[11] His Lovely Driver
CHAPTER ELEVEN
HINDI siya inaantok at naghihikab the next day kahit na nagising siya kalagitnaan ng nagdaang gabi. In fact, naging maganda pa nga ang gising niya.
"Good morning, Manang," masiglang bati niya nang datnan ito sa kusina na busy sa coffee maker.
"Good morning, hija. Ganda ng mood natin, ah?"
Napahagikhik siya. "Nakatulog lang po nang maayos."
Tumingkayad siya at nanghagilap ng instant coffee sa cupboard pero wala siyang nakapa. Saka lang niya na-realize na kahapon lang naubos ang huling sachet.
"Ito na lang ang inumin mo, masarap 'to."
Ipinagkuha siya nito ng tasa at binuhusan ng kape. Napaupo naman siya. Ang bango-bango ng amoy niyon.
"Mukhang masarap 'to, Manang," sabi niya at bahagyang hinipan ang tasa.
"May dumating kasing padala kahapon mula sa Granny ni Thirdy. Tatlong dosenang pack ng coffee beans. Hindi ba nabanggit ko sa'yo minsan na malawak ang coffee farm ng mga Montreal sa Batangas?"
Napatango siya. Montreal Corporation is into food and beverages manufacturing. Ito rin ang pinaka-successful na supplier ng kape sa loob at labas ng bansa. No wonder, pang-Asya ang level ng net worth ng mga Montreal. They even made it to the Forbe's Richest list. Hindi lang siya sigurado pero pasok sa top 20 si Alejandro Montreal I.
"Ang bait naman ng Granny ni Sir," nakangiting sabi niya bago humigop.
Kaya nga ba nasabi niyang may ibubuga ang coffeeshop ng pinsan nitong si Raffy sa mga sikat na coffeeshops sa bansa ay dahil sa world-class ang quality ng kape nito.
Kailan kaya kami babalik ni Thirdy ro'n?
Napahagikhik siya sa isipan.
"Ang sarap!" bulalas niya nang maibaba ang tasa. "Manang, pwedeng humingi ng kalahating dosena?"
May tatlong tao kasi siyang pagbibigyan.
"May padadalhan ka? Sige, nang matikman naman nila ang sarap ng kapeng Batangas."
"Thanks, Manang!"
"Good morning!"
Sabay pa sila nitong napatingin kay Thirdy nang bigla itong pumasok ng kusina.
Nasabi ko na bang ang adorable niya sa umaga?
"Ikaw rin, mukhang maganda ang gising mo," pansin ni Manang dito.
Nakangiting tiningnan siya ni Thirdy.
Wala na. Laglag na puso ko.
"'Just had a nice sleep," he said with a shrug bago kinunan ng tasa ang sarili at umupo sa tabi niya.
Gusto niyang tumili. Pareho sila nitong naging maganda ang tulog.
"I WANT you to come back after two hours," sabi sa kanya ni Thirdy nang papasok na sa parking lot ang kotse.
Takang sinulyapan niya ito sa tabi niya. Yes, sa front seat ito sumakay at sa tingin niya ay makakatabi na niya ito sa mga susunod pang mga araw.
"May pupuntahan ka, Sir?"
"Yeah. Bibisitahin ko ang restaurant ni Granny. Gusto kong doon mag-lunch."
Napatango naman siya. "Copy, Sir."
Kung ganoon ay hindi na lang siya babalik ng condo. Maghahanap na lang siya ng mapagkakaabalahan sa loob ng dalawang oras.
"Have a nice day, Sir!" sabi niya nang pareho na sila nitong makababa ng kotse.
Ngumiti naman ito. "You, too. See you later."
Pinigilan niya ang mapahawak sa dibdib. Makalaglag-puso talaga ang ngiti nito. Pangalawa na iyon kahit umaga pa lang.
Ngiti pa lang, dessert na.
Pinanood niya itong humakbang patungo sa building.
"Kararating lang din ni Thirdy?"
