Chapter 43
THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 43
A N D R E I
Ito iyong mahirap kapag nai-inlove, hindi mo alam kung ano'ng gagawin mo. May bahid ng takot sa mga posibleng mangyari, na alam kong posible talagang mangyari dahil na rin sa sitwasyong pinasok ko. Ngayon nagdadalawang isip na ako sa mga bagay-bagay. Nagiging komplikado na ang buhay ko. Gusto ko na lang talagang maging tamod ulit at mag-swim-swim sa tiles ng CR o kung saan man ako iputok ng poge.
Pero wala, kahit ano'ng hilingin ko sa bathala ng mga baklang mukhang pa-chill-chill lang sa rainbow, hindi pa rin ako makakatakas. What should I-ayan, napapa-english na naman ako. Tuluyan ko na bang na-a-adopt ang buhay mayaman?
"Mukhang malalim ang iniisip mo." Muntik na akong mapatalon sa gulat nang may magsalita sa aking likuran. Mabilis ko 'tong nilingon pero sana pala'y hindi ko na lang ginawa nang tumambad sa akin ang pashneang si Marlou.
"Ano na namang ginagawa mo rito?" taas-kilay kong tanong, imbes na sagutin ang sinabi nito. Umirap ako para ipakita sa kaniyang ayaw ko siyang makita pero sadya ngang pinakanganak itong buwesit nang tawanan lang niya ako.
"Akala ko pa naman, gustong-gusto mong nandito ako," aniya habang may nakakainis na ngisi sa kaniyang labi.
Mas lalong tumaas ang kilay ko roon. Ano raw sabi niya? Na gustong-gusto ko raw siyang palaging nandito. Excuse me with British accent. Sabihin na nating gusto ko ngang nandito 'to dahil madaldal siya at para hindi ako ma-bored. Pero ang tanong, gusto ba ni Sir Henry na tumatapak 'tong lalaking ito sa bahay niya?
"Alam mo..." Tumingin ako sa kaniya sabay turo sa kaniyang likuran. "Umuwi ka na lang, baka ako mandilim ang paningin e maaga kang makikipag eye ball kay kamatayan," sabi ko.
Tumawa na naman siya. Gusto yata nito ng sample, e. Hinayaan ko siyang tumawa nang tumawa at aalis na lang sana sa sala dahil nagugutom ako nang hawakan nito ang braso ko.
"Wait. I'm just kidding," aniya. Mabilis kong binawi ang aking braso. "Gusto lang kitang imbitahan," dagdag pa nito.
"Ano'ng mayroon? 'Wag mong sabihing birthday mo ngayon?"
"Yes," sagot nito at tumango-tango. Nakadikit na sa kaniyang labi ang ngiti, kaya hindi na ito nawala pa simula kanina. What if i-upper cut ko siya tulad ng ginagawa ni Manny? "I have no one here. Dad and Mom are in abroad. Wala rin akong gaanong kakilala dahil lumaki ako sa ibang bansa. So, you're the only one I thought could be my guest."
Tiningnan ko ang wrist ko na walang watch bago ako sumagot dito. "Sige," mabilis kong sagot. Minsan lang ako makapunta sa birthday ng mga mayayaman kaya 'wag nang magdalawang isip pa. May lumpia kaya siyang handa? Nakaka-miss kasi talaga ang lumpia lalo na kapag sobrang laki nito.
Sinabi ko ritong maliligo lang ako't magpapalit kaya hintayin na lang niya ako rito. Mabilis naman akong bumalik sa aking kuwarto at kinuha ang aking tuwalya. Paglabas ko'y bumungad sa akin si Auntie Dolly na nakakunot ang noo.
"Hoy, baks! Ano ba'ng pinapakain mo kina Sir Henry at kay Sir Marlou?" mapanuya niyang tanong habang magkasalubong na ang kaniyang kilay.
"Bakit po?"
"Gusto ko lang malaman, pakakainin ko rin kasi 'yong asawa ko para mas ma-inlove siya sa akin lalo."
Tumaas ang gilid ng labi ko dahil sa pandidiri sa babaeng 'to. "Naku, 'te. Try mong pakainin ng tite 'yang asawa mo, baka gumana. At saka for your information po, wala pong recipe sa pagiging maganda!" sabi ko rito at saka siya nilampasan.
--
THIRD-PERSON'S POV
"Dad, what are you doing here?" tanong niya nang makabalik siya sa opisina niya. Kagagaling lang niya sa isang business meeting.
Tumayo ang matanda at nilapitan si Henry. "Palayasin mo ang baklang 'yon sa pamamahay mo o aalisin kita sa posisyon mo ngayon." He was looking at him straight to his eyes. Walang bahid nang pagbibiro kun 'di pagbabanta na posible nga nitong gawin ang binabalak.
His Dad was ruthless just like him. But that was before he met Andrei, who changed his life. And he promised Andrei that he won't let anyone, even his family, stop them from doing what makes them happy.
Nilampasan niya ang Ama at tinungo ang kaniyang swivel chair. "You can't do that," sabi niya nang hindi tumitingin dito. Sigurado siya sa sagot niya rito. "You know that family's golden rule that you're the one who told us, na huwag na huwag makialam sa buhay ng bawat isa."
Masamang tumingin dito si Mr. Alcantara dahil sa hindi nito nagustuhan ang sinagot niya. But he look at his Dad, fearlessly. Walang bahid ng takot. Hindi na siya 'yong binatang Henry noon na sumusunod sa bawat utos nito.
"Definitely I was the one who told everyone not to interfere with each other's lives. But not this time, Henry! Sisirain mo ang pangalang iniingat-ingatan ng pamilyang 'to. Have you thought about that!"
