Chapter 4

THE RUTHLESS DADDY

CHAPTER 4

---

A N D R E I


Dalawang  araw na akong nandirito sa Manila upang mamasukan at maging alipin ng batang tsanak na pinaglihi yata kay Satanas. Dalawang araw na akong halos hindi makatulog dahil para akong nag-aalaga ng sanggol na gigisingin ka sa madaling araw padedehin. Pero mas malala pa yata sa sanggol itong demonyong batang 'to!

Napaka-peaceful naman ng buhay ko sa probinsiya, not until, char! English! Ang ibig kong sabihin, ang peaceful ng buhay ko roon pero sa tuwing sumusulpot lang si Berting, nasisira na ang araw ko.

Tapos nung napunta ako rito. Hindi ko na maramdaman iyong peaceful na iyon. Nangangamba na baka i-prank na naman ako ng Demonyo rito sa mansion. Timawa talaga! Kung hindi lang ako nakapag-advance payment ng tatlong buwan, aalis talaga ako rito.

Pero ika nga ng mga kasama ko sa maganda organization, tiis ganda lang. Malalampasan din natin ang lahat. Buo pa rin naman akong naglilinis dito sa may sala, kahit na may bukol ang ulo dahil nadulas lang naman ako noong nakaraan sa banyo ni Senyorito Finley. Tiis ganda lang, kahit na gusto ko nang itapon sa kalawakan iyong batang iyon.

“HEY, UGLY FAGGOT!” Napatayo ako nang matuwid at saka umikot upang harapin ang Tsanak.

Ngumiti ako. Iyong simple lang na ngiti, ngunit makikita mo ang kaplastikan at pagtitimpi. “Ano po iyon, Senyorito?” tanong ko. Napahigpit ang hawak ko sa walis dahil iyon na lang ang nagagawa ko upang hindi ko masaktan ang Tsanak na 'to.

Naaalala ko lang naman kasi iyong bilin ng kaniyang Daddy sa akin.

Kakatapos ko lang maihatid ang pagkain ni Senyorito Finley sa kaniyang kuwarto nang tumawag si Berting sa akin.

"Hello! Bakit ka napatawag?" sagot ko rito nang ilapit ko sa aking tainga ang pinagtagpi-tagpi kong cellphone gamit ang electric tape na nabili ko sa hardware. "Gabi na, a. May problema ba, butands?"

"Drei..."

Bigla akong kinabahan dahil sa paraan nang pagkakasabi nito sa pangalan ko. Bakla! Ang husky ng boses ng butanding na 'to! Ang guwapo ng boses pero ang mukha, hindi na lang ako mag-talk.

"Ano? Hoy, bakla! Huwag mo 'kong biburuin ngayong naii-stress ang buhay ko," pagbabanta ko rito. Makikita talaga niya ang hinahanap niya kapag ginago niya ako. "Pakausap nga kay Mama nang magkasilbe ka rito sa mundo," dagdag ko pa nang hindi man lang nito nakuhang sumagot.

"I-Isinugod namin ang Mama mo sa hospital, baks. I-Inatake kasi siya at ngayon lang ako nakatawag dahil walang perang pang-load," sabi nito.

Bigla kong nabitiwan ang cellphone ko sa narinig. Tila ba sirang plaka iyong mga sinabi ni Berting na nagpaulit-ulit sa aking isipan.

Isinugod si Mama? Pero bakit? Alam ko may sakit siya ngunit hindi naman iyon malala. Impossible! Malakas si Mama noong umalis ako.

Pinulot ko ang cell phone kong nahulog sa sahig. Mabuti na lang at hindi ito nagkalasog-lasog. Matibay! Ulitin ko nga. Char!

"Baks! Ano iyon? Ano iyong malakas na tunog na iyon?!" sunod-sunod na naging tanong ni Berting nang muli akong magsalita.

