Chapter 40

THE RUTHLESS DADDY
CHAPTER 40

A N D R E I

“WAAAAAHHH!!"hysterical kong sigaw nang makita ang repleksiyon ko sa salamin. “Hindi 'to maaari! Salamin-salamin, sabihin sa 'king ako pa rin ang maganda!"

Pero ang gagang salamin, hindi man lang ako sinagot. Mas lalo nitong pinagduldulan sa mukha ko ang itsura ko. Kitang-kita ang eyebags ko sa mga mata. Tapos tinubuan pa ako ng pimples sa may tuktok ng ilong ko. Hindi talaga ʼto maaari!

Kasalanan 'to ni Sir Henry e. Kung bakit naman kasi niya ako hinalikan? Ayan tuloy, hindi ko maipikit ang mga mata ko dahil ang imahe ng mukha nito ang nakikita ko. Magdamag akong nakadilat. Magdamag!

Hindi rin ako nakakain kagabi dahil kasi... Baka mabura iyong lasa ng labi niyang manamis-namis sa aking labi. Charut! Pero true iyon.

Isang malakas kalabog ang nagpagulat sa akin. Mabilis akong tumingin sa aking pinto–na ngayoʼy nakabukas naʼt naroroon si Mirabellat na tila ba gulat na gulat.

"Ano'ng nangyayari?!" tanong nito, habol-habol ang hiningang nakatingin sa akin.

Tinuro ko ang sarili ko. "A-Ang pangit-pangit ko na, beh!" sabi ko, nangingilid na rin ang mga luha sa aking mga mata.

Bigla itong namewang. "Tangnamokanghayopka!"

"Abaʼy–"

Tinalikuran niya ako. "Matagal ka ng pangit, baks! At saka maligo ka na nga roon. Kahapon mo pa suot iyang swimsuit mo, e," sabi niya sabay labas ng aking kuwarto.

Muli akong tumingin sa human size mirror na kinuha ko lang sa kuwarto ni Senyorito dahil pakiramdam ko, magagamit ko 'to ngayon. Sinipat ko ang sarili at tama nga ang babaeng iyon. Suot ko pa rin iyong swimsuit ko kahapon na ngayo'y natuyo na.

Ano ba'ng nangyari kahapon? Nawala ba ako sa katinuan at hindi ko man lang nagawang magpalit ng damit?

Shuta!

Kasalanan talaga ito ng masarap na labi ni Sir Henry! Hindi puwedeng hindi ako makaganti. Abaʼy ano nga ba iyong kasabihan sa mga taong balak gumanti? Ah basta! Gagantihan ko siya.

Mabilis kong dinampot ang tuwalyang kahapon pa nasa aking kama. Lumabas ako ng kuwarto at tinungo ang banyo rito sa labas. Mabilis lang akong nakatapos maligo at saka nagpalit nang maayos na damit. Isang malaking T-shirt na cute na print sa gitna at maikling short. Para tuloy akong walang suot na pang-ibaba dahil malaki ang suot kong T-shirt.

Inayos ko na muna ang marumi kong kuwarto at saka ako lumabas.

Naabutan ko sa kusina ang mga katulong na kumakain na. Pansin ko lang, ako lang ang hindi nakasuot ng uniform sa kanila. E walang may pake, wala rin naman silang ibinigay na uniform sa akin 'tulad ng mga kasama. Hindi ko na iyon pinagtuunan ng pansin at naupo na sa tabi ni Mirabellat.

"Walang pasok si Senyorito ngayon?" tanong ko, tumingin naman siya sa akin at umiling. Tumango lang ako't nagsimulang kumain.

––

Habang binabantayan ko si Senyorito na walang may pake sa 'kin dahil abala ito kakanood ng hentai. Naging abala ako sa pag-iisip kung papaano ko magagantihan si Sir Henry.

Papaano kong i-prank ko siyang nalulunok ako sa tabo, tapos kailangan ko ng CPR? 'Di ba? Ganoon ang ginagawa kapag nalulunod?

O hindi naman kayaʼy nilalagnat akoʼt kailangan ko ng kissperin at yakapsul niya? Yieeh!

