Chapter 7

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 7

--

A N D R E I

Dalawang oras ang lumipas na nakatunganga lang ako rito sa labas ng classroom ni Senyorito Finley. Paminsan-minsan din akong sumisilip sa loob at kanina ko pa napapansin ang pagiging tahimik ng Tiyanak. Tumitingin naman ito sa pisara at kapag tinatanong ng kaniyang guro ay sumasagot naman. Narinig ko pa ngang nag-'po' ang demonyitong iyon.

"Okay, class. That's for today. I hope to see you tomorrow," paalam ng kanilang guro nang matapos ito sa kaniyang lesson.

Dali-dali ko namang inayos ang mga gamit ni Senyorito, iyong lunchbox na bitbit ko kanina at nagdala rin ako ng extrang T-shirt kasi alam kong makukulit ang mga bata kaya handa ako kapag pagpapawisan siya. Pero hindi ko naman po alam na dalawa't kalahating oras lang ang itatagal ng kanilang klase. Aba'y ibang klase! Sa narinig kong lesson ng guro ay puro lang naman tungkol sa hayop. Bakit hindi ko nakita si Berting sa mga ginamit nitong endangered na hayop?

Iyon na nga. Tumayo na ako nang tumayo rin ang mga katabi kong mga katulong na may lahing mga tsismosa. Sunod-sunod namang lumabas ang mga bata at patakbong nilapitan ang kanilang mga Yaya. Habang ako, heto, nakatayo at nagtitimpi sa gitna ng mga ulan. Nanginginig ang mga tuhod at ang mga mata'y luhaan. Charut! Nakatayo lang ako at hinihintay rin ang alaga ko ngunit lahat ng mga bata'y mukhang nakalabas na.

"Bakla, iyong alaga mo nandoon na. 'Di mo ba napansin?" Tumingin ako sa katulong na kasama ko nang tapikin niya ko. Sinundan ko naman ng tingin ang hintuturo nito at doon ko nga nakita si Senyorito Finley na naglalakad na.

Aba'y!

Hindi na ako nagpaalam pa't mabilis na sumunod sa demonyo. Makakapagmura talaga ako ng malutong dahil sa batang 'to. Araw-araw niyang sinusubok ang pasensiya ko sa kademonyohan niya. Makikita talaga niya, ihahatid ko siya kay Satanas kapag ako napuno.

Mabuti na lang din at miyembro ako ng mga magnanakaw–char! Athletes noong high school ako at ang marathon ang sports ko. Movie marathon! Kaagad ko 'tong naabutan at mabilis na hinawakan ang maliit niyang braso. Tumigil naman ito at masamang tumingin sa akin.

"Don't touch me!" singhal nito at saka hinila ang kamay niya. "HELP! HELP! THIS GUY IS A KIDNAPPER!!"

Nanlaki ang mga ko nang sumigaw ito. Shuta! Bigla akong nag-panic nang malala dahil sa kagagawan niya. Mabilis kong binitiwan ang mga hawak ko't sinubukan siyang pigilan ngunit ang demonyo, mas lalong lumakas ang pagsigaw.

"HELP! PLEASE HELP ME! HE'S KIDNAPPING ME!"

"Hoy! Ano 'yan?!" Pareho kaming natigilan nang mabilis na makalapit sa amin ang mga guwardiya, dahil malapit lang kami sa gate ng walanghiyang sumigaw-sigaw ang batang 'to ng kidnapper daw ako. Sa mukhang ito?

Lumingon ako rito. Dalawang guwardiya ang lumapit sa puwesto namin. "Ah, B-Boss. Wala ho 'to. Makulit po kasi itong alaga ko," sabi ko't tumawa nang mapakla. Kinakabahan ako, beh. Nakahawak kasi iyong isa sa kaniyang baril at mukhang handa na niyang bunutin at pasabugin ang mukha ko.

"No! He's lying! Hindi po siya ang Yaya ko. Wala po akong Yaya. Please, bring him to jail!" Naiiyak akong napatingin kay Senyorito Finley. Ang galing umarte ng demonyo at puwede na siyang maging artisa ng Hollywood. Tumakbo pa ito sa likod ng dalawang pulis. "Please, help me. He's a member of a syndicate po," ani pa nito.

Hindi ako nakapalag nang bunutin na nga ng isa sa mga guwardiya ang kaniyang baril at saka itinutuk sa akin.

"Itaas mo ang mga kamay mo," sabi nito.

Tumingin ako kay Senyorito Finley at ang kaninang nakakaawa nitong mukha ay napalitan ng nakangising ekpresiyon. Bumuntonghininga ako at saka dahan-dahang itinaas ang mga kamay. Mabilis naman silang kumilos at mabilis akong pinosasan.

"B-Boss, hindi ho talaga ako kidnapper. Maniwala ho kayo. Set up lang 'to," sabi ko habang pinoposasan nito ang kamay ko.

"Sa presinto ka na lang magpaliwanag," sagot niya lang at kinaladkad na ako sa isang mobile truck na sa tabi lang ng kanilang guard house naka-park.

Hinanap ko si Senyorito Finley ngunit hindi ko na ito makita pa. Kaagad naman akong dinala ng mga walanghiyang 'to sa presinto.

