Chapter 44

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 44

A N D R E I

Nagising ako kinabukasan na maganda pa rin ako, walang pinagbago, iyong nararamdaman ko lang ang nagbago. Kahit mugto ang mga mata koʼt halos hindi ako makatulog, nakangiti akong pumasok sa kusina.

"Good mo–" Babatiin ko na sana sila nang magsalita si Mirabellat.

"Pinapatawag ka ni Sir, baks," aniya. Hindi man lang tumitingin sa akin. Ganoon din ang iba, parang wala silang pakialam na nandito ang isang dyosa sa kusina.

Umirap na lamang ako sa hangin at saka tinungo na ang opisina ni Sir Henry dito sa kaniyang bahay. Ano naman kaya ang sasabihin ng gungong na 'yon? Paaasahin na naman ba niya ako? Gagamitin na naman ba niya ang mga nakakakilig niyang mga linyahan tapos sa huli, charot lang pala?

Ayaw ko sanang kumatok sa pinto nito dahil masama pa rin ang loob ko. Simula pa kagabi. Simula pa nang marinig ko iyong ungol na 'yon. Kung sinoan iyon, gusto ko siyang sabunutan. Ang kapal nang pagmumukha nilang sagutin ang tawag ko tapos ipaparinig lang sa 'king sarap na sarap sila?

Kung gusto pala nila ng audience, nag-live sana sila sa social media!

Pero naalala kong kasamabahay lang pala ako rito, kailangan kong sumunod sa utos ng aking magaling at paasang amo.

Kakatok na sana ko nang kusang bumukas ang pinto at bumungad sa akin si Sir Henry. Seryoso itong nakatingin sa akin at ako nama'y mabilis na umiwas ng tingin.

"Come in," sabi nito at saka ako tinalikuran. Bumalik siya sa swivel chair niya. Sumunod naman ako at nanatiling nakatayo sa harapan ng kaniyang mesa.

"M-May iuutos po kayo?" tanong ko. Sinusuway ko lang ang sarili na umakto ng normal, magkunwaring walang narinig. Hindi ko pa rin magawang tumingin sa kaniya. Sa mesa ako nito tumitingin ngunit napapansin ko pa rin kung ano'ng ginagawa niya.

May kinuha itong sobre sa drawer ng kaniyang mesa at inilapag sa malinis na mesa.

"That would be your last salary and you can now go back to your family. May ticket na rin diyan. Puwede kang umuwi anytime today or tomorrow," sabi nito.

Mabilis pa sa alas-kuwatro akong tumingin sa kaniyang direksiyon. Wala akong maaninag nang pagbibiro sa mukha nito. Kung papaano ko unang nakita si Sir Henry ay ganoon na ganoon ito. Seryosong-seryoso at nakakatakot.

Pero ang tanong na tumatakbo ngayon sa isipan ko'y sinisisante na ba ako nito? Malamang, dzai! Huling sweldo na nga, e.

"M-May nagawa po ba akong mali?" iyon na lang ang nasabi ko, imbes na itanong kung pinapaalis na ba ako nito sa trabaho. Sa pagkakaalam ko'y ginagawa ko naman ang trabaho ko. Tiniis ko iyong hirap na naranasan ko nang unang mga buwan ko rito. Hindi ako nagreklamo dahil alam kong ginusto ko 'to.

Napansin ko ang pag-iwas nito ng tingin. Bigla siyang tumayo at inayos ang suot na necktie.

"Just leave my house, immediately. Hindi na kita kailangan dito," sabi nito at pakiramdam ko'y parang may nakabara sa lalamunan ko. Nakaramdam din ako ng kirot sa puso ko.

Ayokong umiyak. Ngumiti na lang ako't kinuha ang sobre sa mesa nito.

"S-Salamat po pala sa pagtanggap sa 'kin kahit-k-kahit lalaki ako," panimula ko. Nakuha ko naman ang atensiyon nito. "Malaki po ang naging tulong ng pagtatrabaho ko rito sa pamilya ko. Tatanawin ko po itong malaking utang na loob at hinding-hindi ko makakalimutan," sabi ko at tatalikod na sana ngunit tinawag nito ang pangalan ko.

Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. "T-Thanks," ngunit iyon lang ang lumabas sa kaniyang bibig.

Ngumiti ako't tumango. Tinalikuran siya't dali-daling lumabas ng kaniyang opisina. Nang maisara ko ang pinto'y unti-unting nagsibagsakan ang mga luha ko.

