SPECIAL CHAPTER
THE RUTHLESS DADDY
SPECIAL CHAPTER
ANDREI ARELLANO-ALCANTARA
"Baks, I have something to ask." Naningkit ang mga kyot kong mga mata na may bagong eye lash extension. Tumingin ako rito.
Wala akong masabi. Impyernes, ang dating ulikba, ngayo'y mukha ng garapata. Charut lang. Nagulat lang ako kasi straight na ang English nitong si Berting. Siguro mga isang buwan niyang inaral 'yon.
"Wow, teh. Nag-e-english ka nga ngayon," sabi ko rito at saka muling ipinaling ang paningin sa TV.
Na sa sala kami nitong mansion ni Henry. Actually, eme! Pero mansion namin 'to. Ano ba kayo, ako lang 'to. Hello! Andrei Arellano-Alcantara? Pero iyon na nga, nandito kami sa sala at nanonood ng goblin. 'Yung hentai na goblin. Wala naman kaming kasama rito kaya okay lang. Naka-day off lahat ng mga kasambahay tapos ang asawa't anak. Hoy! Ano ba, kinikilig ang kiffy ko.
Seryoso, na sa trabaho si Henry habang na sa eskwelahan naman si Finley. Kahit na mayaman ang Daddy niya dapat pa rin siyang mag-aral para 'di matulad kay Berting na pariwara.
"Tse! Ano na, may itatanong nga ako sa 'yo," ani ng baklita. Nakuha niya pang magmaktol, mukha tuloy siyang suso na natanggal sa kaniyang shell.
"Siguraduhin mo lang na matino 'yang tanong mo kundi ipapatapon talaga kita pabalik ng Mindanao," sabi ko sa kaniya.
Hindi ko naman talaga siya kinuha o niyayang pumunta rito. Ang totoo niyan, kaya siya nandito ay dahil tumatakas siya sa mga inutangan niya. Ewan ko ba sa baklang 'to. Ipinamana ko na nga sa kaniya 'yong pwesto ko roon, hindi pa niya inayos ang trabaho. Kaya ayun, nalugi. Ang gaga, hilig magpaloko sa mga lalaki.
Ang dali niyang mauto. Pinakitaan lang ng motibo, ayon nagpaloko. Niloko siya ng boylet niyang mukhang kuwago. Ibinigay ba naman lahat. Pati iyong mga damit, ibinigay roon tapos sa huli, may asawa't anak na pala 'yon.
Bakit ba kasi 'di niya ako gayahin? Ah, sa bagay, mahirap akong tapatan. Mukha pa lang, talo na siya.
Joke! Maganda naman talaga si Berting. Magandang itapon sa bangin.
"Eh kasi, 'teh. Curious ako. Alam mo na, sabi mo curiosity kills the cat." Lumapit siya ng kaunti sa akin at bumulong. "Nag-sex na ba kayo ni sir Henry?"
Dahil sa gulantang ko, naitulak ko siya nang malakas. Napaatras din ako. "ALAM MO! HINDI CURIOUS PAPATAY SA 'YO KUNDI IYANG AMOY NG BIBIG MO!" sigaw ko. "At saka, ano ba 'yang mga tanong mo, bakla ka! Hindi magandang pakinggan 'yan," dagdag ko.
Umayos ako ng upo at tumingin kay Berting. Nagulat yata sa pagtulak ko kaya hindi siya kaagad nakapag-react. Aba'y dapat lang!
"P-Pero..." Napakagat ako sa aking labi at muling binalikan ang mga 'di ko malilimutang mga alaala.
-
Katatapos lang ng kasal naming dalawa. Ganoon pa rin naman ang ganap sa tuwing may ikinakasal. Hindi engrande ang kasal namin pero masasabi kong napaka-espesyal ang araw na 'to para sa amin.
Pareho naming mahal ang isa't isa. Marahil sa tingin ng iba, na kahit wala namang mali, iisipin pa rin nilang mali ang magmahal ng kaparehong kasarian. Hindi ko sila masisisi, 'yon ang nakasanayan.
Pero, hello, world, hello universeeee! Char!
Pero ano'ng taon na ba 'to? Anong century na ba tayo? Matagal na panahon na 'yung pag-iibigan nina Florante at Laura. Ang dami ng nagbago. Mas nabibigyan nan g karapatan ang mga babaeng pumili ng kung ano'ng gusto nila, ganoon din sa mga lalaki. Mas nagiging expressive na rin ang iba. May batas na ring sinusunod; at kasama roon ang freedom of rights and expression.
Walang mali sa pagmamahal ng kapwa, ang mali ay 'yung huhusgahan mo ang iyong kapwa base sa kung ano'ng gusto nila. Hindi ko talaga maintindihan bakit nagsasayang ang iba ng oras sa panghuhusga. Wala ba kayong mga sariling buhay?
Ngunit ika nga sa kasabihan, "you can't please everyone". Kaya mas mabuti sigurong hayaan na lang. 'Wag magpaapekto. Hangga't may isang taong tatanggap sa akin, masaya na ako roon.
At saka, bakit ba ang seryoso-seryoso. Kailan pa naging drama ang tema ng buhay ko.
"Looks like you're thinking deep?" Lumingon ako sa driver's seat kung saan kasalukuyang nagmamaneho si Henry, suot pa rin niya ang puting suit niya na kapareho ng suot ko ngayon.
Ang guwapo niya.
"A-Ah, wala po. Iniisip ko lang kung saan tayo pupunta," sagot ko. Kasalukuyan kaming na sa kahabaan ng kalsada.
"You'll know when we get there," sabi nito at kumindan-kindat sabay ngisi.
