Chapter 48

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 48

A N D R E I


Hawak-hawak ang batok nang lumabas ako sa kuwarto nina Mama at Andrea. May pera na kasi kami kaya naipagawa o mas magandang sabihing, pinatibay ko na itong bahay namin. Nakakalakad na rin si Mama dahil nga sa mga gamot nito't hindi na rin matigas ang kaniyang ulo.

Sa kuwarto nila ako natulog, sa sahig, habang sina Mama at Andrea ay magkabi sa kama. Papaano ba naman kasi, nandito pa rin si Sir Henry at nakikitulog pa sa bahay namin. Hinayaan ko na lang. Susuko rin siya. Alam kong 'di niya kayang magtiis sa ganitong klase ng tirahan. Maliit, mainit, at maingay pa ang kapitbahay.

"Baks!"

"Shutacca!" Napahawak ako sa puso ko dahil sa gulat. Biglang bumilis ang tibok nito. "Pakyo ka, Berting! Ano baʼng ginagawa mo riyan?!" singhal ko kay baklita nang makita ko ʼto sa labas ng aming bahay.

Alas-sais pa lang! At mukhang hindi pa ʼto natulog dahil sa nangingitim ang ilalim ng kaniyang mga mata. Tapos suot pa rin nito ang damit niya kahapon.

Tumawa lang ang gaga at saka tumayo. Sumilip ito sa loob na para bang may hinahanap. "Gising na ba si Bossing?"

Sinamaan ko siya ng tingin at saka dinuro. "Hoy, ʼte! Alam ko ʼyang kalakaran mo. Umuwi ka na bago pa tuluyang mandilim paningin ko sa 'yo!"

Napakamot siya sa likod ng ulo. Umismid lang ito't saka ako tinalikuran ngunit ilang hakbang pa lang ang nagagawa niya'y bigla siyang humarap. Mabilis siyang bumalik sa harapan ko't sobrang lapit niya.

"Eh nandito na ako, ba't pa ako uuwi? May trabaho pa tayo mamaya," sabi niya.

Napatakip tuloy ako ng ilong dahil umaalingasaw ang mabaho niyang hininga. Ano ba'ng huling kinain ng baklang ʼto? Ang baho-baho ng bibig!

"Umuwi ka na muna at maligo, baka mapatay mo ng wala sa oras iyong amo ko!" sabi ko na kasalukuyang nakatakip pa rin sa bibig.

Ngumuso ito, para tuloy siyang puwet ng manok na nangingitim. Nagpadyak-padyak pa ang gaga ngunit tumalikod din at naglakad papalayo. Doon ay nakahinga ako nang maluwag. Tumalikod na ako't papasok na sana ngunit natigilan ako nang tumambad sa aking harapan ang nakakatakam na pandesal sa umaga. Binilang ko iyon. Walo, 'te! Pinasadahan ko ng tingin ang pandesal hanggang sa makarating ako sa ibaba at bigla na lang akong napalunok dahil sa malaking bundok doon.

Teka!

Mabilis kong iniangat ang tingin at ang nakangisi niyang labi ang tumambad sa akin.

"Good morning. Maganda ba ang nakikita mo?"

Mabilis kong hinawi si Sir Henry na nakaharang sa pinto at dali-daling tumakbo papasok ng kusina. Yawa! Bakit hindi ko siya napansin na nakatayo sa likuran ko? At... Bakit siya nakahubad, ang ibig kong sabihin, bakit manipis lang ang suot niyang short?

Para sabihin ko sa kaniya, 'di ako tinatablan ng mga ganoong estilo!

Ipinagsawalang bahala ko na lang ang nakita at naghanda na para sa aming agahan. Pero pakiramdam ko'y busog na ako kanina pa–char! Kinuha ko ang kalderong maitim ang puwetan at saka naglagay roon ng limang baso ng bigas. Napansin ko namang pumasok sa loob ng kusina ang bwesita ko ngunit 'di na lang ako nag-abalang tumingin dito.

"How may I help you?" tanong niya.

