[10] His Lovely Driver
CHAPTER TEN
"TALAGA bang hindi na magbabago ang isip mo?" tanong ni Manang Lory kay Thirdy habang naghahapunan na sila.
Napatingin tuloy siya rito.
"Alam niyo?" tanong din nito nang mapahinto sa pagkain.
"Lagi ka kayang itinatanong ng Granny mo. Tumawag siya kaninang hapon para kompirmahin kung busy ka nga at tinanggihan mo ang imbitasyon ng Dad mo."
Itinuloy nito ang pagkain at ganoon din siya pero nakiramdam siya rito.
"I've told them I can't make it," kaswal nitong sabi. "Besides, may next time pa naman."
"Gaano ka kasigurado? Alam mo bang sinusulit lang ng grandparents mo ang mga nalalabi nilang panahon sa mundong 'to para makasama kayo?"
Uy, si Manang wagas makapangonsensiya, saloob niya. Keep it up, Manang.
"I'm not ready yet."
"Kailan pa kung gano'n, Sir? Kapag hindi na kayo naririnig, nakikita at nararamdaman ng Dad niyo?" hindi napigilang sabat niya. Napatitig sa kanya ang dalawa kaya nailang siya. "M-maikli lang ang buhay. Mas mahirap ang magsisi. 'Yon lang ang ibig kong sabihin." Kunwari ay nagpakaabala uli siya sa pagkain niya. "'Wag niyo 'kong pansinin. P-pasensiya na."
Naku, Radee. Huwag kang magugulat kung pag-i-empakehin ka na niya dahil sisante ka na. Hindi mo na naman napigilan 'yang kadaldalan mo!
Kulang na lang ay iuntog niya ang sarili sa dingding ng kusina. Pambihira talaga.
Pero buti na lang at hindi naman ganoon ang sunod na nangyari.
"May katwiran 'tong si Noelle," ani Manang Lory.
Lihim siyang nakahinga nang maluwag. Saviour na rin niya ngayon ito.
You're the best, Manang!
"Ang tagal kang hindi nakasama ng Dad mo. Ipagkakait mo ba naman 'yon sa kanya?"
Napatingin ulit siya kay Thirdy. Bumagal ito sa pagkain pero napakasarap pa rin nitong panoorin.
Umiling ito. "Huwag na lang 'yan ang pag-usapan natin, pwede ba?"
Nakagat niya ang ibabang labi. Doon niya napatunayan na hindi ordinaryong tao ang boss niya.
Nagkatinginan na lang sila ni Manang Lory.
MABIBIGAT ang mga hakbang na pumasok siya sa loob ng mansiyon. Doon na siya nagkaisip at lumaki sa bahay na iyon pero nakapagtatakang parang hindi pamilyar sa kanya ang mga nakikita niya. Yakap ang picture ng Mom niya ay naupo siya sa harap ng piano.
He then realized it was a wrong move. Bumabalik na naman sa alaala niya ang araw na nalagutan ng hininga ang Mom niya sa kanyang tabi, doon mismo sa piano na iyon.
Hinaplos niya ang larawan nito. She had always looked so beautiful, so vibrant, and so full of life. Ngayon ay magiging alaala na lang ito.
Paano na siya ngayon magpapatuloy sa buhay? Nasanay na siyang laging nasa tabi niya ang kanyang Mommy Emerald. The thought that he won't be waking up with her hug and kisses anymore pains him so much. Naninikip pa rin ang dibdib niya kahit na mailibing na ito at para bang sasabog iyon anumang oras.
I promise you I would be strong. Pero ngayong wala ka na, I don't I can keep it.
"Thirdy." Naramdaman niya ang paghawak ng kanyang Granny Selina sa kanyang balikat. Hindi man lang niya namalayan ang paglapit nito.
"Nami-miss ko na siya ngayon pa lang, Granny," sabi niya sa gumaralgal na boses.
"Lahat naman tayo nami-miss siya, hijo. But she's not really gone, you know. She will always be in our hearts."
"She meant everything to me, Granny. Paano na 'ko ngayon?"
Pinisil nito ang kanyang balikat. "Nandito pa 'ko, kami ng Dad at ng Lolo mo. I will never leave your side."
ANG MGA sumunod na araw ay parang parusa sa kanya. Ang akala niya ay ang Mom lang niya ang nawala, maging ang Dad din pala niya.
