[14] His Lovely Driver
CHAPTER FOURTEEN
ISANG BAGAY ang na-realize niya nang gabi ring iyon. Kung naramdaman man niya na sawa na siya sa buhay niya, iyon ay hindi dahil sa kailangan niyang sumubok ng bagong bagay kundi ay dahil sa hindi niya alam kung ano ba talaga ang sense ng mga ginagawa niyang iyon.
Hindi dapat niya ginawa ang lahat ng mga bagay-bagay para lang may mapatunayan sa ibang tao. Dapat ginawa niya iyon para sa sarili at sa pamilya niya nang walang anumang kinikimkim na negatibong bagay.
That's it! I wasn't able to make sense with all the hardships. Ang ginusto ko lang ay patunayan ang sarili ko kahit hindi naman kinakailangan. Dapat ginawa ko ang mga iyon out of passion. Ako ang nagpahirap sa sarili ko. Silly me!
Imbes na ma-disappoint sa sarili ay lihim na lang siyang natawa. Ano pang magagawa niya? Nangyari na ang mga bagay-bagay. At least, natututo siya nang bigtime.
"I bet hindi pinagsisihan ng Papa mo na kayo ang naging mga anak nila ng Mama niyo."
Mula sa pagbibilang ng mga alikabok sa sementadong sidewalk ay sinulyapan niya si Thirdy. Nang magsimulang dumami ang mga customers sa dough nut shop ay nagpasya na silang umalis. T-in-ake out na lang nila ang mga hindi nila naubos dahil balak na lang nila iyong ipasalubong kay Manang Lory. Ngayon ay naglalakad na naman sila kahit walang partikular na patutungahan.
"Lagi nila 'yong sinasabi sa amin," nakangiting sabi niya. "Pero in fairness kay Papa, hindi pa rin niya kami pinabayaan. Responsable pa rin siyang ama kahit na hindi niya kami madalas makasama. At bilib din naman ako kay Tita Emma. Kasi kahit ganoon na ang nangyari, hindi pa rin niya sinukuan si Papa."
"How about your Mom?"
"Tinutulak namin siyang makipag-date ni Reina pero mukhang ayaw niya. Ang dami kasi niyang dahilan." Napahagikhik siya. "May edad na raw siya para sa mga gano'n."
"Bakit? Si Manang nga may textmate, eh."
Natawa silang dalawa. Bilang may sampung taong biyuda na si Manang Lory, naging libangan na raw nito ang pakikipag-textmate dahil sa text lang naman iyon. Wala ring kaso iyon sa isang anak nito na ngayon daw ay isa nang propesyonal na engineer at may sarili nang pamilya.
Nang mahimasmasan ay napatingala siya sa kalangitan at huminga nang malalim.
"Grabe, ang dami kong na-realize ngayong gabi," wika niya. "Kung matagal ko lang sanang nalaman na ito lang pala ang kailangan ko, hindi na sana umabot sa ganito."
Hindi ko na sana kailangang magpanggap bilang driver para malaman kung ano pa ang kulang sa buhay ko. On the other hand, hindi ko naman makikilala si Thirdy at ang mga taong mahahalaga sa kanya. Ang gulo, ha.
"Maybe nakatakda talaga tayong magkakilala," wika naman ni Thirdy. "What do you think?"
Sa sinabi nito ay kinilig na naman siya.
"I think so," pagsang-ayon niya.
"You made me realize important things, you know. Thanks, Radelyn," he said smiling.
Pinigil niya ang sariling kunin ang cellphone at i-capture ang ngiti nitong iyon.
Kasi naman, 'no! Masisisi niyo ba 'ko?
"Do you believe in destiny, Radee?" tanong pa nito.
"Jai ho--este oo naman, Sir. Destiny is what I call God's plan for me and what I do with my choices. Hindi iyon 'yong hihintayin mo na lang mangyari sa'yo nang wala man lang ginagawang kahit na ano."
"Do you believe in true love then?"
"Oo naman!"
Pero saan ba papunta ang usapan nilang iyon? At bakit ganoon ang mga tanong ni Thirdy? Nagpapaka-romantic ba ito?
Kung gano'n delikado ako.
She looked at her suspiciously when he just nodded.
"How about you, Mr. Montreal? Do you believe in true love?"
"Of course, I do." Huminto ito sa tapat ng isang bench na nasa ilalim ng Talisay tree at itinuro ang nasa kabilang kalsada. Narating na pala nila ang plasa. "That's true love, right?"
