba lang ng makeshift stage ay pinalakpakan na naman ito ng mga tao. Natahimik lang ang mga ito nang umupo na ito sa harap niyon.
At ang pesteng puso niya ay hindi naman kumakalma. Hindi na siya magtataka kung marinig iyon ng mga katabi niya.
Dear Heart, hindi ba malambot na organ ka? Eh bakit sa lahat, ikaw ang pinakamahirap pasunurin?
Nang pumailanlang ang intro ng isang pamilyar na kanta ay natahimik na ang lahat. Ilang beses na niyang narinig ang kantang iyon pero madas ay dinadaan-daanan lang ng kanyang pandinig. At kung hindi pa dumating ang gabing iyon ay hindi pa niya maa-appreciate ang lyrics.
Ang title niyon ay 'All The Love In The World' ng The Corrs.
Still I believe I'm missing something real.
I need someone who really sees me...
While looking at Thirdy right now, nakalimutan na niya ang lahat.
Don't wanna wake up alone anymore,
Still believing you'll walk through my door.
All I need is to know it's for sure,
Then I'll give, all the love in the world...
Talaga bang fifteen years na itong hindi tumutugtog? Bakit daig pa nito ang nagku-concert?
Thirdy...
Bakas sa mukha nito na nilalagyan nito ng emosyon ang pagtugtog. Ah, oo nga pala. Bakit naman hindi, eh, isa siya sa pinag-aalayan nito ng tinutugtog sa gabing iyon?
All the love in the world talaga, ha?
Nakagat niya ang ibabang labi. Ang sarap lang tumili at ipagsigawang kinikilig siya.
Hay, tiis-kilig na nga lang muna...
"Uy, in love siya..."
Napaigtad siya nang bumulong ng ganoon si Camya. Nang balingan niya ito sa kanyang kaliwa ay humagikhik ito at humilig kay Takeru. Inakbayan naman ito ng lalaki at hinalikan sa buhok.
Edi lalo naman siyang naiinggit.
"In love ka riyan," pakli niya. "Baka ikaw."
Itinapat naman nito ang hintuturo sa tapat ng mga labi nito at bumungisngis. Ngumiti na lang siya at napailing.
Maybe Camya is wrong. Or maybe she's right. Ano pa man iyon ay saka na lang niya puproblemahin. Mas importante ang ngayon. Dahil ngayon ay nakita niya ang isa na namang magandang katangian ni Thirdy.
Maybe Camya is actually right.
Nang matapos ang performance ni Thirdy ay sinabayan iyon ng isang masigabong palakpakan.
He mouthed a 'thank you' to everyone saka nagbalik sa table nila. Hindi muna agad ito bumalik sa tabi niya dahil niyakap nitong pareho ang grandparents nito.
"Huu, lupet!" sabi niya rito pagkaupo na pagkaupo nito sa tabi niya.
"Thanks," tila nahihiya pang tugon nito at nagkamot ng batok.
Marahan niya itong siniko.
"Hindi ko alam na pa-humble ka rin pala, Sir."
Natawa ito. "Hindi naman masyado. Ayos ba?"
Sumenyas siya ng thumb's up.
"Ayos na ayos. Na-in love nga ako, eh."
"KUNG hindi siguro naging businessman ang anak ko, malamang na isa na siyang sikat na pianist ngayon," wika ni Sir AJ habang kasayaw niya ito.
Kanina pa tapos ang hapunan kaya halos lahat ng mga bisita na ay nasa dance floor na. Kausap ni Thirdy ang mga pinsan nito nang lapitan siya ng ginoo at niyayang sumayaw. Hindi naman siya nag-atubiling pumayag.
"Kung hindi naging businessman si Sir at naging pianist siya, hindi ko sana siya makikilala," sabi naman niya.
Tumawa naman ito. "At hindi rin siguro kita makikilala."
"Korek ka riyan, Sir. So, ano'ng feeling nang makakilala ng maganda?"