He tried to calm himself by taking a deep breath. "I'm not ruining the family's name, Dad."
"Then stop this nonsense relationship with that gay! If people will find out, ano sa tingin mo ang magiging reaksiyon nila?"
Seryoso siyang tumingin dito. "Their opinions and reaction don't matter. Now, will you please leave me alone?"
Buo na ang kaniyang desisyon, he will choose Andrei over anything in this life. At walang kung sino man ang makakapigil sa kaniya roon. Kung mandidiri ang iba dahil nagkagusto siya sa kapwa niya? It's not his problem anymore. Sadyang sarado lang ang isipan ng iba para sa mga katulad ni Andrei.
Tao rin naman kasi sila, may karapatang magmahal at mahalin. They deserve what straight people deserve.
"This is my last warning, Henry. You'll never like it when I'm mad," ani ng kaniyang Ama bago ito lumabas sa kaniyang opisina.
Napabuntonghininga siya.
He knows his father. How ruthless he can be. Naranasan niya 'yon noong mga binata pa lang silang magkakapatid. Naranasan niyang mapalayas dahil isang beses lang siyang hindi sumunod sa gusto nito. Namuhay siyang mag-isa hanggang sa ang kanilang Ina lang ang nakagawa nang paraan para makabalik siya sa mansion.
But still, no matter how ruthless his father is, he won't let him hurt his Andrei.
AFTER a long and tiring work, kasama na rin sa pag-iisip kung ano'ng gagawin ng kaniyang ama kay Andrei, lumabas siya ng opisina at umuwi. He couldn't wait to see him. Pinaharurot niya ang kotse. Malayo pa lang siya sa harapan ng kanilang gate ay kitang-kita niya kung ano'ng nangyayari sa labas.
Madilim na pero sa tulong ng street lights at bilog na buwan, kitang-kita niya kung gaano kalapit ang mukha ng mga ito sa isa't isa. At hindi siya puwedeng magkamali, kahit nakatalikod ito'y kilalang-kilala na siya si Andrei. Instead of stopping his car, he drove faster. Nilampasan niya ito't tinguno ang rota ng exit dito sa kanilang village.
Mahigpit ang hawak niya sa manibela habang mabilis na nagmamaneho. Fck! He suddenly felt a thousand of thorns in his heart. Masikip din ang kaniyang dibdib na para bang pinipiga sa sobrang higpit. Inapakan niya ang break ng kotse nang makarating siya sa parking lot ng isang bar. Lumabas siya't agad-agad na pinapasok nang ipakita sa entrance ang kaniyang VIP card.
--
A N D R E I
Kanina pa kami tapos kumain, tulog na rin ang mga kasambahay maging si Senyorito Finley pero ako'y narito pa rin sa sala't naghihintay. Hanggang ngayon kasi'y hindi pa rin dumarating si Sir Henry. Sinusubukan ko naman siyang tawagan pero cannot be reach daw sabi ng buwakanang kung sino mang babae ang nagsasalita sa cell phone.
Pero maiba tayo, ano? Did you know that, nag-enjoy ako kasama si Marlou? Oo, dzai! Hindi mo alam 'yon kasi hindi ka nakasama.
'Yon na nga, pumunta kami sa iba't ibang kainan. Kasi nagutom ako. Ikaw ba naman puro tawa habang kasama 'yong lalaking 'yon? Nagpunta rin kami sa isang museum at nalaman kong GomBurZa pala iyong tatlong haring martyr hindi pala MaJoHa.
"Gabi na, bakit hindi ka pa natutulog." Napahawak ako sa dibdib dahil sa gulat nang makita ko si Auntie Dolly na lumabas galing kusina. Shuta, bebs!
"Te, papatayin mo ba ako sa takot? Shuta ka!" singhal ko rito, malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko.
"Tse! Ano tingin mo sa mukha ko, nakakatakot?"
"Wow, a. Ako pa talaga tinatanong mo niyan? Tanungin mo kaya 'yong pamankin mong si Berting nasa probinsiya!" sabi ko at tumayo na nang makaramdam na rin ako ng antok. Bahala na, si Sir Henry na lang magsasara ng pinto 'pag nakarating siya.
Pagkatapos kong maglinis ay bumalik na rin ako sa aking kuwarto. Naupo ako sa aking kama at kinuha ang aking cell phone. Sinubukan ko ulit na tawagan ang number ni Sir Henry at natuwa ako nang mag-ring iyon at ilang sandali lang ay may sumagot din.
"Si-" Natigilan ako nang may marinig ako sa kabilang linya.
[Yes, babe! Fck me harder!]
[Ganiyan nga! Shit! You're so fcking big!!]
[fck, Henry!]
Mabilis kong pinatay ang tawag at 'di ko alam pero biglang uminit ang magkabila kong mga mata. Nakatingin ako sa kawalan habang iniisip kung ano ba 'yong narinig ko. Sinubukan kong kumbinsihin ang sarili na baka nanonood lang siya ng bold pero nang marinig ko 'yong pangalan niya, parang tanga! Bakit ako umiiyak? Bakit ang sikip-sikip ng dibdib ko?
Ang unfair! Umasa pa naman akong totoo 'yong nararamdaman niya. Paniwalang-paniwala ako. Na akala ko, sa wakas, kahit ganito ako'y may magmamahal din sa akin. Na deserve ko 'to dahil tao rin naman ako.
Pero ano 'yong narinig ko? Tama ba talaga ang desisyon kong manatili at kumapit sa binitiwan niyang salita kahapon?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top