Mula sa kinatatayuan nila ay kitang-kita niya ang isang pulubing ina na pinapaypayan ang dalawang natutulog na paslit sa loob ng kariton.
May naramdaman siyang pagkurot sa puso niya. Hindi bale nang hindi ito makatulog nang maayos basta't hindi lang dapuan ng mga lamok ang mga anak nito.
"Tama ka nga."
"Stay here." Tumawid ng kalsada si Thirdy. Umupo naman siya sa bench at nanood lang dito. Ibinigay nito ang box ng dough nut sa babae. Tuwang-tuwa naman ang huli. Bakas kasi sa mukha nito ang relief. Kahit hindi niya naririnig ang pag-uusap ng dalawa ay alam niyang ipinagpapasalamat nito na may kakainin na ang mga anak nito sa agahan.
Ano ba ang ginagawa ng mga politiko dito sa Pilipinas? Kung sana kasi tinutulungan nila ang mga kapwa nila na tulungan ang kanilang sarili kaysa unahin ang personal na interes. Buti na lang huwarang Pilipino ang boss ko. I'm so proud of you na talaga!
Ikinagulat niya ang sunod na ginawa nito. Hinubad nito ang suot na jacket at ipinangkumot sa dalawang batang natutulog.
"Ang macho--este, ang thoughtful pala." She bit her lower lip. Ito na talaga. Wala nang iba.
She can't take her eyes off habang pabalik na ito. Ngayon ay malaya na niyang napagmamasdan ang mga muscles nito sa braso at ang nakabakat na dibdib nito sa suot na sando. Nang pahinto-pahinto ito dahil sa pakikipagpatintero sa mga sasakyan ay para lang itong nagpu-pose.
Nananaginip na naman siya.
Okay lang. Gabi naman, eh. Hi-hi!
"Wala nang dough nut si Manang," nakangiting sabi niya.
"Ibili na lang natin siya ng pizza."
Tumayo siya. "Bumalik na tayo? Baka kasi nilalamig ka na, eh."
"Hindi, 'no. Ako pa." Itinaas pa nito ang kanang braso at ipinagmayabang ang biceps nito.
"Oo na," kunwari ay nakaismid na sabi niya.
"Unahan uli tayo." Bigla na lang itong tumakbo nang mabagal.
Natawa siya habang nakasunod lang dito. Hindi lang basta malaki ang katawan nito, malaki rin ang puso. Nang hindi hamak.
Lord, pwede bang siya na lang ang matanggap ko sa Pasko? Kung pwede lang naman.
"CAMYA."
"Gabi na, Radee, bakit gising ka pa?"
"Ikaw nga gising pa, eh."
"Nakalimutan mo na ba? May sa bampira ako."
"Akala ko kasi kwago. Sa laki ba naman ng mata mo," nakatawang pakli niya.
"Nagsalita ang chinita."
Nagkatawanan silang dalawa. Lately, mas madalas pa niyang kausapin ngayon si Camya kaysa kay Jingke. Si Jingke naman kasi, bilang sa isang customer service nagtatrabaho ay hindi fixed ang schedule nito. Pabago-bago ng shift. Kung wala sa trabaho, malamang ay tulog. But good thing at next month ay magre-resign na ito.
Then the three of them can plan another business venture.
"Hindi nga, Radee. Bakit mo 'ko tinawagan ngayong gabi? Alam mo bang patapos na 'ko sa sinusulat kong MS? Like, finally!"
Natawa siya at gumulong sa kaliwang bahagi ng kama.
"Ang saya-saya ko ngayong gabi, Camya. I had the chance to have a night walk with him. Pinag-usapan namin ang personal na bagay gaya ng sa family ko."
"Weh?" hindi kumbinsidong ani Camya sa kabilang linya. "Hindi ka man lang naging uncomfortable? Hindi ba sensitive ka sa topic na 'yan?"
"Oo pero matagal na panahon na 'yon, 'di ba? Naka-move on na 'ko. In fact, naiintindihan ko na kung ano ba talaga ang dahilan kung bakit nakakaramdam ako nang ganito, nang kakulangan sa buhay ko. Kaya hindi ako masaya, 'yon ay dahil sa hindi ko naman 'to ginagawa para sa sarili ko. Dapat matagal ko nang tinanggap na napatawad ko na rin si Papa, na wala akong kailangang patunayan sa kanya dahil all this time, wala naman siyang ginawa kundi ang magpaka-ama sa amin ni Reina."