Napalingon siya sa kanyang likuran nang may magsalita.
"Sir AJ! Good morning po!" nakangiting bati niya rito.
Isinara naman nito ang pintuan ng driver seat ng puting sasakyan nito.
"Good morning, Radelyn. Do you know you're more beautiful than yesterday?"
Bumungisngis siya. At mukhang nagiging habit na yata niya ang paghawi ng imaginary na buhok at ipitin iyon sa likuran ng kanyang tenga.
"Hindi naman, Sir. Kayo naman."
Tumawa ito. "Mukhang kailangan ko yatang pagalitan si Thirdy ngayon."
"Bakit naman po?" takang tanong niya. Lalo naman kayang nadagdagan ang hindi pagkakaunawaan ng mag-ama?
"Dapat niyang malaman na mas bagay kang maging girlfriend niya kaysa maging driver."
Saglit din siyang hindi nakapagsalita at pagkuwa'y natawa. Gusto na talaga niya ang mga hirit ng ginoo.
"Hayaan niyo na, Sir. Kapag hindi na busy si Thirdy, mapapansin din niya 'yon," sabi niya na may kasama pang kindat.
He let out a hearty laugh and she was overwhelmed. Gusto talaga niya ng mga taong hindi mahirap patawanin. Then she thought of her very own father. Ni minsan ay hindi pa niya ito nakatawanan. Habang lumalaki sila ng kapatid ay nasanay na silang apat na beses lang sa isang buwan kung makita nila ang Papa Rodel niya.
"Nice bumping into you, hija. I hope to see more of you. Siguro ay dadalasan ko na lang ang pagiging punctual sa pagpasok."
Natawa siya at tumango. "Same here, Sir. Have a nice day!"
"Have a nice day, too." Aktong sumaludo pa ito sa kanya.
Sinundan din niya ito ng tingin habang papasok na ito ng building. Parang pinagbiyak ang mag-ama kung tutuusin. Tumatag ang paniniwala niya na hindi mahirap para sa mga ito ang ayusin ang mga gusot na nangyari matagal na panahon na ang nakalipas.
"Pero sa ngayon, maghanap muna ako ng pinakamalapit na LBC," sabi niya sa sarili at bumalik sa loob ng kotse.
BUMALIK siya sa parking lot ng Montreal Corporation building pagkatapos niyang maipadala ang mga coffee beans. Medyo natagalan pa nga siya dahil maraming customers ang nauna sa kanya. Isang oras na lang ang kailangan niyang hintayin kaya nanatili na lamang siya sa loob ng kotse at nagbasa ng isang pop novel. May nadaanan kasi siyang bookstore kanina kaya huminto muna siya para bumili. Hindi naman siguro magtatampo si Camya dahil favorite writer nito ang author ng nobelang binili niya.
Hindi nga pala nagtatampo 'yon. Nagtatanim lang ng sama ng loob. Joke!
Nasa last three chapters na siya nang makarinig siya ng mahinang pagkatok sa windshield ng kotse.
Nakatayo na pala sa labas niyon si Thirdy habang bahagyang nakakunot ang noo. Hindi na rin niya kinailangang buksan ang pintuan ng driver seat dahil ito na ang gumawa niyon para sa kanya. Ipinatong na lang niya ang libro sa dashboard.
Parang kinikiliti na naman tuloy ang puso niya.
"Let's go?" anito.
Noon lang niya napansin na nakasabit na sa balikat nito ang coat nito.
"Lalakarin lang natin, Sir?" tanong niya nang maisara na nito ang pintuan.
"Yeah. Malapit lang naman, eh. Let's go."
"Sige po."
Hindi niya naiwasan ang mapangiwi nang naglalakd na sila sa sidewalk. Parang tinutusok ang balat niya sa tindi ng sikat ng araw dahil nga tanghaling tapat.
"Here."
Nagulat siya nang biglang ilagay ni Thirdy ang coat nito sa ulo niya. Nalanghap agad niya ang John Varvatos scent niyon. Hindi siya pwedeng magkamali sa amoy. Mahilig kasi siyang singhutin ang mga perfume catalogues ng Mama Carina niya noon.