--

"Oh anoʼng kalasanan nito?" agad na tanong ng isang pulis nang makapasok kami sa loob.

"Balak hong mang-kidnap ng bata, Chief."

"Chief, hind--"

"Hep! Hep!" Itinaas nito ang kamay upang pigilan ako sa kung ano man ang dapat kong sabihin. "Wag ka ng magpaliwanag pa. Marami ng gumamit niyan, gasgas na. Dalhin na iyan sa loob!"

Hindi ako nakapalag dahil nga nakaposas ang mga kamay ko. Mga bwesit! Akala ko ba, sa presinto na lang ako magpaliwanag? Bakit hindi ako nito hinahayaang magpaliwanag? Pero wala akong nagawa nang kaladkarin na naman ako ng isa pang walanghiyang guwardiya sa kulungan. Pagbukas ng kulungan ay iyon din ang pagtulak nito sa akin sa loob.

Inilibot ko ang paningin ko. Maliit lang iyong kulungan, may dalawang double deck na gawa sa kahoy kung saan may apat nang nakahiga roon at nakatingin sa akin. Mayroon ding apat pang taong nakahiga sa sahig na ang mga pinagtagpi-tagping mga karton lang ang ginawang banig.

Gusto kong maiyak sa kalagayan ko ngayon. Hindi ko 'to inaasahan. Nagtatrabaho lang ako dahil gusto kong makatulong sa pamilyang iniwan ko sa probinsiya, pero heto ako't nasa kulungan. Tinalikuran ko na ang mga preso at saka tumingin sa dalawang mga walanghiyang nagpapasok sa akin dito.

"Boss, maniwala ho kayo sa akin. M-May saltik ho ang batang iyon. Alaga ko po siya at hindi ko magagawang kidnappin iyon," nagmamakaawa kong sabi. "K-Kahit pa ho tawagan niyo iyong amo ko," dagdag ko pa.

"May number ka ng amo mo?"

Natigilan ako sa tanong nito. Naalala ko nga pa lang wala akong number ni Sir Henry. Kinapa ko rin ang bulsa ng pantaloon na suot ko't wala rin dito ang cellphone ko. Kaya umiling lang ako bilang sagot.

"Iyon naman pala. Kaya mabulok ka riyan!" Umalis na na ito at bumalik sa kaniyang puwesto habang iyong guwardiya naman ay nanatili.

"Ano? Ba't ka nakatingin sa akin? May maitutulong ka ba hah?!" inis kong sabi pero hindi niya ako sinagot at tinalikuran na lang basta-basta.

Potek! Ano na ngayon ang gagawin ko? Hindi ko pa alam kung ilang araw ang itatagal ko rito at kung makakalaya pa ba talaga ako. Bwesit talagang batang iyon! Napakademonyo niya.

Napaupo na lang ako sa sahig at sinubukang manalangin na sana naman ay puntahan ako ni sir Henry dito at palayain. Anak naman niya kasi ang may kasalanan kung bakit ako nandito. Kung hindi lang kasi demonyo ang batang iyon, edi sana wala ako rito ngayon.

"Bakla!" Hindi ko ito pinansin at masama lang na tumingin sa pulis na nakataas ang mga paa at nakapatong sa mesa habang nanonood. Bold siguro pinapanood niyan.

"Hoy! Bakla! Tinatawag ka ni, Boss!" Bumuntonghininga na muna ako bago ako lumingon dito. Lahat sila'y nakatingin na sa akin. Iyong kaninang mga nakahiga sa kama ay ngayo'y nakaupo na. Tapos iyong isa sa kanila na nakaupo sa kama ay may dalawang katabi pang mga preso habang minamasahe ang mga masels nito.

Ang ganda na sana ng katawan pero iyong mukha, parang binugbog ng sampong katao. Hindi naman siya hipon. Kung ihahalintulad ko siya ay puwede na silang maging magkamag-anak ni Berting.

"Bakit?" tanong ko. Tiningnan ko sila isa-isa at bakit ba lahat ng mga nakukulong ay mga panget? Except sa akin dahil hindi naman ako mga kriminal. Wala man lang bang kriminal na guwapo? Iyong tipong handa kang magpasibak sa kaniya ng walang pag-aalinlangan?

Pero hetong mga 'to, kahit magbait-baitan pa sila'y mukha pa rin silang mga kriminal!

"Gusto mo bang chumupa?" Mabilis akong tumayo at sinamaan siya ng tingin. Ngumisi lang ang gago at bahagya pang hinimas-himas ang kaniyang pagkalalaki.

"G-Gago ka ba?" Tumingin ako sa pulis na nagbabantay. "Chief, palabasin niyo nga 'tong gagong ito. Ang bastos, e!"

Tumawa ito at tumingin sa akin. "Bakit, ayaw mo ba?"

Naikuyom ko ang mga kamao ko dahil sa inis. Mga bwesit! Mga manyakis! Pero bago pa man ako makasagot ay may biglang pumasok sa loob ng presinto at nang tumingin ako ritoʼy bumagal na naman sa pag-ikot ang mundo. At hindi ko maintindihan kung bakit siya nagliliwanag?


*****

©IthinkJaimenlove

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top