Chapter 45

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 45

A N D R E I

"Mga Madame, bili na po kayo nito. Bagay na bagay po sa inyo 'tong damit na 'to, Madame! Titingkad lalo ang kulay niyo rito," pang-uuto ko sa isang medyo may katandaan ng babae nang dumaan ito sa aking shop.

Napangiti ako ng siya'y tumigil.

"Ano'ng brand niyan? Balenciaga ba 'yan?" tanong nito.

Agad ko namang kinuha ang damit at saka ipinakita sa kaniya ang brand name. "Hindi po, Balengaga lang po 'to," sabi ko sabay ngiti sa kaniya. "Ano po, bibilhin niyo po ba? One-fifty lang, Madame!"

Naghihintay ako ng sagot pero tiningnan lang niya ang damit at saka umalis ng walang sinasabi. Yawa! Kung puwede lang manabunot ng costumer, baka nakalbo ko na 'yong babaeng 'yon! Kaninang umaga pa ako rito, nakatayo at halos maubusan na ng boses kakatawag ng mga costumer pero ni isa'y wala mang lang bumili. Hindi ba nila alam na mga luxury brands ang binibenta ko? Mahal ito pero dahil mabait akong tao, mura na lang nilang makukuha ang mga damit na 'to.

Pero kailangan kong magtiis, dahil wala na akong aasahan maliban sa trabahong 'to.

Dalawang Linggo na rin pala ang nakalilipas nang makauwi ako rito sa amin. Dalawang araw na tumutunganga lang ako habang iniisip kung ano'ng nangyari't bakit ako natanggal sa trabaho. Ang buong akala nila Mama ay nagbabakasyon lang ako pero ang totoo niya'y wala na akong babalikan pa roon. Keribells lang! Nakapagsimula naman na ako nang panibagong buhay ko rito sa amin. At ito ngang maliit na store ng mga damit at siyang naipundar ko. Karamihan sa mga binibenta kong damit ay mga damit ko na binili ko pa sa Manila, na hindi ko naman nagamit. Oh, 'di ba, recycling ang tawag doon.

"BAKLLAAAAAA!"

Napapikit ako. Biglang sumakit ang ulo ko at nabingi ako nang sumigaw 'to. Para tuloy gusto kong manakit ng butanding sa mga oras na 'to.

Nagulat ako nang yakapin ako nito nang mahigpit ng makalapit siya sa akin. At, impyernes sa kaniya, hindi na siya amoy maasim pero bigla kong natakpan ang ilong ko nang binugahan ako nito ng hangin. Mabilis ko siyang naitulak.

"Ano ba, Berting! Ang baho ng bunganga mo a!" inis kong sabi sabay irap sa kaniya. "Puwede ba, umalis ka na muna sa store ko't nandidilim ang paningin ko sa 'yo!" Napansin ko ang pagkawala ng ngiti niya sa labi. Hindi niya bagay, sa totoo lang. Para siyang puwet na nalulungkot.

"Don't you miss me?" Ay shutacca! Nag-eenglish na si bakla!

"'Wag mo akong artehan, 'te. Baka nakakalimutan mo kung ano ang atraso mo sa akin!"

Dinuro ko siya habang pinagbabantaan. Ano'ng akala niya, makakalimutan ko ang atraso niya? Nang makarating ako, wala siya sa bahay. Sabi ng kapatid ko'y pumunta raw ito sa isang beach resort kasama ng mga ewan ko kung sinong mga kaibigan niyang lamang dagat din. At dalawang linggo raw silang mananatili roon. Siguro kung hindi pa ako umuwi, walang kasama sina Mama at Andrea.

"E, 'te, nagpaalam naman ako sa Mama mo," sagot niya.

"Wala akong pake! Kahit kay Satanas ka pa nagpaalam."

"S-Sorry na, Beh." Hindi ko siya pinansin at kinuha ang hanger sa may counter. Ibinalik ang damit sa may hanger at saka pumunta sa counter upang makaupo na muna.

Tiningnan ko si Berting na nanatili sa kaniyang puwesto habang malungkot na nakatingin sa akin. Bumuntonghininga ako at saka dumukot ng singkwenta sa bulsa ko't iniabot iyon sa kaniya.

"Bumili ka nga muna ng coke roon sa may bakeshop, pampalamig lang. Baka sumabog ako't puputukin ko iyang pimples mo!" Agad naman itong sumunod at dali-daling lumabas ng aking store.

Napahugot akong muli nang malalim na hininga. Tiningnan ko ang cell phone ko na nasa lamesa lang nakapatong. Hindi ko alam pero ba't ako umaasang makakatanggap ako ng text message? E wala namang sim 'yan kasi pinutol ko't hindi pa ako nakabibili ng bago. Kinuha ko ito't tiningnan ang mga pictures na nakuhanan ko 'to. Wala sa sariling napapangiti ako habang pinagmamasdan ang mga litrato, lalong-lalo na ang litrato naming tatlo nina Sir Henry at Senyorito nang mag-golf silang mag-ama. Nakangiti silang pareho habang buhat-buhat ni Sir Henry ang anak habang ako'y nakasimangot. Kasi naman, ako dapat iyong binubuhat!

"Bakla!" Muntik na akong mahulog sa kinauupuan ko nang magsalita si Berting. "Ayos ka lang? at saka, taray ng cell phone. Iphone 13!"