"Sir? S-sa inyo po 'to, ah?" sabi niya nang tumingala rito.
He stood six feet while she stood five feet and five inches.
"You need that more than I do," sabi naman nito na may kasamang pagkibit ng balikat. "Wala pa 'to kumpara sa summer season do'n sa States."
"T-thank you, Sir," kiming sabi niya.
"'Welcome."
Pero talaga nga bang wala pa ang klima ng Pilipinas sa klima sa Amerika?
Eh dito sobrang init ngayon pero mamaya bubuhos naman ang malakas na ulan. May kasama pang kulog at kidlat.
HINDI NGA lang niya na-enjoy nang husto ang pagsinghot sa amoy ng coat nito dahil wala pang apat na minutong paglalakad ay narating na nila ang building na may pangalang 'Thumb Apps'.
"That's where my cousin Cedfrey works," pagkukwento ni Thirdy.
"Ang galing naman," manghang komento niya. Ang alam niya ay isa itong developer. Salamat sa ever-reliable na si Manang Lory.
Ito at si Ziggy pa ang mga pinsan nitong hindi pa niya nakikilala dahil hindi pa nagkakaroon ng pagkakataon. Pero isang bagay lang ang sigurado niya. Hindi rin magpapahuli sa kapogian ang dalawa.
"We're here."
Nang buksan ng guard ang glass door ng restaurant na may pangalang 'Selina's' ay pinauna siya ni Thirdy. Ito pa nga ang tumugon sa bati ng guard. Halatang alam nito kung sino ang boss niya.
Namangha agad siya. It spoke of elegance and glamour. The paintings on the wall are very familiar with her. Hindi na siya magtataka kung ang artist niyon ay si Cedfrey San Diego. Hindi rin siya magtataka kung hindi basta-basta ang mga taong pumapasok sa lugar na iyon. Pero siyempre, hindi naman magpapahuli ang restaurant na mina-manage niya when it comes to class. Ang nasisiguro lang niya ay tiyak na mas affordable ang mga pagkain nila doon kumpara rito.
At hindi na naman nakaligtas sa paningin niya ang pagsunod ng tingin ng ilang mga kababaihan na nandoon.
"Pwede mo nang hubarin 'yang coat."
Mabilis niyang inalis ang coat. Hindi niya namalayang nakapatong pa rin sa ulo niya iyon. Na-adik na yata siya sa mabangong amoy niyon. It's like si Thirdy na mismo kasi ang naamoy niya.
"Sorry naman," sabi niya sa kabila ng pagkapahiya at ibinalik iyon dito. "Thank you, Sir."
Isinampay iyon ni Thirdy sa balikat nito.
Naks, parang supermodel lang!
Sinalubong naman sila ng isang waiter.
"Mr. Montreal, this way po tayo," sabi nito sa kanila.
Nahigit niya ang paghinga nang paakbay siyang kabigin ni Thirdy. "Let's go, Radee."
Hindi siya nakasagot. Busy siya sa paghabol sa nagkakarera niyang puso!
MUKHANG pinagplanuhan na ni Thirdy ang pagbisita sa restaurant na iyon dahil hindi na ito nahirapang maghanap ng mesang mauupuan nila. Ang kinaroonan nila ay malapit sa glass wall kung saan nakikita niya ang mga taong paroo't parito at ang katabing establishments.
Ang swerte talaga niya.
Nagpasalamat siya sa waiter nang ipaghila siya nito ng upuan. Nakaramdam siya ng kaunting panghihinayang. Mas gusto kasi niyang si Thirdy ang maghila ng upuan para sa kanya.
Ambisyosa ka, Radee. Ikaw na nga 'tong nilibre ng lunch, eh!
"Ang bongga naman nitong restaurant ng Granny mo, Sir," manghang sabi niya.