Napatingin siya sa itaas ng bahay nang marinig niya ang tunog ng nabasag na mga bote. Galing na naman iyon sa silid ng Dad niya. Simula nang ilibing ang kanyang Mommy Emerald ay wala na itong ginawa kundi ang maglasing at magkulong sa kwarto nito.
He looked so miserable. Napabayaan na nito ang sarili at ang trabaho nito sa kanilang kompanya. Maging ang obligasyon nito sa kanya bilang ama ay hindi na nito ginagampanan nang maayos.
"Male-late na kayo, Thirdy," sabi ng kanyang Granny Selina para ma-divert ang atensiyon niya. "Kainin mo na 'tong almusal mo. Pinaghirapan ni Lory ito."
"Hindi na 'ko magtataka kung ang susunod na gawin ni Uncle ay ang magpakamatay," sabi naman ng pinsan niyang si Ziggy na katabi ng Granny nila. Mahigit isang taon lang ang tanda nito sa kanya. Pareho sila ng school na pinapasukan nito. Hindi kagaya niya, ulila na ito sa edad na pito.
Sinaway ito ng Granny nila pero hindi naman niya ito pinansin. Tumagos lang nga ang sinabi nito sa tenga niya.
"Hanggang kailan magiging ganyan si Dad, Granny?" sa halip ay tanong niya. "Pareho lang naman kaming nawalan, ah? Kung nabubuhay kaya si Mommy, matutuwa siya? Ngayon ko siya kailangan bilang ama ko pero bakit parang pati siya nawala na rin?"
"Alejandro..." Mula sa kabilang bahagi ng mesa ay umikot ito at tumabi sa kanya.
"Nalulungkot din naman ako, Granny, eh. Gusto kong tanggapin na wala na si Mom at hindi na siya babalik pero kung magpapatuloy na ganyan si Dad, parang ayoko nang manatili sa lugar na 'to."
"Please, hijo, don't say that." Kinabig siya nito at niyakap. "Please be patient with your father. Hindi naman ako nagsasawang kausapin siya, eh. Hayaan mo't babalik din siya sa dati. Mare-realize din niya na nandito ka pa. Na hindi rin siya nag-iisa."
"Sana nga, Granny."
NAGISING siya kalaliman ng gabi dahil sa panunuyo ng kanyang lalamunan. Pupungas-pungas siya nang bumangon at lumabas ng silid. She wondered kung anong oras na.
Pinindot niya ang switch ng ilaw na malapit lang sa pintuan at tinungo ang ref. Binuksan niya iyon at kumuha ng isang mineral water. Dahil malapit lang sa pintuan ang refrigerator ay hindi sinasadyang mapadako ang tingin niya sa direksiyon ng sala. May naaninag siyang bulto na nakaupo sa sofa.
Bakit gising pa si Thirdy?
Nang matapos niyang uminom ay pinatay niya ang ilaw at dahan-dahang nilapitan ito.
Tumayo siya sa likuran ng sofa.
"Sir?"
Para naman itong natauhan nang marinig ang boses niya. Halatang galing ito sa malalim na pag-iisip.
"Why are you still up?" tanong nito.
"'Yan din sana ang itatanong ko sa'yo, eh. Bumagon ako kasi nauuhaw ako tapos nakita kita rito."
Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "I can't sleep. Maraming gumugulo sa isipan ko."
Umikot siya at umupo sa tabi nito. Hindi na niya kailangan pang i-on ang ilaw. Sapat na ang mga liwanag na tumatagos sa glass wall mula sa mga katabing establishments para maaninag niya ito.
"Tungkol saan? Baka kailangan niyo ng tagapakinig, pwede ako."
"Ayaw mo bang bumalik sa pagtulog?"
"Mamaya na lang, Sir. Kapag bumalik na 'yong antok ko."
"Are you sure you want to listen?"
"Oo naman, Sir. Pero kung ayaw niyong mag-share, maiintindihan ko. Desisyon niyo 'yan, eh. Ang sa akin naman, para lang gumaan 'yang nararamdaman mo. Promise, Sir, sa ating dalawa lang ito." Itinaas pa niya ang kaliwang kamay na bahagyang ikinatawa nito. Agad naman niyang ibinaba ang kaliwa at itinaas ang kanan. "Kanan nga pala dapat."
Nagmukha man siyang engot, at least napatawa na rin niya ito.
