Chapter 5

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 5

--

A N D R E I

Kakatapos ko lang ihanda ang mga pagkain ni Senyorito Finley nang saktong makababa ito galing sa kaniyang kuwarto. Napangiti ako nang makita ko 'tong tila inaantok pa rin at napaka-independent niyang bata dahil hindi na ito nagpapatulong sa tuwing umuupo sa kaniyang high chair.

Ang cute-cute niya rin sa suot-suot niyang ternong pajama. Taray talaga ng mga mayayaman! Naka-pajama kapag natutulog, samantalang iyong iba riyan kahit may lakad iyong ternong pajama ang suot-suot. Kung hindi lang din demonyito itong batang 'to, ang sarap sanang yakapin-yakapin at kurot-kurutin. Kaso, ang sungit!

"What are you looking at, faggot?!" Kitams! Ang liit-liit pero ang tapang-tapang at napaka-bully pa. Kung nandito lang siguro iyong Nanay neto, siya kukurutin ko sa singit dahil mukhang pinaglihi niya sa sama ng loob ang anak.

Ngumiti ako ng napakapeke. Mas peke pa sa Iphone mong may-chat heads ang messenger.

"Wala naman po, Senyorito. Kumain na po kayo at baka mahuli pa ho kayo sa inyong klase," sabi ko at inirapan lang niya ako. Inambahan ko naman siya at saka inirapan din.

Naglakad naman ako sa gilid kung saan nakahilera ang mga kasambahay. At ilang sandali lang ay dumating si sir Henry na nakasuot na ng kaniyang three piece suit. Sabay-sabay kaming bumati nang magandang umaga at nagulat ako nang dumako ang paningin nito sa akin.

Baks! Ang seryoso niyang makatingin. 'Wag sana niyang iniisip na nakahubad ako, dahil baka totohanin ko! Char.

"Bakit hindi ka pa kumakain?" tanong nito.

Busog na po ako, sir! Makita lang kita.

“What?!” Napatalon ako dahil sa gulat. Bigla akong napatingin dito at nanlalaki ang mga mata nitong nakatingin. "What did you say?" seryoso at nakakatakot niyang tanong.

Shuta! Nasabi ko ba iyong nasa isip ko? Punyeta talaga! "A-Ah, w-wala po! Heto na nga, kakain na!"

Mabilis akong kumilos at naupo kaharap ni Senyorito. Naupo rin naman ito sa puwesto niya at saka sinimulang kainin ang nakahandang pagkain. Sana pagkain na lang ako.

"Gross!" Lumingon ako rito at ang nandidiring mukha ni Senyorito ang tumambad sa akin. Nakatingin ito sa dereksiyon ko.

Ano'ng gross? Damo ba?

"Eat your breakfast, Finley. You're gonna be late at school," narinig kong sabi naman ng kaniyang Daddy.

"Papaano ako kakain kung may nakakadiring panget sa harapan ko?" Bigla akong napatayo at gamit ang kamay kong basa pa dahil sa sabaw at may kanin pa rito, dinuro ko siya.

"Aba'y sumusobra ka na, a! Kurutin kita ng nail cutter, beh?" inis kong sabi. Wala akong pakialam sa kaniyang Daddy na seryoso lang nagpalipat-lipat ang tingin sa amin.

"Tss! You're gross! How could you used your hands when you're eating?"

Bigla kong naitago sa likod ko ang kamay kong may kanin pa dahil sa kahihiyan. Ewan ko pero parang nanliit ako sa sinabi ng demonyong 'to, na nakakadiri ang kumain gamit ang kamay. Bakit, ano ba'ng ginagamit niya kapag kumain? 'Di ba, kamay rin niya?

Pero iyon na nga, bigla akong nahiya dahil harap-harapan ako nitong sinasabihan nang nakakadiri. Sa harapan pa mismo ng Daddy niya. Sinong hindi mahihiya? Si Berting? Wala namang hiya talaga iyon!

"Kumain na kayo. Hindi niyo man lang nirerespeto ang pagkain sa harapan niyo," narinig kong sabi ni sir Henry.

Inirapan ako ni Senyorito at saka bumalik sa kaniyang kinakain. Ako naman, dahil sa kahihiyan ay mabilis akong umalis doon. "P-Pasensiya na po. B-Busog na ako. Salamat sa pagkain," paalam ko't hindi na sila hinintay pang makasagot.

