Chapter 47
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 47
A N D R E I
Muntik pa akong matumba sa pagtalon ko mula sa tricycle nang makarating kami sa bahay.
"Hoy, bayad mo!" sigaw ng driver. Bumalik ako't inabot sa kaniya ang sampong piso. "Kulan–"
"Student's discount!" sagot ko at hindi na siya pinakinggan pa sa kakangawa. Dali-dali akong pumasok sa loob ng aming palasyo para lang magulat sa naabutan ko.
Pakiramdam ko'y tinakasan ako ng dugo panandilian at biglang bumalik ito puwersahan na halos ikahimatay ko na. Overreacting na kung overreacting pero ano'ng ginagawa nito rito?
"'Nak!" Lumapit sa akin si Mama. Kailan pa 'to nakakalakad? Gumagaling na ba mga sugat nito sa paa? "'Di mo sinabi na kay gwapo pala nitong amo mo," bulong niya habang nakatingin kay Sir Henry.
Oo si Sir Henry nga ang nandito ngayon sa loob ng aming palasyo. Hindi ako makapagsalita dahil gulong-gulo ang buo kong pagkatao ngayon. Ano'ng ginagawa nito rito? Babawiin ba niya ang mga binayad sa akin? O sasabihin ba nitong bumalik ako kasi kailangan ulit niya ako? No never!
Nakapagpatayo na ako ng small business ko rito at kahit papaano'y stable na rin iyong kita ng shop ko. At saka, bakit ako babalik doon kung buhay ki naman ang nakataya? Nakakatakot kaya ang Tatay nitong homokojic!
"S-Sir..." Hindi ko alam kung ano'ng sasabihin ko. Bigla namang naglaho si Mama na kanina'y nasa tabi ko lang.
Ano ba, Drei! Umayos ka!
Tumayo siya at saka lumapit sa akin. Hindi ako makatingin sa kaniyang mga mata dahil pakiramdam ko'y hinihipnotismo ako nito't mapapasunod na lang bigla sa kung ano'ng sasabihin niya.
"A-Andrei, I wanted to talk to you," aniya. Halos pabulong ngunit sapat lang para marinig ko.
Bumuntonghininga ako. Sa pagkakataong ito'y tumingin ako rito. Hanggang labi lang ako nito dahil sobrang tangkad ni Sir Henry. Kaya tumingala ako nang bahagya upang salubungin ang kaniyang mga mata. 'Di ko alam pero nakikitaan ko iyon ng pangungulila. Nangingitim din ang ilalim ng mga mata nito't visible rin ang eyebags niya. May problema na naman ba siya? Tungkol na naman siguro ito sa mga magulang ni Marlou tapos nandito siya para hingin ulit ang tulong ko.
At kapag pumayag ako, sasabihin na naman nito ang nararamdaman at sa huli, kapag naiipit na siya sa isang sitwasyong mahirap takasan, paaalisin niya ako dahil iyon lang ang alam niyang paraan. Sasabihin niyang hindi na niya ako kailangan. Tapos na ang trabaho ko.
Tao lang ako. Napapagod. At nahihilo kakasakay ng eroplano. Ignorante kasi ako. Tapos uto-uto rin kapag poge ang nang-uto.
"Wala na po tayong pag-uusapan. Tapos na po ang kontrata ko sa inyo," sagot ko at saka siya nilampasan. Mabuti na lang dahil hindi ako nautal nang sabihin 'yon.
Iyon naman ang totoo, wala na kaming dapat na pag-usapan pa. Tapos na. The end na. Wala ng season two, three o four. Mahirap bang intindihin iyon?
"It's about us," sabi nito at natigilan ako sa pagliligpit ng mga baso rito sa aming sala. "We should talk about us. I know I've made mistakes and I am really sorry for that. Inisip ko na pera lang ang habol mo sa–"
Humarap ako rito at saka nagsalita, "ʼYan! Diyan kayo magaling. Na kapag kaming mga mahihirap, nagmahal ng mayaman, pera na agad ang habol. S-Sir, 'di niyo ho ba naisip na bakla ako? Hindi po pera ang habol ko, kasi kung pera lang din, tinanggap ko na agad ang alok ng Tatay niyoʼt nagpakalayo-layo."
Napayuko ito. Ang bigat ng dibdib ko, dahil nasasaktan ako. Mabuti na lang at dalawa na lang kaming nandito sa bahay. Humugot ako ng malalim na buntonghininga.
