CHAPTER 5: VALENTINE GIRL, TEARS, AND GOODBYE


Valentines.

I thought this would be the day na may sorpresa ka sa akin. Something sweet. Something thoughtful.

Yeah, I was right. I was surprised. But not by anything sweet, nor thoughtful. It was something painful.

Nalaman ko na si Charm ang ka-date mo sa Valentines at niyaya mo pa syang magdate sa isang classy resto. Pinuntahan ko kayo dun and I was right. While you two were all smiles sitting by the window, I was in a distance, umiiyak, nasasaktan sa nakikita ko.

I waited for you guys to finish your date before ko kayo lapitan to avoid any ruckus.

While you were having steak, my heart breaks.

While you guys were having parfait, I was eating my pain.

While you were having wine of Rosemary, I was in misery.

And when you guys went out, saka ko kayo nilapitan.


Charm: AAAAHHH!! Oh shit akala ko pulubi. Girl, nakagat ka ba ng bubuyog? Namamaga na yang mata at pisngi mo oh. Oh wait. Natural lang pala yan. HAHA

Leslie: You shut up, whore.

Elmer: Leslie, what are you doing here? Wag kang mag eeskandalo dito.

Leslie: Since when ba ako nag eskandalo, Elmer? Elmer, bakit ganito? Bakit... bakit hindi ako ka-date mo. Girlfriend mo ako diba... diba!

Elmer: Leslie please... Umuwi ka na. *walks away with Charm*

Leslie: ELMER, ELMER PLEASE... MAKINIG KA NAMAN SA MGA SASABIHIN KO....

Elmer: Leslie, enough! Di pa ba sapat yung ipinapamukha ko sayo? I chose Charm para mka date ko sa Valentines. End of story!

Leslie: no, no, no, Elmer please... ok lang! Ok lang na hindi ako ang ka-date mo sa Valentines... basta sa susunod ako na ha.... Please Elmer... Please... Please!

Charm: Les-Shit, have a grip already, ok? Go home!

Leslie: Tumahimik kang babaeng walang kasing kapal ang apog! Nursing ka nga, puti nga uniform mo, pero kasing itim pa ng uling ang iyong budhi! Mahiya ka sa sarili mo! Di ka nalang sana nag nursing! Nag pu-puta ka nalang sana sa daan dahil mas bagay ka don! Mas effortless ka dun!!

Elmer: Leslie, ENOUGH! UMUWI KA NA!


Saka mo ko tinulak at sabay kayong umalis ni Charm. Mi hindi ka lumingon kung ok lang ba pagka bagsak ko o kung nasugatan ba ako. Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak habang tinitingnan kayo na sumakay ng taxi at humarurot papaalis.

Yes, Elmer. Days, weeks, and even months had passed, sunod pa rin ako ng sunod sayo. Dahil di naman tayo nag-break formally diba? Iniisip ko, tumikim ka lang ng ibang ulam. You were getting annoyed na, I know, sa dami ba naman ng missed calls ko, at texts. But I was really aiming na ma-fix tayo.

One time, pinuntahan kita sa boarding house niyo. At oo, naaalala ko pa ang convo natin na yun.


Leslie: Elmer. Mag usap tayo please.

Elmer: Leslie, hindi ka naman bobo diba? Di pa ba obvious?

Leslie: Please Elmer. Nagmamakaawa ako. Wag mo akong iwan. Ma fi-fix pa natin to.

Elmer: SHUT THE FUCK UP ALREADY LESLIE! There is nothing to fix! Wag mo nang ipagpilitan ang sarili mo sa akin!

Leslie: Bakit! At least tell me why! Bakit ganito! Bakit di mo ko kausapin ng seryoso! Iwas ka nang iwas! Sabihin mo kung bakit ayaw mo na sa akin! Anong meron sa akin na di mo gusto---

Elmer: LAHAT! LAHAT-LAHAT LESLIE! IKAW MISMO ANG AYAW KO NA! Hindi na kita mahal! Hinding-hindi na kita kayang mahalin! Di mo ba naiintindihan yun? DI TAYO BAGAY! MASYADO KANG MATABA PARA SA AKIN! NANDIDIRI AKO SA KATAWAN MONG PARANG BABOY!



Oo, Elmer. That time, it was enough. Sobrang nasaktan na talaga ako sa mga sinabi mo. Ok lang sana kung sa ibang babae ko marinig pero from you? That was too much. I looked straight into your eyes and whispered my last goodbye.


Leslie: I'm sorry for not being perfect. I'm sorry for not being beautiful. I'm sorry for loving you too much. I promise, this will be the last time that you will see me. I'm sorry.


----------------------------------------------------


I have to admit Elmer. Napakasakit ng ginawa mo. Napakasakit na ginawa mo akong tanga. Napakasakit na ininsulto mo ako. At lalong napakasakit na malaman na di mo pala ako mahal dahil di mo tanggap lahat ng negativities ko.

Suicidal thoughts? Aaminin ko, nagkaroon ako minsan pero di ko tinuloy dahil di ka sapat para maging rason sa aking kamatayan.

Revenge? Oo. Lahat naman tayo gusto makapaghiganti, pero ang gusto ko, sa isang paraan na ikaw na ang masasaktan. Hindi physically, but emotionally, and mentally.

Isang gabi matapos ang klase ko sa Business Math, nakatulala lang ako sa park. Dun sa pinag-date natin dati after classes. Iniisip ko lahat ng good memories natin. Iniisip ko bakit ka nagbago. Iniisip ko rin, dahil baka nadala ka ng barkada mo.

Nang biglang may nakita akong bata na may napulot na maliit na pack na puti. Pilit niyang binabasa ang nakasulat. Halos magka dikit na ang kanyang mga ilay sa pagbasa at pag intindi sa nakasulat sa pakete.



Bata: D-d-do... do n-n-o.... do not... eeee-aatt.. e-at. Do Not Ee-AT!

Leslie: Hindi. Do not eat. Meaning, Bawal Kainin.

Bata: Ah... Ano pa ba laman nito mam?

Leslie: Silicon yan. Yan yung mga nilalagay sa mga sapatos. Di yan makakain.

Bata: Ah... titser po ba kayo mam?

Leslie: Hindi. Bakit mo naman natanong?

Bata: Naaalala ko pa kasi yung titser ko last year. Mabait din siya tulad mo. Malambing din magsalita.



Mula nun, bigla akong na-inspire na kumuha ng education at maging teacher. I eventually left our school and mag shift to Education.

Na-inspire din ako to live a healthy lifestyle, kaya siguro ako pumayat.

Ginamit ko yung mga panlalait mo as my fuel.

Dun sa new school ko, nakilala ko si Ken. Iba ang simula ng lovestory namin. It was not rushed, it was not too sweet, but it felt like everything was in place. I felt it was the right time, and at the right moment.

Yung sinabi mong intrams na nakita mo ako, I think nakita din kita pero hindi ako sure. Parang papaalis ka na kasi, o baka namamalik mata lang ako.

I guess what I'm really trying to say is, everything is over between the two of us.

We are not like Popoy and Basha, because your love was not real from the very start.

I have moved on.

And I am now very happy.


Hanggang dito na lamang,

Leslie.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top