"Why are you crying? You look stupid." Mabilis akong napalingon dito, si Senyorito Finley na nakakunot ang noo suot na ang kaniyang uniporme.

Mas lalo akong naiyak at wala akong pakialam kung magalit ito, dahil dali-dali ko siyang nilapitan at niyakap. Hindi ako nanghihinayang na tanggal na ako sa trabaho. Nanghihinayang ako dahil napalapit na ang loob ko sa bata. Naaalala ko nga, masungit ito sa akin noon pero ngayon, masungit pa rin naman pero nabawasan na.


"M-Masaya lang ako na nakilala kita, Senyorito," sabi ko nang humiwalay ako sa pagkakayakap sa kaniya. Nakakunot lang ang kaniyang noo. "Kayo ng Daddy mo. Masayang-masaya ako. Magpakabait ka, okay?"

"What are you talking about?"

Ngumiti ako at pinunsan ang sipon ko gamit ang likod ng aking kamay. Tila ba nandiri ito't lumayo ng kaunti sa akin.

"U-Uuwi na ako sa amin, na-mi-miss na ako ni Mama at ng mga kapatid ko," sabi ko.

"W-Why so sudden?"

"Gano'n talaga, beh. 'Wag kang mag-aalala, magkikita pa rin naman tayo sa impyerno," sagot ko at sinubukang tumawa ngunit wala namang nakakatawa. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. "Oh siya, bumaba na tayo. Ma-la-late ka pa sa school."

Pero imbes na sumunod ito'y mabilis niyang binawi ang kamay at nilampasan ako. Sinundan ko 'to nang pumasok siya sa loob ng opisina ni Sir Henry.

"What did you do?!" tanong ni Senyorito, nakatingin siya sa ama. "Y-You can't just fired him from work, Dad! You told me you loved him."

"S-Sir, p-pasensiya na po," mabilis kong sabi at nilapitan si Senyorito. "Senyorito, t-tara na. Baka magalit pa si Daddy mo."

"No! He must say what's his reason for firing you! I-I don't want Ande to leave or else, I'll go with him." Para itong matanda kung magsalita sa Ama. Pero iyong kaninang mabigat na damdamin ko'y mas lalong bumigat.

Ayoko rin namang umalis, dahil ang laking tulong ng trabahong ito sa pamilya ko. Pero ang Amo ko na mismo ang nagpapaalis sa akin, may magagawa pa ba ako?

Napatingin ako kay Sir Henry. Walang nagbago sa ekspresiyon nito sa mukha. Seryoso pa rin.

"I told him already that I don't need him here."

"B-But, Dad. I need him. He's my friend and he even took care of me, he's like a mommy to me. Sabi mo, mahal mo siya, but what happened?"

"I realized that we are not meant for each other. We're both men. Besides, he don't loved me. He loved someone else."

Para akong tangang nagpalipat-lipat ng tingin sa kanilang dalawa. Hindi ko sila naiintindihan.

“No!” Nagulat ako nang sumigaw si Senyorito. Tumingin ito sa akin. "Tell him that you loved him! Para ʼdi ka na niya paalisin," sabi nito.

Kumabog nang malakas ang dibdib ko nang makita kong para na itong maiiyak. Pero hindi ko alam kung ano'ng isasagot ko. Ngumiti ako't hinaplos ang kaniyang buhok at saka tumingin kay Sir Henry.

"Hindi na rin naman mahalaga pa 'yon, Senyorito."  Bumuntonghininga ako. Ang hirap naman nito. Ang hirap magtago ng damdamin. "T-Totoo iyong sinabi ng Daddy mo, na hindi kami puwede dahil pareho kaming lalaki. At saka isa pa, n-nagpapanggap lang kaming dalawa para ʼdi ka kunin ng mga magulang ng mommy mo."

Iyon naman ang totoo, 'di ba? Pagpapanggap lang ang lahat. Isa lang akong kasambahay slash fake girlfriend ni Sir Henry.

Tumakbo palabas si Senyorito at mabilis naman akong sumunod dito. Pumasok ito sa kaniyang kuwarto at naabutan kong umiiyak. Muli na namang bumuhos ang mga luha ko. Ayoko siyang iwan sa ganitong sitwasyon dahil baka bumalik na naman ito sa dating ugali, pero may magagawa pa ba ako?

Naupo ako sa kaniyang kama at humugot nang malalim na hininga.