HINDI na siya nakatiis. Kahit na maraming tao na ang nagsubok na kausapin ang Dad niya ay wala man lang nagbago rito. Depressed pa rin ito at naglalasing. Kahit ang Lolo niya na sobrang higpit ay wala nang nagawa. Hindi nakapagtatakang mangamoy alcohol na ang silid nito dahil sa mga nagkalat na basag na bote ng alak.
Hindi niya inakala na gaanon kalala ang epekto ng pagkawala ng Mom niya rito. Nasasaktan pa rin naman siya at nagluluksa hanggang sa mga sandaling iyon pero alam niyang ayaw ng Mom niya na umabot sa halos sirain niya ang kanyang buhay. And seeing his father in that state, lalo siyang nasasaktan. Thirteen lang siya. Hindi kaya masyado pa siyang bata para sa maranasan ang nangyayari sa kanya ngayon?
"Emerald... bakit naman ngayon pa? Kailangan na kailangan kita. Ikaw ang rason ko para mabuhay..."
Nadatnan niya itong nasa paanan ng kama at nagpapakamiserable habang hawak-hawak ang picture ng Mom niya. Kahit pinagbawalan na siya ng kanyang Granny ay pinasok pa rin niya ang kwarto ng mga magulang. Baka sakaling kapag siya ang kumausap dito ay makinig na ito sa kanya. Hindi na niya matiis ang pagpapabaya nito sa sarili at sa kanya. Nakalimutan ba nito na naroon pa siya?
"Hanggang kailan ka magiging ganyan, Dad?" tanong niya.
Hindi man lang nag-abalang mag-angat ng tingin ang Dad niya.
"Hindi niyo ba alam na lahat kami ay naaapektuhan dahil sa ginagawa niyong 'to? Hindi 'yan ang Dad na kilala ko. Talaga bang gusto mong sirain ang buhay mo?"
"Umalis ka rito, Thirdy. Si Emerald ang kailangan ko at hindi ang sino man!"
Natigilan siya. Para na rin nitong sinabi na hindi siya nito kailangan. Pero hindi siya nagpatinag.
"Nagluluksa rin naman ako sa pagkawala ni Mom, ah? Pero bakit ikaw, halos sirain mo na ang buhay mo? Tingin mo ba matutuwa siya kung makikita ka niyang ganyan? Nasaan na ang taong hinahangaan ko, Dad?"
"Lumabas ka rito, Thirdy. Hindi ikaw ang makakatulong sa akin! Si Emerald lang ang kailangan ko. Siya lang! Naiintindihan mo ba 'ko? Ha? Iwan mo na lang ako!"
"Dad, nandito pa naman ako! Hindi mo man lang ba naisip na kailangan din kita para lagpasan ang lungkot na nararamdaman ko sa pagkawala niya?" Lumapit siya rito at pinilit itong tumayo. "Tumayo ka, Dad. Ayusin mo ang buhay mo!"
"Sinabi ko nang hindi kita kailangan!" Pagkatapos ay ubod-lakas siya nitong itinulak.
Bumagsak siya sa mga bubog at naramdaman niya ang pagtusok ng matutulis na bagay sa kanyang kanang braso at likuran. Sa sobrang lakas ng pagbagsak niya ay nawalis ang mga basag na bote. Duda rin siya kung walang makakarinig ng ingay na nalikha niyon.
Hindi siya dumaing o anupaman. Tiningnan niya ang kanyang Dad. Hindi man lang ito nag-abalang tingnan ang kalagayan niya at sa halip ay paulit-ulit lang itong umiiyak sa harap ng picture ng Mom niya. Pakiramdam niya ay tinutusok rin ng bubog ang puso at buong pagkatao niya.
Biglang bumukas ang pintuan at magkasunod na pumasok ang kanyang Granny at si Manang Lory.
"Oh, my goodness, Thirdy!" nahintakutang sabi nito at agad siyang dinaluhan. "Did your father do this?"
Kung hindi pa niya naramdaman ang mainit na likidong dumadaloy sa braso at likuran niya ay hindi pa niya mapapansing nasugatan na pala siya. Mas iniinda kasi niya ang sakit na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Noong mabubuhay pa ang Mom niya, ni minsan ay hindi pa siya napagbuhatan ng kamay ng kanyang Dad. He'd always been gentle and calm.
"Ayos ka lang ba, hijo?" alalang tanong naman ni Manang Lory.
"Hindi na siya ang Dad na nakilala ko," sa halip ay sabi niya. Napatungo siya nang manlabo ang kanyang mga mata dahil sa mainit na luhang nagbabadyang umalpas.
