Chapter 41

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 41

A N D R E I

Ano ba ʼtong behaviorabilitism na pinapakita nitong si Sir Henry at bigla-bigla na akong niyayaya kung saan? ʼDi ko talaga siya naiintindihan at lalong-lalo na iyong nararamdaman ko.

Gusto kong magwala, bebs! Gusto kong mag-rally sa harap ng Malacañang at isigaw na ibaba ang presyo ng chu—charot.

"Saan po tayo pupunta?" tanong ko habang nasa loob kami ng sasakyan. Bahagyang tumigil ang kotse dahil pula ang traffic lights. Nakakakaba nga dahil baka mamaya hawakan ako nito sa batok at ingudngud sa gitna ng mga hita niya. 'Di pa ako handa sa car fun!

Chariz! I was born ready, born to be wild rawr!

"Where do you want to go?" Nanlaki ang mga mata kong tumingin dito.

Ako ang niyaya nitong lumabas at tatanungin ako kung saan ko gustong pumunta? Paano kung sabihin ko sa kaniyang gusto kong pumuntang langit? Nasa tapat pa naman namin iyong SOGO. Ano? Ikasa ko na?

Pero siyempre, 'di tayo papahalatang kinikilig sa mga titig niyang kakaiba. Inayos ko ang buhok kahit na hindi naman magulo at kunwari'y may mahabang buhok na inipit sa likod ng aking tainga.

"H-Hindi ko po alam," honest kong sagot. Wala akong maisip na puwede naming puntahan ngayon.

Hello! For his information mga accla, bago lang tayong napadpad dito sa Manila. Baka mamaya 'pag sinagot ko siya na gusto kong pumuntang langit, ʼdi naman niya iyon alam kung saan.

"Gusto mo bang manood tayo ng sine?" tanong nito.

Napaisip naman ako kung gusto ko ba pero hindi, e. Iba ang gusto kong gawin ngayon. Ang matulog. Charot!

"K-Kung saan na lang po kayo masaya," sabi ko na lang sa kaniya kasi sa totoo lang, wala akong maisip na puwede naming puntahan.

"I'm happy to be with you, Andrei," aniya na ikinagulat ng pekpek kong bagong shave.

Hindi ako kinikilig! Promise. Ba't naman ako kikiligin? Sinabihan na ako ng ganiyan ng ex boyfriend kong sumama sa may malaking cocomelon e mas magaling pa akong sumubo roon.

"I could see you smiling," sabi pa nito.

Umirap ako at saka tumingin sa labas. "M-Manood na lang po tayo ng sine, kung ano-ano pong sinasabi niyo riyan," sabi ko at sakto namang green na ang traffic lights kaya agad itong nagmaneho.

--

Nasa loob na kami ng sinehan. Sa may likod kami naupo kung saan kakaunti lang din ang mga nakapuwesto rito. Hindi pa nagsisimula ang palabas at ang napili naming panoorin ay iyong sikat na sikat ngayon movie na Doctor Strange.

"Alam niyo po ba," bigla kong sabi at tumingin kay Sir. Tumaas ang kaniyang kilay. Kumain na muna ako ng popcorn na binili ko bago nagpatuloy, "May nabasa akong confession sa Facebook na nagchupa–"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng namatay ang ilaw.

"What did you say?" narinig kong tanong ni Sir.

"Ah wala po. Mukhang magsisimula na po yata iyong palabas," sabi ko at itinutok na ang paningin sa harapan.

Hindi naman ako mahilig sa mga ganitong magic-magic na palabas. Pero nang tingnan ko si Sir Henry ay nakatutok lang ang mga mata nito harapan.

Ang guwapo niya, 'teh. Ang haba ng ilong, pilik mata, at iyong papatubo na niyang balbas ay bagay na bagay sa kaniya. Masuwerte ang magiging asawa nito, bukod kasi sa pinagpala siya ng hinaharap, pinagpala rin ang bulsa niya.

Siya iyong tall, daks, handsome, and mayaman.

Nanlaki ang mga mata ko nang tumingin siya sa akin. Iiwas na sana ako ng tingin nang mabilis nitong nahawakan ang kamay ko. Nanginig ako dahil sa kaba nang makaramdam ako ng kakaibang kuryenteng dumaloy sa kamay ko. Napalunok ako.

Noong nagkaroon ako ng jowa, wala akong naramdamang ganito. Puro sama lang ng loob iyong naramdaman ko.

"Dapat pala ang sinabi mo'y mas gusto mo akong pagmasdan para hindi na tayo nagpunta pa rito."

Ibinaling ko nang mabilis ang tingin sa pinapanood namin. Ang bilis ng tibok ng buwakanang puso ko. Kinakabahan ba ako o sadyang nababaliw lang 'to?

"M-Manood na po tayo," sabi ko. Narinig kong tumawa siya nang mahina.

"I'm just kidding, Andrei. You can stare at me for as long as you want," sabi nito pero hindi ko na lang pinakinggan. Napasinghap ako nang pinag-intertwined niya ang mga kamay naming dalawa. Hindi tuloy ako makakain ng popcorn.

