Chapter 46
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 46
A N D R E I
“Ano’ng ginagawa mo rito? In English, what is your doing here?!” taas-kilay kong tanong sa buwakanangshit na ‘to na kay aga-agang pumunta rito sa pamamahay namin.
Akala ko ba’y nasa impyerno na ito’t nagpapaalipin kay Satanas? ‘Di ko alam na masama pala siyang damo’t kay tagal mamatay. Napapa-english tuloy ako dahil sa kaniya. Baka gusto pa nitong mamura ng ‘damn’ ‘fck’ at ‘shit?’ o ‘di naman kaya’y ‘tangina’ na pinakamalutong sa lahat?
“Andre—“
“’Wag na ‘wag mo ‘kong matawag-tawag na Andrei!” inis kong sabi at saka isasara na sana ang pinto ng aming palasyo nang may isa na namang nakakarinding boses akong narinig.
“Bakla!” sigaw nito’t dali-dali lumapit sa harapan ng aming bahay, katabi nito ang hayop.
Tumaas ang kilay ko nang siya’y tumingin sa akin. Ngumiti siya at saka tinuro niya, gamit ang nangingitim na niyang nguso, ang katabi.
“Oh, ano ngayon?!” tanong ko.
‘Di ko na mapigilan ang inis ko. Pakiramdam ko’y may dalaw ako o ‘di kaya’y naglilihi. Ngunit sana’y ‘wag si Berting ang paglihian ko. Dahil kapag naging kamukha niya magiging anak ko, baka lunukin ko pabalik ang bata!
“Nagkita na pala kayong muli ni Max,” sabi ni bakla at saka ngumisi. “So, kumusta? Muling ibalik na ba ang tamis ng pag—“
Sinamaan ko siya ng tingin na nakapagpatigil sa kaniya sa dapat niyang sasabihin. O bakit ‘di niya ngayon matuloy? Natatakot ba siyang makipagpalit ng mukha sa tsinelas na hawak ko ngayon?
“Umuwi na kayong dalawa. Kay aga-aga, sinisira niyo ang araw ko.” Tumingin ako kay Max. “Lalo na kana. Baka hinahanap ka na ng Nanay mong mas mukha pang bakla sa akin,” sabi ko at tuluyang isinarado ang pinto ng aming bahay.
“BAKS! HOY! DIYAN AKO MAG-AALMUSAL!” sigaw ni Berting sa labas ng bahay. Wala talagang hiya kahit kailan.
“UWI!!” sigaw ko pabalik at saka bumalik na sa loob ng kusina.
Bumuntonghininga ako. Kinabahan ako ng very slight nang makita ko si Max, ang ex-boyfriend kong ‘di pa ako sigurado kung minahal ba niya ako o ginawa lang akong bank account. Hindi ko nga maintindihan ang sarili ko’t bakit mapagbigay ako? Kaunting kalabit lang nito sa akin, isang libo agad ang hinuhugot ko sa aking bulsa.
Kaya siguro ang daling masaktan ng mga bakla. Kapag nagmahal ay halos makalimutan na ang sarili, mapasaya lang ang lalaking mahal nila. Bumibigay agad sila. Marupok, kumbaga. ‘Eto namang mga lalaki’y tingin nila sa amin ay pera. Pati yata mga pangit, nakukuhang manghingi ng pera sa mga bakla. Excuse me lang, may taste po kaming mga bakla.
Guwapo si Max. ‘Di gaanong kahubog ang katawan nito noong maging kami. Pero ngayo’y muntik ko pang ‘di makilala dahil sa ganda ng katawan niya. Kung noon ay may kaunting pimples pa siya, ngayo’y ang kinis-kinis na niya. Ilang taon na ba? Limang taon? Hindi ko na matandaan. Ang alam ko lang, dati akong uto-uto at tanga.
Naghiwalay kaming dalawa dahil sa Ina niyang ‘di ko alam kung saan nagmula. Noon kasing ‘di na bumibenta ang mga paninda ko’t ‘di ko na nabibigyan ng pera si Max, doon naman nagpakita ang bruha’t sinabing hiwalayan ko ang anak niya kundi kakasuhan daw ako nito ng rape at child abuse.
Gago ba siya?! Dalawang taon ang tanda ni Max sa akin at kahit kailan, walang nangyari sa amin maliban sa halik. Kung alam ko lang na isa rin ito sa mga nakikinabang sa mga perang ibinibigay ko noon sa anak niya, baka nakalbo ko na ito.
Pero ika nga nila, moving on is the only way we can do. O, english na naman ‘yon. Seryoso, ‘yon lang ang tangi kong magagawa. Mag-move on ngunit ‘di ako makakalimot, ‘no.
Muli akong bumuntonghininga at saka sinimulan nang ihanda ang aming almusal. Tumatakbo ang oras. May trabaho pa akong dapat asikasuin.
--
Alas-otso nang umaga nang pumunta akong puwesto. ‘Di ko na hinintay si Berting dahil ano pa ba’ng aasahan ko sa baklang ‘yon kundi kamalasang dala? Pagkatapos kong tanggalin ang padlock at iniangat ko na ang pinto nito. Hindi ko alam kung ano’ng tawag sa ganitong pinto, basta ‘yong gawa sa yero. Sliding door? Ewan! Basta mabigat.
