Chapter 9
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 9
--
A N D R E I
Maaga pa akong gumising kanina upang makapaghanda ng almusal ng aming mga magagaling na amo, iyong dalawang kampon ni Satanas na nandito sa mundo upang maghasik ng laggim. Pero siyempre, hindi ko sinolo ang trabaho. Tumulong lang ako may Auntie Dolly na maghanda nito, dahil siya naman talaga ang coc–cook dito sa mansion.
At ngayon ngaʼy kakatapos lang kumain ng dalawa. Kanina ko pa nga rin napapansin ang pagiging tahimik nila na para bang may hidwaan sa pagitan nila. Char! Kung makahidwaan, e. Siguro, ganito lang talaga itong mag-amang 'to? Sabi nga nila, don't talk when your mouth has coc–cook food in it.
Anyways, hayaan na natin silaʼt buhay nila ʼyan. Mas magandang pagtuunan nang pansin kung papaano ako makakaganti sa ginawa ng tiyanak na batang iyan. Anoʼng akala niya sa akin? Hindi gaganti? Pinanood ko kaya si Amor Power at marami akong nakuhang ideya sa kaniya upang makaganti ako sa batang iyan. Hinding-hindi ko palalampasin ang bagay na ginawa nito sa akin. Nakatatak na iyon sa isipan ko.
Napangisi ako habang iniisip ko ang paghihiganti ko, pero mabilis din iyong nawala nang makaramdam ako nang pagtapik sa balikat ko. Kaya lumingon ako rito at ang magkasalubong na mga kilay ni Auntie Dolly ang sumalubong sa akin.
"Bakit ho?" nagtataka kong tanong. Kung hindi ko lang ito nirerespeto, baka kanina ko pa 'to pinakuluan sa kumukulong tubig, e.
"Anong nginingisi-ngisi mo riyan? Sundan mo na iyong alaga mo't tulungan maghanda sa kaniyang klase," aniya. Taas noo po, kaya kitang-kita ko mismo ang lapad nito at may pimples pa.
Tumingin naman ako sa puwesto kanina ni Senyorito Finley at wala na ito roon. Kaya hindi ko na lang pinatulan si Auntie Dolly at mabilis na umalis ng kusina upang sundan ang tiyanak. Malapit na sana ako sa kuwarto nito ngunit natigilan ako nang marinig ko ang boses ni Sir Henry sa loob.
"Nalaman ko ang ginawa mo kahapon," mahinahon ang boses nitong sabi ngunit ramdam ko iyong diin at pagkainis. Ano'ng nalaman niya? Dahil nga tsismosa ako, bahagya akong pumuwesto sa tabi ng pinto na bahagya ring nakabukas.
"It was his fault!" sagot ni Senyorito Finley. Para talagang matanda ang batang 'to. Siguro reincarnation 'to ni Ninoy Aqui-char baka si Ferdinand. "Because that gay is ugly and I don't like him to be me nanny!"
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Walang duda na ako ang usapan nilang dalawa.
"Finley! I didn't taught you like that. Hindi kita tinuruang bumastos ng mas nakakatanda sa 'yo."
"Yes. Y-you didn't taught me because you were busy with your business. The only thing your cared about is your business. Y-You don't even care about me," sagot ni Senyorito Finley.
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nagulat ako nang maabutan ko ang kamay ni sir Henry na nakataas. Handa na itong pagbubuhatan ng kamay ang anak ngunit mabuti na lang at naisipan kong pumasok sa agad, dahil iyon ang sinasabi ng isip ko.
"P-Pasensiya na po..." Tumingin ako kay Senyorito Finley at kitang-kita ko ang galit sa mga mata nito habang nakatingin sa kaniyang ama. "P-Pero mukhang hindi ho yata tamang saktan niyo ang bata," dagdag ko't muling humarap kay sir Henry.
Naglakad ako papalapit kay Senyorito Finley at kahit nagpupumiglas itoʼy puwersahan ko pa rin siyang inilagay sa likuran ko. Para tuloy kaming mag-asawang nag-aaway at kung mangyayari man iyon, sa kaniya na ang bata, akin ang ari-arian. Char!