"B-Baki ka ba umiiyak? Ang pangit mo tuloy," pagbibiro ko pero para itong walang narinig. Ang bigat na ng damdamin ko. Ang bigat-bigat na parang pinipiga ang puso ko.

Ito iyon pinakaayaw ko sa lahat, ang magpaalam. Ang mahirap pa rito, magpapaalam ka kahit ayaw mo namang umalis.

"I-I hate him! I hate my dad. I wish I had never been born!"

Napatingin ako rito. "Huwag mong sabihin 'yan."

Hindi siya sumagot. Umiyak lang siya nang umiyak. Agad ko naman siyang niyakap at hindi ko na rin napigilan na bumuhos ang mga luha ko. Nagtagal kami sa ganoong posisyon na nakayakap lang ako rito hanggang sa makatulog ito. Pinunasan ko ang mga mata ko't inayos ang pagkakahiga nito. Hinayaan ko na muna at lumabas na ako ng kaniyang kuwarto.

"What did you say to my son?" Napatingin ako rito, si Sir Henry na nakasandal sa labas ng kuwarto ni Senyorito.

"W-Wala po," sabi ko at saka siya nilampasan ngunit mabilis nitong nahawakan ang braso ko. Lumingon ako rito.

"Were you truly in love with me?"

Binawi ko nang dahan-dahan ang braso ko mula sa pagkakahawak nito at saka siya tiningnan sa mga mata.

"T-Totoo man o hindi, hindi na 'yon mahalaga," sagot ko. Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at mabilis ko na siyang iniwan doon.

Kung sasabihib ko bang nahulog ako rito, mababago ko ba ang desisyon niya? Malamang hindi, baka nga pandirihan pa ako nito at pagtawanan. Kasi nahulog ako sa patibong niya. Isa siyang malaking joke na nabubuhay rito sa mundo. Iba siya magbiro, nakakasakit ng damdamin.


——


"Talaga bang aalis ka na?" tanong ni Mirabellat, na kunwari ay nalulungkot.

Nakapag-impake na ako ng gamit at aalis na ako, ano ba sa tingin niya? Inirapan ko ito at tinuro ang isang maleta at isang malaking bag na dala ko.

"Hindi, beh! Magbabakasyon lang," sabi ko rito. "Tss! Siyempre, aalis na. Tanggal na sa trabaho. Ano ba pa?" inis ko pang sabi.

"Eh ba't ka ba galit?"

"Nagagalit ba ako? Nagpapaliwanag lang sa ga-munggo mong uta–" Nagulat ako nang mabilis ako nitong niyakap, naamoy ko tuloy ang maasim niyang pabango.

"M-Mamimiss kita, Drei. Kahit na nag-aaway tayo minsan, masaya pa rin ako na dumating ka rito kasi nagbigay ka ng kulay sa bahay na 'to. Palagi mong tatandaan ito, na kahit saan ka magpunta, napakapangit mo pa rin."

Tinulak ko siya. Tumawa lang ito pero may mga luha sa kaniyang mga mata. Umirap na naman ako, pero ang totoo niya'y naiiyak na rin ako.

"N-Napaka-drama ninyo, magkikita pa naman tayo sa impyerno, 'no!" sabi ko at pinunasan ang mga luha ko.

"Nandiyan na iyong taxi," sabi naman ni Auntie Dolly na nagtawag ng taxi kanina.

Tumayo na ako't kinuha na ang aking mga gamit. Uuwi na ako. Uuwi na ako habang tulog pa si Senyorito dahil baka mahirapan na naman akong makaalis 'pag nagpaalam pa ako rito.

"Salamat sa inyo, naging mabuti kayo sa 'kin kahit minsan ninanakawan niyo ako ng kojic na sabon," sabi ko sa kanila nang nasa labas na kami ng bahay. Nandito lahat ng kasambahay. Niyakap nila ako nang mahigpit.

Sumakay na ako sa taxi at saka umalis. Pinunasan ko ang mga luha ko't saka tumingin sa labas ng bintana. Napakaganda ng langit, taliwas sa bigat ng nararamdaman ko.

Bakit ba kasi may salitang 'paalam'? Sino ba nag-imbento niyan at makurot ko sa bumbunan!

Ngumiti ako.

"Paalam," bulong ko sa hangin.

*****

Hindi ganitong scene ang naiisip ko no'ng una kong draft pero wala, ganoon talaga ang mangyayari! Last chapter na ba? Happy ending or not?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top