Naramdaman ko ang biglang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. Iniisip ko pa lang, namumula na agad ang mukha ko.

"Bakla talaga," sabi ng kung sino. Kaya't nilingon ko ito. Si Senyorito na seryoso lang na nakatingin sa malaking TV screen.

"Tse! ʼPag ikaw naging bakla, tatawanan kita," sabi ko naman at saka siya inirapan.

Hindi na niya ako sinagot at itinuon na lang ang buong pansin sa pinapanood.

-

Lumipas ang mga oras at hapon na nang maisipan kong lumabas sa kuwarto ni Senyorito. Nakatulog nga ako kakabantay sa batang iyon. Dumiretso ako sa baba at hindi pa man ako nakakarating sa ibabaʼy saktong bumukas ang pinto ng bahay.

Napatingin ako roon, kung saan pumasok si Sir Henry. Nagtama ang mga mata naming dalawa at tila ba may kung anong kumislot sa puso ko na ʼdi ko mawari. Nakaramdam ako ng kiliti at kasabay nito ang biglang pag-iinit na naman ng magkabila kong pisngi.

Umiwas ako ng tingin. Nagkunwaring hindi ko siya nakita at dali-daling naglakad patungo sana sa kusina ngunit natigilan ako ng may humawak sa aking leeg at akoʼy sinakal hanggang sa mawalan ako ng hini–charut. Nilingon ko ang kung sinong humawak sa braso ko.

Si Sir Henry.

“M-Ma-May kailangan po kayo?" nauutal kong tanong sabay iwas sa kaniya ng tingin.

"Are you mad at me?" Kumunot ang noo ko sa kaniyang tanong. Kaya muli ko siyang tiningala. Nagulat ako dahil para bang nag-aalala ang kaniyang itsura.

Binawi ko ang braso ko at saka tuluyan siyang hinarap.

"Bakit naman po ako magagalit sa ʼyo? M-May nagawa po ba kayong mali?" tanong ko pabalik.

Ang totoo niyaʼy naiinis ako rito ngunit alam ko sa sarili kong wala akong karapatan para maramdaman iyon. Sino ba ako sa buhay niya? Isa lang akong katulong. Utusan. Binabayaran para sumunod. Tagabantay lang ng kaniyang anak. Iyon lang. Naiinis man ako pero sasarilinin ko na lang ito.

"I-I don't know. Maybe because I suddenly kiss you?"

Napapikit ako. Napahilot din sa aking sintido. Bigla kasi akong nahilo sa ginagawa nitong ekspresiyon.

Ano ba, Sir! Bakit mo ba ako inaakit?!

Bumuntonghininga ako at saka siya tiningnan. "K-Kalimutan na lang po natin iyong nangyari. Isipin na lang natin na panaginip lang iyon," sabi ko at tatalikod na sana ngunit bigla na naman ako nitong hinawakan.

Lumingon ako rito.

"You know I can't do that," sabi niya. Mas lalong kumunot ang noo ko. "I meant to kiss you. At hindi ko magagawang kalimutan iyon."

Muli akong humugot ng hininga at saka tinanggal ang kamay nito sa braso ko.

Nasaan ba kasi ang mga katulong dito?! Bakit hindi man lang nila magawang magpakita sa tuwing may ganitong eksena para naman matapos na ito kaagad?!

Ngumiti ako–na puno ng kaplastikan.

"K-Kung iyan po ang nais ninyo. Kayo po'ng bahala," sabi ko at saka siya tinalikuran na. Mabilis akong kumilos ngunit narinig ko pang magsalita ito na nagpabilis lalo sa kanina ko pang naghuhurumintadong puso.

“Kung hindi ka naniniwala sa mga sinabi ko sa ʼyo. I will prove that I am slowly falling, Andrei. Papatunayan ko sa ʼyong totoo iyong nararamdaman ko.”

Umiling na lang ako. Hindi ko siya lubos na naiintindihan. Ano ba kasing pinagsasabi niya? Hindi na lang ako diretsahin at bakit ginugulo na naman niya ang puso ko?


*****

Hindi ko alam kung ilang chapters na lang ito. Basta, malapit na tayong matapos! Salamat sa pagbabasa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top