Ilang segundo ring natahimik sa kabilang linya.
"Ikaw ba talaga 'yang nagsasalita, Radee?" tanong ni Camya.
She rolled her eyeballs ceilingwards. "Ako ba, Camya, sineseryoso mo?"
Humagikhik ito. "Biro lang. Ikaw naman. Seryoso, masaya ako para sa'yo. Pero hindi mo naman kailangang pagsisihan na naging driver ka ni Thirdy dahil kung hindi mo ginawa 'yon, hindi mo sana mare-realize ang bagay na 'yon. 'Di ba, my dear?"
"Tama ka! At alam mo ba? Napatunayan ko na hindi lang siya basta gwapo. Meron din siyang malaking puso. Nakita ko kung paano siya magpakita ng concern sa mag-iinang pulubi kanina. Do you think he'll make a good provider someday?" nangangarap niyang tanong.
"Oo naman. Kaya nga siya ang ginawa kong hero mo, eh."
Napabalikwas siya ng bangon. Pinigil niyang huwag tumili dahil baka magising si Manang Lory na himbing na himbing na.
"Camya, anong--don't tell me sineryoso mo 'yong plot na sinasabi mo..."
"Alam mo namang gipit ako, 'di ba?" natatawang anito. "Kung pinautang mo na lang kasi ako. Ikaw naman kasi."
"Kung nilunok mo na lang kasi 'yang mabula mong pride, ano!"
"Alam mo namang pride na lang meron ako. Ilang beses ko ba naman 'yong uulitin sa inyo? Lagpas na ako sa quota ko sa pagpapaliwanag!" Malungkot itong bumuntong-hininga. "Sa tingin mo ba, mahal talaga ako ni Takeru?"
"Ano'ng klaseng tanong naman 'yan?" kunot ang noong tanong niya. "Siyempre, oo!"
"Talaga? Hindi niya ginagawa ang lahat ng 'to dahil sa utang-na-loob niya kay Lolo?"
"Pa'no mo nasabi 'yan? Naging magkaibigan kayo no'n, 'di ba?"
"Nakalimutan mo na ba? Artista siya. Hindi siya makakatanggap ng kabilaang acting awards kung pipityugin lang ang acting skills niya. 'Di ba?"
"Bakit? Nai-in love ka na ba ulit sa kanya?" tukso niya.
"Just so you know, wala man lang nagbago sa nararamdaman ko sa kanya," malungkot na sabi ni Camya.
She gasped. "You should be happy!"
"Paano ko gagawin 'yon? Nasaktan ako nang malaman ko na kaya lang naman siya nakipaglapit sa 'kin ay dahil sa utos ni Lolo. Tapos bigla na lang siyang umalis no'n at ngayon bigla lang din siyang babalik? Natatakot ako, Radee. Kapag hindi ko pinigilan ang sarili kong patuloy siyang mahalin, baka masaktan na naman ako kung bigla na naman siyang umalis kaya ngayon pa lang tinutulak ko na siya palayo. Ayokong mahalin ako ng isang tao dahil lang sa utang-na-loob."
"Hindi gano'n si Takeru. Naniniwala ako sa kanya..."
Pumalatak ito. "Ewan ko sa'yo! Sa akin na naman ang bottomline ng usapang ito. Kumu-quota na talaga ako!"
Bumalik na ulit ang magaang atmosphere sa pagitan nila. Nagkatawanan na naman sila.
"Kita na lang tayo bukas ng gabi," sabi na lang niya.
"Okay. And Radee..."
"Yeah?"
"I'm happy for you."
Napangiti siya. "Thank you."
"Pautang na, pwede?"
"Tse!"
"TAPOS KA na ba?" nakangiting tanong ni Manang Lory nang silipin siya nito sa kwarto nila. Bumata ito nang ilang taon sa suot nitong floral dress courtesy ng magaling na fashion designer na tinawagan ni Thirdy para bihisan sila.
"Malapit na po," nakangiting tugon niya habang inaayos ang strap ng beige na sandal niya na ipinares niya sa kanyang white dress.
"Ang ganda mo talaga," sabi pa nito bago siya iniwan. Ngumiti lang siya.
Muli niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin. Ang kanyang buhok ay nilagyan lang niya ng hairpin para hindi tumabing sa kanyang mukha.
Hah! Nagmukha rin akong babae. Magandang-magandang babae.