"K-Kumusta si Mama?" tanong ko, imbes na sagutin ang kaniya. "Sabihin mo nasa maayos lang siyang kalagayan. H-Hindi kita mapapatawad kapag may nangyari sa kaniya!"

"Ayos lang si Tita. Ang problema lang namin ay hindi kami makalabas dahil wala kaming perang pambayad sa hospital," sabi nito.

Nakahinga ako nang maluwag nang marinig kong ayos lang sila. Ngunit kumunot ang noo ko nang malamang wala raw silang pambayad sa hospital. Sandali!

"E, 'di ba may Philhealth naman si Mama at saka may pera pang natira sa 'yo na iniwan ko?" tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi ay malaki rin ang maibabawas ng Philhealth sa gastusin sa Hospital. Pero bakit ninakaw nila iyong 15 billion?! Charut! Pero bakit, hindi sila makalabas? Naalala ko pang malaking halaga rin ang iniwan ko kay Berting para sa kanilang gastusin.

"Eh, 'teh. Nagastos ko, e." Napapikit ako't napahilot sa aking sintido. Mukhang mali talagang iwan ko ang pamilya ko sa kamay ng Butanding na 'to.

"Sige na! Patayin mo na ang tawag bago ko pa dukutin ang hininga mo via phone call! Tatawag na lang ako kapag nakapagpadala ako," sabi ko at narinig ko naman ang pag-toot ng cellphone hudyat na tapos na ang tawag.

Bumuntonghininga ako. Kung hindi lang ako mabait na nilalang, matagal nang walang buhay 'yang si Berting, e. Pero ika nga nila, na huwag nating saktan ang mga hayop dahil may batas na nakalaan para sila'y protektahan.

"What happened? Is everything okay?" Napatalon ako sa gulat at mabilis na lumingon dito. Kung saan si sir Henry ay nakatayo't seryosong nakatingin sa akin.

Bigla akong napalunok. Balot na balot ito ng kaniyang three piece suit na bagay na bagay sa kaniya, lalo na iyong salamin niya sa mata at iyong bitbit niyang briefcase. Hindi ko tuloy maiwasan na isiping gumaganap siya sa mga porn movies na pinapanood ng mga bata sa computer shop sa amin.

"Are you done checking me out?" sunod naman nitong tanong kahit hindi ko pa nasasagot ang una. Mabilis naman akong napabalik sa ulirat ko't umiwas ng tingin.

"A-Ahm. W-Wala po," sagot ko.

"Make sure to do your job properly. Ayaw kong nakikipagtawagan ang mga empleyado ko sa oras ng kanilang trabaho," anito at narinig ko na lang ang mga yapak ng kaniyang mga paa papaalis.

Ano raw sabi niya? Nakikipagtawagan sa oras ng trabaho? Sa pagkakaalam ko, tapos na ang trabaho ko. Dapat nga ay mahimbing na akong natutulog ngayon dahil napakain ko na ang anak niya. Ginagawa ko rin naman ng tama iyong trabaho ko. Tinitiis ko iyong kademonyohan ng anak niya.

Napapikit ako nang mariin dahil sa panggigigil. Humugot ako nang malalim na hininga at saka tumingin sa dereksiyon kung saan siya tumungo. Naglakad ako papalapit sa kuwarto nitong nakarasado na't nanginginig ang kamay na kumatok doon.

Hindi naman nagtagal ay bumukas ang pinto at sa likod nito'y ang nakatayong si sir Henry ang bumungad sa akin. Sunod-sunod akong napalunok nang hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang kaniyang kabuuan. Ang bilis naman nitong maihubad ang kasuotan niya kanina't tanging tuwalya na lang ang nakabalot sa kaniyang pang-ibabang katawan.

Napakabastos naman! Ba't hindi pa hinubad ng tuluyan.

"You're drooling Mr. Arellano."

Mabilis akong tumalikod at pasimpleng pinunasan ang labi ko. Shuta! Naglalaway nga ako! Papaano ba naman kasi, ang sarap ng nasa harapan ko?