Natawa ito. "Maganda, hija. Pero mas maganda kung magiging manugang kita."
Napahagikhik naman siya. "Isn't that overwhelming? Bakit niyo naman gugustihing isang driver lang ang makatuluyan ng anak ninyo?"
Bahagyang kumunot naman ang noo nito.
"Seriously, hija? Mas gugustuhin ko pang katulad mo ang makatuluyan ng anak ko kaysa ang kung sino lang na galing nga sa mayamang pamilya pero wala namang kayang gawing makabuluhan. Do you get what I mean, hija? It's not just about the money but it's about your future together. It's not just about the wedding but the marriage itself. Ikaw na ang bahalang mag-relate do'n sa huli kong sinabi."
She chuckled. "Naku, Sir. Sana nga kayo na lang ang maging father-in-law ko. Masaya po akong malaman na hindi naman pala lahat ng mga mayayaman eh mata-pobre. Kagaya na lang ng pamilya ninyo."
"Akala lang ng lahat na mata-pobre kami pero ang totoo, gusto lang naming malaman kung sino ang may mabuting intensiyon at kung sino ang tanging pera lang ang habol."
Hindi naman siya nakaimik. Hindi niya alam kung saan niya mula sa dalawa. Sigurado siyang hindi pera ang habol niya kay Thirdy pero hindi rin naman niya masabing malinis ang intensiyon niya.
Ah, doon ako nabibilang sa may kakaibang trip sa buhay.
"May problema ba, hija?" untag ni Sir AJ sa kanya.
"Paano po kung malaman ninyo na hindi rin malinis ang intensiyon ko?" sa halip ay tanong din niya.
Ngumiti naman ito. "I still won't judge you. But I believe na hindi ka gano'n."
Ngumiti rin siya. "Salamat po sa pagtitiwala ninyo sa akin ni Thirdy."
At may narinig silang tikhim. Sabay sila nitong napatingin sa gawing kanan niya. Nakatayo na pala sa tabi nila si Thirdy.
"Ah, here comes your knight-in-shining-suit to take you away," nakangiting wika pa ni Sir AJ at inalis ang kamay nito sa beywang niya. Dinala siya nito palapit kay Thirdy at inabot naman dito ang kamay niya.
When Thirdy squeezed her hand, she just wanted to melt in his arms.
"Para sa inyo talaga ang gabing ito," sabi nito saka sila tinalikuran.
"Hey, Dad," tawag naman ni Thirdy rito dahilan upang lingunin pa sila nito. Kahit siya ay ikinagulat iyon. "Thanks." Then a smile curved his lips.
Thirdy just talked to his father!
"I know, right? You, kids, have fun," nakangiting tugon naman ni Sir AJ bago sila tuluyang iniwan.
Napakurap-kurap siya nang tumitig sa mukha nito.
"Kailan pa?" manghang tanong niya.
"Ngayon lang," he answered with a chuckle.
Marahang hinampas niya ito sa dibdib.
"Keep it up!"
"I will."
Kinuha nito ang kamay niyang nasa dibdib nito at ikinawit sa balikat nito. Pagkatapos ay hinawakan siya nito sa beywang habang magkahugpong ang kanilang mga kamay.
Hindi na niya alam kung ano ang tinutugtog ng pianist pero hindi na rin iyon mahalaga sa kanya. Suddenly, everything didn't matter anymore.
"I'm supposed to be your first dance tonight," wika pa nito nang isayaw na nga siya nito.
Idinaan niya sa tawa ang biglang pag-iinit ng magkabila niyang pisngi.
"Sorry. Hindi kasi ako makatanggi sa Dad mo. He's such a nice guy, you know."
Guess what, he wanted me for you.
"Nicer than me?"
"Um, as nice as you."
Nagsalubong naman ang mga kilay nito. Natawa lang siya.
This is really not good. Kailangan ko nang mag-resign bago pa mapunta sa kung saan itong paghangang nararamdaman ko para sa kanya.