"Kung gusto niyo pong saktan ang anak niyo, dumaan na po muna kayo sa akin." Ang tapang ko sa part na 'to, ses. Kahit na kabadong-kabado ako sa mga oras na ito dahil baka nga ako ang tapukin ni sir Henry. Pero okay lang kung tite, kasi handa akong magpasampal nang paulit-ulit. Kaso, baks, ang laki ng kamay nito na halos sakop na nito ang mukha ko.
Bumakat pa sa braso niya ang mga ugat dahil nakasuot siya ng long sleeve polo na tinupi hanggang sa siko. Yummy, beh!
Pumikit ako nang igalaw nito ang mga kamay ngunit ilang segundo na ang lumipas ay hindi ako nakaramdam nang malakas na pagsapok. Kaya nang idilat ko ang mga mataʼy nakalagay na sa kaniyang bulsa ang kamay.
"I don't want you to do this stupidity again, Finley. Dahil hindi ako magdadalawang isip na ibigay ka sa mga magulang ng ʼyong Mama." At lumipat ang tingin nito sa akin ngunit wala man lang siyang sinabi kundi seryosong tingin lang at saka siya tumalikod pahara sa pintoʼt lumabas.
Nakahinga ako nang maluwag dahil umalis na 'to. Lumingon naman ako sa likod ko kung saan tahimik na nakatayo roon ang anak ni Satanas.
"Wala man lang bang thank you dyan?" tanong ko ngunit masamang tumingin uto sa akin.
"Why would I? I can protect myself and I'm used to it," sagot niya't saka ako tinalikuran at naglakad ito papasok sa kaniyang banyo.
Used to it? Sanay na? Marunong akong umintindi dahil nakapag-aral din naman ako ng high school. Kaya naiintindihan ko ang sinabi nito at aniya'y sanay na raw siya. Papaanong sanay? Sanay nang sinasaktan siya ng Daddy nito? Iyon ang hindi ko maintindihan. Bakit?
Bigla akong nakaramdam ng awa para sa bata. Para bang kinurot ang puso ko at nanikip ito bigla sa nalaman. Sa pagkakaalam ko, kaya ganito ang ugali ay dahil din sa kaniyang Daddy na hindi binibigyan ng atensiyon. Masyado pa siyang bata para makaranas ng ganito. Kaya iyong inis ko sa mga ginagawa niya sa akin ay parang bula na naglaho at napalitan iyon ng awa.
Namatay na ang kaniyang Mommy at ang atensiyon ng kaniyang Daddy ang nais nito ngunit hindi ito maibigay ni sir Henry dahil sa sobrang kabusihan. Mas tutok ito sa trabaho kaysa sa pagpapalaki sa sariling anak. Kaya para na ring ulila ang bata dahil hindi nito maramdaman ang pagmamahal ng isang ama.
Mayaman nga sila ngunit ano'ng silbi niyon kung kulang ka sa pagmamahal na siyang dapat kailangan ng lahat?
Bumuntonghininga ako.
Alam kong wala ako sa puwesto upang makialam sa kanilang mga buhay. Alam ko nandito lang ako para bantayan ito't sundin ang mga pinag-uutos. Ngunit alam kong ako lang ang makakagawa ng paraan para magkaroon sila ng koneksiyon sa isa't isa. Kaya imbes na paghigantian ito sa mga masasamang nagawa niya sa akin, kukuhanin ko na lang ang loob nito nang sa ganoon ay bumait naman siya.
Tama-tama. Tumango-tango ako at saka napapangiti.
"Stupid!" Mabilis akong napabalik sa reyalidad. Tumingin ako rito at si Senyorito na kakatapos lang maligo. Nakasuot ng bathrobe na kulay asul. "Get out of my room!"
"Sige po, Senyorito. Sa labas ko na lang kayo hihintayin. Tawagin niyo lang po ako kung may kailangan kayo," sabi ko kahit naiinis na naman ako sa pagtawag niyang stupid. Kailangan kong habaan ang pasensiya ko dahil naalala kong tatlong buwan ang advance payment na nakuha ko.
*****
©IthinkJaimenlove
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top