Nilagay nito ang coke sa mesa at saka ang disposable cups na hiningi niya. May extra ding upuan malapit sa kaniya at doon siya naupo. Ngumiti langg ako't inilagay sa bulsa ang cell phone ko. Mahirap na. Kahit kaibigan ko 'to, kailangan ko pa ring mag-ingat.

"Bakit ka nga pala umuwi? Sisante ka na ba?" tanong niya bigla habang umiinom ng coke.

"Hindi pa ba obvious? Kaya nga ako nagtayo ng business kasi wala na akong trabaho," sagot ko.

"E, bakit ka sinisente? Siguro, ginapang mo ang-" Mabilis ko siyang pinainom ng softdrinks na nasa bote para lang matigil siya. Napaubo ito nang maubos niya ang isang litro ng isang lagok lang. "Shutacca, 'te! Papatayin mo ba ako!"

Tumawa ako. "Dry lips ka kasi, 'te. Kaya pinainom kita kasi sabi nila, drink eight glass of coke a day." Sabay ngiti.

Tumayo ako nang may papalapit na costumer. Napawi naman ang inis ko nang bumili ito sa aking mga paninda. Pagkatapos nang mahabang araw ay sabay na kaming umuwi ni Berting. Kinuha ko na 'to bilang kasama sa store dahil wala akong choice. Dumaan na muna kami sa palengke upang makabili ng uulamin namin mamayang gabi.

KINABUKASAN ay maaga akong nagising. Nagluto ako ng agahan at saka pinagtimpla ko na rin ng kape si Mama nang may kumatok sa aming pinto. Baka si Berting pero hindi naman ito kumakatok ng ganito kaaga. Lumabas na lang ako ng kusina at saka ito pinagbuksan.

Pero sana'y hindi ko na lang 'yon ginawa nang tumambad sa akin ang hindi ko inaasahang shutangina tao ang bumungad. Hindi ko alam kung tao ba 'to o demonyo na bigla-bigla na lang nagpapakita. Akala ko pa naman, nagba-bonding na sila ni Satanas sa ilalim ng lupa pero buhay pa pala ito?

--

H E N R Y

"NO! I'M NOT HUNGRY! I'M NOT GOING TO THAT FOOD!" sigaw niya. Mabilis niyang itinulak ang platong naglalaman ng kaniyang pagkain dahilan para mahulog ito't mabasag. Nagkalat ito sa sahig.

"FINLEY!" I shouted as I glared at him. "I didn't teach you to waste the food!"

"Y-You didn't teach me anything k-kasi sarili mo lang ang iniisip mo!" he says and immediately went out of the kitchen. Napahilamos na lamang ako.

It had been two weeks. Bumalik sa dati nitong ugali si Finley at tila ba dumoble pa ito. Mas lalong tumigas ang kaniyang ulo dahilan para sumakit ang aking ulo. This isn't what I expected.

Hindi ko na rin tinapos pa ang breakfast nang mapatingin ako sa aking relo. I immediately stand and walk out of the kitchen. Tumingin ako sa taas kung saan umakyat ang anak ko at saka bumuntonghininga. Maybe, one of these days, he'll realize everything. That everything in this world isn't permanent. Umalis ako ng bahay at nagtungo sa aking opisina. Pagpasok ko pa lang sa loob ay tumambad na sa akin si Dad, kasama ang isang 'di ko kilalang babae.

Kumunot angnoo ko. "Dad..."

"Finally, you're here!" sabi nito at saka tumayo. Lumapit siya sa akin at umakbay, na para bang wala kaming bangayang dalawa. "I have something for you, son. It's a good news," dagdag pa niya habang inaakay ako papalapit sa babaeng nakaupo sa harapan ng aking office table.

I look at the woman, who is also looking at me, seductively. Hapit na hapit ang suot nitong damit. She's beautiful but I don't like the way she dressed.

"She's beautiful, right?" Napatingin ako kay Dad habang nakangiti.

"Hi, I'm Genevieve. Do you remember my name? We had sex last two weeks ago and you're so fcking good at bed," she said.

Wait what?! We had sex? I don't remember. Wala akong maalala na may nakatabi ako sa kama, and if I'm not mistaken, nasa bar ako noon at ang huli ko lang naalala'y umiinom akong mag-isa ng may lumapit sa aking babae. We had a conversation but I couldn't clearly remember what happens next. The next morning, nasa hotel ako't walang kasama.

Fck!

Mabilis kong kinuha ang cell phone ko't tiningnan ang recent calls. I received a call from Andrei last two weeks ago. May missed calls pero ang nakakagulat ay ang tawag nito na sinagot ko.

No! he's wrong. This is fcking wrong. I made a mistake.

Mabilis kong ibinulsa ang cell phone ko't saka sila tiningnan.

"I'm really sorry, but I have an important things to do," sabi ko at tumalikod na sa kanila ngunit tinawag ako ni Dad. "What? Are you going to set me up with this woman? I'm sorry, Dad, but I'm committed to someone I loved."

"Henry Finn Alcantara, come back here!" I didn't listen to him.

Agad akong lumabas ng kompanya at sinusubukang tawagan ang number ni Andrei ngunit cannot be reached na 'to. Fck! Ako ang mali. Dapat ay tinanong ko siya kung totoo bang naghahalikan sila ng lalaking 'yon, kahit alam ko namang hindi dahil pinanood ko ang CCTV camera noon. And they didn't kissed each other, instead parang may kinukuha si Marlou sa ilong ni Andrei.

This is all my fault. Nagpadala ako sa nararamdaman ko.

I have to fix this, but the problem is, where can I find him?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top