"Mr. Montreal."
Napalingon sila sa kaliwa niya. Nakita nila sina Camya at Takeru na katulad ang posisyon sa kanila pero hindi siya sigurado kung sumasayaw nga ang mga ito. May hawak kasing cellphone si Camya at nakatutok iyon sa kanila.
"What?" kaswal na tanong ni Thirdy.
"Would you mind kung makita mo ang mukha mo sa cover ng libro ko? Balak kong ibenta sa publisher ko ang picture ninyo."
Nanlaki ang mga mata niya.
"Camya!"
Kailan pa ito naging photographer? Sinabihan ba ni Carson si Camya na palitan ang role nito na guluhin siya habang kasama si Thirdy?
Huwag naman! Ang ganda-ganda ko ngayong gabi, eh.
"Don't mind her," sabi naman ni Thirdy at nakakamanghang nakangiti pa ito.
Nang tingnan niya ulit si Camya ay nagsi-selfie na ito at si Takeru.
"Magkapatid nga sila ni Kuya Carson," naiiling na wika na lang niya.
She gasped when he pulled her closer.
"Don't mind them," sabi na naman nito.
Nag-iba na naman normal ang tibok ng puso niya.
"Um, Sir?"
"What?"
Inihilig niya ang isang pisngi sa dibdib nito.
Ang bilis din ng tibok ng puso mo...
"W-wala. Don't mind me," sa halip ay sabi niya.
"ANG AKALA ko talaga, dahil si Camya itong naturingang writer, siya lang ang weird. Pati rin pala ikaw, gang? Ay, wow!" ani Jingke sa kabilang linya.
She sighed. "Nakalimutan mo na ba ang motto nating tatlo?"
"It's normal to be abnormal!" bigkas nila nang sabay at nagkatawanan.
"So, this Thirdy guy... what's he like?"
"Believe it or not, he's no different from Camya's heroes."
"Baka naman bakla?"
Kung kaharap lang niya si Jingke, malamang ay napitik na rin niya ang noo nito. Nasa coffee shop na naman siya na malapit lang sa opisina ng kanyang boss matapos niya itong ihatid nang umagang iyon when Jingke called her para mangamusta.
"No way! He has an ex-girlfriend," defensive niyang sabi.
Ang taginting ng tawa ni Jingke sa kabilang linya.
"Si Radee naman, parang hindi na mabiro!"
"Kahit sinong babae, magkakagusto sa kanya. Kahit siguro ikaw."
"Kahit si Camya?"
"Except for Camya. Hindi naman babae 'yon, eh."
"Ah, I see. So, ang major problem mo rito ay kung paano mo..."
"Paano ko mapipigilan ang sarili ko na mahulog sa kanya. Masyadong mabait ang pamilya niya sa akin, gang. Nakaka-guilty 'yong pinapaniwala ko sila sa mga kasinungalingan ko sa kabila ng kabutihan nila sa 'kin." Bumuntong-hininga na naman siya at sumandal sa upuan. "Hindi ko naman kasi in-expect na ganito ang mangyayari, eh. Ang akala ko, madali lang mag-resign pagkatapos ng isang buwan. Sa nangyayari sa 'kin ngayon, kahit wala pa man ang isang buwan, nahihirapan na 'ko."
Si Jingke naman ang bumuntong-hininga sa kabilang linya.
"Nakuha ko na, Radelyn."
Tumaas ang isang kilay niya. "Really?"
"Oo. At maling bagay ang pinuproblema mo."
"What do you mean?"
"Mali na humingi ka ng tulong sa akin para hindi mahulog ang loob mo sa Thirdy Montreal na iyan."
"But I thought we're best--"
"Can't you see it, Radee? Tuluyan nang nahulog ang loob mo sa kanya," putol nito.
Natigilan siya. Hindi siya makapaniwalang ang mga kaibigan pa niya ang naka-realize na in love na nga siya kay Thirdy.
"No way..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top