EPILOGUE
THE RUTHLESS DADDY
EPILOGUE
A N D R E I
"MISS!" tawag ko sa stewardess na nakasuot ng yellow na uniform. Taray ni Bakla. Pak na pak ang make up. Mukha tuloy syang minion. Lumingon ito sa akin at saka ngumiti.
"Yes, sir. How may I help you?"
Tinitigan ko siyang mabuti. Titig na titig ako rito hanggang sa matunaw na lang siya sa kinatatayuan. Sa ganda kong 'to tatawagin niya ako Sir?! Oo may talong akong dala-dala sa gitna ng mga hita ko pero babae ang aking damdamin. Pero hindi ko na lang iyon pinansin pa baka masabunutan ko lang siya.
"Nasaan ang Piloto nitong eroplano at bakit ang tagal nating makarating?" tanong ko. Wala rito si Sir Henry dahil pumunta siya ng banyo. Naiinis na nga ako dahil kanina pa siya roon. 'Wag niyang sabihin sa akin pagbalik niya na tumae siya. Mag-iisang oras na! Ayokong mag-overthink pero tumatakbo sa isipan ko iyong music video ni Britney Spears na Toxic. 'Yung nagkan – Hindi. Sabi ni Sir sa akin lang ang footlong niya.
"Nasa harapan po. Siya po ang nagpapalipad nitong eroplano. Besides, a-ano po..." Tinaasan ko siya ng kilay dahil hindi nito maituloy ang sanay sasabihin. Lumapit siya ng kaunti sa akin. "Ano'ng english nang 'kakaalis lang natin'?"
Napamura ako sa isipan ko dahil sa tinanong niya. May quiz na pala rito sa eroplano? Bakit noong una akong makasakay at iyong pangalawa, wala naman! E handa pa naman ako noon sa mga englisan.
"Ano—" Ano ba english nun. Tinuro sa amin ito noong elementary pa lang ako pero nakalimutan ko na. Matagal na 'yon at wala namang sinabing palagi ko dapat tatandaan ang english ng kung ano-ano kasi baka itanong sa akin ng isang Stewardess balang araw. "Bumalik ka na lang sa trabaho mo, beh. Baka mandilim paningin ko!" bulong kong may diin ngunit hindi ako nakatingin dito kundi sa lalaking naglalakad papalapit sa kinauupuan ko.
Hindi na rin naman nagsalita pa iyong Stewardess at itinulak na nito ang cart na may mga lamang pagkain. Inilabas ko naman ang kinuha kong pagkain sa cart ng Stewardess na hindi niya napansin. Binuksan ko ang mamon at saka iyon kinain. Hindi ko pinansin ang pag-upo nito sa tabi ko kahit pa para na ako nitong hinuhubadan sa tuwing nakatingin siya sa akin.
"Where did you get that?" tanong niya pero pinuno ko ng mamon ang bibig ko upang hindi ko siya masagot. "Babe." Nanindig ang balahibo ko sa bigla nitong paglapit at pagbulong malapit sa aking tainga. Ang init ng kaniyang hininga at sobrang lalim ng kaniyang boses.
Lumunok ako at tumingin dito. Ang lapit-lapit ng mukha namin sa isa't isa. Nakangisi siya. At ang mga mata niya'y napakaganda na halos nakikita ko ang repleksiyon nang maganda kong mukha roon. Gandang-ganda ba sa akin si Sir Henry?
Umangat ang kamay niya at gamit ang hinlalaki niya'y pinunasan niya ang gilid ng labi ko ngunit akala ko'y ipupunas niyo sa kung saan. Mali ako, bakla! Dahil isinubo niya iyong daliri niya't dinilaan ang labi. Shutacca, Sir Henry! Nasa eroplano tayo. Hindi ka ba makapaghintay? But I was born ready naman. Anywhere, anytime! Pinikit ko ang mga mata ko't handa nang makipag-ano kay Sir Henry dito sa loob ng eroplano. Wala na akong pake sa mga kasama namin.
