CHAPTER 2: My Dear Ex
Isang taon lang naging kami ni Charm, Les. Akala ko wala kaming magiging problema. Akala ko perfect match kami. Mr. Intrams and Ms. Intrams. Pero yun pala ay isang panaginip lang.
Aaminin ko, Leslie, I regret leaving you and chose Charm dahil lang sa physical appearance ang tiningnan ko, at hindi ko inisip ang mga efforts mo sa relasyon natin. Na miss ko yung pinagluluto mo ko, o inaasikaso pag may sakit.
Ngayon, naiisip ko, love na love mo pala ako, Les. Sobrang minahal mo pala talaga ako. Alam ko naman na minahal mo ako pero mas pinili kong saktan ka at iwanan ka ng ganun-ganun lang.
Naiinis ako dahil ipinagpalit kita sa isang babae na umuuwi ng lagpas hatinggabi, malakas tumagay, at mahilig sa sex. Sising-sisi din ako nang malaman kong marami pa pala siyang ka FUBU.
---------------------------------------------------------------------------------
Elmer: Charm may nag-text..... si----
Charm: Ay! Akin na yan! Personal yan. You have no right...
Elmer: Ricky? You're texting Ricky?
Charm: Nangungumusta lang yun.
Elmer: The HELL NO, CHARM! Kilala ko kabarkada ko. Lalo na yang pagka manyakis ni Ricky!
Charm: Ano ba mga pinagsasabi mo dya---
Elmer: WAG NA WAG MO KONG GAWING TANGA, CHARM! SABIHIN MO SA AKIN ANG TOTOO! ARE YOU FUCKING WITH MY BEST FRIEND!
Tumahimik lang si Charm. Sinuntok ko ang pader na kinatatayuan namin at nabutas sa lakas ng pagkaka suntok ko.
Elmer: ANSWER ME!
Charm: *natetense na sumagot* Oo... Oo na... Oo...
It was the most fucked up thing. And to make it worse, hindi lang pala si Ricky ang mga ka FUBU niya. During those days, naiisip kita. Dahil alam ko, hinding-hindi mo magagawa sa akin yun.
Hiniwalayan ko si Charm after a year of our relationship, at sinubukan kong hanapin ka. Ngunit ako'y bigo.
Not until last August, Intrams sa kabilang school, inimbitahan ako ng cousin ko, si Doroy. Naaalala mo pa sya? Yung nag architect. Doon ka na pala nag-aaral. Lumipat ka pala ng eskwelahan. Sana naman di lang dahil sa akin.
Masaya pala ang Intrams niyo dyan. At di ko inexpect na makikita kita on that day. Di ko inexpect na makikita kita after 3 years.
At last, nakita na kita Leslie.
Ibang-iba ka na Leslie.
Hindi ka na mataba.
Mas gumada ka.
Bagay din sayo ang mahaba mong buhok.
Alam kong ikaw yun dahil sinabi sa akin ni Doroy na ikaw yun. Education na pala ang kinuha mo.
Lalapitan na sana kita, para sabihin na matagal na kitang hinahanap. Pero may biglang yumakap sayo sa likod. A guy. Tingin ko, syota mo yun dahil hinalikan ka pa sa noo at pisngi sabay bigay ng Chuckie sayo. Paborito mo pa rin pala yun.
Aaminin ko Leslie, nasaktan ako, at pinagsisihan ko lahat ng ginawa ko sayo.
Habang tinitingan ko kayong dalawa, talagang nasabi kong "That Should Be Me."
Nag flashback lahat ng mga nagawa ko sayo, at mga nagawa mo sa akin, lahat ng pag-aaruga mo, pagmamahal mo, yung mga panahon na ako pa ang niyayakap mo, yung mga panahon na ako pa ang mahal na mahal mo.
Pinagsisihan ko lahat, Leslie.
I miss you so badly and I want you back, Leslie.
Pagkatapos ng araw na yun, nagyaya akong makipag tagay sa mga tropa ko dahil hindi ko matanggap na may mahal ka nang iba.
Dahil hanggang ngayon, Leslie, ikaw pa rin ang mahal ko.
Nadala ako sa mga temptasyon ni Charm at alam kong mali yun.
Kung sina Popoy at Basha may second chance, sana tayo rin, Leslie.
Sana mabasa mo itong liham kong ito na ipopost ko sa Confessions page sa school natin.
Gusto ko lang malaman mo lahat ng ito dahil baka may feelings ka pa para sa akin.
Sana may chance pa tayo, Leslie.
If only I could turn back time.
I'm sorry and I love you... I still love you.
Love,
Elmer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top