Sinenyasan pa niya ng dalawang thumb's up ang sarili bago lumabas ng kwarto sukbit ang kanyang sling bag.
"Ready na 'ko," anunsiyo niya at agad ding natigilan nang datnan si Manang sa sala na inaayos ang dulo ng manggas ng coat ni Thirdy.
Adorable, beautiful, charming, dashing, elegant, fabulous, glamorous, huggable, irresistible...
Nahirapan siyang maghanap ng adjective na nagsisimula sa 'J'.
Japorms? Ah, basta! Perfect!
Parang nagkulay rosas ang paligid niya. Thirdy looked so awesome she just wanted to run to him.
"Ang ganda ni Radee, 'no, Manang?" narinig niyang sabi nito habang nakatitig din sa kanya.
"Siyempre! Sabi ko nga bagay kayo, eh."
Hindi niya alam kung nagpapasakalye lang ba si Manang pero gusto niya itong yakapin. At sinabihan siya ni Thirdy na maganda. Gusto niyang tumalon at humiyaw sa kilig.
Wala sa loob na nahaplos niya ang buhok.
"H-hindi naman. Ikaw rin, Sir. Ang ganda--este ang gwapo mo rin."
Ngayon pa talaga ako nabulol.
Nang matapos ayusin ni Manang ang damit nito ay humakbang ito palapit sa kanya. Sinalubong siya ng pamilyar na amoy nito. Parang gusto na lang niyang magpakulong sa mga bisig nito at kalimutan ang mundo.
Nangangarap na naman ako.
Inialok nito sa kanya ang braso nito. "Let's go?"
Humawak naman siya rito. "Sure."
"Manang, dito ka sa kabila."
Napahagikhik na humawak sa kabilang braso naman nito si Manang Lory. Ngayon ay handang-handa na sila para sa party.
MAGILIW silang sinalubong ni Granny Selina sa magarang garden ng Montreal Mansion. Maraming mga bisita na ang naroon at halos mapuno na ang mga mesa.
Todo-papuri ito sa kanya kaya lumobo na naman ang puso niya at lumapad ng husto ang kanyang tenga. Paniwalang-paniwala ito na nagkakamabutihan na sila ni Thirdy. Hindi tuloy niya malaman kung mafa-flatter siya o makukonsensiya.
Kasi naman.
"Radelyn!"
Napatayo siya sa mesa nang marinig ang boses ni Camya.
"Camya! Takeru!"
Nagpaalam siya sa mga kasama sa table at nilapitan ang dalawa. Mukhang kararating lang ng mga ito. Camya is wearing her pale pink dress. Surprisingly, hindi naka-dress si Takeru. He was wearing white long sleeves and black slacks, just every inch of a man.
"You looked so good together!" manghang sabi niya habang nakatingin sa magkahawak na kamay ng mga ito.
Nagkatinginan naman ang dalawa.
"Maliit na bagay," pakli ni Camya. Ngumiti lang si Takeru.
"Ang akala ko tototohanin mo na 'yong pagsusuotin mo ng pambabae si Takeru."
"Nagbago ang isip ko. Wala naman palang media ngayong gabi kaya okay lang na lumabas siya ngayon. Besides, ayoko namang atakehin sa puso si Lolo kapag nakita niyang ganito 'tong isang 'to." Tinapik pa nito sa braso si Takeru at kinindatan. "Pogi lang, 'no?"
Natawa siya. Imagination lang ba niya iyong saglit naging conscious si Takeru?
Sinamahan niya sa kanilang table ang dalawa upang mabati ng mga ito si Granny Selina.
"You looked like that guy with the heart of sword from the big screen!" bulalas nito matapos kamayan si Takeru.
Nagkatinginan ang huli at si Camya.
"Naku, Mrs. Montreal--"
"Hindi po kayo nagkakamali. Ako nga 'yon," sansala ni Takeru.
"'Oy, akala ko ba--"
"Wala namang media, 'di ba? Daijobu desu," anito at nagkibit-balikat pa.
Kibit-balikat lang din ang tugon ni Camya.
"Can we have pictures of you? Please?" parang batang sabi pa ni Granny Selina.
"Sure!"
"Thanks! I'll just get my husband first. Wait here, kids!"
"Sana ganyan din ka-cool ang Lola ko," napalatak na wika ni Camya.
---
Daijobu desu- It's alright.
(Also the response when you are asked 'daijobu desu ka'/ 'are you alright?')
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top