Kinuha ko ang lighter at saka naglagay ng kahoy sa ilalim ng bakal na pinaglulutuan naman. Isang bunga ng palm tree na pinukpok ko muna ng bato upang magkaroon ito ng kaunting katas, na magsisilbing mitsa upang madaling sindihan ang mga kahoy.

"Gusto kitang tulungan. Let me know... Please.”

Matagumpay kong nasindihan ang kahoy. Kaya tumingin ako rito.

"Gusto mong tumulong, umuwi ka sa Manila at tulungan mo si Auntie Dolly sa gawaing bahay."

"I can't. I won't leave until you'll come with me. I promised Finley, uuwi ako roon na kasama ka," aniya.

"Iyon naman pala," sabi ko at muli siyang tinalikuran. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi niya dahil ayoko lang. Bakit ba?

Lumapit ako sa lababo na gawa lang sa kawayan at tiningnan ang balde ngunit wala itong lamang tubig. Nadismaya ako. Kinuha ko ang balde at lalabad na sana sa kusina nang hawakan ni Sir Henry ang braso ko. Tumingin ito sa aking mga mata at 'di ako nakapalag ng kunin niya sa akin ang baldeng hawak.

"Let me do this for you."

"Alam mo ba kung saan mag-iigib nang malinis na tubig?" tanong ko dahilan para mapakamot siya sa likod ng ulo at saka mahinang tumawa. Umiling din siya. Bigla tuloy akong napaiwas ng tingin dahil tumambad sa mga mata ko iyong buhok sa kili-kili niya. “S-Sa m-may ilog, may balon malapit doon. D-doon kami umiigib nang malinis na tubig."

--

Hindi sila magkanda-ugaga sa pagpili ng mga paninda ko. Pinagkakaguluhan. Bawat isa'y gustong sumingin at pumasok sa loob upang magpa-assist. Ako, nandito sa labas at nakapamewang. Gusto kong magsisigaw sa inis dahil sa mga babae't mga baklang kay aga-aga ay nandito sa shop ko, pero 'di ko magawa, dahil costumer sila at halos maubos na nila iyong mga branded kong paninda.

“Hindi ko aakalain na iyang dalawang Daddy lang pala ang magdadala sa iyo ng swerte,” sabi ng katabi kong si Berting at nakatingin lang siya sa loob.

"Nga, e..." pagsang-ayon ko. "Puro kasi kamalasan dala mo!" dagdag ko pa at saka siya inirapan.

Naglakad ako't sumiksik papasok sa loob. Hindi ko mabilang kung ilang tao ang nandito ngayon sa loob ng aking shop, hindi para lumandi kundi para pagkaguluhan ang dalawang lalaking ʼto. Sumasakit ang ulo ko habang nakatingin sa kanilang dalawa.

Si Sir Henry na nakangiti habang nakikipag-usap sa mga costumer at inuuto itong bumili. Sa kanan nama'y si Max, na ganoon din ang ginagawa. Nagpapauto rin ang mga itong i-flex ang kanilang mga muscles. Bigla silang nagkatinginan at ewan ko pero nakaramdam ako nang maitim na aura sa pagitan nilang dalawa. O, ako lang ang nakapansin nito.

"O tama na!" sigaw ko. "Hindi po theater ang shop ko. Kung walang perang pambili, umuwi!"

"We're really sorry, girls. Our boss is here," ani sir Henry. Ngumiti pa siya at nagsigawan na naman ang mga babae at bakla. Narinig ko pang nakisigaw rin si Berting.

"Tss!" Tumingin ako kay Max na masamang nakatingin kay Sir Henry.

Ano ba'ng mayroon sa dalawang ito? Ngayon lang sila nagkakilala pero bakit ramdam kong mainit ang pagitan nilang dalawa? Nagsisisi tuloy akong isinama pa sila rito.

NAKAHINGA ako nang maluwag dahil isa-isa nang nagsialisan ang mga tao rito sa shop. Lumapit naman ako sa counter at naupo roon. Ang init-init ng panahon at naliligo na ako sa pawis ngunit bigla akong nakaramdam ng hangin. Nang tingnan ko ito'y si Max na may hawak ng pamaypay at ako'y pinapaypayan.