--

"The movie was great. I could watch it again and again," ani sir Henry nang makalabas na kaming dalawa.

Ngumiti lang ako at tumango. Wala akong masabi. Wala naman kasi akong naintindihan sa pinanood namin dahil ang buong atensiyon ko'y sa aking puso ko na hindi na natigil sa kakatibok ng mabilis. Isa pang nakakakaba ay ang kasalukuyan pa rin naming mga kamay na magkahawa. Hindi na niya ito binitiwan pa simula pa kanina.

Nang mapansin kong pinagtitingnan na kami ng mga tao'y dahan-dahan kong hinila ang kamay ko. Tila ba napansin niya iyon kaya mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakahawak dito.

"Don't mind them. Their opinions aren't counted. Tara na, nagugutom na ako," seryoso niyang sabi at hinila na ako sa isang Pizza house.

--

Hanggang ngayo'y naguguluhan pa rin ako sa mga kinikilos ni Sir Henry. May parte sa puso ko naman na masaya dahil kahit papaanoʼy nakita ko ang iba pang karakter ni Sir Henry. Iyong madaldal, hindi iyong palaging nakakunot ang noo at ʼdi man lang marunong maka-appreciate ng bagay.

Nakilala ko pa siya ng lubos dahil sa 'date' kuno naming dalawa.

Pag-uwi namin sa bahay at agad itong dumiretso sa itaas. Ako nama'y tinungo ang kusina upang tumulong sana sa paghahanda ng hapunan pero ang naabutan koʼy mga masasamang tingin ng mga kasama ko.

"B-Bakit?" tanong ko, isa-isa ko silang tiningnan. Ganito pala tumingin nang masama ang mga pangit?

"Hoy, baks! Ano'ng pinakain mo kay Sir at parang may kakaiba sa inyong dalawa?" Tinignan ko si Ante Dolly. Tinuro ko ang sarili ko.

"Te, ako po ba ang cook dito?" balik tanong ko.

"Oo nga, 'no? Ah, basta--"

"Para sabihin ko sa inyo, wala po akong ginawa o ginagawang masama. Kung ano man 'yang iniisip niyo, hindi iyan totoo. Maganda lang talaga ako," sabi ko sabay ngisi at flip ng imaginary hair. Hindi ko na sila hinintay pang makapagsalita dahil mabilis akong lumabas ng kusina at tinungo ang aking kuwarto.

--

Pagkatapos kong maligo at makapagpalit ng damit, bumalik ako kaagad sa loob ng bahay. Saktong pagpasok ko'y siyang pagbaba ng pinakaayaw kong makasalubong kahit saan mang sulok ng mundo.

Napatingin ito sa akin. Umayos ako ng tayo. Dumoble ang kaba ko. Pakiramdam ko kasi nasa isa akong fraternity at sa mga tingin pa lang nitoʼy para na akong pinapalo ng dos por dos. Ba't ba kasi ganito ito kung makatingin?

"How much do you need to stay away from my son?" biglang nitong question and answer portion. 'Di ko tuloy alam kung ano'ng isasagot ko.

One million kaya? Pero ang konte naman yata nun. Dalawa? Tatlo? O sampo?

"A-Ano po'ng ibig niyong sabihin?" tanong ko.

"Do you think, I would never know that you and that woman Andrea he introduced were the same. Stay away from my son. I cannot accept someone like you in this house."

Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya't nagising sa kahibangan. Hindi ako makasagot dahil tama siya, ako at si Andrea ay iisa, parehong maganda. Kumirot ang dibdib ko. Sasagot pa sana ako ngunit muli na naman itong nagsalita.

"Bukas na bukas ay gusto kong wala ka na rito sa pamamahay ng anak ko o kung hindi, ipapakaladkad kita. Don't worry, I'll pay you. Alam kong pera lang naman talaga ang habol mo." At saka ako nito nilampasan. Nawala siya sa paningin ko.

Naestatwa ako sa kinatatayuan ko't 'di alam ang gagawin. Pera? Sa tingin ba niya pera lang ang habol ko? Nag-iisip ba ang demonyong iyon? Itong baklang ito, pera lang ang habol kay Sir Henry? Hindi ba puwedeng tit–

"What did Dad tell you? Did he tell you to stay away from me?" si Sir Henry naman ngayon ang biglang dumating na ʼdi ko napansing nandito na pala sa tabi ko.

Umiwas ako ng tingin.

Umiling ako't ngumiti. "W-Wala po. S-Sabi niya, pagbubutihan ko raw po sa trabaho kasi may bonus daw po siyang ibibigay," sagot ko at parang may nakabara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. "Sige po. Babalik na muna ako sa kuwarto ko."

Hindi ko na ito hinintay pang makasagot at mabilis siyang tinalikuran.

*****

Ayan na-update na po ako. Gusto ko lang kasing magparamdam HAHAHAHAH! Anyways, maraming-maraming salamat sa mga nagbabasa nitong walang kakuwenta-kwentang story. Ewan ko ba! Byee! Ingat palagi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top