"It was my fault," sabi niya. “I'm sorry. Please, bumalik ka na sa amin. I'll do everything I can to earn your forgiveness. O kahit kay Finley lang, he needs you and I need you, too."
Gusto kong matawa sa sinabi niya. Pero pinigilan ko. Tumalikod ako. Kinuha ko ang isang malaking bag na nasa upuang gawa sa kawayan at saka bumaling sa kaniya. Ibinigay ko iyon na agad naman niyang tinanggap. Hahawakan pa sana nito ang kamay ko ngunit mabilis ko rin itong binawi.
"Bumalik ka na lang po sa Manila. Maayos na ang buhay ko rito at salamat dahil sa inyo, nakapagsimula po ako ng maliit na business. 'Wag niyo pong gamitin si Finley para lang sa pansarili ninyong kagustuhan. P-Pasensiya na po," sabi ko at mabilis na tumakbo papalabas ng aming bahay.
Tumakbo lang ako nang tumakbo hanggang sa mapagod ako. Ewan ko ba't ko 'to ginagawa. Dapat ay nanatili na lang ako roon at siya ang umalis. Pero nandito na ako. Tumingin ako sa paligid. Nasa kagubatang parte na pala ako ng aming lugar. Madalas kami rito noong mga bata pa kami, nanghuhuli ng mga tutubi. Naglakad ako hanggang sa marating ko ang isang ilog. Malinaw ang tubig at kay sarap magtampisaw ngunit 'di ko feel maligo ngayon dito.
Kumuha ako ng maliit na bato at saka iyon malakas na ibinato sa malayo.
"Araay!" Nanlaki ang mga mata ko nang may sumigaw. "Sino iyong nambabato riyan?!" May lumabas mula sa saan na isang ginang, nakababa ang palda nito. "Hoy, alam mo bang may tao rito't tumatae?!" sigaw niya, nasa kabilang parte siya nitong ilog.
"Malay ko ba! ʼWag mo dagdagan problema ko ngayon at baka lunurin kita rito sa ilog!" sigaw ko pabalik at saka siya inirapan.
Naglakad-lakad ako hanggang sa makarating ako sa lilim ng isang puno, kung saan katabi naman nitoʼy ang ilog. Naupo ako sa may damuhan at saka umiyak nang umiyak. Char! ʼDi mag-cry ang fersonability for today's video.
Naiinis lang ako at nasasaktan. Ano ba'ng mali sa amin? Tao lang naman kami. May puso, atay, bituka, at buto. May nararamdaman. May five senses din. Pero bakit kami iyong palaging sinasaktan?
Nakakainis pa dahil hindi tuloy ako makapagtrabaho. Bakit ba kasi nagpakita pa iyong dalawang iyon? At sabay pa silang dalawa! Hindi na ako magugulat na darating din si Marlo—
"Someone told me that you're here." Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang pinakabwesit sa lahat.
Shutangina't buwakanangina. Ano'ng ginagawa nito rito?!
Gusto ko na lang maging bato o 'di kaya'y damo! Para akong hihimatayin sa mga yawang ito! Bathalang Emre, kailangan talaga sabay-sabay?! Hindi ko kaya ang maging patty sa gitna ng tatlong hotdogs, walang burger na ganoon!
"Bakit ka nandito?! Una si Max, sunod si Sir Henry–"
"Wait, nandito si Henry?" tanong ng shutanginang si Marlou na kanina'y iniisip ko pa lang na baka magpakita rin ito't nandito nga ang gago.
Nandito ba si Doctor Strange? Baka mamaya nagpatulong ang mga ito roon para mabilis na makarating dito?
"Kakasabi ko lang at ikaw, ano'ng ginagawa mo ritong hayop ka?!" inis kong sabi.
Napakamot siya sa likod ng kaniyang ulo. "Nagtaka kasi ako kung bakit wala ka na sa Manila. I asked Manang Dolly if she could tell me where can I find you."
"Iyon lang tapos nandito ka na?" Nakatayo na ako sa pagkakataong ito habang nakatingin sa kaniya.
Tumango siya. "And I wanted to ask you personally, k-kung may pag-asa ba ako sa ʼyo?"
Ano raw? Pakiulit nga. Replay, please!
'May pag-asa ba ako sa 'yo?'
At nagpaulit-ulit iyon sa isipan ko hanggang sa tuluyan na akong mabaliw.
Ano'ng isasagot ko? Hakdog ba?
Naguguluhan ako.