Ngumuso ako.
"What are you doing?" bigla nitong tanong kaya naidilat ko nang mabilis ang mga mata't tumingin dito. Nakakunot ang kaniyang noo.
"A-Akala ko po gusto niyo 'kong laplapin dito?" tanong ko.
"What?" Umayos ako ng upo dahil sa sinagot niya. Ano'ng what, what, watawat! Kitang-kita ko kaya sa mga mata niya ang kagustuhang hubaran ako. "I mean, I wanted to kiss you. Fck! But not in this place. Mamaya na lang pagdating natin," mahina ngunit may diin niyang sabi.
Humalukipkip ako't hindi tumingin sa kaniya. Tumingin ako sa maliit na Tv na nasa aking harapan at sinimulan iyong kalikutin. Manonood na lang ako ng bold. Mayroon ba nun dito? Pero hindi ko pa nabubuksan iyong TV ay may bigla na lang humawak sa mukha ko't iharap dito. At mabilis ako nitong dinampian ng halik sa labi.
"There. Satisfied?" aniya habang seryosong nakatingin sa 'kin pagkatapos akong halikan. "Wait until we get home, Andrei. I'll show what Alcantara can do."
Ibubuka ko na sana ang bibig upang magsalita ngunit natigilan ako nang may magsalita sa harapan namin. "Iww Bading moments!" sabi ng batang lalaki na may suot na salamin. Nakatingin ito sa amin na tila ba'y nandidiri sa kaniyang nakita.
"Tse! Bakla ka rin." Inirapan ko siya. Napakapakialamera ng mga batang ito! Tumatawa na nang mahina ang katabi ko.
--
Pagdating namin sa Airport ay sumakay lang kami ni Sir ng grab dahil wala raw siyang sinabi na magpapasundo siya ngayon. Gusto raw kasi niyang surpresahin si Senyorito Finley. Pero teka nga, ilang linggo ba nawala si Sir? At sino'ng kasama ng bata?
"Sino po pala nagbabantay kay Senyorito noong wala kayo?" tanong ko.
"I asked Marlou to take care of his nephew while I'm courting you." Tumango lang ako't tumingin sa labas. Hindi na ako nagtanong pa hanggang sa makarating kami sa bahay ni Sir Henry. Pagpasok namin ay imbes na si Senyorito Finley ang bubungad sa amin, ang homokojic na tatay ni Sir Henry ang nakatayo't masamang nakatingin sa amin.
"What's he doing here?!" may diin nitong tanong. "Didn't I told you that I will never accept him! He's gay, Henry! Hindi ka ba nahihiya na pagtawanan ng mga ta—"
Mabilis akong pumunta sa likod ni Sir Henry dahil baka mamaya'y lapitan ako nitong Tatay niya't saktan. Ayoko pa namang pumatol sa mga mapuputi na ang buhok dahil kahit papaano'y may respeto pa rin ako. At saka bakit ba kasi ito nandito? Jusko. Patapos na lahat-lahat, balak pa niyang manira ng relasyon. Hindi ba puwedeng mag next season na lang siya?
"I don't care. They can laugh at us. Judge us. But they can never stop us. Mahal ko si Andrei at kung hindi niyo iyon matatanggap, wala na po akong magagawa. Now will you please leave us alone? Dahil kahit ano'ng gawin mo, hinding-hindi ko iiwan si Andrei. He's my life. At problema niyo na kung matatanggap niyo kami o hindi dahil hindi ko naman kailangan nang pagsang-ayon ninyo o ng ibang tao."
Ngayon ko lang narinig na magsalita si Sir Henry ng ganoong mga bagay. Minsan kasi ay isa o dalawang sentences lang ang sinasabi pero iyong isang buong paragraph na may 73 word counts, isang nakakagulat na pangyayari.