Ngunit nagulat ako nang may isang pares ng kamay ang humawak sa pinto’t tinulungan akong buksan ang pwesto ko. Mabilis akong humarap dito. Ngumiti siya pero ako’y sumimangot lang. Bakit ba na nandito na naman ‘to?
“Salamat. Makakaalis ka na. Wala akong ibabayad sa tulong mo.” Pumasok ako sa loob at sumunod naman ito.
“Hindi mo ‘ko kailangang bayaran. Gusto lang kitang makausap,” sabi niya.
Kinuha ko ang walis at saka ng dustpan. Humarap ako rito at gamit ang walis dinuro ko siya.
“Gusto mo nang kausap? Oh heto walis, kausapin mo!”
Hinawakan niya ang dulo ng walis at dahan-dahan itong ibinaba. Seryoso siyang nakatingin sa akin. Tumambol ang puso ko sa kaba.
“Nakikiusap ako, Drei. Kausapin mo naman ako. Kahit saglit lang,” mahina ngunit sapat lang para marinig kong sabi ni Max.
Humugot ako nang malalim na buntonghininga at saka ibinaba ang mga hawak ko.
“Ano’ng gusto mong pag-usapan?” pagsuko ko.
Siguro’y oras na rin para harapin ko ‘to. Wala namang masama. Mag-uusap lang naman kami at alam ko sa sarili kong hanggang doon na lang ‘yon. Hindi naman ako nito minahal, kaya wala akong aasahan pa. Baka nga manghihiram ito ng pera o ‘di kaya’y babayaran niya ako, much better nga kung magbabayad siya.
--
Nasa may park kaming dalawa, nakaupo ako sa swing habang siya’y sa isang bench na malapit sa ‘kin. Iilan pa lang ang nandito, mga street food vendors pa lang dahil maaga pa lang naman. Isinarado ko na muna ang shop ko dahil ‘di pa rin dumarating si Berting.
Limang minuto na kaming nandito ngunit ‘di pa rin nagsasalita si Max. Naiinip na ako. Kaya tumingin ako rito’t sakto namang nakatingin na rin siya sa akin. Tinaas ko ang isa kong kilay.
Napansin ko ang paghugot nito ng malalim na buntonghininga at saka nagsalita, “Mahal kita. Minahal kita. Noon at hanggang ngayon, Drei.”
Hindi ako nakasagot dahil sa gulat. Mahal? Isa ba ‘tong ilusyon? Isa ba ‘tong panaginip? Pakigising ako.
Umiwas ako ng tingin at ibinaling ‘yon sa mga street food vendors.
“Kalimutan mo na lang ‘yang nararamdaman mo,” sabi ko at saka tumayo.
Mabilis niyang nahawakan ang aking braso. Dahilan para mapatigil ako sa paglalakad. ‘Di ako tumingin sa kaniya.
Sandali nga, parang nakita ko na ‘to sa K-Drama na pinapanood ni Mirabel?
“Liligawan kita. Alam kong mahal mo pa rin ako, Drei. ‘Wag kang mag-aalala, ‘di na tayo mapipigilan ni Mama. Paralisado na siya,” aniya.
Deserve kung ganoon!
Binawi ko ang kamay ko’t saka tumingin sa kaniya. Ngumiti ako. Totoong ngiti. ‘Di naman kasi ako plastik.
“Hindi mo na kailangang gawin ‘yon dahil—“
“BAKLA!!!” Napapikit ako dahil sa inis. Shuta namang Berting ‘to! Sarap niyang itali sa swing at ipaduyan nang sobrang lakas.
Tumingin ako rito at patakbong lumalapit sa amin ang butanding. Habol-hininga ito nang makalapit sa amin. Ba’t ba kasi ito tumatakbo.
“Alam mo, panira ka ng mood!” inis kong sabi at akmang sasabunutan siya nang hawakan nito ang kamay ko.
“K-Kasi waaahh! K-Kasi, ‘teh! Yawa, feeling kong nilabasan na ako!” Tuluyan ko siyang sinabunutan dahil sa nakakainis niyang reaksiyon. “Araay! Bakit ka ba nananakit?”
“E, ako pa’ng tinatanong mo niyan?! Ano ba’ng problema mo’t bakit ka tumatakbo?!”
Bigla na lang siyang nagtatalon na parang bulateng binudburan ng asin, betsin, bawang, at sibuyas at saka ginawang adobo. Char!
“Iyon na nga, ‘teh! I was on my way there, to your ano-kuwan—“ Inambahan ko siya ng suntok. “Char! Ang ibig kong sabihin, papunta na sana ako sa shop tapos dumaan ako sa bahay ninyo. Tapos waaahh m-may poge kayong bisita. Oo, dzai! Ang guwapo! Daddy na daddy.” Tumingin siya kay Max. “Mas guwapo pa kay Max, ‘teh!”
Hindi na ako sumagot at dali-daling tumakbo. Mabilis akong nakahanap ng masasakyan at halos mapalo ko na ang driver para lang bilisan nito ang pagpapatakbo. Kinakabahan ako. Base sa description ng bading na ‘yon, kilala ko na kung sino’ng tinutukoy nito. Ngunit sana’y mali ako. Dahil malabong-malabo na pumunta iyon dito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top