Chapter 49


THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 49


A N D R E I

Madilim na ang langit; punong-puno ito ng mga nagkikislapang mga bituin at ang buwan ay bilog na bilog. Malamig din ang simoy ng hanging yumayakap sa aking balat. Napayakap ako sa sarili nang umihip ang may kalakasang hangin. Ngunit agad akong nakaramdam ng ginhawa nang may makapal na telang pumasok sa aking magkabilang balikat.

Tumingin ako rito... si Sir Henry at ang jacket niya ang inilagay niya sa balikat ko. Ang tanga ko kasi, lalabas-labas ako ng bahay na tanging manipis na tela lang suot.

"The stars are beautiful," bigla niyang sabi. Nakaupo na siya sa tabi ko rito sa upuang gawa sa kawayan sa likod ng aming bahay.

Imbes na tumingin ako sa langit, sa kaniyang mukha ako tumingin. Ang tangos ng ilong niya. Tumatakbo tuloy sa isipan ko kung gaano kahaba 'yon ano – kuwan niya – pasensiya, tama 'yong pasensiya na. Nagulat ako ng bigla siyang lumingon sa akin, nagkasalubong ang mga mata naming dalawa at pakiramdam ko'y para ako nitong hinihila sa pinakailalim. Mabilis akong umiwas. Ang bilis ng tibok ng punyeta kong puso.

"Do you still love him?" bigla niyang tanong na 'di ko lubos maintindihan; kung sino ba'ng tinutukoy niya. "Kasi kung mahal mo pa siya, handa naman akong magparaya. I can let you go, as long as he promised me that he'll never hurt you again."

'Di ko alam kung ano ba 'tong lumalabas sa bibig niya. 'Di ko alam kung papaano ko siya sasagutin. Natatakot ako... natatakot akong baka may masabi akong pagsisisihan ko rin sa huli.

"A-Ano po ba'ng ibig ninyong sabihin? M-Mahal po tayo ng Panginoon." Hindi ko alam kung konektado ba 'yong sinabi ko sa tinutukoy niya. Tumingin ako rito at ngumiti. "At mahal ko rin po siya. A-Ame—"

"That's not what I mean, Andrei. Ang ibig kong sabihin, kung mahal mo pa rin ba 'yong Max na 'yon?" Ah. Si Max pala ang tinutukoy niya. 'Di niya kasi nililinaw!

Tinanong ko naman ang sarili ko; mahal ko pa ba si Max? Noong naging kami, sigurado ako sa sarili kong minahal ko siya. Ibinigay ko ang lahat ng gusto nito, kahit na alam kong nauubos na ako. Minsan lang kasi kaming mga bakla kung makaranas ng ganoon, kaya kahit walang-wala kami'y gumagawa kami ng paraan mapasaya lang ang taong mahal namin...

Ngunit pagkatapos ng lahat? Pagkatapos ng kawalanghiya ng kaniyang Inang nakikinabang din sa perang ibinibigay ko sa anak. Pagkatapos ako nitong sugudin at ipahiya. Doon ko napagtantong kahit na ano'ng gawin ko'y walang magmamahal sa akin, sa 'tulad kong bakla. Natakot na rin akong mahalin siya, o mas tamang sabihing napagod na akong umintindi't ibigay rito ang lahat.

Humugot ako nang malalim na buntonghininga.

"Mahal ko—" Nagulat ako nang bigla siyang tumayo at tinalikuran ako. "'Di pa ako tapos magsalita!" inis kong sabi.

"But you said, you still love him," sabi niya nang 'di man lang lumilingon sa puwesto ko.

"Ay wow! Disyonabilitism ka rin e. Ang ibig kong sabihin, mahal ko siya pero bilang kaibigan lang."

Muntik pa akong mahulog ng bigla siyang tumabing muli sa akin at niyakap ako. "Really?! Fck! I promised I will never let you go nor hurt you," sabi niya.

Parang timang 'yong puso kong tumitibok nang mabilis. Kung nasa karera lang ito ng mga kabayo, baka nanalo na kami.

"Bakla po ba kayo?" ang siyang bigla kong tanong, kasalukuyan pa rin siyang nakayakap sa akin.

"If loving someone like you is considered to be being homosexual, then yes, Andrei, I am gay, but only for you."

--

Ang daks ng eyebags ko kinabukasan. 'Di kasi ako nakatulog kagabi. Muntik ko pang magising sina Mama at Andrea na mahimbing na natutulog sa kanilang kama dahil para akong tangang sumisigaw at nagpapapadyak. Ewan ko ba, 'teh! Pero ang poke ko na kulay rosas, kilig na kilig. Sinasabihan naman ako ni Max noon kung gaano niya ako kamahal, pero sa tuwing inaabutan ko siya ng isang daan lang naman.

"Kuya, para kang binugbog," natatawang ani ni Andrea nang pumasok siya sa kusina. Sumunod naman si Mama na napatingin din sa akin.

"Oo nga, 'Nak. Ano'ng nangyari sa mga mata mo? Nakatulog ka ba nang maayos?"

Sasagot pa lang sana ako ngunit bigla namang pumasok si Sir Henry na may dalang balde ng tubig sa kaliwang kamay at saka ng supot sa isa naman. Ngumiti ito. Binati rin niya sina Mama at Andrea.

"Aba'y bakit mo pinag-iigib itong Boss mo, Andrei?! Ikaw talagang bata ka, 'di ka ba nahihi—"

Natigil si Mama nang magsalita si Sir Henry. "I was the one who insisted on this. Don't be mad at Andrei."