"Yeah. Kahit nga ako, hindi makapaniwala, eh," nakangiting anito. "Malaki na ang pinagbago. Higit na maganda ang ayos nito ngayon compared to fifteen years ago."
Dinampot nito ang menu na nasa table at pinasadahan ng tingin.
"Pumili ka ng gusto mong kainin."
Dinampot din niya ang menu na nasa harap niya at binasa. Inihanda naman ng waiter ang maliit nitong notebook at ballpen.
"Ano pong meron at naisipan niyong dalawin ang restaurant ng Granny niyo? Hindi ka ba madalas pumunta rito?" sunod-sunod niyang tanong nang umalis na ang waiter.
Umiling-iling si Thirdy. "Pero araw-araw siyang nagpapadala ng lunch. That's why I decided it's time to see her after so many excuses."
Natawa siya. "Ikaw, Sir, ha. Baka nagtatampo na 'yon sa inyo. Ilang beses niyo na palang inindiyan."
Napakamot naman ito sa kilay nito. "What can I do? Masyadong maraming kailangang gawin sa opisina. And I don't think magtatampo siya. She loves me this much, you know," may pagmamalaki sa boses na sabi pa nito.
Napangiti siya. It's not everyday that she gets to meet guys na pinahahalagahan pa ang mga old folks nito. And she's lucky to meet Thirdy.
No. Actually, I'm blessed to meet him.
"Thirdy, hijo!"
Napalingon sila sa nagsalita. She saw an old woman in her seventies but still looked so vibrant and lovely. Nakabukas ang mga kamay nito habang malapad ang pagkakangiti.
"Granny."
Mabilis na tumayo si Thirdy at nilapitan ang babae. Agad nito iyong niyakap at hinalikan sa buhok. Hindi na niya kailangan pang hulaan na ang babaeng iyon ay ang Granny Selina nito.
Parang may humahaplos sa puso niya sa eksenang nakikita niya. Pagkatapos ay may isang lalaki at isang babaeng lumapit sa mga ito. Yumakap din ang lalaki kay Granny Selina at humalik. Ganoon din ang ginawa ng babae.
Nakakainggit namang eksena 'to.
Kinuha na lamang niya ang cellphone habang patuloy ang mga ito sa mini-reunion.
I-t-in-ext niya kay Camya ang address ng restaurant. Ilang sandali pa ay nag-reply naman ito.
From: Camya
ANO NA NAMAN ITO, RADELYN TINGSON?
Natawa siya.
To: CAMYA
ADDRESS NG SELINA'S. RESTAURANT NG GRANNY N THIRDY. MGANDA D2. IKW NMN ANG MGYAYA KY TAKERU. :p
From: Camya
BAKA NAMAN GINTO ANG PRESYO. :/
To: Camya
GS2 M B SBHAN Q N LNG SYA?
From: Camya
SIYA NA NAMAN? SIYA NA LANG PALAGI? NAHIHIYA NA NGA AKO, EH. BAKA ISIPIN NIYA RESPONSIBILIDAD NA NGA NIYA AKO.
To: Camya
KELAN K P NAGKARON NG HIYA? DAT'S HISTORY! :D
From: Camya
TSE! HINDI PALA HIYA. KUNDI PRIDE.
To: Camya
OK LNG YN. MHAL K NMN NUN E!
From: Camya
PUTIK NA MAHAL YAN! KAYA MARAMING NAGHIHIRAP NGAYON, EH. LAHAT NA LANG MAHAL!
Nagsalubong naman ang mga kilay niya.
To: Camya
HOY, MALAU UN SA USAPAN AH?
From: Camya
WALA LANG. MAY MASABI LANG. SIGE. KAKAIN NA RIN NAMAN KAMI, EH. TEXT YOU LATER! BTW, SUMWELDO KA NA BA? PAUTANG NAMAN.
Napalatak siya.
To: Camya
HELLO! WLA P KYA AQNG ISNG BWAN D2!
From: Camya
BAWAL MAGBAKA-SAKALI? -_-
Napailing na lang siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top