"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko rito.

"Pinagsisilbihan ka. Alam ko kasing pagod ka na," sagot niyang nakangiti. Kita ko tuloy ang mapuputi't pantay-pantay niyang mga ngipin.

"S-Salamat," sagot ko na lang at tiningnan ang drawer ng aking mesa. Maraming pera. Nakarami kami ngayong araw. Kinuha ko ang one hundreds, two hundreds, one thousands, at iba pang perang papel upang bilangin iyon.

Nagulat naman ako ng may malamig na ice ang biglang inilapag sa aking mesa. Tiningnan ko kung saan ito galing, kay Sir Henry na may hawak na scoop, baso, at saka kutsara.

“Ice cream for hot weather, as hot as I adore you.”

Inilagay niya ang baso sa mesa at saka binuksan ang ice cream na 'di ko na lang papangalanan dahil hello, ʼdi po ito sponsor pero baka naman, Selecta! Char. Cookies and cream ang flavor ng ice cream.

"Ah–"

"Hindi kumakain si Andrei ng Cookies and Cream. Ube ang paborito niya," biglang sabi ni Max, na tumigil na sa kakapaypay sa akin. Alam na alam nito ang taste ko.

Tiningnan ko si Sir Henry at mukha itong nadismaya nang dahan-dahan niyang bawiin ang kamay, at saka siya umayos sa pagkakatayo.

"I-I'm sorry, I didn't kno–”

"Ayos lang po. Wala naman akong allergy sa Cookie and Cream. Gusto ko ring itong subukan," mabilis kong sabi at saka ako na ang nagkusang mag-scoop ng ice cream at saka iyon inilagay sa baso. Tinikman ko't napapikit. Masarap naman pala! Dati kasi noong una ko 'tong matikman sa mga dirty ice cream, parang lupa. Hindi ko alam kung cookies ba iyon o literal talagang lupa ang inilagay.

"Do you like it? It's my favorite," ani Sir Henry.

Tumango ako. "Bago kong favorite..." At saka ko nilingon si Berting. "Kumuha ka na! Alam kong kanina ka pa natatakam," sabi ko at dali-dali nitong kinuha ang ice cream at isang kutsara.

"Max, gusto mo?" tanong ni Berting pero umiling lang si Max at saka ito lumabas ng shop. "Saan iyon pupunta?"

Nagkibit lang ako ng balikat at saka ipinagpatuloy ang pagkain ng ice cream. Si Berting nama'y ang buong lalagyan na ng ice cream kinuha't sinolo na ito.

--

Pagkatapos ng maghapong pagbabantay sa shop, na nakakatuwa dahil nakarami kami ng benta, nagsara na kami. Kanina pa nakauwi si Max dahil tinawagan siya ng ina, habang si Berting ay pumunta sa isang kaibigan daw nitong may birthday. Kaya ngayo'y dalawa na lang kami ni Sir Henry.

Bago kami umuwi ay mabilis kong hinila si Sir Henry sa may park kung saan marami pa ring tao. Nakahilera naman sa gilid ang mga nagtitinda ng street foods.

"What are we doing here?"


"Kakain at saka bibili na rin ng uulamin mamaya," sagot ko at tumingin sa mga iba't ibang street foods, 'di ko alam kung ano'ng pipiliin ko. "Wag kang mag-inarte ngayon, nasa teritoryo kita," dadag ko.


"I am not. Ang totoo niya'y balut ang paborito ko. I've tasted these kind of foods when I was in college."

"Weh?"

Tumawa siya. "Yes. Dad then suspended my bank accounts, and the only money left in my wallet was a thousand. So I have to save money and street foods save my life." Tumingin siya sa akin at 'di ko namalayang hawak na pala niya ang aking kamay at ito'y pinag-intertwined. "Let's go? It's our date!"

Date? Teka lang–Hindi na ako nakaangal pa ng hilain niya ako.

*****

Gusto ko po itong tapusin pero busy po ako. Salamat sa mga nag-aabang, at marunong maghintay. Salamat! Salamat!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top