Tumingin dito si Mama at saka siya lumingon sa akin na magkasalubong ang mga kilay. "'Nak, ano raw sabi niya?" bulong nito.

Lumapit naman ako nang bahagya. "'Ma, ang aga-aga raw po ang ingay-ingay ninyo. 'Di na lang kayo manahimik," sabi ko at saka tumayo. Ngumiti ako kay Sir Henry at saka tiningnan ang supot na dala niya.

Na mukhang nakuha naman nito agad dahil ipinakita niya ang malalaking Sugpo na naroroon. "Someone gave this to me. And I thought, you'll like it."

Dali-dali ko itong kinuha. "Aba sino'ng may sabing ayaw ko ng Hipon? Lalo na't libre mo lang palang nakuha." Tumawa lang siya't inilagay na sa may tabing lababo ang balde ng tubig at saka ako nito tinulungan sa paghahanda ng kakainin namin.

--

"'te, ano'ng nakain mo't naisipan mong magyayang mag-swimming? Tit-" Mabilis kong ipinasubo ang Rambutan na kakabalat ko lang sa kaniyang matabil na bibig.

"'Daming sinasabi, 'di na lang magpasalamat na libre lang ang lahat!"

Kinain na muna niya ang Rambutan bago siya sumagot, "Nagtataka lang naman kasi. Bawal na bang magtanong?"

"Oo bawal, 'pag ikaw!"

"Hmp! Bakit ba palagi na lang masama ugali mo sa 'kin?" 'Di ako nakasagot nang itanong iyon ni Berting sa 'kin. "Kaibigan mo naman ako. Sabihin mo nga, may nagawa ba akong masama?"

"Pinagsasabi mo? Siyempre, 'yang—"

"Mukha ko? Dahil ba masama ang mukha ko—"

"Bunganga mo, 'teh. Masama ang amoy ng bunganga!" sabi ko.

"Ay talaga ba?" Tumango lang ako. Inamoy naman niya kaniyang hininga. "Totoo nga! Tanginang toothpaste 'yon, 'di effective!"

"Ano ba kasing toothpaste ang gamit mo?" tanong ko. nakatingin lang ako sa tabing-dagat kung saan naglalaro sina Andrea at inilibot ko ang paningin ko upang hanapin si Sir Henry.

"Bostik, dzai. 'Yung yellow at blue ang packaging, nabili ko sa hardware."

Nanlalaki ang mga mata kong napatingin kay Berting. "Vulcaseal kasi 'yon, 'teh! 'Yan kasi, imbes na mag-aral e nagbubulakbol," pangangaral ko sa kaniya bago siya iwanan sa cottage nang may makita akong naglalandian sa malayo.

Mabibigat ang hakbang ko sa buhangin hanggang sa makarating ako sa tabing-dagat, malapit sa puwesto ni Andrea. Namewang ako habang pinagmamasdan ko ang mga higad na mukhang nagpapalitan na ng number. Aba nga naman!

"Ehem!" Mabilis silang lumingon sa akin. Tumaas ang kilay kong tumingin sa babaeng katabi nito. Girl, 'wag mo akong ismiran dahil baka sa kabilang Isla ka matagpuang wala ng malay.

"Yes? How may we help you?" Ay Aba, in-english ako. May accent pa siyang pilit na pilit.

"Wala akong kailangan sa 'yo pero alam mo ba'ng itong nilalandi mo'y in a relationship na single Daddy? Kaya kung ako sa 'yo, lumayo ka bago ka pa ilunod ng jowa ng lalaking 'yan!" At saka ko sila tinalikuran.

"I'm sorry, Miss," narinig kong sabi ni Sir Henry at nagulat na lang ako ng kasabay ko na itong naglalakad pabalik sa cottage. "Hey. She was just asking 'bout busi—"

"Wala 'kong pake. Kahit mag-Q and A pa kayo magdamag," sabi ko at nagpatuloy sa paglalakad. Mas binilisan ko upang 'di niya ako maabutan ngunit masyadong malalaki ang mga hakbang nito't naabutan pa rin niya ako.

"You're jealous."

Tumigil ako. Humarap sa kaniya nang nanlilisik ang mga mata. Tinuro ko ang sarili. "S-Sa ganda kong 'to, magseselos ako sa mukhang Sugpong 'yon na kinulang sa nutrisyon? Never!" At muli akong tumalikod, ngunit 'di pa ako nakakahakbang ay hawak-hawak na ako nito sa aking braso at ilang sandali lang ay nasa loob na kami ng walang katao-taong banyo.

Isinandal niya ako sa pinto. Kinabahan ako. Napapamura ang puso ko posisyon namin ngayon. Sobrang lapit din ng kaniyang mukha sa akin at ilang pulgada lang ay magdidikit na ang aming labi.

"Nagseselos ka ba o hindi?" Malalim ang boses at nakakakilabot.

"H-hindi nga. W-wala naman akong karapata—" 'Di ko natuloy ang sasabihin ko nang bigla nitong hinuli ang labi ko gamit ang kaniya. Tumigil yata ang mundo ko sa pag-ikot at ang buong atensiyon ko'y sa labi naming magkadikit. 'Di ito ang unang beses na gawin niya 'to sa akin ngunit pare-pareho lang ang nararamdaman ko; mabilis ang tibok ng puso.

Dalawa o ewan ko kung ilang minuto ang itinagal ng halik na 'yon bago siya humiwalay at isandal ang noo nito sa noo ko.

"Ngayon may karapatan ka na. You are mine, and I am also yours, whether you like it or not." At muli na naman niya akong hinalikan sa labi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top