Tumingin naman ako sa Tatay ni Sir Henry na hanggang ngayo'y hindi ko pa rin alam ang pangalan nito. Umigting ang panga nito't ramdam ko ang galit nito sa nakakuyom niyang kamao ngunit ilang sandali lang ay mabilis itong naglakad at lumabas ng bahay ni Sir Henry.
Ngunit mabilis naman akong sumunod dito. Alam kong hindi tama na magkaaway silang dalawa dahil sa akin. Kahit pa bali-baliktarin ang mundo, tamod pa rin nito ang bumuo kay Sir Henry. Kung wala ito at ang Ina ni Sir, wala rin si Sir. Naabutan ko itong sasakay na sa kaniyang kotse.
"S-Sir!" tawag ko at tumigil ito. Masama siyang tumingin sa akin. "Mag-iingat po kayo. Padadalhan ko na lang kayo ng invitation na may LGBTQ flag. Approved na ako, a. Nagawa ko na ang gusto ninyo. 'Wag po kayong mag-aalala, ako na po'ng bahala kay Sir Henry." Kumindat ako rito.
Nagulat ako nang ngumisi siya. "I didn't regret that I asked your help, Mr. Arellano. Thank you. Please take care of my son," sabi niya at saka tuluyang sumakay sa kaniyang kotse't umalis.
Magka-vibes talaga kami ni Sir. Naalala ko iyong pagbabanta nito sa akin na ipapakaladkad niya ako mga guwardiya nang malaman nitong ako at ang maganda si Andrea ay iisa. Pero pakitang tao lang pala 'yon.
Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, bumalik ako kaagad sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko'y siyang pagbaba ng pinakaayaw kong makasalubong kahit saan mang sulok ng mundo.
Napatingin ito sa akin. Umayos ako ng tayo. Dumoble ang kaba ko. Pakiramdam ko kasi nasa isa akong fraternity at sa mga tingin pa lang nitoʼy para na akong pinapalo ng dos por dos. Ba't ba kasi ganito ito kung makatingin?
"How much do you need to stay away from my son?" biglang nitong question and answer portion. 'Di ko tuloy alam kung ano'ng isasagot ko.
One million kaya? Pero ang konte naman yata nun. Dalawa? Tatlo? O sampo?
"A-Ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko.
"Do you think, I would never know that you and that woman Andrea he introduced were the same? Stay away from my son. I cannot accept someone like you in this house."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya't nagising sa kahibangan. Hindi ako makasagot dahil tama siya, ako at si Andrea ay iisa, parehong maganda. Kumirot ang dibdib ko. Sasagot pa sana ako ngunit muli na naman itong nagsalita.
"Bukas na bukas ay gusto kong wala ka na rito sa pamamahay ng anak ko o kung hindi, ipapakaladkad kita. Don't worry, I'll pay you. Alam kong pera lang naman talaga ang habol mo." At saka ako nito nilampasan. Nawala siya sa paningin ko.
Naestatwa ako sa kinatatayuan ko't 'di alam ang gagawin. Pera? Sa tingin ba niya pera lang ang habol ko? Nag-iisip ba ang demonyong iyon? Itong baklang ito, pera lang ang habol kay Sir Henry? Hindi ba puwedeng tit–
"What did Dad tell you? Did he tell you to stay away from me?" si Sir Henry naman ngayon ang biglang dumating na ʼdi ko napansing nandito na pala sa tabi ko.
Umiwas ako ng tingin.
Umiling ako't ngumiti. "W-Wala po. S-Sabi niya, pagbubutihan ko raw po sa trabaho kasi may bonus daw po siyang ibibigay," sagot ko at parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. "Sige po. Babalik na muna ako sa kuwarto ko."
Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at mabilis siyang tinalikuran.
Kinabukasan ng araw na iyo'y nakatanggap ako ng isang text message sa isang unknown number.