Help!
"Alam ko namang wala akong pag-asa. Henry owns you, and you're his property. No. So, I mean, he loves you, and I could see that you also adore him. It's not that I didn't want to know. I promise, hindi ko kayo guguluhin. Gusto ko lang malaman," sabi pa nito.
Umihip ang malamig na simoy ng hangin. Preskong-presko ito at masarap sana sa pakiramdam ngunit sa mga oras na ito'y 'di ko iyon maramdaman. Nahihirapan akong magsalita, na tila ba may nakabara sa lalamunan ko.
Napayuko ako nang dumaan ang dalawang minuto. "P-Pasensiya na p-pero, kaibigan lang ang tingin ko sa iyo," ang sagot ko. Ayoko mang sabihin iyon ngunit ayoko rin itong umasa. Ayokong matulad siya sa akin na asadong-asado na. Kulang na lang ilagay ako sa steamer at ibenta na parang siopao na may asadong palaman.
"It's alright, Drei. Basta ba'y friends pa rin tayo," sabi nito.
Iniangat ko ang tingin at saka tumango. Lumapit ito sa akin at nagulat ako nang yakapin niya ako pabalik. Napatingin ako sa 'di kalayuan, nakita ko roon si Sir Henry na nakatayo't nakatingin sa amin ni Marlou.
Hindi ko maaninag ang expression nito pero kinabahan ako.
Mabilis itong tumalikod at umalis.
--
"Maswerte si Henry sa iyo," biglang sabi ni Marlou. Pabalik na kaming dalawa sa bahay.
"Sa papaanong paraan?" tanong ko't 'di ko alam bakit ko iyon naitanong.
"You love his son. You're kind, and funny. Kaya siguro nito minahal," aniya.
“Ang dami mong alam kahit wala ka naman alam sa nangyayari," sabi ko at saka siya tinapik sa balikat.
Tumawa siya ngunit bigla ring nagseryoso. "I know he loves you. Muntik pa nga ako nitong masuntok dahil akala niyaʼy naghahalikan tayo tapos tinanong din niya ako kung tinatago ba raw kita."
Hindi ko iyon inaasahan. Ako naman ngayon ang natigilan. True ba iyon? Hindi false? Si Sir Henry, kayang suntukin si Marlou?
"E-Ewan ko sa inyo!" sabi ko at mabilis na naglakad. Iniwan siyang napapailing.
--
Kaagad ding umuwi si Marlou at nakahinga ako nang maluwag. Aniya'y susunod na siya sa kaniyang mga magulang sa ibang bansa. Dumaan lang daw siya rito. Kita mo, iba talaga mamaalam ang mga mayayaman, dadayuhin ka pa talaga kahit sa ilalim ka pang dagat nakatira.
Hindi ko na siya pinigilan pa. Aba, matanda na ito't alam na nito ang gagawin sa buhay.
Ako nama'y nanatili sa aming palasyo. Hindi ko na nagawang bumalik pa sa shop dahil nawalan na ako ng gana. Nakahinga lang ako nang maluwag dahil wala na rito si Sir Henry. Nang matapos akong magluto ng pananghalian namin ay pumasok muna ako sa aking kuwarto ngunit laking pagtataka ko nang makita ko sa aking kama ang bag ni Sir Henry.
Lumabas ako ng bahay. Pinuntahan ko ang bingohan dito sa baranggay namin kung saan nakita ko si Mama. Tinapik ko 'to at tinawag.
"Bakit nandoon pa rin iyong bag ng lalaking iyon?" Nakapamewang ako.
"E walang hotel dito, 'nak. Sa atin muna siya tutuloy. Kasi sabi niya, may trabaho raw siya ritong gagawin."
Aba ang galing naman. Napakamot ako sa ulong bumalik sa bahay at pumasok sa kusina, kung saan naabutan ko sina Andrea at sir Henry na kinakain ang niluto kong pagkain.
"Hoy!" Tinuro ko si Sir Henry. Seryoso lang siyang tumingin sa akin. 'Wag ako, 'di ako madadala niyang kapogian mo. "E-Eat well po," pagpapatuloy ko sa sasabihin at saka lumabas ng bahay.
Nawala nga si Marlou, may dalawa namang natitira. Hayp na buhay ito! Pero okay nang ganito, kaysa maging kamukha pa ako ni Berting.
Kalma, Drei! Masusulusiyonan mo ito.
*****
5 Chapters left na po talaga, including the ending.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top