Mabilis akong pumunta sa Maid's room kung saan may sarili kaming banyo, kusina, at iba pa. Para itong dorm sa mga eskwelahan. Pumunta ako sa kusina namin at dito uminom. Nakakahiya na kasing doon pa ako iinom. Pagkatapos kong uminom ay hinugasan ko na ang kamay ko. Napabuntonghininga ako pagkatapos.

Napakasama talaga nang ugali ng batang iyon! Konteng-konte na lang talaga, tatamaan na siya sa akin. Huwag niyang iisiping kaya ko siya hindi nasasaktan ay dahil mabait ako sa bata. Mabait ako pero sa katulad niyang masama ugali, ibang usapan na iyon! Kailangan niya talagang matuto ng tamang asal.

"Ayos ka lang, Drei?" Hinarap ko si Ante Dolly na kakapasok lang dito sa kusina. Ngumiti ako. "Pagpasensiyahan mo na ang bata, Drei. Alam mo naman ang rason kung bakit ganiyan ang ugali niya," aniya.

Humugot ako nang malalim na hininga bago siya sinagot. "Huwag ho kayong mag-aalala, 'Te. Ako hong bahala sa kaniya. Simula ngayon, ituturo ko sa kaniya kung papaano umasal ng tama."

--

Kaagad naman akong lumabas nang ipatawag na ako ni Senyorito. Naligo lang ako't nagpalit nang maisusuot at saka rumampa na papalabas ng bahay kung saan naghihintay ang pinakamamahal na Prinsipe ng mga tiyanak.

Nakangiti akong lumapit dito. "Ang cute-cute niyo naman po sa uniform niyo, Senyorito," hindi ko mapigilang sabihin nang suriin ko siya. Bagay na bagay ang dark blue nitong polo kung saan sa dibdib nito'y may tatak ng logo ng kanilang eskwelahan. Pinaresan ng dark blue ring khaki shorts at saka black shoes na may white socks.

"Tss." Umirap na naman po siya at saka pumasok na sa loob ng kotse. Hindi ko na lang pinansin iyong ginawa niya't sumunod na rin sa kaniya sa loob. "What are you doing here? Don't sit next to me, please?!"

Nanlaki ang mga ko sa gulat na tumingin dito, sinamaan niya ako ng tingin.

"E-Eh, saan niyo po ako gustong sumakay? Sa atip nitong kotse?!"

"Stupid! Sit next to my father!" sigaw niya.

Lumingon ako sa harapan, sa tabi ng driver's seat. Wala pa roon si sir Henry. Kaya umiling ako at saka nagmamatigas na tumingin sa tiyanak.

"Ayoko! Ikaw na lang ang maupo roon." Mas lalo ako nitong sinamaan ng tingin. "Magkamatayan man tayo, senyorito Finley Alcantara! Hinding-hindi ako uupo sa harapan."

Hinding-hindi talaga ako uupo riyan dahil kinakabahan ako. Baka kasi mamaya, biglang hawakan ni sir Henry batok ko't inuntog ang ulo ko sa manibela ng kotse dahil sinigawan ko kanina ang anak niya. No! As in never!

Nagulat ako nang ngumisi siya. "Fine! Let's see who's going to regret."

Umirap naman ako. "Sure!" sabi ko't saka pabagsak na naupo sa tabi niya. Lumayo pa ito nang kaunti na tila ba nandidiri talaga sa akin. Hindi ko na lang pinansin pa't hinintay na lang na makalabas si sir Henry na siyang maghahatid sa amin sa eskwelahan nitong tiyanak.

Ilang sandali lang ay nakita ko nang lumabas si sir Henry ng bahay
Suot pa rin nito ang three piece suit at may bitbit pang brief case. Naglakad ito papalapit sa kotse at umikot naman upang makalapit sa kabilang pinto kung saan ang driver's seat. Nang makapasok ito'y tumingin sa amin nang seryoso.

"What are you doing there, Mr. Arellano? Dito ka maupo sa harapan. Do I looked like a driver to you?"

"P-Po?"

"You didn't hear me? Ang sabi ko, rito ka sa tabi ko maupo dahil nagmumukha akong driver. Got it?"

----

AUTHOR'S NOTE:

I'm sorry for updating my stories slowly. Hindi naman po kasi ito ang ginagawa ko. At nagpapasalamat ako dahil bimabasa niyo pa rin ang mga gawa ko kahit matagal akong mag-update.

Kapag bitin ka, then I'm sorry po. Ganoon talaga ang buhay!

Anyways, again and again. A lot of typos and grammatically incorrect po sa kwentong ito. Kung magaling ka at sa tingin mo'y matutulungan mo ko, then don't hesitate to correct me in a NICE WAY.

Thanks and enjoy!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top