"Meet me at the El Classic," pagbasa ko. Nakalagay rin ang address ng El Classic na hindi ko alam kung anong lugar iyon. Pero dahil I was born curious and curiosity kills, ika ng mga pakialamerang tao. Pinuntahan ko ang El Classic dahil malay mo, may ayuda. Malapit pa naman na ang Election.
Pagdating ko'y hindi pa sana ako papapasukin ng guwardiya dahil naka-short, T-shirt na may drawing ng panda sa may bandang dibdib ko, at tsinelas lang ako.
"He's with me," ani ng tao sa likod ng guwardiya. Bumungad sa akin ang Tatay ni Sir Henry. Bigla akong kinabahan. Oo may ayuda nga. Mukhang ngayon nito kailangan ang sagot ko. pero hindi pa ako nakakapag-decide kung ilan. Malaki-laki pa naman ang pangangailangan ko.
Lumunok muna ako at sabay kaming pumasok sa loob. Hindi ko na nagawang ilibot ang paningin ko sa loob dahil sa kaba ko. Magkaharap kaming naupo at lumapit naman ang isang waiter upang kunin ang order namin. Hindi ako ang nag-order dahil wala naman akong alam. Baka mamaya, 'pag binili ko iyong mamahalin ay hindi naman pala masarap.
"So, what can you say about my son?" Napatanga ako. Oo, dzai! Kasi ibang-iba ang aura ng Tatay ni Sir ngayon. Ang aliwalas na para bang walang offeran ng yamang naganap kahapon.
"P-Po?"
"Oh, uh I'm sorry. Nagulat yata kita. 'Wag kang mag-aalala, hindi ko naman kayo paghihiwalayin ni Henry. The truth is, I need your help."
Help? Para saan? Ano ba'ng nangyayari? Bakit walang nagsabi sa akin na ganito ang script ng matandang 'to.
"P-para po saan?" tanong ko, inembento ko na lang iyon.
"You see, my son was so busy with his work that he couldn't take care of his son. Nang mamatay ang Ina ni Finley, bigla itong nagbago. The Henry I used to know was gone. Pero noong makita kita, I saw my son again. I saw how happy he is while talking with you. I could see it, and I know you're the one that can help me."
Wala talaga akong naiintindihan sa mga sinabi niya nang una ngunit unti-unting nililinaw ng kaunti pang natitirang talino sa isipan ko. Hindi talaga 'to galit? E sayang naman iyong pera kung hindi naman pala niya kami paghihiwalayin! Pero dahil mabait akong tao, sumang-ayon ako. Itago lang daw namin ito kay Sir Henry. At tutulong din siya para magbago si Sir.
Ang totoo niya'y wala naman talaga akong ginawa. Ganda ko lang at patay na patay na ito kaagad sa akin.
"What did he say to you this time?" Nakatayo na si Sir sa tabi ko. Bigla pa niyang ipinulupot ang braso sa baywang ko upang hapitin ako palapit. "You're not going to leave me again, are you?"
Tinanggal ko ang kamay nito sa baywang ko't humarap sa kaniya. Malungkot akong ngumiti at saka sumagot, "Kailangan ko po ng pera. Tinanggap ko po iyong offer ng Tatay niyo. Package deal, e. Dalawang milyon at may kasamang free WiFi every month with brazilian wax every week. Pasensiya na po kayo."
"W-What? N-No." Hahawakan na sana niya ako pero umatras ako. "Mababaliw ako 'pag umalis ka na naman," aniya.
"OA mo na, sir!" Ngumisi ako. "Kahit naman po hindi ako umalis. Baliw na baliw ka na sa akin." Tumawa ako at mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay.
"Andrei! You're dead!"
Hindi ko siya pinakinggan. E gusto ko 'to, beh! Gusto ko 'tong nangyayari. Bahala nang tanghaling tapat. Uunahin na namin ang honeymoon dahil baka 'di pa matuloy ang kasal.
The End.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top