Entrée #3
Title: Diplomat Hotel: Room #371
one-shot (horror)
Nanginginig na naglakad ako patungo sa front desk ng hotel. Naririnig ko ang tunog ng aking sapatos sa bawat kong paglakad. Napakatahimik ng buong paligid at tanging tunog lang ng pagpatak ng ulan ang aking naririnig.
“Mayroon pa po kayong bakante?” tanong ko sa matandang babae na abala sa pagbabasa ng libro.
I wrapped my arms around my body. My clothes are wet as I forgot to put an umbrella in my bag when I was packing my things three hours ago. Nakalimutan ko ring icheck ang weather ngayong araw kaya heto ako't dinatnan ng bagyo. The storm would go on for three days and I have no choice but to go to the nearest hotel.
Nag-angat ng tingin ang matandang babae. Walang emosyon ang kanyang mukha at tila'y isa siyang robot. “Wala na kaming bakanteng kwarto,” mahina ang boses na sagot niya.
Napapikit ako ng mariin. Wala akong matutuluyan ngayon kung ganoon. Hindi naman puwedeng susugod ako sa ilalim ng ulan upang maghanap ng hotel na matutuluyan ngayon.
“Kailangan ko po talaga ng matutulugan ngayon. Kahit sa sahig lang po ako, ayos lang.” Kinagat ko ang pang-ibabang labi at nagmamakaawang tumingin sa kanya.
Hindi kaagad sumagot ang matanda at halip ay patuloy lang akong tinitigan. Nagsitayuan ang mga balahibo sa aking katawan dahil sa klase ng kanyang pagtitig sa akin. Nakahinga lang ako ng maluwag nang inalis niya ang kanyang tingin sa akin at kumuha ng susi mula sa key holder.
“Mayroon pang isang kwarto na walang gumagamit pero nasa ibaba ito. Kukunin mo ba?”
Kumunot ang aking noo. “Ibaba?”
“Sa underground. Kung ayaw mo, ikaw ang bahala.” Inilahad niya ang susi sa aking harapan at naghihintay na abotin ko ito.
Saglit akong napaisip. Kung mag-iinarte pa ako ay sa kalsada na talaga ako matutulog ngayong araw at bago pa man ako makarating sa bahay ng lola ko ay baka sa ospital muna ako babagsak.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga saka inabot ang susi. “M-Magkano po?”
Sinabi niya ang halaga at kumuha ako ng pera mula sa aking pitaka. Pagkatapos kong magbayad ay iginiya niya ako sa aking magiging silid. Lumiko kami sa isang pasilyo at sa dulo ay mayroong hagdan pababa. Nauna siyang bumaba at ako naman ay nakasunod lang. Tanging ang mga kandila lang na nakasabit sa dingding ang nagbibigay ng liwanag sa daraanan.
Huminto kami sa harap ng pinto na mayroong numerong 371 na nakasulat. Bumaling ako sa kanya para magpasalamat sana ngunit nagsimula na siyang maglakad paalis. Nakibit-balikat na lang ako. Pinihit ko ang seradura at dahan-dahang binuksan ang pinto. Napasinghap ako dahil sa hitsura ng silid.
Para akong nagcheck-in sa isang five star hotel. Napakaganda ng silid at talagang panghigh class. Inalis ko ang aking bag at ipinatong ito sa ibabaw ng maliit na vanity table. I throw myself on the bed and started drowsing off to sleep. Naramdaman ko na ang pagod dahil pagbyahe ko kanina.
Nagising ako dahil mayroong kumatok sa pinto. Inaantok akong bumangon at tumayo upang buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang matandang babae na walang emosyon ang mukha. She's holding a tray with food on it. I frowned because I don't want to add to the expenses.
“Hindi naman po ako-”
She didn't let me finish my words. “Libre ito at kasama sa binayaran mo kagabi,” she announced.
Mas lalong nagusot ang aking mukha dahil sa lintaya niya. Bakit hindi niya sinabi sa akin kagabi na kasama pala sa mga babayaran ko ang pagkain? Wala akong nagawa at inabot na lang ang tray. Tutal nabayaran ko na pala 'to, sayang naman ang pera kung hindi ko tatanggapin. Pagkatapos niyang maibigay sa akin ang pagkain ay umalis din kaagad siya nang hindi man lang ako nakapagpasalamat.
Napakibit-balikat ako at sinara ang pinto. Bumalik ako sa kama at naupo dito. I placed the tray on the table near the bed. I lifted the spoon and tasted the food. Napatango ako nang matikman dahil hindi ko inaakalang masarap ito. Masarap din pala ang mga pagkain nila kahit hindi naman ganoon kalaki ang binayad ko. Hindi ko naubos ang pagkain sa tray dahil sa dami. Hinayaan ko na lang muna 'tong nakapatong sa mesa at mamaya ay kakainin ko ang natira.
Makalipas ang isang oras ay naisipan kong lumabas sa kwarto at tumambay na lang sa lounge ng hotel. Kahit gaano man kaganda ang silid na binigay ng hotel ay hindi ko kayang doon na lang manatili buong araw.
My hands are cold, I put it inside the pocket of my sweater. The rain's still pouring outside and although it's daylight, it's dark. I sighed inwardly and thought of how to get to my lola if this weather will continue for three days. I promised her that I'll reach there tonight but unfortunately got caught up in a storm. She's probably worried about me.