"Tawagin mo ang driver, Lory. Dalhin natin si Thirdy sa ospital!"
"Opo, Señora!" Mabilis na lumabas ng silid ang kanilang kusinera.
"Are you alright, hijo?" tanong pa ng kanyang Granny nang tinulungan siya nitong makatayo.
"He doesn't deserve to be my father anymore."
Napasinghap ito. "Alejandro..."
"Please, Granny. Hayaan mo 'kong sumunod kay Tita Ruby sa States."
Ang 'Tita Ruby' na sinasabi niya ay ang nakakatandang kapatid ng kanyang Mom. Wala itong sariling pamilya dahil abala ito sa namamayagpag na career nito bilang fashion designer sa New York. Isa pa ay sa Amerika na rin naninirahan ang grandparents niya sa mother side.
"Lawakan mo pa sana ang pang-unawa mo. Wala sa sarili niya ang Dad mo." Puno ng pagsusumamo ang tinig nito.
"Tanggap ko nang hindi ako ang makakatulong sa kanya. Mas mabuti na sigurong lumayo ako para mas mabilis akong maka-move on sa pagkawala ni Mommy. Alam kong maiintindihan ni Lolo ang desisyon ko."
"Thirdy, bata ka pa. Alam kong nabibigla ka lang sa desisyon mo."
"Masasaktan lang ako kapag lagi kong makikita si Dad nang ganyan."
Inakay siya ni Granny palabas ng silid na iyon pero bago sila tuluyang lumabas ay nilingon niya ang kanyang ama. Lihim siyang umasa na babalik din ito sa dati at magiging masaya uli sila kahit dalawa na lang sila.
HUMINGA nang malalim si Thirdy matapos nitong magkwento ng nakaraan.
"Kaya rin siguro kami hindi nagkaayos agad ni Dad ay dahil sa sinadya talaga akong ilayo ni Granny Garnett sa kanya para hindi na raw ulit ako masaktan," patuloy pa nito. "But she had a change of heart habang nagkakaedad ako. Two years ago pa niya 'ko sinabihan na umuwi ng Pilipinas para makipag-ayos kay Dad. That was before she died a few days later because of colon cancer. Ang kaso, hindi ko naman alam kung saan ako kukuha ng lakas ng loob. Until Lolo had a heart attack nito lang. I guess I had no choice but to come home."
Kung kanina ay simple lang ang pagkakaupo niya, ngayon ay patagilid na siyang nakaupo at nakaharap na siya rito habang nakahilig sa backrest.
Alam niyang dapat ay seryoso ang pag-uusap nilang iyon pero hindi talaga niya maiwasan ang hangaan ito. He's not just a pretty face, he has a story.
"Siguro, Sir, blessing-in-disguise din 'yong nangyari," sabi niya. "Siguro gustong sabihin ni God sa inyo na hindi pa huli ang lahat. Pwede mo pang ayusin ang mga nasira dati. Pwede ka ulit magsimula. Pero hindi mangyayari iyon kung hindi ka magpapatawad." Itinuwid niya ang kanyang likod at nangalumbaba. "At alam mo ba kung ano ang sa tingin ko, Sir? Na matagal mo nang napatawad ang Dad mo. Siguro nakaramdam ka lang ng awkwardness nang magkaharap kayo."
"'You think so?"
"Ikaw lang ang makakapagsabi niyan, Sir. Kaya the next time na imbitahan ka niya ulit, pumayag ka. Doon mo lang malalaman ang kasagutan. Your dad is a nice guy."
Kasagutan daw, o. Lalim lang. But seriously, ako ba talaga itong nagsasalita?
Bumuntong-hininga na naman ito.
"I don't know. I'm hoping," sabi nito kasabay ng pagkibit-balikat.
"Tiwala lang, Sir. Magiging okay rin ang lahat."
Nagulat siya sa sunod nitong ginawa. Ginagap nito ang isang kamay niya at pinisil dahilan upang mahigit niya ang paghinga. Nag-wild na naman ang puso niya!
"Thank you so much for listening. I bet maswerte ang mga kaibigan mo na maging kaibigan ka," sincere na sabi nito.
Napalunok siya. "K-kwan, Sir, maswerte rin naman ako na maging kaibigan sila."
"How can I thank you? Tell me."
"A-ah, eh..." Marry me. Napatikhim siya sa kalokohang iyon. "Promotion?"
Natawa ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top