Bigla tuloy tumibok ang kiff—ang puso ko nang mabilis. Kinabahan ako. Bakit ba kasi ang seryoso ko kanina? Nawala tuloy sa isip kong kasal na nga pala kami at ngayon ang honeymoon naming dalawa.
Huminga lang ako nang malalim. Mabuti na lang, I was born ready. Aba'y dapat talagang paghandaan. Dapat laging handa. What if, maisip nitong sa damuhan na lang kami kasi nagtitipid siya?
G na g talaga ako sa damuhan!
Ilang minuto ang nakalipas, nakarating kami sa isang mataas na building. Huminto si Henry sa harapan at sabay kaming bumaba. Ibinigay naman nito ang susi ng sasakyan sa naroroong bell boy o ewan ano tawag sa kanila. Nagulat ako nang hawakan niya ang aking kamay, pinag-interwined niya ang mga daliri namin. At saka ako nito hinila papasok ng hotel. May ibinigay lang siyang card sa babaeng nagbabantay sa lobby at nagtuloy-tuloy na kami sa elevator.
Ang lakas ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung excited ako o natatakot. Mga bathala ng sangkabaklaan, bigyan niyo ako ng energy para makarami!
Muling bumukas ang elevator. Nagulat akong muli, at sa pagkakataong ito'y napasigaw ako, dahil mga bakla! Bigla niya akong binuhat. Iyong para kini-kidnap na buhat. Charut! Pa-bridal style niya akong binuhat.
"I-Ibaba niyo po ako, baka may makakita," sabi ko pero umiling siya.
"Who cares? Let them see us and think whatever they wants. Let the world knows that you're mine and I am all yours," sabi nito at saka naglakad palabas ng elevator.
Hindi ko namalayang na sa harapan na pala kami ng isang pinto. Nakaya niyang buksan 'yon kahit na buhat-buhat ako. Pumasok kami sa loob. 'Di ko na nagawang pagmasdan ang buong kuwarto dahil nang makarating siya sa kama'y malakas niya akong ibinagsak.
"Yawaa!"
"Fck. I'm sorry. Kanina ka pa kasi nakakagigil!" anito at saka pumatong sa akin. "It's been a while, I hope you can do it." May ngisi sa kaniyang labi habang tinatanggal ang mga butones sa kaniyang polo.
Napalunok ako. Mga mhie, heto na talaga. Heto na ang katapusan ng aking perlas ng silangan. This is it. This is really it.
Ngumisi ako at saka siya sinagot. "'Wag kayong mag-aalala, I was born ready. Ilang rounds ba'ng kaya mo?"
-
"Hoy, bakla ka! Natulala ka na riyan. Saka kadiri ka, 'teh, naglalaway ka pa!"
Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita si Berting. Pinunasan ko ang laway na tumulo sa aking bibig. Shutangina! Bakit ba ako naglaway bigla?
"Nag-crave kasi ako ng hot dog with lots of chees," sagot ko.
"Ay sus! So ano nga, nag-sex na kayo?"
"Bakit mo ba tinatanong? I-send ko na lang sa 'yo mamaya iyong video para mainggit ka pa lalo," sagot ko rito sabay irap. Tumayo na ako dahil malapit na pa lang magtanghalian. Plano ko kasing dalhan ng lunch si Henry ngayon. "At saka bumalik ka na nga sa trabaho mo, pabigat ka lang dito."
--
Idinaan ko na muna si Berting sa kaniyang trabaho. Ginawa ko siyang manager sa business na ipinatayo ko. Natuto na siguro kaya 'di na nagloloko. Sakay muli ng aking kotse, na katas mismo ng business ko.
Ayokong umasa kay Henry. Mayaman siya, pero ako'y hindi. Nag-aral akong muli. Inaral ko ang pagpapatakbo ng isang business. At ilang taon lang, naging successful ang parlor na ipinatayo ko at isang boutique shop. Marami ng branches 'yon. Kaya may mga naipundar na rin ako galing sa sipag at galing kong sumub-sumubok ng mga bagay na bago.
Pero 'di ko mararating lahat ng ito kung hindi dahil kay Henry. Sinuportahan niya ako. Inalalayan. Kaya kung ano man ang naipundar ko, sa kaniya rin iyon.
Nang makarating ako sa parking lot ng kompanya ay kaagad na akong pumasok sa loob bitbit ang lunch boxes. Nginingitian ako ng mga empleyadong nadadaanan ko. Aba'y dapat lang. What if ako pala ang secret judge para mamili ng ipo-promote?
Rumampa ako sa hallway ng makarating ako sa floor ng opisina ni Henry. Otomatiko namang bumukas ang glass door nitong opisina niya kaya kaagad akong pumasok sa loob. Nagmamadali talaga akong pumasok dahil gusto ko siyang supresahin, baka may igat na nakapatong sa kaniya aba'y talagang malilintikan silang dalawa.
Pero mabuti na lang at abala siyang nagpipirma sa kaniyang mesa nang makapasok ako.
"Honey, I'm here," sweet with matching cutie eyes kong tawag sa kaniya.
Iniangat niya ang ulo at nagtama ang aming mga mata. Hanggang ngayon, 'di pa rin nababawasan ang kabog ng dibdib ko sa tuwing nagtatama ang aming mga mata.
"Hon..." Tumayo siya at mabilis na lumapit sa akin. Niyakap ako nito. "Fck! I'm so tired but now that you're, nawala lahat iyong pagod ko. You're my 'pahinga' in this world full of restless life," aniya.
"Tse! Korny mo," sabi ko pero 'di mawala-wala iyong ngiti sa aking labi habang nakayakap sa kaniya. "Pero kahit korny ka, mahal na mahal pa rin kita."
*****
Tsaraaan! Surprise!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top