"What do you want?" tanong nito nang hindi ako humarap sa kaniya.

Dahan-dahan akong humarap at yumuko ngunit sa nakabukol sa harapan niya ako napatingin. Kaya mabilis kong iniangat ang tingin ko upang salubungin ang kaniyang  mga mata. Nakakalusaw!

"S-Sir, p-puwede pong mag-advance ng sahod?" Nagkatitigan kaming dalawa. Wala akong nakikitang ibang emosiyon sa mga mata nito kundi ang seryosong mga titig lang.

"How much do you want?"

"Talong buwang sahod po sana. H-Huwag po kayong mag-aalala, h-hindi ko po kayo tatakbuhan. Hindi po ako investment scam, like Kappa." Nakuha ko pang magbiro sa lagay kong 'to.

"Are you sure that you could do your job properly and you will never leave my son?" Sunod-sunod akong tumango.

"Kahit po demonyo ang anak niyo--" Mabilis akong napatigil. "A-Ang ibig ko pong sabihin, kahit na po makulit si Senyorito ay hinding-hindi po ako aalis dito. Itong trabaho na lang pong ito ang makakapitan ng pamilya ko."

Shuta! Muntik ko nang mailaglag ang sarili ko sa harapan ng Amo ko. Baka paluhurin ako nito sa harapan niya. Tapos pagsisipa-sipain. Pero bakit wala pa ring emosiyon sa kaniyang mga mata?

"I'll hold on to your promises that you'll take care of my son, no matter how he treats you. I want you to do your best to changed him," sabi nito.

Tumango lang ako kahit 'di ko lubos na naiintindihan iyong sinabi niya. Changed daw? Papaanong papalitan? Ng damit ba?

--

"HOY BAKLANG PANGET! I AM CALLING YOU, STUPID!" Napabalik ako sa reyalidad nang muli kong marinig ang matinis na boses ni senyorito Finley. Malapit na ito sa puwesto ko't masamang nakatingila sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Ano bang kailangan mo, hah? Kita mo nang naglilinis ako rito?"

"Taste this." Ngayon ko lang napansin na may hawak-hawak pala siyang plato na naglalaman ng kung ano'ng klase ng pagkain. "I made this," dagdag pa niya.

Umatras ako nang kaunti. "Baka may lason 'yan. Ikaw na lang tumikim. Naku! Kilala kitang bata ka! Baka patayin mo 'ko kasi hindi ka makukulong. 'Wag ako, okay?!"

Ano'ng akala niya sa akin? Nagpapaloko? Excuse me! Hindi ako madaling lokohin. Alam ko na galawan ng Demonyong 'to. Sapat na sa akin ang samut-saring paghihirap ko habang inaalagaan siya.

Tinaasan ko siya ng kilay ngunit nagulat ako nang biglang lumungkot ang mukha nito. Na tila ba pinagbagsakan ng langit at lupa. At para na siyang maiiyak. Kaya bigla akong nataranta at walang pagdadalawang isip na kinuha iyong puting bilog na parang cookies sa plato niya't isinubo iyon.

Napapikit akong tinikman ang dala-dala nito. Hindi ko muna kinagat at tamang dila muna ang ginagamit ko. Nang malasahan ko ang parang harina ay napanatag ang loob kong walang kakaiba rito at simpleng pagkain lang ito. Kaya kinagat ko iyon, na sana'y hindi ko na lang ginawa dahil mabilis na sumabog sa bibig ko ang anghang.

Napangiwi ako't mabilis na naidura ang pagkain. Napatalon-talon at parang aso na inilabas ang dila dahil sa sobrang anghang. Putacca!

Narinig ko na lang ang pagtawa ni senyorito Finley at mabilis na tumakbo papaakyat sa ikalawang palapag.

"Pakyo kang bata kaa!" sigaw ko bago mabilis na tumakbo papuntang kusina upang maghanap ng asukal.

Shuta! Ang anghang! Halos sumabog ang ulo ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top