I raise my head nang makarinig ng tunog ng mga paa na papalapit sa akin. Right in front of me was the same old woman who gave me the food awhile ago. But there's something weird about her. She's smiling and has a welcoming atmosphere around her unlike how she was yesterday.
Lumapit siya sa akin. “Kwarto po ba? Mayroon pa po kaming maraming bakante,” malambing ang boses na aniya.
Nagsalubong ang aking mga kilay. Hindi ko siya naiintindihan at lalong-lalo na ang biglang pagbabago ng kanyang ugali.
“Ano po ang ibig mong sabihin? Hindi po kita maintindihan. Kahapon pa po ako dumating dito at nagcheck-in,” nalilito kong sagot.
Napalis ang ngiti mula sa kanyang labi at katulad ko ay nagsalubong din ang kanyang kilay. “Wala akong maalalang nagkita tayo kahapon. Isa pa ay nagkasakit ako kahapon kaya ang pamangkin ko ang pinabantay ko sa reception area.” Sabay umiling siya ng mabilis. She even squinted her eyes as if she's trying yo remember me.
I laughed at her words, finding it really hilarious. “Ano ba naman po kayo. Magkatulad po kayo ng lola ko na madalas nang makalimot ng pangyayari. Binigyan mo pa nga po ako ng pagkain kanina at sinabi mong libre 'to. And ito po ang susi na binigay mo sa akin kahapon.” Kinapa ko ang susi na nasa bulsa at itinapat ko ito sa harap ng kanyang mukha.
This time, she frowned and she looked at me with serious eyes. I can feel that she suddenly scrutinized me. Something's wrong. I can sense it.
She grabbed the key from my hand and read the number engraved on it out loud, “Number 371,” — muli niya akong tiningnan — “Saulo ko lahat ng numero ng mga kwarto sa hotel na ito at walang room number 371. Hindi rito galing sa hotel ang susi na hawak mo. Nagkakamali ka.”
Nanlamig ang mga kamay ko at nakaramdam ng biglang pagkatakot. I forced myself to laugh at her stupid joke. Who would even believe her when I she's even the one who gave it to me yesterday.
“Magaling din po pala kayong magbiro.”
Umiling siya. “Hindi ako nagbibiro iha. Saan ba ang kwarto na ito? Kahit pa tingnan mo ang nga kwarto sa itaas, walang room number 371.”
“Sa ibaba po 'yan at wala sa itaas kaya hindi ko po talaga mahahanap ang kwarto ko roon.” pilit pa rin ang ngiting sagot ko kahit nagsimula na akong makaramdam ng takot.
Nababakas ang takot sa kanyang mukha habang nagsasalita, “Walang room number 371 at wala ring kwarto ang hotel sa ibaba. Walang underground rito iha. Mali ka na naman. Matagal na akong nagtatrabaho sa hotel na 'to pero walang ganyan dito. Ikaw na yata ang ikapitong costumer namin na nagsasabing mayroong underground ang hotel na 'to. At hindi ako 'yong taong nakita mo kahapon at nagbigay sa'yo ng pagkain.” Nanginginig ang kamay na sinauli niya sa akin ang susi.
My heart started beating loudly. I don't want to believe her but I can't help it. She looks so genuinely terrified and it's starting to scare the hell out of me.
“Eh sino 'yong-”
“Gaya-gaya,”— her eyes went wide. Kapansin-pansin ang panginginig nito habang humahakbang paatras — “L-lumayo ka na iha. Ikapito ka, ikaw ang ikapitong kukunin niya. Pasensya ka na, wala akong maitutulong.” With that she ran as fast as she can.
Before I could utter a single word to call her my sorroundings went black. I closed and rubbed my eyes. When I opened it again I was in a familiar dark room.
Kahit madilim ay alam kong ito ang kwartong tinulugan ko kagabi. Room number 371. Pero ang kaninang magandang silid ay naging nakakatakot. I can see scratches anywhere in the room. Sa sahig, sa pader, at kahit sa kisame. Sira-sira ang mga kagamitan at napapalibutan ng mga alikabok. Ganoon pa rin ang pagkaayos ng mga gamit ko. Ang bag ay nakabukas at nasa ibabaw ng kama habang ang laptop ko ay nakapatong sa maliit na mesa katabi ang tray na iniwan ko kanina.
Mayroon pa rin itong laman. Pero hindi na ito ang masarap na pagkain na kinain ko kanina kundi mga pulang bagay na hindi ko makilala. Para itong karne at nalalanghap ko ang masangsang na amoy.
My body went cold when I felt another presence in the room. Tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan.
“Akin ka na. Sa akin na ang 'yong katawan.”
Bumilis ang aking hininga na parang mayroong humahabol sa akin. Nawalan ako ng kontrol sa aking leeg at kusa na lang itong lumingon sa taong nakatayo sa aking likuran.
She was there standing behind me, smiling triumphantly. Gano'n pa rin ang kanyang mukha pero putol ang kanyang isang braso at tumutulo ang dugo nito sa sahig. Maraming sugat ang kanyang mukha at dumudugo ang kanyang mga mata. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin. Hinawakan niya ang aking mukha gamit ang isa nyang kamay nang tuluyan na siyang makalapit.
“Sa wakas magkakaroon na ako ng panibagong katawan.”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top